Mr. Hottie Doc, Patusok!
Nang lumingon siya, nakita niya ang isang lalaking papalapit na nakasuot ng doctor coat na kulay puti, may ID card na nakalawit, at may kumpiyansang hakbang ng isang taong sanay sa ospital.
Paglapit ng lalaki, tumigil ito sandali at ganoon din si Aurelia. Hindi niya alam kung mali ba ang nakikita niya o nagdedelusyon na siya.
Hindi pwede. Hindi maaari….
“Ikaw?” mahina niyang sambit, halos hindi makapaniwala.
Saglit pa silang nagkatitigan. Napansin ni Aurelia ang kuryosong tingin sa kanila ni Annie at ng isa pang doctor.
الفصول الرائجة