Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

Nakatakdang magpakasal si Derrek Lucero sa anak ng amiga ng kanyang ina. Naisagawa ang kasunduan bago pa man pumanaw ang ina niyang may taning ang buhay. Halos tatlong taon na namuhay si Derrek at nagpakasaya at iniwasan ang tungkol dito.Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makilala ang babae na kinamatayan na ng ina. Tanging si Attorney Luciano lamang ang nakakakilala. Hanggang isang araw ay nag asawa muli ang kanyang ama na walang ibsa kundi ang malanding sekretarya nito. Natuwa si Derrek ng sabihin ng ama na hindi na isasagawa ang kasal sa kaibigan ng kanyang ina pero ang sinabi ng ama na itutuloy pa rin ang kasal ngunit hindi sa babaeng itinakda ng kanyang ina kundi sa anak ng kanyang madrasta niya sa unang asawa nito na si Lilibeth. Nilukod ng poot ang puso ni Derrek dahil ang ama niya ay naging sunod sunuran na lamang sa bagong asawa. Samantala si Monigue naman ay halos nakalimutan na ang bagay na ibinulong sa kanya ng kanyang ina bago ito nalagutan ng hininga sa ICU. Dahil nangiisang anak ay pinasan ni Monique an responsabilidad.Hirap man sa araw araw, ang tangi niyang dasal na lamang ni Monique ay ang makaahon sa kahirapan kahit sa anu pa mang paraan.
10829 viewsOngoingAdded to Library 28 Times as gamit ng magsasaka
Read
+Library
Eternally

Eternally

Isang car accident ang kinasangkutan ng sikat na nobelista na si Jia Molejon. Ang beinte-singko anyos na dalaga, nakatakda na sanang ikasal sa anak ng Gobernador ng kanilang probinsiya. Sikat at maimpluwensya ang kasintahan nitong si William Cervantes. Ang kanilang kasal na tila hinadlangan ng trahedya. Nagising si Jia mula sa mahabang panahon na pagka-comatose. Ngunit nang magising ito, tila nagbago na ang mundo niya. Bagong kapaligiran, bagong kabanata. Nagising siya sa katauhan ng isang nagngangalang Matilda. Tila nagkatotoo ang mga kwentong-pantasya na dati ay isinusulat lamang niya. TIME TRAVEL. At sa lumang mundo, tila kaya niyang baguhin ang tadhana sa hinaharap. Ngunit paano kung mas nagugustuhan niya na ang lumang panahon, ang panahong kaedad niya ang kaniyang Abuela? O, dahil sa lumang panahon niya rin nakilala ang lalakeng bahagi na ng mga libro ng kasaysayan, si Macario Manlapaz Apolinario na nagpakulo ng kaniyang dugo ngunit palihim na nagpatibok ng kaniyang puso. Sa mundo ng kahapon at kasalukuyan. Paano pipigilan ang itinakda ng tadhana?
10854 viewsOngoingAdded to Library 25 Times as gamit ng magsasaka
Read
+Library
RUTHLESS SEDUCTION  (Tagalog)

RUTHLESS SEDUCTION (Tagalog)

Lumaki si Dylan na walang kinatatakutan at ayaw na may ibang taong kumukontrol sa kaniyang buhay. Hindi rin siya friendly at hindi marunong magpakumbaba. Ngunit wala siyang choice nang ipasa sa kaniya ng ama ang trabaho nito—ang bantayan ang heartless at dominanteng anak ng isang Chairman na dati ay pinuno ng isang organization. Hindi gusto ni Alexander ang buhay na mayroon siya. Tinitingala siya ng lahat maliban sa isang taong may magaspang na pag-uugali. Dahil sa kagustuhang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng kaniyang ina, pinagbigyan niya ang gusto ng ama. At ipakita niya rin sa antipatikong lalaking kaniyang bodyguard kung ano ang kaya niyang gawin upang mabawasan ang kasungitan nito. Sa paglalaro ng emosyon ng bawat isa, sino ang unang susuko at mahuhulog sa bitag nang mapaglarong tadhana? Sino ang top at bottom sa dalawa?
1032.8K viewsCompletedAdded to Library 853 Times as gamit ng magsasaka
Read
+Library
After Divorce: I Married A Stranger

After Divorce: I Married A Stranger

Pinagtaksilan si Naomi ng kaniyang asawang si Owen. Inalok siya nito ng 10 milyong peso kapalit ng pakikipag-divorce niya rito kahit buntis siya at dahil kailangan niya ng pera para sa operasyon ng kaniyang kapatid, tinanggap niya ang alok. Pero kulang pa ang pera kaya handa na sana niyang ibenta ang katawan sa mayamang customer pero bigla na lang may stranger na nag-alok sa kaniya ng malaking halaga kapalit ng pagpapakasal niya rito. Saan hahantong ang pagpapakasal niya sa stranger na lalaki kung hanngang ngayon mahal pa rin niya ang nagtaksil na asawa? Kakayanin ba ni Naomi kapag nalaman niya ang tinatagong sikreto ng lalaking pinakasalan niya?
1064.8K viewsCompletedAdded to Library 2.4K Times as gamit ng magsasaka
Read
+Library
ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)

ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)

  "Kola Matias."      Tinakasan ng kulay ang mukha ni Kola at biglang tila nawalan ng pwersa ang mga binti nya, kasabay ng panlalamig ng kaniyang mga kamay nang mapagsino ang lalaking kaharap ngayon. Gustuhin man niyang tumakbo palabas ng opisina ay hindi niya magawa dahil nanigas na siya ng tuluyan sa kinatatayuan. Hindi na nga niya napapansin ang pagpigil niya sa kaniyang hininga na tila ba sa ganoong paraan ay magising siya kung panaginip lamang iyon.     "You..." usal niya na nakarating sa pandinig ng lalaki.      Nagpakawala ng nakalolokong ngiti si Demus.     "Remember me, Ms. Matias?" Hindi maari! Ang bilyonaryong si Demus Moretti pala ang lalaking naka one-night stand niya kagabi!
9.866.8K viewsOngoingAdded to Library 1.7K Times as gamit ng magsasaka
Show Reviews (22)
Read
+Library
Roda Partisala
ms.A meron p ba dto na stories kasi sayang naman kng d natapos yong kwento ang ganda pa naman... magparamdam k naman po... kng meron ba o wala para d na po lami umasa na may kasunod p na mga update oe episode sa stories nyo po plsss...
Gurang Gampol
ayaw qoh ng umasa na matatapos toh baka tulad dn ito ung kina garret at sam, na ang title ay the billionaire's revenge na hndi na rn pinagpatuloy. sayang lng sobrang ganda pa nmn ng mga stories ng author na toh kaso hndi nia tinatapos.
Read All Reviews
A Billionaire's Confession

A Billionaire's Confession

Janvir Neo Dela Fuente- isang multi-billionaire businessman at isang mafia. Suplado pagdating sa mga babae at mainitin ang ulo. Shin Madeleine Andrada- isang mahirap na single mom na mamasukan bilang maid ng mga Dela Fuente. Laging pinag-iinitan ng ulo ni Janvir si Shin dahil sa kagagawan ng kasamahan nyang maid at sya ang laging pinagmumukhang may kasalanan na umabot pa sa puntong sinuspende sya ng kanyang amo. Kasabay ng kanyang suspension may hindi inaasahan na mangyayari na sya mismo ang makakakita. Malalaman ni Janvir ang tungkol sa sitwasyon ni Shin kaya mas lalo itong nagalit nang malaman nyang may anak si Shin at iisipin nyang gagamitin lang sya ni Shin para buhayin silang mag-ina. Umalis si Janvir ng bansa para kalimutan ang mga nangyari. Habang wala si Janvir sa bansa, mababago ang takbo ng buhay ni Shin. Hindi nagtagal bumalik si Janvir ng Pilipinas. Magkikita ang dalawa nang hindi inaasahan . Marerealize ni Janvir na mahal pa nya ang dalaga kung kailan hindi na sya kilala ng puso at isip nito. Bibigyan kaya ng tadhana ang dalawang puso na nawalay ng matagal na panahon ? May pag-asa pa kayang mabuksan ni Janvir ang puso ng dalaga at maamin ang tunay nyang nararamdaman?
1012.9K viewsOngoingAdded to Library 374 Times as gamit ng magsasaka
Read
+Library
The Ex-Husband's Revenge

The Ex-Husband's Revenge

Kapag ang asawa ng isang lalaki ay nabuntis ng iba, karaniwan na pinapalayas ng lalaki ang asawa niya mula sa bahay nila o siya ang makikipag-divorce. Gayunpaman, baliktad ito para sa 26-taong gulang na si Leon Wolf. Trinato na nga siya na parang isang alipin ng mga biyenan niya, pinalayas siya ng bahay ng asawa niya at ng pamilya nito pagkatapos nitong ipagmalaki sa kanya na nabuntis ito sa iba! Naguluhan at puno ng sama ng loob si Leon, naglakbay siya patungo sa sementeryo, kung saan nagkataon na nasaksihan niya ang pagbabalak ng iba na patayin ang isang magandang babae. Habang niligtas ang babae, nakatanggap ng nakakamatay na saksak si Leon sa kanyang dibdib at hinila niya papunta sa ilog ang sumaksak sa kanya para malunod silang dalawa… Ang lahat ay senyales na mamamatay si Leon, dahil hindi na siya umahon mula sa tubig kahit na ilang minutong naghintay ang babae. Nang maniwala ang babae na pumunta na sa kabilang buhay si Leon, umalis siya habang nagsalita siya sa ilog, “Ang pangalan ko ay Iris Young. Puntahan mo ako minsan…” May malay si Leon sa ilalim ng tubig… ‘Iris… Isang magandang pangalan…’
9.1132.5K viewsCompletedAdded to Library 3.3K Times as gamit ng magsasaka
Read
+Library
ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

Nagkaroon ng aksidenteng one-night stand sina Andrew Sandoval at Hanna Williams limang taon na ang nakalilipas, at hindi makalimutan ni Andrew ang katawan ni Hanna. Hindi niya maabot si Hanna dahil sa kaguluhan ng pamilya na dulot ng biglaang pagkamatay ng kanyang ama. Pagkalipas ng limang taon, kinuha ni Andrew ang negosyo ng pamilya at natagpuan si Hanna, na baon sa utang sa pagsusugal ng kanyang ina. Iniligtas siya ni Andrew at tinulungan siyang magbayad ng pera, na naging may utang kay Hanna. Pinakiusapan niya itong maging manliligaw ngunit tumanggi ito dahil may nobyo ito. Nakipagpustahan si Andrew kay Hanna na iiwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera, at sa kanyang pagtataka, iniwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera. Single siya pero hindi pumayag na maging manliligaw ni Andrew. Lalo siyang kinaiinisan dahil ginulo nito ang kanyang mapayapang buhay.
2.5K viewsCompletedAdded to Library 91 Times as gamit ng magsasaka
Read
+Library
Prinsesa Aleyah

Prinsesa Aleyah

Pao_Consyyy
Sa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang Kaharian ng Vireo. Sa taglay niyang husay, karamihan ay humahanga ngunit hindi mawawala sa kaniyang landas ang mga paninira. Ang kaniyang buhay ay punong-puno ng aksiyon at hiwaga. Kakabit na ng kaniyang pangalan ang mga kaguluhan. Nang dahil sa kaniyang natatanging istilo sa pamumuno at pakikipaglaban, kaniyang mararanasan ang mapagtaksilan at itakwil ng kaniyang sariling kaharian.Kaya naman sa panahon na ang kaniyang minamahal na kaharian ay nasa bingit na ng pagbagsak at kapahamakan, handa kaya niya itong ipagtanggol sa mga kalabang higit na makapangyarihan?Ito ang nobelang magpapatunay na ang prinsesang tampulan ng kaguluhan sa kasaluyan ay posible pa ring maging tagapaghatid ng kapayapaan sa hinaharap.
1021.5K viewsOngoingAdded to Library 495 Times as gamit ng magsasaka
Read
+Library
The Boss's Sexy Secretary

The Boss's Sexy Secretary

L.Jane
Ang dati’y mataba at pangit na asawa ng isa sa pinaka mayaman na businessman ay biglang nagbalik bilang sexy at napakagandang secretary ng isang Axle Lee. Dahil sa pagtataksil ng asawa niya ay umalis si Natty upang bigyan ng oras na mahalin ang sarili niya. Pagkatapos ng ilan’g taon ay muli siyang nagbabalik bilang isang sexy at fierce na secretary ng isa sa pinaka kinatatakutang businessman sa buong mundo. Upang makaganti sa dating asawa ay binigyan ni Natty ng offer ang nakakatakot na businessman. She will help him bring Reese down, if he will only accept her as his Secretary.
1.7K viewsOngoingAdded to Library 37 Times as gamit ng magsasaka
Read
+Library
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status