My Husband, You'll Never Get Us Back
Pinakasalan siya para sa posisyon.
Iniwan para sa ibang babae.
At ngayon, gusto siyang balikan.
Buong pusong minahal ni Selene ang asawang si Lucien Alcantara kahit malamig ang pakikitungo nito at laging inuuna ang trabaho. Akala niya ay sapat na ang pagmamahal niya para maging masaya ang kanilang pagsasama.
Hanggang sa isang gabi, nalaman niya ang totoo.
Ginamit lang pala siya ni Lucien para makuha ang gusto nito sa pamilya.
Sa loob ng limang taon, tahimik na tiniis ni Selene ang sakit habang mag-isang itinago at pinalaki ang anak nilang si Alessia.
Pero sa pagbabalik ni Lucien mula New York, muling magugulo ang kanyang buhay.
Dahil hindi lang ito bastang bumalik—may kasama itong babaeng buntis at balak pang patirahin sa kanilang tahanan.
Habang unti-unting nabubunyag ang mga sikreto at kasinungalingan, mapoprotektahan pa kaya ni Selene ang anak?
O darating ang araw na maaagaw ni Lucien ang tanging dahilan kung bakit siya patuloy na lumalaban?