Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG

UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG

Dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig, nakipagkasundo si Leina Valencia sa kanyang sariling ninong. Si Emil Vergara, isang lalaking seryoso, nasa kwarenta na ang edad, at hindi niya kailanman inakalang magiging parte ng puso niya. Isang peke lang sana ang kasunduan nilang kasal at walang halong damdamin. Pino-protektahan siya ng kanyang Ninong Emil mula sa taong gumawa ng masama sa kanyang buong pamilya. Ngunit habang tumatagal, unti-unti niyang naramdaman ang kakaibang damdamin sa puso niya. Hanggang sa isang araw, may natuklasan si Leina ang isang madilim na lihim na matagal nang tinatago ni Emil. Isang katotohanang babago sa lahat ng akala niyang totoo. Paano kung ang lalaking minahal na niya ay siya ring magwawasak sa kanya? At, paano niya matatanggap ang isang relasyon na kasuklam-suklam?
104.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 140 Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
Love You in Contract

Love You in Contract

"No feelings involved, Kontrata lang." Malinaw iyon kay Pristenna Raye Zorajero at Stefano Ryl Ignacio. Magpapakasal sila para sa parehong interes, kapag nakuha na nila ang mga ito ay tatapusin na nila ang pekeng kasal. Ngunit paano kung sa gitna ng kasunduan ay may tumubong damdamin? Sa gitna ng pangangailangan ay may kumislap na pag-ibig. Kaya kaya nilang harapin ang damdamin o pipiliin pa rin nila ang hindi matapos-tapos na responsibilidad?
347 viewsOngoingIdinagdag sa Library 12 Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
MY UNEXPECTED LOVE

MY UNEXPECTED LOVE

Dahil sa kagustuhang makuha ang posisyon at ang kumpanya, lihim na nagpakasal sina Ezra at Daryll sa tulong ng kaibigan at pamangkin ni Daryll na si Angel. Sa simula isa lamang itong kasunduan, ngunit kalaunan unti-unting umusbong ang damdaming hindi nila inaasahan. Napuno ng saya at pagmamahalan ang kanilang pagsasama, at halos perpekto na ang lahat. Ngunit paano kung may isang taong magbabalik mula sa kanilang nakaraan? Makuha pa kaya nilang magsama ng maayos at tahimik? TUNGHAYAN!!
10321 viewsOngoingIdinagdag sa Library 9 Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
Spare Love

Spare Love

“Paano kung ang mahal mo… ay hindi ka kailanman pipiliin?” Si Dianne ay isang doktor na handang gawin ang lahat para makuha ang pagmamahal ni Jerome. Sinundan niya ito sa ibang bansa, isinugal ang lahat para sa isang pag-ibig na hindi sigurado. Ngunit sa bawat halik, bawat yakap, at bawat salitang “I love you”—alam niyang may ibang pangalan ang sinisigaw ng puso nito. At ang pangalang iyon… ay hindi kanya.
796 viewsOngoingIdinagdag sa Library 23 Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
The Good Deceiver

The Good Deceiver

Penn
After losing her twin sister, Amarie Cielo Torres has to pretend as Amber Michaella. And that includes marrying the CEO, Blaze Damon Castro. Will Amarie success of deceiving everybody in Amber's life? Without them knowing the truth she was hiding all along? Paano kung magkatotoo ang lahat ng nararamdaman niya? At mangyari ang mga bagay na hindi inaasaha'ng mangyayari? Will she survive doing the task pf existing in Amber's life? And being the wife of the CEO? Without falling with her own game of deceiving
103.4K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 127 Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
The Billionaire's Abandoned Wife

The Billionaire's Abandoned Wife

Nang dahil sa isang gabi ng pagkakamali, sapilitang ipinakasal si Diana Saavedra sa lalaking kanyang pinakamamahal na si Nick Gutierrez. Na siyang nagpangyari upang tuluyang mamuhi si Nick sa kanya. Pagkatapos ng kanilang kasal, iniwan siya nito at nanirahan sa ibang bansa kasama ang babaeng itinatangi nito. Nang pumanaw ang abuelo ni Nick, muli itong bumalik sa bansa upang tuparin ang huling habilin ng abuelo, ang magsama sila ni Diana sa iisang bubong at bumuo ng pamilya. Noong una, hindi magawang pakisamahan ni Diana ang kalupitan ni Nick sa kanya, lalo pa at laging nakapagitan ang babaeng tunay na iniibig ng asawa. Nagtiis siya, sa pag-aakalang sa huli, magagawa rin siyang mahalin ng asawa. Subalit dahil sa isang kasinungalingan, napilitang umalis si Diana at tuluyang ibigay ang kalayaan ni Nick sa pamamagitan ng annulment. Kasabay niyon ang kanyang pagtuklas sa tunay niyang pagkatao. Makalipas ang limang taon, sa di inaasahang pagkakataon, muli silang nagkita ni Nick. Lalong tumindi ang pagkamuhi nito sa kanya at pinipilit siya nitong makisama rito dahil hindi raw ito sumang-ayon sa annulment at ito pa rin ang legal niyang asawa. Paano muling pakikisamahan ni Diana ang galit ni Nick? Paano kung muli siyang mahulog dito sa kabila ng kalupitan nito? At higit sa lahat, paano niya hihilingin nang tuluyan ang kalayaan niya rito kung… mayroon silang anak na lihim niyang dinadala nang iwan niya ito? Isang anak na siyang susi upang makuha ni Nick ang kabuuan ng mana nito.
10595.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 17.9K Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
The Substitute Mrs. Craig

The Substitute Mrs. Craig

Paano kung ang babaeng pinakasalan mo ay matutuklasan mong isa lamang impostor? Kambal Sina Janice at Jasmine. Nang bumalik si Denver sa Pilipinas ay pinakasalan nito ang inaakala niyang kasintahan na si Janice. Ngunit matutuklasan niyang ang kakambal nitong si Jasmine ang nagpanggap na si Janice at ito ang pinakasalan niya. Ang totoong Janice ay nabuntis ng ibang lalaki. At nakipagsabwatan si Jasmine sa kakambal para matustusan ang pangangailangan ng buong pamilya nito lalo na ang amang may sakit. In short, niloko at pinaglaruan siya ng kambal! Ngunit hindi iyon maaring malaman ng buong pamilya ni Denver kung hindi ay maaapektuhan ang posisyon niya sa kompanya bilang CEO. Kaya inilihim niya ang totoo sa kanyang pamilya at ibang tao. Ang nararamdamang pag-ibig para sa asawa ay nauwi sa pagkamuhi. Tiyempo namang muling bumalik sa buhay niya si Rosemarie, ang kanyang first love. Ipinagtapat niya kay Rosemarie ang lahat at unti-unti ay nagiging malapit silang muli sa isa't-isa. Ngunit habang tumatagal ay narerealize niyang mahal na mahal na niya si Jasmine. Pero paano niya mamahalin ang babaeng pera lamang niya ang habol sa kanya? Habang si Jasmine naman ay nainlab na ng todo kay Denver ngunit paano paniniwalaan ni Denver na tapat ang pag-ibig niya rito lalo pa at sirang-sira na ang pagkatao niya sa paningin nito? Idagdag pang ginugulo ang utak niya ni Damian. Ang pinsan ni Denver na handa siyang tanggapin ano man ang kasalanan at pagkatao niya. Ngunit sa huli, ang pag-ibig pa rin ni Denver ang pipiliin niya.
1090.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.3K Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
Bon Appetit

Bon Appetit

Sa mundo ng mga trillionaire, hindi sapat ang pera upang makuha ang lahat—ngunit para kay Fortuna Han, isang pastry chef na lumaki sa simpleng buhay, kaya niyang gawin ang lahat, kahit pa ito’y maging kasalanan, basta’t mapasakanya ang lalaking matagal na niyang minamahal. Si John Tan, isang brilliant, CEO ng isang IT company, cold-hearted computer engineer at tagapagmana ng pinakamalaking business empire sa bansa, ay may isang pangakong kailangang tuparin—ang mapangasawa si Senyora Abedida, ang tanging babaeng tinatangi niya simula high school. Ang mundo nila ay naaayon sa isa’t isa, at walang puwang para sa isang babaeng tulad ni Fortuna. Ngunit hindi iyon naging hadlang kay Fortuna. Sa isang mapanganib na laro ng pag-aakit, pagsisinungaling, at panlilinlang, ginawa niya ang lahat upang maagaw si John mula kay Senyora. At nang tuluyan niyang nakamit ang lalaking matagal na niyang inibig, isang hindi inaasahang rebelasyon ang bumulaga sa kanya—matagal na palang nakatakda ang kasal nila ni John dahil sa isang arranged marriage na pinlano ng kanilang mga pamilya noon pa man. Dahil sa galit at panlilinlang, si John ay napilitang pakasalan si Fortuna sa ilalim ng isang kontrata—dalawang taon lamang silang magiging mag-asawa, at pagkatapos noon, tuluyan na siyang mawawala sa buhay nito. Para kay John, ito ay isang laro ng kapangyarihan. Para kay Fortuna, ito ang katuparan ng kanyang pangarap. Ngunit paano kung sa gitna ng kasunduang ito, may isang gabi ng kapusukan ang tuluyang magtatali sa kanila magpakailanman? Paano kung ang babaeng itinuring niyang mang-aagaw ay siyang magbibigay sa kanya ng bagay na hindi niya kailanman inakala—isang anak? At paano kung sa paglipas ng panahon, ang malamig na poot at galit ni John ay unti-unting mapalitan ng isang damdaming pilit niyang nilalabanan? Si Senyora Abedida, na hindi kailanman papayag na maagaw si John nang ganoon lang.
103.8K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 152 Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE

SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE

Si Margo, 22 anyos at nakapagtapos ng secretarial course ,iginapang ang sariling pag-aaral. Nag-iisang siyang anak sa pagkadalaga ng kanyang inang anak mahirap din. Ipinapangako niya sa sarili na itataguyod niya ang mga nakakabatang kapatid sa hirap at pag-aaralin ang mga ito. Ibininta siya nito sa isang mayamang lalake upang matubos ang malaking pagkakautang nila dahil sa pagkalulong ng ina at amain niya sa sugal. Dahil sa poot at galit sa ina ay naggawa niyang magpakalunod sa alak sa bar at natagpuan niya na lang ang sarili isang umaga sa isang hotel room na hubo't hubad at naipagkaloob niya na ang sarili sa estrangherong lalake dahil sa kalasingan. She escaped from that stranger man who took her virginity at dahil nga wala na ang iniingatang puri ay nakiayon na rin siya sa ina na maging pambayad utang. Sa gabing makakaharap niya na ang mayamang lalake ay napag-alaman niya na ang estrangherong lalake na nakaangkin sa kanya ay walang iba kung hindi si Marco Sullivan, ang mayamang lalake na pinagkakautangan ng kanyang ina at amain.Paano na lang kung higit pa sa isang gabing pambayad utang ang gusto ni Marco sa kanya? Gagawin siya nitong sekretarya sa kumpanya nito.Higit pa pala dahil gagawin siya nitong alipin ng araw-araw nitong libog at pagnanasa.Matatakasan niya kaya ang isang Marco Sullivan na isa pa lang arrogant monster? Paano na lang kung ang tingin pala sa kanya ni Marco ay isa lamang laruan at pampalipas oras.Mababago pa kaya ang kapalaran ni Margo kung ang pag-ibig sa puso niya ang pakikinggan niya lalo ng malaman niyang nagbunga ang maraming beses na nangyari sa kanila ni Marco? Paano kung malaman niyang may fiancee na pala ito? Handa kaya siyang ipaglaban ang karapatan ng magiging anak nila ni Marco?
193 viewsOngoingIdinagdag sa Library 7 Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
My Billionaire Boss Forgot Our First Night

My Billionaire Boss Forgot Our First Night

Dahlia hated her arrogant boss. Sinusumpa niya ang pagiging masungit at magagalitin nito. She promised herself that she wont date anyone like him. Ngunit tila pinaglalaruan siya ng pagkakataon, isang gabi, natagpuan niya na lang ang sarili na nasa kama kasama ang lalaki. At kung may mas magulo pa sa impormasyon na may nangyari sa kanila. Iyon ay ang tila siya lang ang nakakaalala ng nangyari. Kahit anong gawin niya ay tila ba burado sa memorya nito ang gabing may nangyari sa kanila. At ang mas nakakainis pa ay ito rin ang unang nakaalam na tis siya. nagdadalang tao siya. Paano niya sasabihin sa lalaki ang nangyari sa kanila at ipapakilala ang anak niya rito kung wala itong maalala?
9.7492 viewsOngoingIdinagdag sa Library 9 Beses bilang eh paano kung
Read
+Library
PREV
1
...
4041424344
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status