Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Moonlight Serenade

Moonlight Serenade

aranew
Palagi siyang nagigising sa sahig, basang-basa sa pawis, hingal, at hubo't hubad. Sa nakalipas na buwan, ganito ang nangyayari. Ang hindi niya inaasahang malaman ay ang literal na lalaki sa panaginip niya ang siyang nagbibigay sa kanya ng pulang marka sa buong katawan. Ang problema ay ang lalaking ito ay misteryoso, at mas gugustuhin niyang magkaroon ng isang tunay na lalaki sa totoong buhay kaysa magpantasya sa isang lalaking walang mukha na laman ng kaniyang mga panaginip. ~~~ Si Jewel ay inaasahang maging isang mahinhin na tagapagmana ng Hasyenda Mangubat, ngunit siya ay nalulong sa mga erotikong nobela. Palihim niyang bibilhin ang mga librong iyon at itatago sa kanyang silid upang maitago ang kanyang bisyo sa kanyang mga magulang. Nag-aatubili siyang pumayag na pakasalan ang anak ng Alkalde, si Gideon Manasseh, sa pag-asang matitiis ni Gideon ang kanyang mga bisyo. Ngunit, sa kanyang pagtataka, ang kanyang bagong asawa ay mukhang mas mahigpit pa kaysa sa kanyang mga magulang. Hindi lamang ang kanyang mga bisyo ang kailangang itago sa bagong asawa, kundi pati na rin ang kanyang mga sekswal na bangungot. Dahil ang mga malaswang panaginip na iyon ay tila gumagapang palabas sa kanyang pantasya tungo sa totoong mundo... at ito ay mas nakakatakot pa kaysa sa inisyal niyang hinuha ukol dito.
Romance
1024.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Maid For You

Maid For You

Kasambahay ang pinasukan niyang trabaho ngunit dahil sa isang pagkakamali, isa na siya ngayong Maybahay. Kilalanin si Estrella Dominguez, ang probinsyanang handang makipagsapalaran sa siyudad para sa paghahanap ng trabaho ngunit dahil sa ka-mangmangan, napasok siya sa malaking gulo na babago sa takbo ng buhay niya. Kailangan niyang pakasalan si Sebastian Martinez, ang boss niya sana pero sa isang iglap, magiging asawa na pala niya. Kasal na sila ngunit hindi mahal ang isa't-isa. Posible kaya itong magbago at mauwi sa pagmamahalan o baka naman sa huli ay deborsyo ang kahinatnan?
Romance
10111.4K viewsCompleted
Read
Add to library
TEMPTING the DEVIL MAFIA (Riot Men Series 24)

TEMPTING the DEVIL MAFIA (Riot Men Series 24)

Lumaki sa karahasan at magulong buhay si Niccos. Normal na lang sa kan'ya ang patayan at madugong kaganapan sa araw-araw. Kaya ipinangako n'ya sa sarili pagkatapos ng unos sa kan'yang buhay at sa pamilya ay mamuhay s'ya ng tahimik, maayos at matiwasay. Ngunit paano kung hindi n'ya pwedeng talikuran ang obligasyon na iniwan sa kan'ya? Paano kung dito nakasalalay ang kaligtasan ng nag iisang babae na pinakaayaw n'ya, ngunit nagbago ang lahat ng minsang may mangyari sa kanila. Naging demonyo s'yang muli ng masaksihan kung paano nalagay sa panganib ang buhay ni Kianna dahil sa kagagawan ng kan'yang mga kalaban dati na naghihiganti sa kan'ya. Paano n'ya lalabanan ang isinumpa sa sarili na mamuhay ng tahimik? Kung sa bawat pagpikit ng kan'yang mga mata ay ang nagmamakaawa at nahihirapang mukha ng dalaga ang kan'yang nakikita.
Romance
9.9118.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Beg Me, Professor (TagLish)

Beg Me, Professor (TagLish)

"Good morning, sir," nakangiti niyang sabi at sinulyapan ang lalaking nakatayo sa harap ng klase-si Zachary Villarreal, ang dati niyang kasintahan. Dahil sa galit para sa kanyang pamilya, bumalik si Atasha sa Pilipinas pagkatapos ng dalawang taong pananatili sa Amerika. Narinig niya ang tungkol sa paparating na kasal ng kanyang kapatid na babae at hindi niya ito matanggap. Hindi niya matanggap na magiging masaya ang mga taong sumira sa buhay niya—ang buhay ng hindi pa isinisilang na anak. Nais niyang mamuhay silang lahat sa parehong miserableng buhay gaya ng sa kanya. "Magmakaawa ka sa akin, Propesor, habang pinagsisilbihan mo ang aking galit," tatak niya sa kaniyang isip.
Romance
1039.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Pretty You

Pretty You

Certified raketera, palaban at walang inuurungan. Siya si Leah Rivera o mas kilala sa tawag na Iya ng mga taong malapit sa kaniya. Magmula pagkabata ay natuto na siyang maging isang raketera dahil maaga rin siyang tinuruan ng kaniyang ina na nagtitinda sa palengke ng kung anu-anong trabaho na sa kalaunan ay nakasanayan na niyang gawin. Ang kailangan niya ay pera. Pera na makakatulong sa kanila para mairaos ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan at para na rin makatulong siya sa pagpapaaral sa kaniyang kambal na kapatid na ngayon ay nasa kolehiyo na. Likas kay Leah ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Pero hindi sa lahat ng oras. Tulad na lamang nang isang gabi, habang nagse-serve siya ng alak sa mga mayayamang costumer ng bar na pinapasukan niya ay may nagtangkang mambastos sa kaniya. Dahil likas sa kaniya ang pagiging palaban, gumanti siya sa lalaki. Ang kaso, ang suntok na dapat na para rito ay dumapo sa isang kasama nito na wala namang ginawang masama sa kaniya. Paano kung ang lalaking hindi niya sinasadyang masuntok ay ang anak ng kaniyang boss? At anong gagawin niya kung sakaling magkagusto ito sa kaniya at yayain siya nitong magpakasal? Makakaya ba niyang tanggapin ang alok nito sa kaniya kapalit ng halaga na makapag-aahon sa kanila sa kahirapan? Will she ever fall in love with the man who is only good at pestering her with his stupid antics?
Romance
1020.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Chosen One

The Chosen One

Sa paglipat nila sa lumang bahay, unti-unting naungkat ang madilim na nakaraan sa buhay ng pamilya Olivarez. Ang lahat ay nag-ugat sa poot, galit, at pighati ng pagtakas ng kanilang mommy Edna sa nakatakda niyang buhay. Isang sumpa na siyang tuluyang maipapasa sa kanyang anak na si Joelyn. Wala na nga ba talagang ligtas ang pamilya Olivarez mula sa kamay ng katakot-takot na nilalang na gumagambala sa kanila? Maghahari ba ang pagpapatawad at pagmamahal sa pamilya gayong ang kanilang kalaban isang demonyong hindi naman nila nakikita?
Paranormal
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Stepbrother’s Deception

My Billionaire Stepbrother’s Deception

"Sa ayaw at sa gusto mo, sa 'kin ka, kung ayaw mong masira ang dignidad ng pamilyang 'to." --- Pakiramdam ni Senra Lazurel ay nag-iisa na lamang siya sa mundo dahil hiwalay ang kaniyang mga magulang. Isa siyang stripper sa kilalang club at doon din ay nakilala niya ang taong hindi niya inaasahan... Si Ivran Moredad. Si Ivran ay isang binatang bilyonaryo na nais angkinin ang dalaga, ngunit hindi magiging maganda sa paningin ng tao dahil ito pala ang kaniyang magiging stepsister. Dahil sa pagkahumaling sa dalaga, isang supling ang naging mitsa ng dignidad sa kanilang pamilya. Makakalaya ba sila sa mala-presong lihim na ito?
Romance
10140 viewsOngoing
Read
Add to library
Memories with you

Memories with you

KATHAMxM
Sina Skyler at Nathan ay matalik na magkaibigan na tila ba may parehong may hinahanap sa buhay. Si Skyler ay hinahanap ang pangarap nyang buhay habang si Nathan naman ay hinahanap ang kanyang nawawalang pagkatao. Sa pag tungtong nila sa kolehiyo makakakilala sila ng mga taong magbibigay kulay sa college life nila. Sa pagkakakilala ni Nathan sa gwapong bagong kaklase na si Jaspher, mabubukas ang pintuan mula sa kanyang nakaraan. Ito na ba ang kasagutan sa mga tanong nya at kakulangan sa kanyang pagkatao? Mahahanap din kaya ni Skyler ang taong magbibigay ng kahulugan at kabuluhan sa kinabukasan nya?
LGBTQ+
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Into The Other Side: The Last Vessel

Into The Other Side: The Last Vessel

CG Tomodachi
Lexcel Faith Marshall is a normal student with normal life not until her grandmother died. Simula burol ng kanyang lola ay kung ano-anong mga nakikita at napapanaginipan niya. Sa takot na magkatotoo ang kanyang mga panaginip ay gumawa siya ng paraan para alamin ang dahilan kung bakit ito nangyayari sa kanya, sa tulong ni Levi- isang bagong salta sa lugar nila. Sa paghahanap ng sagot sa kanilang katanungan ay dinala sila sa nakaraang nababalot ng misteryo sa buo nilang pagkatao na maaring sisira sa kanilang hinaharap.
Mystery/Thriller
105.0K viewsCompleted
Read
Add to library
TEMPTATION WITH MY NINONG

TEMPTATION WITH MY NINONG

“Wala ka bang balak magpakasal?" Ang tanong na paulit-ulit na sinusundan si Abraham Consunji, isang kilalang negosyante na sa dami ng ari-arian, wala pa ring sariling tahanan pagdating sa pag-ibig. Hindi dahil bitter siya, kundi dahil masyado siyang abala sa pagpapatakbo ng imperyo ng pamilya. At kung tutuusin, ayaw niya talaga sa istorbo. Malapit na siyang tumuntong ng kwarenta, pero ni minsan, hindi niya naramdamang may kulang. Para sa kanya, sapat na ang katahimikan at kontrol sa buhay—dalawang bagay na sa tingin niya ay mawawala kapag may babae sa paligid. Pero isang pabor ang babaligtad sa takbo ng lahat... ang pag-aalaga sa inaanak niyang si Yvonne, na ngayon ay isa nang makulit at maganda nang dalaga. At sa bawat araw na magkasama sila, hindi lang ang pasensya niya ang sinusubok, pati ang pagpipigil sa sariling naaakit sa isang bagay na hindi dapat. Makakaiwas ba siya? O tuluyan na siyang matatalo sa tukso ng isang bawal na damdamin?
Romance
1025.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1920212223
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status