Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Lahat ay ginawa na ni Raquel para mahalin siya ng kaniyang asawa subalit wala itong ginawa kung hindi ipadama sa kaniya na hindi siya mahal ng lalaki. Nagpakaalipin siya para lang makuha ang inaasam na pagmamahal mula sa asawa subalit sarado ang puso nito para sa kaniya hanggang isang araw ay nagising na lamang si Raquel na pagod na. Pagod na siyang mahalin ito, intindihin, at magtiis sa paulit-ulit na pagtataksil kaya't nang alukin siya nito ng paghihiwalay ay kaagad naman niyang tinanggap. Umuwi si Raquel sa kanilang probinsya dala ang balitang buntis siya sa asawa at pinangakong hindi na babalik. Ikinagulat ng lahat ang bigla na lamang pagsunod ng kaniyang asawa na nagsusumamong tanggapin niya ito at siya naman ngayon ang hinahabol-habol ng bilyonaryo niyang asawa.
Romance
1013.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Wild Night with My Stepson

Wild Night with My Stepson

Totoy
Isang gabing pagtatagpo, kapwa nahanap ni Chrisia at Errol ang comfort sa isa't isa. Nadala ng init ng gabi at natagpuan ang sarili sa bisig ng isa't isa. Nagbunga ang gabing iyon at pinili niyang itago ang bata. Lumipas ang limang taon, kasal na siya kay Michael, tinanggap nito ang bata ngunit nalaman niyang si Errol ay ang long lost son ng kaniyang asawa. Hanggang kailan niya itatago ang katotohanan? Paano kung magising na lang siyang nahulog na ang loob niya sa kaniyang stepson? May mga sikretong mabubunyag pero hanggang saan tutungo ang maling pagmamahal?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
I Am Married To The Ruthless CEO

I Am Married To The Ruthless CEO

Espesyal daw ang araw ng kasal dahil dito nagsisimula ang isang kwento ng walang hanggang pagmamahalan. Pero sa akin, dito natapos ang lahat. Ang araw na pinangarap kong maging pinakamasaya, naging araw ng pinakamalalim kong sugat. Isang lihim ang sumira sa lahat—ang taong dapat kong makasama habangbuhay, may ibang pinili. Hindi ko na nakita ang altar. Hindi ko na narinig ang 'oo.' Ang tanging narinig ko lang ay ang pagkabasag ng pangarap ko. At sa araw na iyon, natutunan kong ang pagmamahal ay hindi laging sapat para tapusin ang isang kwento.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Dangerous Love

Dangerous Love

KhioneNyx
Napapalibutan ng tungkol sa politika si Marina Hidalgo, isang vice mayor ang kanyang ina at isa namang attorney sa public attorney’s office ang ama niya. Galing siya sa pamilyang matagal nang nagseserbisyo sa gobyerno, ngunit iba ang tumatakbo sa kanyang isipan at plano niya sa kanyang buhay. Siya lang ang sumalungkot sa generation ng pamilya nila nang kumuha siyang kursong journalism dahil gusto lang niya ng tahimik na buhay, hindi rin niya gaanong pinangangalandakan sa buong unibersidad niya na galing siya sa pamilya ng mga Hidalgo. Marami siyang iniiwasan at isa na roon ang pamilya Sanchez, ang namamayagpag ngayon sa municipality nila lalo na’t Sanchez ang nakaupo na mayor sa lugar nila at isang dahilan na kaaway na pamilya sa politika ng mga Hidalgo ang Sanchez. Pero kung anong iniiwasan niya iyon naman ang lumalapit sa kanya, nang makilala niya sa isang press conference si Filan Sanchez, ang pangalawang anak ng mga Sanchez, bilang journalism student siya ang naatasang mag-interviewed nito para sa kanilang school newspaper. It all started in the interview, press conference at ang mga tanong na kailangan niyang ibato sa batang Sanchez, akala niya roon lang matatapos ang lahat, but nag-uumpisa pa lamang ang lahat.
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
GARETT: The Lost Alpha

GARETT: The Lost Alpha

Hiraya Neith
Nang mawala ang lahat kay Garett Godfrey ay nawalan din siya ng deriksiyon sa buhay. Napasok sa madilim at magulong mundo ng underground arena kung saan buhay ang kapalit sa bawat laban. Ilang taon niyang niyakap ang kadiliman bago siya tuluyang natauhan. Muli niyang sinubukang ayusin ang sariling buhay kasabay ng pangakong hahanapin ang nawawalang kakambal. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Iris Archer. Ang kauna-unahang babae na hinayaan ni Garett na mapalapit sa kanya. Kung kailan natutunan na niyang mahalin ang babae ay saka naman niya natuklasan kung sino talaga ito. Ano ang pipiliin niya? Ang pagmamahal na gumamot sa sugat na gawa ng nakaraan o ang paghihiganti na maaaring maging dahilan para mawala sa kanya si Iris?
Other
3.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Ruthless Love

Ruthless Love

BubbleBat
Once a Ruthless always a Ruthless 'Yan ang itinanim ko sa isip ko. Imbis na maghiganti pa ako ay mas mabuting manahimik nalang, kaysa sa gumawa ng panibagong gulo. Gusto ko mabuhay ng masaya kasama ang aking anak at mamuhay malayo sa kanila. Bago pumanaw ang ama ni Olivia May Biller, ay ipinag kasundo siya sa kaniyang kababata upang hindi siya maiwang mag-isa bago pumanaw ang ama niya. Ngunit isang pagtataksil ang nangyari, ang inakala niyang masayang pamilyang mabubuo nila ay isang malaking kasinungalian. Ang storya ng dalawang tao na parehong bulag sa pagmamahal ngunit sa magkaibang pamamaraan. Ang pagmamahalan nilang puno ng kasakitan, katrayduran at mga nakaraang mahirap nang balikan. Ngunit muling pagbubukludin ng isang bunga at kapalaran. Handa pa ba nilang patawarin ang isa't isa o paghihiganti ang mananalaytay sa kanila?
Romance
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Innocent Cheater

The Innocent Cheater

Author BadkittenC
Isang pangyayari ang nagtulak kay Zandra na mag-apply bilang sekretarya ng isang bilyonaryo at CEO ng isang sikat na kompanya sa pilipinas na si Christian Luke Trinidad. Sa kabutihang palad ay natanggap siya ngunit ang hindi niya alam ay may pinaplano pala itong hindi maganda laban sa kaniya. Simpleng bangayan na nauwi sa pag-iibigan. Ngunit isang rebelasyon ang siyang wawasak sa pagsasama nila. Isang rebelasyon na siyang pupukaw sa pagkatao nila. Isang sikretong mabubunyag. Dalawang pusong masasaktan. Pag-iibigang matatapos. Sapat ba ang salitang pag-ibig para lumaban? Handa ka bang piliin ang taong itinuturing mong kaaway? Pagmamahal laban sa pagmamahal. Ano ang pipiliin mo?
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Lustful Memories : Graeson Santillan (Tagalog-R-18)

Lustful Memories : Graeson Santillan (Tagalog-R-18)

Blurb: Pakiramdam ni Graeson Santillan, may kulang pa sa sarili niya kaya hindi niya magawang magseryoso sa buhay. Kaya hinanap niya ang sarili niya. Nilibang din niya ang sarili sa mga babae, bar hopping, car racing at iba pa. Pero gano’n pa rin ang pakiramdam niya kaya nagdesisyon siyang sumama sa kaibigang si Isagani pauwi ng probinsya, baka sakaling mahanap niya ang sarili doon. Hindi niya akalaing magiging wild ang unang gabi niya sa bayang iyon. Isa yata iyon sa hindi niya malilimutang karanasan. Pero minalas siya dahil basta na lang siya iniwan ng babaeng nakaniig na nagngagalang Beth. Hindi pa naman niya nakita nang malinaw ang totoong itsura nito. Hinanap niya ito ng mga sumunod na araw pero walang nakakakilala sa kanya. Saka naman dumating sa buhay niya ang Ate Athena ni Isagani, na matanda sa kanya ng anim na taon. Ginulo din nito ang naguguluhang puso niya, na mas lalong nagulo nang makatanggap siya nang balita tungkol kay Beth…
Romance
1045.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Divorcing the Devilish Billionaire

Divorcing the Devilish Billionaire

Muli siyang nabuhay, ngunit iba na ang pangalan niya. At para mas lalo pang lumala ang sitwasyon, may malupit pa siyang asawa. Mas pipiliin ni Lanie Gravidez na mamatay na lamang kaysa mabuhay kasama ang mala-demonyong asawa nitong si Ivo. Marami ang dapat gawin ni Lanie upang mabigyan niya ng hustisya ang tunay na may-ari ng katawan: ang pagdi-divorce sa kanyang asawa at ang pagbawi sa mga ninakaw ng pamilya niya. Magiging matagumpay kaya siya, lalo na’t nararamdaman din niya ang pagmamahal ng dating may-ari ng katawan para kay Ivo?
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Let Me Be The One

Let Me Be The One

Si Kassandra Celestine Gomez o mas kilala bilang Cassie ay isang dalagang puno ng pangarap. Hindi man nila natitikman ang karangyaan ng buhay, busog na busog naman siya sa pagmamahal at magandang asal na itinuturo palagi sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Walang ibang ginawa si Andra kundi ang mag-aral at magtrabaho upang makatulong sa kaniyang pamilya. Hanggang sa dumating ang araw na ha hindi inaasahan ni Cassie na magbabago sa buhay niya. Nakilala niya ang masungit na engineering student na si Jeremiah Nite Sanchez. Sa unang pagkakataon ay naranasan niyang umibig. Tila kampi pa sa kaniya ang tadhana at hinayaan nitong maranasan kung paano mahalin ng kaniyang minamahal. Ang kanilang mga araw ay napupuno ng mga bahaghari at mga paro-paru ngunit lahat ng ito’y natuldukan dahil sa isang pagkakamali. Ano nga ba ang sukatan ng totoong pagmahahal? Ano ang gagawin kung hindi pa nga nag-uumpisa ang laban ay talo ka na? Paano mo masasabing siya’y mahal mo talaga? Itatama pa ba o tama na?
YA/TEEN
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status