Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO
Kaya nang makita niya si Brent Esguerra, ang boss niyang walking red flag, isang delikadong plano ang nabuo, pakasalan ito para kunin ang mana, at hiwalayan pagkatapos.
Sa mundong puro kasinungalingan ang panimulang sumpaan, sino ang talo at panalo?
Ang Simula
Sa glass-walled conference room ng Timeless Tower, kumislap ang mga camera flash habang pinipirmahan ang huling dokumento, ang pinakaimportanteng papel na matagal nilang pinagpaguran para sa merging ng Timeless Essence at Eternity Perfume.
“Congratulations, Ms. Rosales,” sabi ng isang director ng Timeless.