THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST
Pero sa kabila ng galit, sa kabila ng hindi niya matanggap na nagbunga ang relasyon ng anak niya kay Divine… may isang pakiramdam na hindi niya inaasahan.
Excitement.
Dahil alam niyang sa pagkakataong ito, hindi na basta anak niya ang pinoprotektahan niya. May apo na siyang kailangan isipin.
Ilang araw ang nakalipas, nakahiga si Divine sa kama, mahigpit na hawak ang kamay ni Adrian habang tahimik silang nag-uusap tungkol sa biglaang pagbabago sa kanilang buhay. Sa kabila ng lahat, unti-unti niyang tinatanggap ang katotohanan—hindi na lang ito tungkol sa kanila. May isang bagong buhay na paparating.