Naked Desire (SSPG R-18)
KISMETFirst-Person POVSteamyFast-Paced PlotCEOSecretaryBillionaireTwistedTwistOffice Relationship
Nawasak ang mundo ni Astrid nang pagtaksilan siya ng dalawang pinakamahalagang tao sa buhay niya ito ang kanyang nobyo at ang kanyang matalik na kaibigan. Ang masakit pa, nabuntis ng kanyang ex-fiancé ang kanyang best friend na nauwi sa isang sapilitang kasalan.
Dahil sa matinding trauma at emosyonal na sakit, na-trigger ang isang medikal na kondisyong matagal na niyang kinakalaban at ito ang Compulsive Sexual Behavior Disorder (CSBD) o hypersexuality. Sa bawat pag-alon ng kalungkutan, sumasabay ang isang nag-aapoy at mapusok na pagnanasang hindi niya mapigilan.
Sa desperasyong mapawi ang matinding init na sumusunog sa kanyang katawan at isipan, gumawa si Astrid ng isang mapangahas na hakbang. Inalok niya ang kanyang gwapo ngunit istriktong boss, si Leandro Sandoval, ng isang lihim na kasunduan. Walang emosyon. Walang commitment. Tanging pagpaparaos lang tuwing aatakihin siya ng matinding pangangailangan.
Pumayag si Leandro, at doon nagsimula ang kanilang mga nagbabagang lihim na tagpo. Sa likod ng mga nakasarang pinto ng opisina at sa mga madidilim na sulok, ibinibigay nila ang kanilang mga sarili sa tawag ng laman. Ngunit sa bawat patagong pagkikita at sa bawat nakapapasong haplos, hanggang saan nila kayang panindigan na parausan lang ang isa't isa? Sa larong pinaghaharian ng pagnanasa, paano kung ang mismong puso na ang maghanap ng higit pa sa Naked Desire?