Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge

Chasing the Ex-Girlfriend: The Lawyer’s Sweet Revenge

Anim na taon ang nakalipas nang walang-awang hiniwalayan ng mayamang si Celine Villareal ang scholar na si Jaxson De Silva. Ngayon, nagkabaliktad na ang ikot ng mundo. Si Celine ay naghihirap at baon sa utang mula sa isang mapang-abusong pagsasama, habang si Jax ay isa nang tanyag at makapangyarihang abogado. Muli silang pinagtagpo ng tadhana nang si Jax ang naging tanging pag-asa ni Celine upang makalaya. Malamig ang trato ng abogado at puno ng sumbat ang bawat salita, tila ipinamumukha na ang pagdurusa ng babae ay kabayaran sa nakaraan. Ngunit sa likod ng maskara ng poot, nagliliyab pa rin ang dating damdamin. Nang tangkain ni Celine na lumayo, gumuho ang pagpipigil ni Jax. Hindi siya nagbalik para manisi, kundi upang siguraduhing hindi na ito muling mawawala. Ang poot ay isa lamang mapanganib na anyo ng pagnanasa.
Romance
131 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Pretend Bride

The Billionaire's Pretend Bride

chantal
Si Luke Andersons, isang bilyunaryo sa sektor ng luxury real estate, ay nasa ilalim ng matinding pressure na patatagin ang legacy ng kanyang pamilya. Nang makilala niya si Pia Barrington, isang waitress na may mga pangarap na maging chef at nahaharap sa mga kagyat na problema sa pananalapi dahil sa mga bayarin sa medikal ng kanyang lola at mga bayarin sa kolehiyo ng kanyang kapatid, ang kanilang buhay ay nagsalubong sa isang hindi inaasahang paraan. Si Luke ay nagmungkahi ng isang pekeng kasal kay Pia, na nag-aalok sa kanya ng pinansiyal na seguridad bilang kapalit ng kanyang tulong sa kanyang kinakailangan sa mana. Habang nilalalakbay nila ang kanilang pagpapanggap na relasyon, ang tunay na damdamin ay nagsisimulang lumitaw, na naglalagay ng kanilang kaayusan sa pagsubok. Ang kanilang gawa-gawang pagsasama ay magiging isang tunay na kuwento ng pag-ibig, o ang kanilang mga indibidwal na pakikibaka ay maghihiwalay sa kanila?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Bittersweet Mistake

My Bittersweet Mistake

Si Marion Yuna "Mayu" Selvestre ay bunga ng isang kataksilan. Uhaw sa pag-ibig ng mga magulang. Walang hiniling ang dalaga kun'di maging parte ng pamilya ng kanyang Tatay o Nanay. Ngunit iyon ay naging mas malabo matapos siyang mapiling fiancée ng isang kilalang bilyonaryo na parehong gusto ng kanyang mga kapatid. Hindi iyon matanggap ng kanyang mga magulang sapagkat maging ang mga ito ay naghahabol sa bilyonaryo. At mas lalo pang lumabo ang kanyang kahilingan nang siya ay mabuntis dahil sa isang gabing pagkakamali. Sa takot na ito ay ipalaglag ng kanyang mga magulang at sa takot na malaman ng lalaki na siya ay nagdadalang tao, nagawa niyang lumisan sa kinagisnang lugar at magpalipat-lipat pa sa tuwing siya'y nahuhuli nito. Takot man sa buhay ay mas takot si Mayu na kuhanin sa kanya ang anak ng tuso at tinuturing niyang halimaw na si Aldo Hendrix Castellanos.
Romance
1073.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Taming The Arrogant Boss (SPG)

Taming The Arrogant Boss (SPG)

Isang alipin ang turing kay Bea ng kaniyang tiyahin at pinsan. Ang sinasahod niya sa pinapasukan niyang karinderya ay sa kanila lang napupunta. Hindi na niya kinaya pa ang pang-aalipin ng mga ito sa kanya kaya humanap siya ng trabaho at natanggap siya bilang isang caregiver ng isang aroganteng binata. Magagawa niya kayang habaan ang pasensya niya sa binatang ito na magiging sakit ng kanyang ulo? Paano kung malaman niyang sinasadyang inisin siya ng binata para makuha ang kanyang loob?
Romance
3.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Lovin' My Enemy's Daughter

Lovin' My Enemy's Daughter

'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.' Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil sa kagagawan ng isang baliw na lalaki. Nasaksihan niya ang paghihirap ng kapatid dulot ng hindi karaniwang sakit nito. Masakit at mahirap makitang nasa ganoong kalagayan ang kanyang kapatid at habang lumalaki siya ay may namumuong galit at paghihiganti sa puso niya sa taong gumawa noon sa kanyang Ate Caren. Hanggang sa lumipas ang mga taon at dumating sa buhay niya ang isang babaeng kayang palabasin ang lahat ng nakatagong emosyon sa loob niya. Sa unang beses na masulyapan pa lang niya ang magandang mukha ng dalaga ay nagawa nitong buhayin ang lahat-lahat sa kanya kasama na doon ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. At doon pa lang ay itinatak na niya sa kanyang puso't isipan na pagmamay-ari niya ang babaeng nagngangalang Vanessa Joy Gayla. Pero paano kung dumating ang panahon na malaman niyang ang babaeng kinahuhumalingan niya ay anak pala ng taong kanyang kinasusuklaman? Paano niya maisasakatuparan ang paghihiganting nabuo sa kanyang isipan? Isang magandang pagkakataon na para maging sandata niya ang dalaga laban sa ama nito. Pero kaya nga ba niyang gamitin ang dalaga na sa simula pa lang ay walang ng ibang ginawa kun'di ang mahalin at pagsilbihan siya? Kaya ba niyang saktan ang babaeng nagmamay-ari na ng puso, isipan at katawan niya? Matuto pa rin kaya siyang magpatawad kung alam niyang habambuhay na nagdudusa ang kapatid niya dahil sa kagagawan ng ama nito? Alin ang pipiliin niya? Pagmamahal o paghihiganti?
Romance
1013.0K viewsCompleted
Read
Add to library
CEO'S TWO YEARS CONTRACTED WIFE

CEO'S TWO YEARS CONTRACTED WIFE

Hindi kailanman inakala ni Alexandra na magiging bahagi ng isang kasal ang kanyang buhay. Dalawa lamang ang mahalaga sa kanya, pamilya at trabaho. Kaya nang alukin siya ng kanyang boss na magpakasal, matigas niyang tinanggihan. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magtutulak sa kanya na tanggapin ang kakaibang alok, maging pekeng asawa ng kanyang boss sa loob ng dalawang taon. Paano kung sa paglalaro ng puso at propesyon, ang kasinungalingan ay magdala ng tunay na damdamin?
Romance
174 viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage With The CEO

Contract Marriage With The CEO

Walang ibang hinangad si Leil Hidalgo kung hindi ang mabigyan nang maayos at matiwasay na buhay ang kanyang pamilya, lalong-lalo na ang kanyang kapatid. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay biglaang naglaho, pati na rin ang kanyang pinakaiingatang trabaho. Kasabay ng kanyang paglugmok ay ang pagbabalik ni Roscoe Villafuerte, ang kaniyang dating kaibigan. Siya ang may-ari ng pinakamalaking construction company sa buong Pilipinas. Sa kanilang pagkikita, umusbong ang galit na mayroon si Roscoe kay Leil at dahil nasisiguro niyang nangangailangan ng pera ang babae, inalok niya ito ng kasal, kapalit ng bagay na sigurado siyang hinding-hindi matatanggihan ng babae.
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Wedding Scammer

Ang Wedding Scammer

Nagscroll ako sa reddit ng napadaan ako sa post na naghahanap ng payo. Sabi ng poster na meron siyang HIV pero tinatago ito mula sa kanyang fiancee. Ang post ay merong libong mga like. Naintriga, pinindot ko ito para magbasa pa. Ng dumadaan ako sa mga detalye, napagtanto ko—bakit ang paglalarawan ng fiancee ay pareho ko?
Short Story · Romance
1.1K viewsCompleted
Read
Add to library
HIS SECRET BLUEPRINT

HIS SECRET BLUEPRINT

SYNOPSIS: ​Matapos mahuli ang masakit na pagtataksil ng kanyang asawang si Mark, gumuho ang mundo ng simpleng guro na si Liza. Sa gitna ng kanyang paghihinagpis, isang lalaki ang dumarating para saluhin siya—si Julian Valderama. ​Si Julian ang kagalang-galang na arkitekto na tumayong Ninong sa kasal nina Liza at Mark. Ngunit sa likod ng kanyang mga blueprint at malawak na koneksyon, may itinatago siyang madilim na sikreto: siya ay isang bilyonaryong kumikilos sa anino, at matagal na niyang pinaplano ang pag-angkin kay Liza. ​Habang dahan-dahang sinisira ni Julian ang pamilya Reyes bilang ganti sa pananakit nila kay Liza, pilit namang kumakapit si Mark sa kapangyarihan. Sa desperasyon, nakipag-alyansa si Mark sa underground kingpin na si Hector—ang tiyuhin ng kanyang ambisyosang kabit na si Cindy. ​Sa gitna ng digmaan ng legal na kapangyarihan at madilim na operasyon, kailangang mamili ni Liza: mananatili ba siya sa wasak na pundasyon ng kanyang nakaraan, o susuko siya sa mapanganib at mapang-angking proteksyon ng lalaking matagal nang bumuo ng blueprint para sa kanyang puso?
Romance
61 viewsOngoing
Read
Add to library
Hired As My Boss’ Sex Slave

Hired As My Boss’ Sex Slave

“You don't need money or connection here. You'll be hired. You just have to accept my condition and do your work well.” ‎ ‎Hindi lubos maisip ni Nickolas na isa sa kasamang kondisyon ng trabahong nahanap niya ay ang magbigay ng sarap sa kanyang amo sa tuwing kailangan niya ito. ‎ ‎He was hired to be his boss sex slave. ‎ ‎Hindi naman mahirap gawin para sa tulad niyang mahilig makipaglaro ng apoy, hindi lang siya sanay na ang sa kanya'y past time lang dati ay magiging obligado siyang gawin. ‎ ‎Pagkatapos ng ilang sandali ng pag-iisip at pagtitimbang sa mga bagay-bagay, napagdesisyonan niyang pumayag sa trabaho lalo na't nangangailangan siya ng malaking halaga para sa operasyon ng babaeng isa sa pinakamahalagang parte ng buhay niya. ‎ ‎Dahil sa desperasyon sa pera upang madugtungan ang buhay ng taong mahalaga sa kanya, pinili niyang tanggapin ang hindi pangkaraniwang alok na unti-unting babago at magpapagulo sa buong buhay niya. ‎ ‎Sa paanong paraan ba nito babaguhin ang ikot ng mundo niya?
Romance
1022 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status