Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS

THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS

Loveinyoung
Sa kagustuhang makatakas sa kamay ng mga hindi kilalang dumukot sa kanya ay nabundol siya ng sasakyan dahilan kung bakit naratay siya ng matagal sa Hospital. Ngunit sa kanyang pagising ay wala siyang maalala sa nakaraan maging ang kanyang pangalan. Halos mawalan na siya ng pag-asa sa sarili dahil sa malaking pinsala na natamo ng kanyang katawan. Kinupkop siya ni Carlos Montenegro ang lalaking nakabangga sa kanya inaalagaan siya nito, binihisan at binigyan ng pangalan. Lubos niyang hinangaan ang binata at hindi niya maikakailang may nararamdaman na siya para rito subalit unti-unti nang bumabalik ang kanyang alaala at patuloy siyang tinutugis ng kanyang nakaraan...nang kanyang mga nagawang kasalanan na kailangan niyang pagbayaran lalong lalo na sa binata. Hindi maatim ng kanyang konsensya kaya bago pa ang lahat ay inunahan niya na ito. Sa pamamagitan ng liham ay ipinagtapat niya ang Katotohan ng kanyang pagkatao at sa kanyang pagtalikod ng gabing iyon ay kasabay na rin doon ang paglimot sa binata. Hindi rin nakaligltas sa pandinig Kay Carlos ang pag-alis ni Rose. May parte sa puso niyang pigilan ang dalaga subalit nanaig parin ang galit at pagkasuklam niya rito. Para sa kanya walang karapatang mabuhay ang taong pumatay sa pinakamamahal niyang nobya na si Angelica at isinusumpa niyang magdurusa ito habang buhay subalit paano niya lalabanan ang damdaming iyon kung laging ipinapaalala sa kanya ang magandang imahe ng dalaga lalong lalo pa at dinadala nito sa sinapupunan ang nag-iisang maging tagapagmana ng kaniyang angkan.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Proposal

The Proposal

Kimberly De Leon
Si Alex Rivera ay isang Assistant Writer sa isang Television Company. Pangarap niyang makapagsulat ng sarili niyang drama at makilala rito. Mabait, pursigidong maabot ang pangarap, at mabuting anak sa mga magulang. Tutol ang ama ni Alex sa pagiging writer niya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay kinakailangan niyang umalis sa tinitirahan niya. Kailangan niyang humanap ng bagong niyang matitirahan kung hindi ay pauuwiin siya ng kanyang ama sa probinsya at patitigilin siya nito sa pagsusulat. Nakahanap siya ng taong naghahanap ng housemate sa tulong ng kaniyang kaibigan. Lumipat agad siya sa bahay nito ng hindi inaalam ang ibang detalye sa magiging kasama niya. Dahil sa magkasalungat na lifestyle ay hindi sila nagkikita ng housemate niya. Isang araw ay nalaman niya na lalaki pala ang housemate niya. Lalaki? Paano, isang babae at isang lalaki sa iisang bahay? Paano kapag nalaman ito ng kanyang ama? Paano ang kaniyang mga pangarap? Dahil sa pagiging desperado ay tinanong niya ang lalaki " Pwede mo ba akong pakasalan?"
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing the Blind Billionaire

Seducing the Blind Billionaire

Isang kalapating mababa ang lipad, yan ang madalas na tawag sa mga tulad ni Juliana. Kahit anong pagtatama niya sa perception ng tao sa uri ng trabaho niya mababang uri pa rin ang tingin sa kanya. Pero ang pinakamasakit para kay Juliana ay ang ultimo taong mahal niya ay ganun din ng tingin sa kanya at mas malala pa kahit pa nga alam nito ang nature ng trabaho niya.Kaya lihim na pinangarap ni Juliana ang makalayo sa lugar at makahanap ng bagong buhay. Pero paano kung sa isang taong may mapansanan niya mahanap ang liwanag at tamang pagmamahal na inaasam? Magagawa kaya siyang mahalin ng lalaki sa kabila ng katotohan ng kanyang pagkatao
Romance
9.716.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Sweet Lie To A Billionaire

Sweet Lie To A Billionaire

Daylan
Dahil sa kahihiyang inabot ng mga magulang ni Thea sa gabi ng engagement nila ni Neil ay itinakwil at itinapon siya ng mga magulang niya sa ibang bansa. Five years later, nagbalik siya sa Pilipinas na lingid sa kaalaman ng mga magulang niya at kasama niya ang kambal niyang anak na naging bunga ng isang gabing pagkakamali niya. Nang makita ni Thea na kamukha ng isa sa kanyang fraternal twin ang CEO ng pinagtatrabahuhan niyang hotel na si Nathan Oxford ay gumawa siya ng kasinungalingan. Lakas-loob na ipinakilala niya sa binata ang kanyang mga anak at sinabing ito ang ama ng kambal niya. Dahil do'n ay pumasok sila ni Nathan sa isang contract marriage na sa kalaunan ay naging totohanan na. Ngunit paano kung malaman ni Nathan na nagsinungaling lamang siya rito para magamit niya ang koneksiyon nito sa paghihiganti niya sa mga taong nakagawa sa kanya ng malaking kasalanan? At paano rin kung malaman niya na si Nathan ay ang kinamumuhian niyang lalaki na naka-one-night-stand niya at naging dahilan kung bakit siya itinakwil ng kanyang mga magulang?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
She's Back

She's Back

Isang di inaasahang insidente ang tumapos sa kanyang buhay. Dahilan ng panghihinayang niya sa isang bagay na di niya nagawa. At isang sinserong pagdarasal ang naging dahilan ng kanyang pagbabalik sa lupa. Sa kabila ng pagmamanipula ng isang Fallen sa kanyang muling pagbabalik, magawa niya kayang gawin ang bagay na di niya nagawa at mahanap ang naging dahilan ng kanyang pagbabalik? O tuluyan siyang mahulog sa kamay ng Fallen?
YA/TEEN
103.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire and his Maid

The Billionaire and his Maid

ladyaugust
Si Alexis ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay. Pero paano niya matutupad ang pangarap kung puro naman kamalasan ang nangyayari sa kanya? Nawalan na ng magulang, at ngayon namang binubuhay ng mag-isa ang sarili ay natanggal pa siya sa trabaho? Hanggang panaginip nalang ba ang kanyang mga pangarap? Paano kung isang araw ay makatagpo at makilala niya si Colt isa sa mga top billionaires sa bansa.Subalit sa kabila ng pagiging bilyonaryo nito ay marami ang naghahangad sa kanyang kayamanan at kapangyarihan na naging mitsa ng buhay nito. Ang binata na kaya ang makakapagpabago ng kanyang kapalaran o isa rin ito sa magdadala ng kamalasan sa kanyang buhay?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Shoemaker

The Shoemaker

Achyxia
Napakarami na ng problema ng bayan ng Garapal dahil sa bilang ng mga krimeng nangyayari ngunit parang mas malaki pa yata ang problema ni Ruanne. Nais lang naman ni Ruanne na makalimot sa pangangaliwa ng nobyo niya na sa kaaway pa niya napiling makipaglandian. Ngunit ang taksil niyang puso ay hindi umaayon sa gusto ng kanyang isip. Sa gitna ng kanyang pagmomove-on ay nakilala niya si Pio, ang isa sa mga staff ng sikat na tindahang 'The Shoemaker'. Ang 'The Shoemaker' lang naman ang pinakasikat na tindahan ng sapatos na mayroon lamang isang branch na nakapuwesto pa sa tapat ng boutique ni Ruanne. Ito lang din naman ang magiging kalaban ni Ruanne kung sakaling simulan niya na ang kanyang shoe line. At ang tahimik na buhay ng binatang nag-aasikaso nito ay mabubulabog dahil sa alok ni Ruanne na maging pekeng kasintahan niya na siya namang tinanggap agad ng binata. Ngunit sa pagsunud-sunod ni Ruanne kay Pio, may malalaman siyang hindi dapat. At matatagpuan niya na lamang ang sarili niyang sinusunod ang lahat ng gusto ng binata, maging sa ibabaw ng kama. At hindi lang iyon, mapapasok niya pa ang delikadong mundo ng mafia.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Twin Mistake with Mr. CEO

The Twin Mistake with Mr. CEO

Nakagawa si Rebecca ng pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay nang hindi sinasadyang may mangyari sa kanila ni Dwayne Miguel Ventura, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa at nobyo ng pinakamatalik niyang kaibigan. Ang problema nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa dahilan upang itakwil siya ng kanyang ama dahil hindi niya masabi dito kung sino ang ama ng kanyang dinadala. Tumakas at nagtago si Rebecca kasama ng lihim na pilit niyang itinatago tungkol sa tunay na ama ng kanyang ipinagbubuntis. Makalipas ang mahigit anim na taon, muli siyang nagising sa tabi ni Dwayne ngunit sa pagkakataong ito ay may singsing na sa kanya daliri. Kaya ba niyang tumakas at magtagong muli sa pangalawang pagkakataon?
Romance
10127.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Call Me, Kuya!

Call Me, Kuya!

Nag-iisa niyang tinaguyod ni Unique ang kanyang pamilya kaya bukod sa pagtitinda ng balut sa gabi ay naisip niya na magtrabaho bilang secretary sa malaking building na naghahanap ng secretary, dahil confidence siya na matatanggap siya sa trabaho dahil nakapagtapos naman siya ng highschool. Pero sa pag-apply niya ng trabaho at sa pag-aakala ni Unique na natanggap ito bilang sekretarya ang maging trabaho niya pero iyon pala ay magpanggap si Unique na anak sa nagmamay-ari ng building na tinatrabahuan nito. Kaya niya bang tanggapin ang alok nito kapalit ng malaking halaga para sa kanyang pamilya? Hanggang kailan ang kaya niyang magpanggap kung sa kabila ng lahat may nararamdaman na siya na pag-ibig sa anak ng kanyang tinuturing na magulang?
Romance
8.826.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3435363738
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status