Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

Si Althea Cruz ay isang simpleng babae na may pangarap na makalaya sa mahigpit na mundong ginagalawan niya. Ngunit isang pagkakamali ang nagtulak sa kaniya sa kamay ng lalaking kinatatakutan ng marami—Governor Silas Montenegro, isang makapangyarihan, mayaman, at misteryosong lider na sanay makuha ang lahat ng gusto niya… maliban sa puso ni Althea. Dahil sa isang lihim at kasunduang hindi niya maiiwasan, napilitang pakasalan ni Althea ang lalaking ayaw niyang makasama. Sa mata ng mundo, isa silang perpektong mag-asawa. Pero sa loob ng kanilang tahanan, malamig ang bawat titig, at mas malamig ang bawat salitang hindi binibigkas. Ngunit gaano katagal mananatiling bato ang pusong pilit pinapainit ng isang lalaking sanay makuha ang lahat sa pamamagitan ng pwersa? At gaano kalayo ang kayang gawin ng isang obsessed na gobernador… para makuha ang babaeng hindi siya kayang mahalin?
Romance
7.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Consortium's Heir

The Consortium's Heir

[No. 2 “The Leading Star” ng “The Legendary Urban Man” Contest] Si Darius Reid, ay ordinaryong university student na laging minamaliit ng lipunan. Ng inisip niya na ang kanyang buhay ay magiging mas malala, isang tawag at isang biglaang pamana ang nagbago ng kanyang buhay. Simula ngayon, hindi na siya isang ordinaryong university student. Siya ay si Darius Reid, ang tanging tagapagmana ng Reid Consortium!
Urban
9.2129.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife

Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife

Matapos siyang malasing, patuloy patuloy niyang isinisigaw ang pangalan ni Iris Relova. Nang magising siya kinabukasan, wala siyang maalalang kahit ano, at sinabi sa kaniya “Hanapin mo ang babae mula kagabi!” “......” Sa wakas, nawalan ng pag-asa si Solene at nagsumite ng divorce agreement. Ang dahilan ng diborsyo ay: gusto ng babae ng mga bata, ngunit ang kaniyang asawa ay baog, na nagdulot ng pagkasira ng kanilang relasyon! Si Noah na walang kaalam-alam sa sitwasyon, nakatanggap ng balita at ang kaniyang mukha ay nagdilim. Inutusan niya ang isang tao na dakipin si Solene upang mapatunayan ang kaniyang sarili. Isang gabi, si Solene ay kadarating palang sa bahay galing sa trabaho at na-corner ng isang tao sa hagdan. “Sinong nagpahintulot sa iyo na makipag-diborsyo nang wala ang aking pagsang-ayon?” Tinanong ni Solene, "Wala kang kakayahan, kaya bakit hindi mo ako pinapayagan na makahanap ng ibang makakagawa?" Nang gabing iyon nais ni Noah na malaman niya kung may kakayahan ba siya o wala. Ngunit nang ilabas ni Solene ang isang pregnancy report mula sa kaniyang bag ay nagalit muli si Noah. “Kaninong anak ‘to?” Hinanap niya sa lahat ng dako ang ama ng bata at ipinangako na papatayin ang bastardo! Sinong mag-aakala na ang imbestigasyon ay mahuhulog sa kaniya…
Romance
12.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Sextuplets Para Sa Hot CEO

Sextuplets Para Sa Hot CEO

Hindi inasahan ni Amy na ang asawang minahal at pinagkatiwalaan niya nang husto sa loob ng maraming taon ay niloloko siya sa gamit ang secretary nito sa trabaho. Nang magharap sila, pinagtawanan at kinutya lang si Amy ng kanyang asawa at ng kabit nitong secretary. Tinawag siyang baog ng mga walang hiyang yun dahil lang hindi pa siya nabubuntis sa nakalipas na tatlong taon na kasal sila ng asawa niyang si Callan. Dahil sa pagiging heartbroken niya, nag-file siya ng divorce at pumunta sa isang club, pumili siya ng isang random na lalaki, nagkaroon ng mainit na one night stand, binayaran ang lalaki at biglang naglaho papunta sa maliit na syudad. Bumalik siya sa bansa pagkalipas ng anim na taon kasama ang tatlong cute na lalaki at tatlong cute na babae na magkakaedad at magkakahawig. Nagsettle down siyang muli at nakakuha ng trabaho pero di nagtagal ay nalaman niyang ang CEO sa kumpanyang pinatatrabahuhan niya ang lalaking naka-one night stand niya sa club anim na taon na ang nakalilipas. Magagawa ba niyang itago ang kanyang six little cuties mula sa CEO na nagkataong ang pinakamakapangyarihang tao pa sa NorthHill at pinaniniwalaang baog rin? Pwede bang magkasundo si Amy at ang pinakamakapangyarihang tao sa NorthHill sa kabila ng pagiging langit at lupa ng estado nila sa buhay?
Romance
9314.7K viewsCompleted
Read
Add to library
UNEXPECTEDLY "YOU"

UNEXPECTEDLY "YOU"

Nabuntis ng hindi kilalang lalaki si Bryanne at dahil sa takot sa kanyang pamilya ay nagpasya siyang magpakalayo-layo. Apat na taon ang matuling lumipas, nakilala niya ang bagong CEO ng kompanyang kanyang pinagta-trabahu-an, si Roman Contreras. G'wapo sana pero antipatiko kaya hindi sila magkasundo ng lalaki hanggang sa isang araw ay bigla siya nitong alukin ng kasal. A contract marriage to be exact. Roman wants to get rid of his ex-girlfriend and Bry needs a huge amount of money para sa operasyon ng kanyang anak. Saan sila dadalhin ng relasyong nagsimula lamang sa matinding pangangailangan?
Romance
650 viewsOngoing
Read
Add to library
My husband is a Billion-Dollar

My husband is a Billion-Dollar

Minsan na silang nagmahalan, pero biglang nawala si Jazeah, iniwan si Raven nang walang paliwanag. Pagkalipas ng ilang taon, bumalik siya—hindi para humingi ng tawad, kundi para mag-alok ng kasal kapalit ng isang milyon. Kailangan niyang magpakasal para makuha ang mana ng kanyang lola at iligtas ang kanilang kompanya. Pero hindi niya alam, ang lalaking iniwan niya noon ay hindi na mahirap. Siya na ngayon ang may-ari ng pinakamalaking kompanya sa bansa—at hindi niya basta-basta tatanggapin ang kasunduan nang hindi siya nito napaglalaruan muna.
Romance
1018.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Redemption

Love Redemption

Isang gabi ng pagkakamali ang nag-ugnay sa dalawang magkaibang mundo. Si Jade, isang simpleng babae ay biktima ng paninira at kasinungalingan. Si Luther, isang makapangyarihang tagapagmana, napilitan sa isang kasalang walang pagmamahal para iligtas ang dangal ng kanilang pamilya. Dalawang estranghero, na pinagbuklod ng tadhana ngunit hindi ng pag-ibig. Sa kabila ng galit at lihim na bumabalot sa kanilang pagsasama, unti-unting lumitaw ang damdaming hindi nila inaasahan. Mananatili kaya ang kanilang kasal bilang isang malamig na kasunduan o magbabago ito tungo sa isang mas malalim na ugnayan? Mapagtatagumpayan kaya nila ang mga kasinungalingan, galit, at pride na humahadlang sa kanila? O nakatakda na silang manatiling bilanggo ng isang buhay na hindi nila pinili?
Romance
10388 viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage By The Crippled Billionaire

Contract Marriage By The Crippled Billionaire

Claxiin
Nag-umpisa ang lahat nang magkaroon ng contract marriage si Amanda at Jayden. Kontrata na babago sa buhay ni Amanda. Ngunit sa kasabay ng pagbabagong ito ay ang pagbabago din ng damdamin niya para sa binata. Malinaw ang naging usapan nila, ito ay hanggang kontrata lamang ang mayroon sila. Ngunit naging mapusok silang dalawa, nagpalunod sila sa tawag ng laman. Kaya nang bumalik ang babaeng minamahal nito nakalimutan niya ang tungkol kay Amanda. Paano kong sa paglipas ng mga taon ay muling bumalik si Jayden sa buhay nila ng anak? Muli ba silang magtatago at lalayo o haharapin nila ang taong ilang taon niyang tinaguan ng anak?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Begging Her To Love Me Again

Begging Her To Love Me Again

Anong mas masakit—ang mawalan ng anak o ang makitang masaya siyang inabandona ng sariling ama? Para kay Sabrina, isang hiling lang ng anak niyang si Eliza bago ang operasyon: makasama ang ama nito sa birthday niya. Pero sa halip na saya, iniwan siyang naghihintay... hanggang sa sumuka ng dugo at tuluyang lumisan. Ngayon, habang yakap ang abo ng anak, pinanood niyang binuhos ni Elijah ang pagmamahal sa anak niya sa ibang babae. Ngunit paano kung isang araw, bumalik si Elijah na parang walang nangyari—nakangiti, walang bahid ng pagsisisi? Mananatili bang tahimik si Sabrina, o oras na para iparamdam sa kanya kung anong pakiramdam ng maiwan sa huling sandali?
Romance
581 viewsOngoing
Read
Add to library
The Twin Mistake with Mr. CEO

The Twin Mistake with Mr. CEO

Nakagawa si Rebecca ng pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay nang hindi sinasadyang may mangyari sa kanila ni Dwayne Miguel Ventura, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa at nobyo ng pinakamatalik niyang kaibigan. Ang problema nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa dahilan upang itakwil siya ng kanyang ama dahil hindi niya masabi dito kung sino ang ama ng kanyang dinadala. Tumakas at nagtago si Rebecca kasama ng lihim na pilit niyang itinatago tungkol sa tunay na ama ng kanyang ipinagbubuntis. Makalipas ang mahigit anim na taon, muli siyang nagising sa tabi ni Dwayne ngunit sa pagkakataong ito ay may singsing na sa kanya daliri. Kaya ba niyang tumakas at magtagong muli sa pangalawang pagkakataon?
Romance
10127.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status