Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Game of Love

Game of Love

Si Mayumi Sperbund "Yumi" ay isang simpleng babae na ang tanging nais lamang ay makapagtapos ng pag-aaral para matupad ang pangarap ng kanyang Nanay at Tatay. Sa kabutihang palad ay naging iskolar s'ya sa Kugimiya University at dito mag-uumpisa ang bagong kabanata ng kanyang buhay. Makakakilala s'ya ng mga bagong kaibigan at ituturing n'ya na parang pamilya. Makikilala ni Yumi si Ryuu Kugimiya "Barry" na isang mayaman, antipatiko, pilyo at gwapong lalaki na magiging dahilan upang mabago ang paniniwala n'ya pagdating sa pag-ibig. Dahil dito magbubunga ang pagmamahalan nila, mabubuntis si Yumi at itatakwil s'ya ng kanyang Tatay. Magbabago rin ang pagmamahal sa kanya ni Ryuu dahil sa isang pagkakamali at hindi pagkakaintindihan at nang dahil sa pag-ibig paglalaruan silang lahat ng tadhana at mauuwi ang lahat sa isang masalimuot na trahedya. Makalipas ang pitong taon ay isa ng sikat na modelo si Yumi dala-dala ang sugat ng nakaraan na pilit n'yang tinatakasan at muli silang pagtatagpuin ng mapaglarong tadhana at muling mabubuksan ang nakaraan na laro ng pag-ibig. Sa pagkakataon bang ito ay maliliwanagan na ang lahat at gagaling na ang sugat ng nakaraan?
Romance
9.97.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
He Loves Me, He Loves Me Not

He Loves Me, He Loves Me Not

Matagal nang may gusto si Zyline kay Nick. Anim silang magkakabarkada kasali si Nick. Alam na ng lahat ang pagtatangi niya sa kaibigan maliban na lang yata rito. Hindi niya alam kung manhid lang ito or talagang wala lang gusto sa kanya. Si Brent ang pinaka-bestfriend niya sa lahat ng mga kaibigan niya. Kahit hindi niya sinasabi rito ang nararamdaman kay Nick dahil sa hiya ay alam din ni Brent iyon. Paano kung nagbago ang lahat nang halikan siya ni Brent? Hindi nya maikakaila ang kuryenteng naramdaman no'ng gabing hinalikan siya nito. Pinagbigyan niya ang lalaki sa gusto nitong mangyari. Susubukan nilang maging sila pero palihim. Ngayon ay litong-lito na siya. Sa pag-aakala ni Brent na si Nick pa rin ang gusto niya ay bigla itong umalis at hindi na nagpakita. Saka naman siya niligawan na nang tuluyan ni Nick. Pero bakit sa halip na maging masaya at sa wakas ay napansin na rin siya ni Nick bilang babae ay si Brent na ang hinahanap ng puso niya? Si Brent na hindi na nagparamdam sa kanya mula no'ng gabing muntik nang may mangyari sa kanila.
Romance
1010.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Secret Romance

My Secret Romance

Paano kung may makilala kang tao na lahat ng ayaw mong ugali ay nasa kaniya? Isang taong papahirapan at guguluhin ang mundo mo. Meet Zoe Yaffeh Madrigal--- ang babaeng may pagka-boyish at head over heels sa bestfriend niyang lalaki. Isang babae na lahat ng gugustuhin ay makukuha niya, pero maliban sa isa. Meet Dylan Rodriguez--- ang tahimik, matalino, mayaman, guwapo at masasabi mong Perfect Guy. Ang bestfriend ni Zoe. Dalawang magkaibigan na magka-iba ang ugali. Nagkalayo dahil sa isang maling pangyayari, pero magsasama muli dahil sa isang kasunduan. "Bibigyan kita ng sariling anak, pero lahat ng atensyon mo na para sa mahal mo ay dapat nasa akin," nakangising sabi ni Zoe. Nag-aalinlangan man si Dylan ay tumango pa rin siya. "Deal!" sagot ng binata. One Deal! One Secret! Isang sekretong magpapabago ng mga mundo nila. Isang sekretong may kapalit. Pero paano kung maging malapit sila sa isa't isa at tuluyan nang mauwi sa love? Are they going to prove that total opposite attracts? O maghihiwalay din sila in the end? "He is my secret. My beautiful little secret," nakangiting sabi ni Zoe sa kaniyang sarili habang nakatingin sa papalayong si Dylan.
Romance
105.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Their Sinful Desires

Their Sinful Desires

Avery Cruz, 20 years old. Lahat ay gagawin para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya at matustusan ang pagpapagamot ng kaniyang inang may breast cancer. Isa lang ang naisip niyang agarang solusyon sa kaniyang problema, yon ay ang ibenta ang sarili kay Travis Axel Dela Torre, 32 years old. Isang batang bilyonaryo at tagapag mana ng mga Dela Torre. Sa halagang 30 Million na alok nito ay pumayag siyang maging babae ni Travis. Walang hindi ginusto si Travis na hindi niya nakukuha. When he saw Avery, ginusto niyang mapasakaniya ito. Gamit ang kaniyang pera, nakuha niya ito at naikama! Ngunit paano kung sa pag tira niya sa bahay kasama si Travis ay matuklasan niyang kapatid pala ito si Simon Anthony Dela Torre, 22 years old. Ang lalaking matagal na niyang pinapangarap? Paano kung kelan kinakasama na niya ang kuya nito ay saka naman nagpakita ng damdamin para sakaniya si Simon? Isang pagtataksil nga ba ang mabubuo para sa isang makasalanang pag nanasa? Ano/Sino nga ba ang mas higit na magiging matimbang para kay Avery? Puso o salapi?
Romance
1013.4K viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (9)
Read
Idagdag sa library
Cess Ogaya
Nawalan ako ng gana basahin after ng ginawa ni Avery kay Travis. Kahit pa sabihin niya na una niyang minahal si Simon. Pero ang laking bagay na nandyan sa buhay niya si Travis lalo na yung tulong na ibinigay niya. Sana sila pa rin ang endgame. Hindi ko bet si Simon para sa kanya.
Kris
Super worth it basahin ang book na ’to. May mga eksenang nakakagigil at minsan nakaka-disappoint, pero doon lalo nagiging exciting at fun. Ang galing ng author magpa-hook. Both of her books (my playboy boss & this book) are solid, engaging, at sobrang satisfying basahin mula umpisa hanggang dulo.
Basahin ang Lahat ng Review
She's Mine

She's Mine

Miss Elle
"Bakit single pa rin ako sa edad na thirty-seven?” Matagal na nagpakahibang sa isang lalaki si Mia Dizon na kapwa niya doctor, hanggang sa malaman niya na lang na pamilyadong tao na ito. At siya, naiwang single habang nagmo-move on. Inisip niya rin na sana makahanap siya ng taong para sa kanya sa parehong paraan—naging payente niya muna at na-in love sila sa isa’t isa. Hindi nagtagal matapos niyang sambitin ang bagay na iyon, ay dininig ang wish niya. Or not. Dahil ang pasyente na ibinigay sa kanya, bukod sa matalas ang dila, walang modo, ay may tinatawag na ibang pangalan at… Isa itong magandang babae na may magandang boses na tila hinehele ang buong pagkatao niya. Maging ang labi nito ay tila hinihila siya sa mundong bago sa kanya. Summer Braganza, o mas kilala sa screenname nitong Rain—kaya bang tanggapin ni Mia ang biglang pagbabago ng preference niya dahil sa babaeng ito? Saan siya lulugar sa buhay ni Summer? Hindi niya na ito dapat pang alamin dahil may Cornelia na ito. Magiging single na lang ba siya forever?
LGBTQ+
102.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Married into His Billion-Dollar Life

Married into His Billion-Dollar Life

Isang ordinaryong babae si Trina, anak sa labas ng isang prominenteng pamilya, na hindi kailanman inasahan na magiging sentro ng isang nakakagulat na sitwasyon: nagkaroon siya ng marriage certificate na nagpapakita na kasal na siya… sa isang lalaki na hindi niya kilala — si Luke Montenegro, ang misteryosong heir ng pinakamayamang angkan sa mundo. Habang sinusubukan ni Trina na alamin ang katotohanan, natuklasan niya ang masalimuot na relasyon ng kanyang pamilya sa mga Montenegro, at kung paano siya itinuturing na walang karapatan kumpara sa kanyang kapatid na si Gabriela, na nakatakdang pakasalan si Xander Montenegro, ang panganay ng pamilya. Sa gitna ng mga intriga, bulung-bulungan, at paninibugho ng pamilya, napilitang makipag-ugnayan si Trina kay Luke, na sa unang tingin ay malamig, misteryoso, at makapangyarihan. Ngunit habang nagkakaroon sila ng hindi inaasahang koneksyon, lilitaw ang tanong: maaari bang mabuo ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong napagbuklod ng tadhana sa pinaka-kakaibang paraan? Punong-puno ng drama, misteryo, at romantikong tensyon, ang kuwento ay sumusubok sa hangganan ng pamilya, kayamanan, at kung paano hinaharap ni Trina ang kanyang kapalaran sa piling ng isang lalaking hindi niya inaasahan.
Romance
209 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Si Hunter Buencamino na isang kilalang business tycoon sa Pilipinas ay binigyan ng isang buwan na palugit ng kanyang ama na kailangan niyang maiharap ang babaeng makakasama niya habang buhay, kapalit ang malaking project sa Brown Corporation . Halos hindi makapaniwala si Hunter sa mga salitang narinig niya sa kanyang ama, lalo pa't wala sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagpayag ng ama sa proyekto na matagal na niyang pinapangarap na makuha, ngunit kapalit ay ang pagpapatali niya sa isang kasal na labis niyang kinamumuhian. Sa kagustuhan ni Hunter na makuha ang project, isang plano ang nabuo sa kanyang isip at nakahanda siyang magbayad kahit na magkano sa isang babae na magpapanggap na kanyang girlfriend at asawa. Makikilala ni Hunter si Nathalie del Prado sa isang agency na bride for hire at aakalain niya itong babaeng bayaran. Ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay matutuklasan ni Hunter na isa pa lang birhen ang babaeng inakala niyang marumi. Si Nathalie na nga ba ang babaeng magpapabago sa pusong bato ni Hunter?
Romance
1010.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
CARRYING THE TRIPLETS  OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND

CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND

Sa loob ng tatlong taon na sila ay kasal, ni minsan ay hindi pa naramdaman ni Cristina na may asawa siya sa kanyang tabi. Una palang ay alam niya ng hindi siya mahal ni Nigel dahil may mahal itong iba at napilitan lamang ito na pakasalan siya dahil sa isang kasunduan ng pamilyang Montefalco sa ama ni Cristina. Ngunit may hangganan ang mga bagay na hindi pinapahalagahan. Nang malaman ni Cristina na napaparty si Nigel kasama ang pinakamamahal nitong babae na si Millicent habang siya ay mag-isang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ina. Doon niya naisipang hiwalayan na ang asawa at lumayo kasama ang ipinagbubuntis niya. Makalipas ang limang taong pagtatago ay tadhana na ang gumagawa ng paraan upang mag-cross ulit ang kanilang mga landas. Paano kung hindi niya na kaya pang itago ang tungkol sa triplets na isinilang niya mula kay Nigel. Paano siya at ang mga triplets na sisingit sa buhay ni Nigel gayong kasal na ito sa ibang babae. Ilalaban ba ni Cristina ang kanyang mga anak pati na rin ang kanyang puso or she will run away again with her children?
Romance
1069 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Contract Wife

The Contract Wife

The soon-to-be King, Neil Gabriel J. Rashid-Al, was called by his father King to go home to their country after 7 years of jumping from one country to the other one pero sa ibang kadahilanan ay hindi pa siya ready na bumalik, at dahil may past siya na ayaw niya balikan sa Dubai. And so, para takasan ang nakaraan niya ay humanap siya nang babae na papayag maging wife niya at sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nakita niya ang katulong na naglilinis ng bahay niya, her name is Wendy at laki ito sa hirap. Meanwhile, Wendy Lee saw her boss for the first time dahil whenever she come to his house to clean he was out and doing his business. But that day was different and because of circumstances ay pumayag siya rito na maging contract wife kahit na hindi nila kilala ang isa’t-isa nang husto. Soon, they fly going to Dubai and the family Rashid-Al were all got surprised by their news, especially his elder sister who knows everything about him. Ang tanong...will the soon-to-be King, Neil, take the throne and be willing to be true to himself, or will he hide and stick to his plan? But what will happen if the past meets the future? What side is he going to take?
Romance
105.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Contracted to a Single Dad

Contracted to a Single Dad

Si Lia Constantino ay isang ulila at bayarang babae na nagtatrabaho sa isang club upang suportahan ang kapatid niyang may malubhang sakit. Nang kailanganin ng kapatid ang isang kidney transplant na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso, hindi na alam ni Lia kung paano makakakolekta ng ganitong halaga. Hanggang isang gabi, isang misteryosong lalaki, si Dr. Rabino Castillon, ang CEO ng CST Medical Center at isang single dad na may kambal, ang lumapit sa kanya. Nag-alok ito ng limang milyong piso kapalit ng isang kasunduan: magiging asawa siya ng doktor sa loob ng isang taon at magpapanggap bilang ina ng mga anak nito. Dahil sa hirap ng sitwasyon, at para sa kaligtasan ng kapatid, pumayag si Lia. Ngunit habang nagsisimula silang magsama sa isang bahay, unti-unting nahulog ang loob ni Lia kay Dr. Rabino—isang lalaking mahirap maabot at wala ng interes sa babae. Ngunit kung kailan nahulog ang loob ni Lia sa binata ay siya namang pagbabalik ng dati nitong asawa. Ipaglalaban pa rin ba niya ang pagiging asawa, kahit na ang kasal nila ay isa lamang kontrata? At paano kung may sekreto palang tinatago ang kanyang asawa?
Romance
10677 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status