BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)
Sa unang pagkikita pa lamang ay may kung ano nang tumama kay Dave. Isang damdamin na tanging kay Jade lamang niya naramdaman. Love at first sight ba iyon? Hindi siya sigurado. Pero may isang bagay na tiyak: gusto niyang protektahan ang dalaga. At magagawa lang niya iyon kung palagi siyang magiging malapit kay Jade.
Isang kontrata ang nagbigay-daan para matupad ang hangaring iyon. Isang kontratang walang bahid ng emosyon. Kaya lang, habang tumatagal at habang mas nakikilala niya si Jade, bakit parang handa siyang magbayad nang kahit gaano kalaki, mahalikan lamang ito? At sa huli, iyon din ang nangyari. O baka mas tama kung sabihing ang nasunod ay ang kagustuhan ng kaniyang puso at hindi ang nakasulat sa kontrata.