Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Bad Boy Sa Tabi

Ang Bad Boy Sa Tabi

“Ang tunay na sakit ay hindi nagmumula sa mga kalaban, mula ito sa mga pinahahalagahan natin.” Si Charlie Rae na dalawampu’t isang taong gulang ay natutunan ito mismo ng pagktaksilan siya ng mga taong mahal niya. Nangako siyang tatapusin na ang ugnayan sa kanila ng pang habambuhay. Pero ang pag drop out mula sa unibersidad ay hindi kasama sa kanyang pagpipilian, at imposible an iwasan sila sa campus. Ang kaisa-isa niyang paraan para tumakas? Ang lumipat sa tinutuluyan ni Taylor West–ang pinakamalaking karibal ng ex-boyfriend niya at kilalang bad boy ng unibersidad. Pansamantala lang ito dapat, pero habang tumitindi ang tensyon, napaisip si Charlie: tunay ba siyang nakatakas sa mga problema niya, o baka makakagawa na naman siya ng isa pang pagkakamali? *** “Linawin natin ito–housemates lang tayo. Hindi kita type, kaya huwag ka magtatangkang pagsamantalahan ako!” Nilinaw ni Charlie ang kasunduan. Ngunit, isang umaga, nagising si Charlie sa kuwarto ni Taylor. Ang gray niyang mga mata ay nakatitig sa kanya habang mapaglaro ang boses niya ng magtanong, “Ang akala ko ba hindi mo ako type. So, sinong nananamantala dito?”
YA/TEEN
1019.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Runaway Bride's Keeper

The Runaway Bride's Keeper

Nag runaway bride ang dalagang si Girly, sa kadahilanang hindi niya mahal ang lalaking pakakasalan. Tinakasan niya ang kanyang mapapangasawa sa mismong araw ng kanilang kasal. Humingi siya ng tulong sa estrangherong lalaki na naka-encounter niya, ngunit ayaw naman siya nitong tulungan. Sa kadesperadahang makalayo ni Girly sa bayan nila ay nagbitiw siya ng salita na gagawin niya ang gustong ipagawa sa kanya ng lalaki basta ilayo at itago lang siya nito sa kanyang ama at kay Vincent. Nagkataong nangangailangan din ng tulong ang binatang bilyonaryo na si Enrico Briones kaya pumayag na siya na itago si Girly. In one condition, magpapanggap ang dalaga na girlfriend niya. Pumayag naman agad si Girly ng hindi na inisip ang maaaring maging consequences ng pagpapanggap niya. Sa angking karisma at gandang lalaki ni Enrico, hindi kaya ma-in love sa kanya si Girly? Ano kaya ang mararamdaman ni Girly kapag nalaman niya ang tunay na dahilan kung bakit siya pinagpanggap na girlfriend ng binata? Hindi kaya siya magsisi sa pagpayag niyang maging fake girlfriend ni Enrico? Masaktan kaya ang puso ng dalaga sa kanyang mga madidiskubre?
Romance
1011.5K viewsCompleted
Read
Add to library
SWEET SINNER (FILIPINO)

SWEET SINNER (FILIPINO)

WARNING: [R18] STORY WITH EXPLICIT CONTENT Sa pagtakas ni Mia mula sa malungkot na buhay na ibinigay sa kaniya ng demonyo niyang kinakasama na si Bernie, isa lang ang hangarin niya. Ang magbagong buhay. Ang maging lubusang masaya. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli silang nagkita ni Erik. Si Erik ang unang lalaking minahal ni Mia. Isang uri ng pagmamahal na siya at ang hangin lamang ang nakakaalam. Dahil hindi niya iyon naipagtapat sa binata noong mga bata pa sila. Hindi nawala sa puso niya ang pagmamahal na iyon. Dahil sa loob ng mahabang panahon, aminado siya na ito lamang ang lalaking minahal niya. At iyon ang dahilan kaya nagagawa niyang ibigay kay Erik ang sarili niya. Nang paulit-ulit, kahit pa wala silang relasyon, kahit wala itong sinasabi. Masaya siya at totoong nakakalimutan niya si Bernie sa mga pagkakataon na kasama niya ang binata. Alam niyang hindi titigil si Bernie makuha lamang siya nito. Pero wala narin namang silbi sa kaniya ang buhay niya dahil para sa kaniya patapon na iyon. Kaya bago pa man madamay si Erik sa problema niya, mas nanaisin niyang mamatay nalang.
Romance
1042.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight

The CEO’s Blind Ex-Wife Regain Her Sight

Matagal ng inaasam ni Cecelia Raymundo na mabuntis siya, pero noong araw na nalaman niyang buntis siya ay ang araw rin na natuklasan n’ya na pinagtataksilan siya ng kanyang asawang si Maxwell de Silva at ng kanyang bestfriend na si Valentina Dionisio. Dahil isa siyang bulag at inakala ng mga ito ay hindi niya malalaman. Nagpanggap s’ya na hindi ‘yon alam at noong araw na ibibigay ng kanyang ama ang kompanya nito sa asawa n’ya ay inagaw niya ‘yon subalit hindi n’ya inaasahan na makunan siya. Sa tindi ng galit ay nilisan n’ya ang Pilipinas, pinagamot ang mga mata at muling bumalik para maghiganti. Malinaw na niyang nakikita ang magandang buhay ng asawa niya at kabit nito. Gusto n’ya lamang sirain ang mga ito pero hindi niya inaasahan na maka-one night stand niya si Magnus Quinn de Silva—ang nakatakdang pakakasalan niya at ang tiyuhin ng dating asawa. Subalit ang tunay na layunin nito ay gagawin lamang siyang trophy wife. Nasa rurok na s’ya ng tagumpay ng muling bumalik si Maxwell at nagmakaawang hiwalayan niya ang tiyuhin nito.
Romance
109.1K viewsOngoing
Read
Add to library
HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE

HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE

Sa limang taon nilang kasal, kailanman ay hindi naramdaman ni Aina na asawa siya ni Alexander Montero. Ang lalaking minsan niyang iniligtas, ang dahilan kung bakit siya ngayon ay pilay, ay nanatiling malamig at mailap, at bawat taon, parehong relo lang ang ibinibigay bilang regalo. Hanggang sa gabing narinig niya itong umuungol ng ibang pangalan. Si Juliana. Ang babaeng unang minahal ni Alex, at ang babaeng bumalik para bawiin ang lahat. Habang muling bumabalik si Julie sa buhay ni Alex, unti-unti namang napupuno ng sugat ang puso ni Aina. Pero ngayong may pagkakataon na siyang makaalis, pipiliin ba niyang manatili sa piling ng lalaking hindi siya kayang mahalin o tuluyan nang tapusin ang isang kasal na kailanman ay hindi naging kanya?
Romance
269 viewsOngoing
Read
Add to library
LOVE IN CRIME (Crime Series 1)

LOVE IN CRIME (Crime Series 1)

itsmeaze
Dahil sa kagustuhan ni Xavier Collins na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaniyang kapatid, hinanap at pinilit niyang pinaamin ang babaeng maaaring may kinalaman sa kaso—si Ashley Fate Anderson, isang hindi kilalang manunulat na gustong maibahagi ang kaniyang mga akda sa buong mundo kahit hindi pabor sa kaniya ang tadhana. Matapos mahanap ang kopya ng manuscript ni Fate sa mismong pinangyarihan ng krimen ay naisipan ni Xavier Collins na ipadukot at ikulong ito sa mala palasyo niyang bahay. Noong una ay ginawa lang ito ni Xavier para sa imbestigasyon ng pagkamatay ng kanyang kapatid ngunit habang tumatagal ang pananatili ni Fate sa pamamahay niya ay hindi niya namalayang umiibig na siya sa dalaga.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
exclusively Yours

exclusively Yours

Hindi akalain ni Alexa Perez na makakaranas siya ng pagtataksil mula sa dalawang tao na malapit sa kanyang puso. Ikakasal na siya at ang nobyo niya nang madiskubre niyang may lihim itong relasyon sa kanyang matalik at nagiisang kaibigan. Dahil sa sakit na dulot ng pagtatasil ng nobyo ay naisipan niyang maghiganti rito. Nangahas siya na akitin at ialok ang kanyang sarili sa isang gwapo at batang tiyuhin ng kanyang nobyo. Hindi pinagsisihan ni Alexa ang nagawa niya, kahit na ang lalaki na binigyan niya ng kanyang kapurihan ay bigla siyang iniwasan. Sa araw mismo ng kanyang kasal ay hindi lumitaw si Alexa, bigla na lang siyang naglaho dala-dala ang isang munting bagay na siyang magbabago ng buong buhay niya.
Romance
9.94.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man

Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man

natatangingdilag
Nang lumuhod ang lalaki, magmakaawa, at yakapin ang kanyang binti'y 'di pa rin natinag si Kennedy. "Ken, please, handa akong gawin ang lahat-lahat mapasa 'kin ka lang muli," pagsusumamo ni Chord. Isang hakbang palayo mula sa lalaking dati niyang minahal ay agad na nagbadyang tumulo ang mainit at nag-uunahang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata. Nag-aalab. Lumalago. Ayaw paawat. Ilan lang ito sa mga salitang makakapaglarawan sa pag-ibig ni Kennedy kay Chord. Animo'y isa itong bomba na kapag hinayaan lamang hanggang sa pumatak sa partikular na oras, ito'y sasabog at hindi na mapipigilan pa. Ngunit hindi maipagkakaila na kahit kaila'y hindi mawawala ang mga problema't hamon na maaaring tumupok sa alab ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao. "Napakahirap mong abutin, Chord," wika ni Kennedy, nanginginig ang boses. "Walang-wala sa kalingkingan ng estado mo ang estado ng buhay ko." Namatay si Romeo dahil kay Juliet. Namatay si Jack dahil kay Rose. Hindi nagkatuluyan sina Peter Pan at Wendy. Sina Chord at Kennedy kaya gano'n din? Mailalaban ba nila ang pag-iibigang pilit sinusubok ng panahon, paniniwala, at tadhana?
YA/TEEN
2.7K viewsOngoing
Read
Add to library
When A Meet E

When A Meet E

LovieNot
Sa mundo ng mga mang-aawit ay hindi maiiwasang magkaroon ng kompetisyon.Bilang lider ng isang grupo ng mang-aawit na kung tawagin ay QuadroQueens, isa si Angelic Tomas sa magpapatunay na hindi madaling maging singer. Hindi madaling makipagsapalaran sa mundo nila. Bawat pagkakamali ay may taga-husga, bawat kahinaan ay may handang humila pababa. Kaya, nananatili siyang palaban at may paninindigan para sa karera na tinatahak niya. Wala siyang inuurungan kapag reputasyon at talento na nila ang pinag-uusapan. At isang mapanganib na paing para sa kanila si Eionn Santino. Mula kasi nang lumipat ito sa company kung saan sila napapabilang ay mas nakahatak pa ito ng atensiyon at suporta mula sa mga taga-suporta nila mismo. Alam niyang may ibubuga naman siya at kaya niya ring tapatan ang lalaki kung gugustuhin niya lang pero hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng takot at pangamba tuwing ito ang itinatapat at kinukumpara sa kanya. When two same poles meet at the center of the same color of line, is it possible for them to attract each other? Or will they be the strong evidence of the 'same poles repel' law? "Don't come to me if you'll just going to destroy me."- Angelic.
Romance
104.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Muling Isinilang na Luna

Ang Muling Isinilang na Luna

Inisip ni Crimson na namatay siya bilang isang tao na minahal niya na tinitigan siya ng poot sa kanyang mga mata, lamang na magising dalawang taon na ang nakalilipas nang hindi niya ipinakita sa kanya ang kanyang tunay na kulay. Ang buhay ay nagbigay sa kanya ng isa pang pagkakataon at maaari mong siguraduhin na gagamitin niya ito para sa paghihiganti. Sa kanyang nakaraang buhay siya ay nagkamali sa pamamagitan ng pagiging masyadong mabait at walang muwang, at nagtitiwala sa mga hindi niya dapat. Siya ay ipinagkanulo at nasaktan ng kanyang kapatid na babae, at ang kasintahan at sa proseso ay nawala ang lahat ng mayroon siya, kasama na ang kanyang buhay. At kapag binigyan siya ng pangalawang pagkakataon upang mabuhay, nanunumpa siyang maghiganti sa mga masasamang tao. Alam ang lahat sa oras na ito, dumating siya kasama ang kanyang paghihiganti na naghahatid ng malamig, at medyo handa na. Ang tanging hindi niya inaasahan ay nahahanap niya ang tunay na pag -ibig sa hindi bababa sa posibleng tao na inaasahan niya, lalo na ang isa na nasaktan niya sa kanyang nakaraang buhay.
Paranormal
240 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status