LOGINNabuntis ng hindi kilalang lalaki si Bryanne at dahil sa takot sa kanyang pamilya ay nagpasya siyang magpakalayo-layo. Apat na taon ang matuling lumipas, nakilala niya ang bagong CEO ng kompanyang kanyang pinagta-trabahu-an, si Roman Contreras. G'wapo sana pero antipatiko kaya hindi sila magkasundo ng lalaki hanggang sa isang araw ay bigla siya nitong alukin ng kasal. A contract marriage to be exact. Roman wants to get rid of his ex-girlfriend and Bry needs a huge amount of money para sa operasyon ng kanyang anak. Saan sila dadalhin ng relasyong nagsimula lamang sa matinding pangangailangan?
View MorePASADO ALAS SIYETE na ng gabi ng makarating sa inuupahan niyang apartment si Bryanne. Puspusan pa rin kasi ang paggawa niya ng report tungkol sa kung anu-anong hinihingi ng bagong CEO ng A&C. Malapit na siyang mapikon, sa totoo lang. Pakiramdam nga niya ay tila nanadya na lamang ang lalaki dahil ayon sa boss niyang si Mr. Enriquez ay wala naman na daw ibang hiningi si Roman Contreras kay Mr. Abaya pagkatapos na maipasa ang lahat ng report na hinihingi ng lalaki sa Finance Department.Mahinang kumatok ng tatlong beses si Bryanne at ilang saglit lang ay bumukas na ang nakasaradong pinto. Bumungad doon ang nag-aalalang anyo ni Lena.“Bakit, ano ang nangyari?" kaagad na tanong ni Bryanne bago mabilis na hinanap ng kanyang mga mata ang anak na si Silas. “Si Silas?" tanong niya. Kabadong pinagsalikop ni Lena ang kanyang mga kamay bago nakayukong sumagot. " Tulog na siya, Ate.” sagot ni Lena bago bahagyang gumilid para makapasok si Bryanne. Kumunot ang noo ni Bryanne. “Pero?" muli niyang
ARAW NG HUWEBES, supposed to be ay may business trip si Roman sa HongKong pero dahil birthday ng kinakapatid niyang si Patricia ay ipinasya niyang ipagpaliban na lang muna ang paglipad. May ilang investors siyang kakausapin na kailangan pa niyang sadyain pero dahil sa susunod na araw pa naman sila nakatakdang magkita ay ayos lang na ipagbukas niya ang kanyang pag-alis. Tahimik lang na nakaupo si Roman habang hawak ang kopitang may lamang alak. Kasama niya sa mesa sina Karl at Rokko na nagkakagulo katabi ang partner ng mga ito. Marahan niyang sinimsim ang laman niyon habang ang mga mata ay sinusuyod ang paligid. “Oh, my…” usal ni Nina habang ang mga mata ay nakatutok sa isang bahagi ng malawak na ballroom hall ng LaConstancia Hotel, isang five-star hotel na pag-aari ng mga Contreras. Mahina niyang siniko ang katabing si Rokko sabay nguso. “Look who’s here." aniya sa fiancee na hindi inaalis ang paningin sa isang particular na bisita. Sinundan ng tingin ni Rokko ang itinuturo ni Nin
ISANG MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bryanne habang nakatanaw siya sa unahan ng kalsada. Naroon siya sa waiting shed na nasa kabilang kalsada ng pinanggalingang grocery store na. Dumaan siya roon pagkalabas niya ng opisina kanina para mamili ng ilang kailangan sa apartment pero dahil pasado alas siyete na siya nakalabas ng opisina ay anong oras na rin siya nakatapos mamili. May mga tinapos pa kasi siya dahil kailangan iyon bukas ng boss niyang si Mr. Enriquez.“Nasaan na ba ang mga tricycle dito?" bulong ni Bryanne habang nanghahaba ang leeg sa pagtanaw sa kalsada. Ngunit kahit isang tricycle ay wala siyang makita. Sinulyapan niya ang suot na relong pambisig. Pasado alas otso na ng gabi. Napangiwi si Bryanne. Tiyak na dadatnan na naman niyang tulog na ang anak na si Silas. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng guilt. Kulang na kulang na ang oras na nabibigay niya sa anak simula nang mapunta siya sa Black Techno at nangangamba siyang baka nagtatampo na si Silas. Lumabas nam
ARAW NG SABADO kaya alas sais pa lang ng umaga ay gising na kaagad si Bryanne. Gusto niyang ipagluto ng masarap na almusal ang anak na si Silas. Wala na siyang oras kapag araw ng lunes hanggang biyernes kaya ang yaya nitong si Lena na lamang ang ng-aasikaso ng pagkain ng anak niya. And now that it’s weekend, Bryanne wants to make sure na siya ang magpi-prepare ng pagkain nilang mag-ina–and of course ni Lena. Kasabay nila itong kumakain dahil silang tatlo lang naman ang nasa apartment. Pagkatapos itali ang hindi kahabaang buhok at maghilamos ay humakbang si Bryanne patungo sa kanyang two-door refrigerator. Binuksan niya ang itaas na pinto at kinuha ang bacon. Kumuha na rin siya ng kaunting mixed vegetable na balak niyang ihalo sa lulutuin niyang sinangag. Dinagdagan na rin niya ng tatlong itlog saka nagsimula nang magluto. Ilang sandali pa ay nagsimula nang magluto si Bryanne. Sinabayan pa niya ng paminsan-minsang paghuni ang kanyang ginagawa hanggang sa tuluyan na siyang makatap
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.