Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Marry me, Teacher Luke

Marry me, Teacher Luke

MikhaelRiver
College lang noon ang teenager na si Rachel Assistio, nang s’ya ay mabuntis ng nobyong si George. Makalipas ng ilang taon, napalaki naman n’ya ang bata ng maayos, na pinangalanan n’yang Sefira. Hindi nga dapat s’ya papasok sa isang relasyon muli,ngunit nang makilala n’a ang teacher ni Sefira na si Luke, tila bigla yatang nagbago ang lahat. Ngunit nang naging sila ni Luke, saka pa nagkaroon ng iba’t ibang pagsubok na pilit sinisira ang relasyon nila. Maipaglaban kaya nila ang kanilang pag-iibigan? Tanggapin pa kaya ni Rachel si Luke, kung malaman n’ya ang sikretong hindi n’ya masabi?
101.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 33 Beses bilang ginapang si hipag
Read
+Library
Mommy To The Billionaire's Daughter

Mommy To The Billionaire's Daughter

Si Bianca Batista, isang barista, lumaking ulila matapos mamatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente noong bata pa siya. Pinalaki siya ng kanyang lolo’t lola, ngunit palagi niyang hinahangad ang pagmamahal ng kanyang mga magulang at ang magkaroon ng isang buo at masayang pamilya. Nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas Alcaraz isang gabi sa isang bar—isang guwapo, mayaman, ngunit napaka-aroganteng lalaki. Kinaumagahan matapos ang kanilang one-night stand, hindi inaasahan ni Bianca na mababangga niya ito sa isang insidente, at mas lalong hindi niya inaasahang mapagkamalan siyang ina ng anak nito. Dahil sa sitwasyon, napilitan si Lucas na alukin si Bianca na magpanggap bilang ina ng kanyang anak.
10566 viewsOngoingIdinagdag sa Library 22 Beses bilang ginapang si hipag
Read
+Library
Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)

Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)

Rizza was kidnapped and brought to the place where Drake is living with his men. Hindi siya dinukot para ipatubos sa kanyang pamilya hindi kagaya ng mga napapanood niya sa mga drama sa telebisyon. Siya ay dinukot ng mga hindi kilalang lalaki upang bigyan ng anak na magiging tagapagmana si Drake na ayaw na mag-asawa sa takot na baka lokohin at iwan na naman ito. Pumayag kaya si Rizza sa nais ng bilyonaryong binata na bigyan niya ito ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya nito? Paano kung tanggihan niya ang bilyonaryong binata na si Drake? Makabalik pa kaya siya sa kanyang pamilya na buhay? Kahit tanggihan niya ang bilyonaryong binata na si Drake hindi na niya matatakasan ito.
10.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 262 Beses bilang ginapang si hipag
Read
+Library
The Billionaire's Secret Family

The Billionaire's Secret Family

Hindi dapat magkaroon ng anak ang isang De Silva sa isang maid. But six years ago, Atlas De Silva broke the one rule Pride Estate protected the most. He loved Elnora Velasco in secret. Ngunit nang malaman ng pamilya De Silva na buntis siya, pinalayas si Elnora, pinaratangan ng pagnanakaw, at pinaniwalang tumakas kapalit ng pera. Si Atlas naman ay pinakasal sa babaeng pinili ng pamilya niya para protektahan ang pangalan ng Pride Estate. Anim na taong lumaban mag-isa si Elnora para sa anak niyang si Luna Hope. Hanggang sa lihim na sumali si Luna sa Family Wish Contest ng Pride Estate. Hindi alam ni Elnora na napili ang anak niya bilang grand winner. At hindi niya alam na ang mismong magbabasa ng winning wish sa live event ay si Atlas De Silva. Sa harap ng buong La Isla Tentación, binuksan ni Atlas ang sobre habang nakangiti ang asawa niya sa tabi. He read the child’s wish. (I wish my daddy would remember Mommy.) He saw the attached photo. Isang lumang larawan niya. May sulat sa likod. (Mommy said this is the man who loved her, but not enough to fight for her.) Sa gitna ng entablado, lumapit si Luna Hope. “Are you my daddy?” Namutla ang asawa ni Atlas. Elnora rushed forward and pulled Luna into her arms. “Huwag mo siyang tawaging Daddy.” At sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon, nakita muli ni Atlas ang babaeng minsan niyang minahal. “Elnora… is she mine?” Hindi siya sinagot ni Elnora. Tinalikuran niya ito, bitbit ang anak nila. Bago pa siya makalabas ng ballroom, nagsalita si Atlas. “Run if you want, Elnora. But I’m not the same man who let you disappear. This time, I’m coming after you.”
291 viewsOngoingIdinagdag sa Library 10 Beses bilang ginapang si hipag
Read
+Library
HE GOT ME PREGNANT!

HE GOT ME PREGNANT!

Paano niya ipaaalam sa itinuring niyang ama- amahan na si Don Demetrio na ang nakabuntis sa kanya ay ang nagiisang anak nito na si Duncan Sylvanno? He got her pregnant! her stepbrother got her pregnant!.
10179.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 3.6K Beses bilang ginapang si hipag
Read
+Library
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
104.2K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 83 Beses bilang ginapang si hipag
Read
+Library
The Billionaire's Property

The Billionaire's Property

Simula noong mamatay ang mga magulang ni Aria, si Julian Imperial na ang naging pamilya niya. Bilang guardian at protector, si Julian ang tanging sandigan ni Aria—ang taong inakala niyang hinding-hindi siya sasaktan. ​Pero sa gabi ng ika-19 na kaarawan ni Aria, gumuho ang lahat. Nalaman niya ang madilim na plano ni Julian. Hindi lang siya basta ward; isa siyang pag-aari na hindi nito hahayaang makuha ng iba. Gamit ang isang kontrata at ang buhay ng kanyang lola, ikinulong ni Julian si Aria sa isang relasyong walang kawala. ​Sa gitna ng desperasyon ni Aria, papasok si Alexander Vyrios—ang mortal na kaaway ni Julian. Mag-aalok si Alexander ng kaligtasan at kalayaan, pero alam ni Aria na bawat tulong nito ay may mabigat na kapalit. ​Sino ang mas dapat katakutan? Ang guardian na nagpalaki sa kanya pero gustong mag-ari sa kanyang pagkatao, o ang estrangherong nangangakong ililigtas siya pero may mas malalim pa palang motibo?
115 viewsOngoingIdinagdag sa Library 4 Beses bilang ginapang si hipag
Read
+Library
You Are My Savior

You Are My Savior

Si Rhianna Evangelista kasama ang kaniyang Ina at nakababatang kapatid na si Ylona ay ikinulong sa isang mansiyon na malayo sa bayan at nasa liblib na lugar na pag-aari ng kaniyang amain na si Don Ysmael na isang kilalang Drug Lord sa bansa na hindi magawang hulihin at hindi mahuli-huli dahil sa koneksiyon na mayroon siya. Dahil sa gusto ni Rhianna na iligtas ang kaniyang ina at kapatid, maging ang kaniyang sarili. Nagpasya siyang tumakas sa kaniyang amain para mailigtas ang kaniyang ina at kapatid. Doon niya nakilala si Leonardo Estralta Jr., isang Agent na siyang nakakita sa kaniya at kumupkop. Naging kasapi siya ng kanilang samahan at nagkaroon ng layunin na tugisin at pabagsakin ang mga taong nasa likod ng pagtulong kay Don Ysmael. Subalit, habang tumatagal nahuhulog na ang loob ni Leonardo kay Rhianna at napagtanto niyang mahal na niya. Handa ba niyang bitawan ang tungkulin para sa babaeng minamahal at makasama hanggang sa pagtanda at ng pamilya kasama si Rhianna o isasantabi ang nararamdaman at ipagpapatuloy ang paglilingkod sa bayan?
105.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 206 Beses bilang ginapang si hipag
Read
+Library
Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle

Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle

Sa loob ng walong taon, inakala ni Lizzy na ang fiancé niyang si Jarren ang katuparan ng kanyang mga pangarap—isang perpektong kasal at masayang pamilya. Ngunit ang masakit na katotohanan ay tumambad sa kanya: si Jarren, ang lalaking minahal niya, ay may relasyon sa iba... at ang kabit nito ay hindi lamang basta kung sino, kundi ang sekretarya niya. Hindi na tumingin pa si Lizzy sa nakaraan. Sa halip, pinili niyang balikan ang dignidad niya at lumakad palayo sa kanyang engagement. Sa gitna ng gulo at kahihiyan, pumasok sa kanyang buhay ang isang bagong mukha—si Lysander Sanchez, ang misteryosong uncle ni Jarren na puno ng karisma at lihim na intensyon. Habang bumabawi si Lizzy mula sa sakit ng pagtataksil, matutuklasan niya na ang kanyang landas ay puno ng panibagong hamon, tukso, at pagkakataon para sa tunay na pagmamahal. Magagawa kaya niyang ipaglaban ang kanyang kalayaan at puso, o muli siyang masasaktan sa gitna ng isang mas komplikadong mundo?
7.961.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.9K Beses bilang ginapang si hipag
Read
+Library
Unmarried Wife

Unmarried Wife

Lunayvaiine
Isang kasalanan ang nagdala kay Riyana sa isang masalimuot na buhay may asawa. Nabuntis siya ng nobyo ng kapatid niya, napilitan siyang pakasalan ni Elthon para makuha nito ang mana na iniwan ng yumao niyang ama. Nangibang-bansa si Monica nang malaman niyang magkakaroon na ng anak ang kapatid niya at ang nobyo niya ang ama. Masakit kay Monica ang nangyari hindi niya akalain na ang kapatid niya pa mismo ang magta-traydor sa kaniya. Nagpaubaya siya para sa bata. Lumipas ang ilang taon si Monica pa din ang mahal ni Elthon, kahit kailan ay hindi niya mamahalin si Riyana dahil nabuntis niya lang ito noong pareho silang nalasing. Hindi sinasadya at hindi niya inaasahan. Nasangkot si Elthon sa isang sindikato. Napagbintangan siya na isa siya sa mga myembro nito dahil siya ang nahuli nang magkaroon ng raid sa mismong lugar ng pinangyarihan. Nakulong ng ilang buwan hanggang sa napatunayan na wala siyang kinalaman sa drugs. Hanggang sa nalaman ni Elthon na namatay si Monica dahil binigay nito ang puso niya kay Riyana. Nabaril si Riyana nang mga sindikatong naglagay kay Elthon sa kapahamakan. Hindi niya alam mahina pala ang puso ni Riyana at may sakit si Monica noong pumunta ito ng ibang bansa. Halos gumuho ang mundo ni Elthon ng malaman niya ang nangyari. Sinisi niya si Riyana sa lahat. Nawala ang kaisa-isang babaeng minahal niya at pinangakuan niya ng kasal. Lahat ng pangarap niya para sa kanilang dalawa ni Monica ay nawala dahil kay Riyana. Kaya ginawa niyang miserable ang buhay nito sa piling niya.
51.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 67 Beses bilang ginapang si hipag
Read
+Library
PREV
1
...
2526272829
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status