Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Married into His Billion-Dollar Life

Married into His Billion-Dollar Life

Isang ordinaryong babae si Trina, anak sa labas ng isang prominenteng pamilya, na hindi kailanman inasahan na magiging sentro ng isang nakakagulat na sitwasyon: nagkaroon siya ng marriage certificate na nagpapakita na kasal na siya… sa isang lalaki na hindi niya kilala — si Luke Montenegro, ang misteryosong heir ng pinakamayamang angkan sa mundo. Habang sinusubukan ni Trina na alamin ang katotohanan, natuklasan niya ang masalimuot na relasyon ng kanyang pamilya sa mga Montenegro, at kung paano siya itinuturing na walang karapatan kumpara sa kanyang kapatid na si Gabriela, na nakatakdang pakasalan si Xander Montenegro, ang panganay ng pamilya. Sa gitna ng mga intriga, bulung-bulungan, at paninibugho ng pamilya, napilitang makipag-ugnayan si Trina kay Luke, na sa unang tingin ay malamig, misteryoso, at makapangyarihan. Ngunit habang nagkakaroon sila ng hindi inaasahang koneksyon, lilitaw ang tanong: maaari bang mabuo ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong napagbuklod ng tadhana sa pinaka-kakaibang paraan? Punong-puno ng drama, misteryo, at romantikong tensyon, ang kuwento ay sumusubok sa hangganan ng pamilya, kayamanan, at kung paano hinaharap ni Trina ang kanyang kapalaran sa piling ng isang lalaking hindi niya inaasahan.
474 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as flash fiction short story
Read
+Library
Nabaliw Ako Dahil sa Kasinungalingang Brain-dead Ang Anak Ko

Nabaliw Ako Dahil sa Kasinungalingang Brain-dead Ang Anak Ko

Pagkatapos ideklara ng doktor na brain dead ang anak kong si Mia Powell, kinumbinsi ako ng asawa kong si Liam Powelle na pirmahan ang organ donation consent form. Kasalukuyan ako noong nalulunod sa pagdadalamhati at malapit na ring mawala ang katinuan sa aking isipan. Dito ko aksidenteng nadiskubre na ang doktor ng aking anak na si Blair Lincoln ay ang dating kasintahan ng aking asawa. Nagsinungaling sila sa pagiging brain dead ni Mia para pirmahan ko ang form at makuha ang puso nito na kanilang gagamitin para mailigtas ang anak ni Blair na si Sophia. Pinanood ko ang pagsundo ni Liam kay Sophia sa ospital. Nakangiting umalis ang mga ito para bang isa silang perpekto at masayang pamilya. Nang kumprontahin ko ang mga ito, agad nila akong itinulak para mahulog mula sa isang building na siyang ikinamatay ko. Nang mabigyan ako ng ikalawang pagkakataon, bumalik ako sa araw kung kailan ko dapat pirmahan ang organ donation form. Tahimik akong nangako habang tinititigan ko ang nakahigang si Mia kaniyang hospital bed. Buhay ang sisingilin ko sa lalaking iyon at sa ex nito nang dahil sa ginawa nila kay Mia.
1.2K viewsCompletedAdded to Library 38 Times as flash fiction short story
Read
+Library
FATED TO BE MINE

FATED TO BE MINE

SEVI ALVARO STORY ----- Dahil sa matinding pangangailangan ay gumawa ng isang napakalaking desisyon si Addie, ang sumali sa isang auction. She was bought for ten million for just a night, ngunit hindi niya akalain na iyon ang magiging dahilan ng pagbabago ng buhay niya. A month later, she found out that she is pregnant. Dahil hindi niya naman kilala kung sino ang lalaking iyon ay binuhay niya ang mga batang mag-isa at umuwi sa kanilang probinsya. Not until four years later ay napilitan siyang muling bumalik sa siyudad para mag-apply ng trabaho sa isang malaking kumpanya. "Your voice seems familiar." sabi ng lalaking nasa harapan niya, walang iba kundi ang lalaking iyon noong gabing iyon— ang ama ng mga anak niya. "I-I'm sorry sir, this is the first time we've met." pagsisinungaling niya. Ang just like that, natanggap siya bilang sekretarya nito ngunit paano niya itatago ang katotohan dito na siya ang babaeng napakatagal na pala nitong hinahanap? ---- "Ang tagal kitang hinanap at ngayong natagpuan na kita, sa tingin mo ba ay pakakawalan pa kita?"
1011.8K viewsOngoingAdded to Library 423 Times as flash fiction short story
Read
+Library
Muling Pagsusulat ng Iskandalo

Muling Pagsusulat ng Iskandalo

May nag-post ng pagtatapat ng pag-ibig para sa akin sa confession wall ng college. Pero nag-iwan ang nobyo ng kahati ko sa kwarto ng komentong nakipagtalik na ako sa bawat lalaki sa campus. Galit na galit ako at handa nang tumawag ng pulis. Nagmakaawa ang kahati ko sa kwarto na patawarin ang nobyo niya, nangangakong uutusan niya itong manghingi ng paumanhin sa confession wall. Pero bago dumating ang paumanhin na iyon, isang sensitibong video ang nagsimulang magkalat sa mga group chat. Sinasabi ng lahat na ako ang babae sa video. Ipinatawag ako ng college para sa makipag-usap at iminungkahi kong kumuha ako ng leave of absence. Pag-uwi ko, tumanggi ang mga magulang ko na kilalanin ako bilang kanilang anak. Nawala sa akin ang lahat. Kinain ako ng depresyon, at kasama ng walang katapusang tsismis, nawalan na ako ng pag-asa at winakasan ang buhay ko. Pagkamulat ko ulit ng mga mata ko, iyon ulit ang araw na unang lumitaw ang pangalan ko sa confession wall.
1.0K viewsCompletedAdded to Library 33 Times as flash fiction short story
Read
+Library
Jojo and Coco's Unexpected Love

Jojo and Coco's Unexpected Love

Matapos mahuli ang kaniyang dating kasintahan sa kama kasama ang kaniyang half-sister, lumingon si Chloe at itinuon ang kaniyang mga mata sa tiyuhin ng kanyang dating kasintahan. Dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, silang dalawa ay ikinasal.Habang siya ay lihim na natutuwa at gumagawa ng mga plano upang masiguro na siya ay magiging batang tiyahin, ang kaniyang loko-lokong kaibigan ay naghulog ng isang bombshell—siya ay nagpakasal sa maling tao.Habang naguguluhan ay tinititigan ni Chloe ang lalaking nasa harapan niya. Kahit na hindi ang lalaking ‘to ang kaniyang orihinal na target, napagdesisyunan niyang ayos na rin ito at nagpatuloy siya sa kaniyang plano.Gayunpaman, isang araw sa isang press conference, nalaman niya ang isang nakagugulat na balita—ang kaniyang napangasawa ay isang well-known investor, at ang uncle ng kaniyang dating nobyo na labis niyang hinahangaan ay nagta-trabaho sa kaniya.
9.477.3K viewsCompletedAdded to Library 3.1K Times as flash fiction short story
Read
+Library
Bogus Billionare

Bogus Billionare

Dahil pinagtaksilan ng kanyang fiance, napagpasyahan ni Caroline Evans na magpakasal sa iba ng biglaan. Tinatawanan siya ng lahat dahil sa kanyang desisyon na talikuran ang pagiging tagapagmana ng pamilya Morrison at sa halip ay pumili ng isang mahirap na binata. Pero ang hindi alam ng lahat, ang binatang iyon ay isa pala sa pinakamayamang tao sa sa buong mundo, at nasa bansa lang siya para mag invest sa pag unlad nito. Siya rin ang uncle ng kanyang dating fiance! Sobrang nasaktan si Caroline Evans dahil sa pakiramdam niyang niloko siya at dahil dun ay nagpumilit siyang makipag divorce. Pero kinorner siya ng kanyang asawa at puno ng lambing na sinabi, “Hindi ako ang bilyonaryong iyon. Nagpa-retoke lang yun para maging kamukha ko..” Tinitigan ni Caroline ang gwapong mukha nito at naniwala siya. “Anong sumpa ito na magkaroon ng mukhang kagaya ng isa sa pamilya Morrison!” Kinabukasan, nagulat ang buong mundo sa balitang itinakwil na sa pamilya ang tagapagmana ng pamilya Morrison at ni sinco ay wala ng natira rito. Sa kabilang banda, ang bagong kinoronahang top billionaire, ay nakasuot maskara para takpan ang kanyang kagwapuhan.
9.837.9K viewsCompletedAdded to Library 757 Times as flash fiction short story
Read
+Library
My Sexy, Arrogant Husband

My Sexy, Arrogant Husband

Isang biglaang kasal na nagsimula sa simpleng pagkikita ngunit nauwi sa pag-ibig na masyadong matamis para maging totoo. Nagpakasal si Yu Yan sa isang lalaking dalawang beses pa lamang niyang nakilala. Walang engrandeng pangako, walang drama—tanging tahimik na pagsasama, init ng hapunan, at lambing sa pagitan ng mag-asawa. Sa bawat ngiti ng kanyang asawa, sa bawat yakap sa dulo ng araw, unti-unting nahulog ang loob ni Avabelle. Akala niya, sapat na ang simpleng pagmamahal. Hanggang sa isang araw, isang nakakagulat na katotohanan ang gumising sa kanya—ang tagapagmana ng pinakamayamang korporasyon ay kamukhang-kamukha ng lalaking minahal niya, pinakasalan niya, at tinawag na kanya. Kung ang lalaking mahal niya ay may tinatagong pagkatao… Magbabago rin ba ang pag-ibig na kanilang binuo?
235 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as flash fiction short story
Read
+Library
Secret Wife Ako ni Professor Darien

Secret Wife Ako ni Professor Darien

Nagimbal ang buong mundo ni Harmony Tasha Crisostomo nang malaman niyang buntis siya… at ang ama ng bata ay ang sariling professor niya, si Professor Darien Atlas Legaspi, iyong lalaking naka-one night stand niya noong panahong lango siya sa alak! Nang sabihin niya sa lalaki ang sitwasyon, binigyan siya nito ng dalawang pagpipilian: ipalaglag ang bata o magpakasal sila. Pinili niyang magpakasal. Kahit mag-asawa na, hiwalay pa rin sila ng kwarto. Hanggang sa isang gabi, kumatok si Professor Darien at pinagbuksan ni Harmony. “Nasira aircon sa kwarto. Pwede bang dito muna ako?” At mula noon, hindi na ito umalis sa kwarto ni Harmony. — Isang araw sa klase, may nagtanong, “Totoo po bang kasal na kayo, Sir?” Ngumiti si Professor Darien. “Harmony.” Tumayo si Harmony nang tawagin. “Present.” “Harmony Tasha Crisostomo Legaspi is my wife,” sabi ni Professor Darien. “She's an excellent doctor and my beautiful lovely wife.” Nalipat ang lahat ng tingin kay Harmony at napalunok siya sa announcement ng asawa. Hindi kaya kuyugin siya ng mga fangirl ni Professor Darien? Kailangan na ba niyang tumakbo paalis?
10416.3K viewsCompletedAdded to Library 12.9K Times as flash fiction short story
Show Reviews (39)
Read
+Library
@zeL09
Nakakalongkot naman at natapos na ang kwento nila... ito lang yung inabangan ko talaga at pinagpupuyatan pa dahil sobrang nagustuhan ko talaga ung story nila harmony at darien.. Sana miss a. May kwento din yung kay xander at zey.. Nakakatuwa din kasi sila. Sana gawa kapa ng novel miss a..
Rose-Anne Aguilar
Very nice story...️.. bawat episode masasabik kang basahin and take note nakakakilig yung atake ni author sa mga bidang character. Hindi nakakabored basahin kasi hindi pasikot sikot yung love story ni darien at harmony. Good job talaga si author sa bawat flow ng story...
Read All Reviews
The Martyr Wife's Torment

The Martyr Wife's Torment

Warning! Story contains violence, SA, domestic violence/abuse. This story is purely fictional. Read at your own risk. Pagsasamang sinira ng isang kasinungalingan. Pagmamahal na niyurakan at sinaktan. Pag-ibig na tunay ngunit nabahiran ng dikta. Sino ang mananalo sa huli? Sino ang tunay na maysala? Si Joanne, ang orihinal na asawa. She has everything: beauty, wealth, but not a faithful husband. Si Earl, ang asawa. Ang lalaking mayaman na, guwapo pa at may mapagmahal na asawa, ngunit nagpadaig sa tukso. nagtaksil sa asawa. Si Tiffany, ang kabet. Bestfriend ni Earl na inahas ang kaibigan at siyang dumidikta ng kung ano-anong kasinungalingan sa lalaki. Ang anay sa relasyon ng mag-asawa. Magpapadaig ba sa tukso si Earl? kaya bang depensahan ni Joanne ang asawa kahit pinaghihinalahan na siya ni Earl na siya ang may ibang lalaki? or will Tiffany win this battle and ruin the marriage of the two?
103.3K viewsOngoingAdded to Library 130 Times as flash fiction short story
Read
+Library
My Kwin

My Kwin

“ Anika Tara na sa library. Nag hihintay na si attorney enriquez at judge Bala.” Sabi ni Tito loreal “Wait lang po bakit may judge at attorney?” Hindi nila ako pinakinggan dumiretso lang “William follow us” sigaw ng tatay niya. Napatanga nalang ako sa kinatatayuan ko. Hindi rin sumunod agad si William sa parents niya. Umikot siya papaharap sakin. Sobrang lapit niya. Seryoso lang siyang naka titig sa akin. Mas Guwapo pa pala Ito sa malapitan. Kinakabahan na ako mas lumalapit pa siya sa akin habang ako naman na papa atras na. Bumangga ang likod ko sa pader Wala na Akong I aatras. “Alexander What are you doing, you are making me uncomfortable.” “I didn’t do anything. Wait what? What did you called me?” “Alexander?” Kumunot ang noo niya noong inulit Kong sabihan ang pangalan niya. Lumapit siya sakin. Inilapit niya ang bibig niya sa te nga ko. Hindi ako makagalaw sa ginawa niya sobrang tumatambol ang dibdib ko. “I don’t know what our parents are about to, or maybe you already knew and I am not enjoying what is happening!” Bulong niya “ I——don’t know either.” Yon lang ang nasabi ko. Bigla na siyang tumalikod sakin. Iniwan niya akong nakatayo lang doon. What’s with that man? He makes me shivers by his voice. “No! This will not going to happen!” “Tito Enrico do you think I will agree? Of course not!” Pag pasok ko sa loob ng library yon ang una Kong naabutan sumisigaw sa galit si William. May nakita Akong dalawang papel na nakalatag sa lamesa at dalawang singsing. Napatakip ako ng bibig sa nakita ko. Nakatingin silang lahat sa akin Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Nanginginig ang buo Kong katawan. “I will not marry her. I have a girlfriend” galit paring sabi niya
10798 viewsOngoingAdded to Library 29 Times as flash fiction short story
Read
+Library
PREV
1
...
45678
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status