Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire
Isang pagkakamali ang naghatid kay Yanna del Valle sa isang di-inaasahang gabi. Isang estranghero ang napag-alayan niya ng kanyang sarili. Nang magising ay saka niya napagsino ang lalaking umangkin sa kanyang pagkabirhen. Walang iba kundi ang batang Banking Magnate na si Alessio Vann Dimarco, matipuno ngunit ubod ng lamig kung makitungo. Nais man niya itong iwasan ngunit tila ang kilalang bato at isang malamig na CEO ay hindi siya tinatantanan. Hanggang sa dumating ang araw na siya naman ang lumapit dito upang makipagkasundo. Isang kasunduan na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Inalok niya ito ng kasal upang makuha ang bagay na nararapat para sa kanya, ang yaman na pilit inaangkin ng pangalawang pamilya ng kanyang ama. Ngunit ang kasunduang ito ay higit pa sa kanyang inaasahan. Naroon ang bukas na walang kasiguraduhan at mga tagpong nagpapasabik nang husto sa kanyang puso.
"Marry me, Mr. Dimarco. After a year, let's file an annullment. Iyon lang ang hinihingi ko."
"Hmm... Sa tingin mo ba'y gano'n lang kadali ang hinihingi mo? Dimarcos don't do that, my butterfly." Agad na lumapit ang si Alessio kay Yanna hanggang sa makulong siya sa pagitan ng desk at ng matipunong katawan nito. "I make the rules here. That includes the time when to dispose of you..." bulong nito.