Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Billionaire's Bridesmaid

Billionaire's Bridesmaid

Magkaibang magkaiba ang mundong kinalakihan at ginagalawan ni Sofia at Catherine. Sa panahon ng kanilang kabataan ay madalas si Sofia ang naging tagapagtanggol at taga salba ni Catherine makaraos lamang ng pagaaral. Matalik silang magkaibigan at halos magkahawig. May bulong bulungan nga na sila ay magkamaganak pero ayaw iyong bigyan ng pansin ni Sofia dahil mataas ang tingin nito sa sarili. Samantalang si Catherine naman ay idolo ang matalik na kaibigan. Matagal na nagkahiwalay ang dalawa matapos ang high school dahil napilitan na si Catherine maghanap buhay dahil wala ng pangtostos sa koliheyo. Baon na siya ng utang at utang na loob kay Sofia. Hanggang isang hapon isang pakiusap ang hiningi ni Sofia kay Catherine at dahil baon sa utang at utang na loob walang paraan para makatanggi ang dalaga. Pinangakuan pa siya ng kabigan na tutulungang makabili ng mga binhi sa bukid at sa palayan ang magulang kapag sumunod siya kaya lalong nahirapan si Catherine na tumanggi. Ang pakiusap kase ng kaibigan ay siya ang magpanggap na si Sofia sa araw ng kasal nito at hindi lamang iyon. Mananatili siyang asawa ng lalaki sa loob ng anim na buwan.
Romance
1015.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Dalawang Nakanselang Kasal

Dalawang Nakanselang Kasal

Sa gabi ng aking kasal, nasagasaan ako ng kababata ng aking fiancé. Nilagay nito sa panganib ang aking buhay. Sinubukan ng aking best friend na tawagan ang aking fiancé, pero agad niyang ibinaba ang tawag. Pinadalhan niya rin ito ng isang text message. “May sakit si Ruth. Wala akong oras para riyan.” Tinawagan ng aking best friend ang kaniyang boyfriend na isang artista na may malawak na koneksyon. Pero sinabi nito na, “May sakit si Ruth. Kailangan niya ako sa tabi niya ngayon.” Pagkatapos ng isang gabi ng resuscitation, tiningnan namin ang isa’t isa sa ward bago kami sabay na magsalita. “Ayaw kong magpakasal.” Pero nasurpresa kami nang mawala sa sarili ang aming mga fiancé nang ikansela namin ang aming mga kasal.
Short Story · Romance
845 viewsCompleted
Read
Add to library
Secretly In-Love with my Estranged Husband

Secretly In-Love with my Estranged Husband

Nagpakasal si Julliane sa edad na dalawang pu't taong gulang dahil sa isang sirkumtansya na nangyari sa kanyang pamilya. Hindi siya gusto ng lalaki na pinakasalan niya. At sa ikalawang araw ng kanilang kasal ay pinadala siya nito sa Amerika para doon magpatuloy ng pag-aaral. Pero muli siyang nagbalik sa Pilipinas makalipas ng tatlong taon dahil malubha na ang sakit ng kanyang ina. At may isa pa siyang gustong gawin, ito ay ang pirmahan ang annulment paper na nakahanda na agad sa unang pagkikita pa pa lang nila ng kanyang asawa. Pero nagtaka si Julliane, dahil hindi agad pinirmahan ng lalaki ang papeles, dahil dito ay naisip niya na baka may kaunting pag-asa sa kanya na sana ay matutunan rin siyang mahalin ng kanyang asawa.
Romance
9.414.9K viewsOngoing
Read
Add to library
His Bodyguard Wife

His Bodyguard Wife

BOOK 1: HIS BODYGUARD WIFE Maayos na ginagampanan ni West ang mga normal na gawain niya bilang isang mafia queen subalit nagkaroon ng malaking pagbabago sa takbo ng kan'yang buhay matapos sabihin ng ama na siya ay kasal na. *** Nang ibigay kay West ng ama ang misyon na protektahan ang kan'yang asawa na walang kaide-ideya na sila ay kasal na at mula sa pamilya ng mga mafia ay nagpas'ya siyang maging bodyguard nito subalit habang nakakasama niya ito ay unti-unti niyang nararamdaman ang mga emosyon na matagal niya ng kinalimutan lalo na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Paano pro-protektahan ng isang mafia queen ang kan'yang hot tempered na asawa kung maraming pangyayari ang magaganap na malayo sa inaasahan niya?
Romance
1011.3K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE

THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE

“Be my wife, Lianna.” Kapalit ng pagpapagaling ng kanyang ama na nasa kritikal na kondisyon ay napilitan si Lianna na kumapit sa isang bagay na wala siyang kaalam-alam kung ano ang magiging kalalabasan at nagpakasal sa isang bilyonaryong lalaki na si Emmanuel Montecarlo. Akala niya ay magiging masaya na ang lahat, akala niya ay maging kaaya-aya na ang kanyang buhay sa piling ng kanyang asawa ngunit tila nagkabaliktad ang mundo ng unti-unti niyang malaman madilim at mapanganib na sikreto nito pati ang pamilya Montecarlo. Ano nga ba ang magiging buhay ni Lianna sa likod ng maamong mukha at matatamis na ngiti ng mga taong nakapalibot sa mansyon ng Montecarlo? Ano nga ba ang mga sikretong kanyang malalaman upang maranasan niya ang mala-impyernong buhay sa loob ng pamamahay ng kanyang asawa? “Good girl, Lianna. Now, start taking off your clothes. I want you naked tonight,”
Romance
1019.8K viewsOngoing
Read
Add to library
THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE

THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE

Hindi lubos maisip ni Althea na matatapos ang noon ay mala-fairy tale love story nila ng kanyang asawa na si Hendrix. Hindi kaagad niya napansin ang naging pagbabago rito, hanggang sa para nalang itong bomba na sumabog sa mukha niya. Her husband is cheating on her, at alam ito halos ng lahat ng mga kaibigan nila maliban sa kanya. Nang kinompronta niya ito ay madiin nitong itinatanggi ang mga paratang niya, kahit pa ba matibay ang mga ebidensyang nakakarating sa kanya. Dahil sa sakit, pumayag si Althea sa prinopose ng mother-in-law niya, ang sikretong papirmahin ng annulment papers si Hendrix at siya na raw ang bahala rito. Kapalit ng pagpayag niya ay ang malaking halaga na ibibigay ng mother-in-law niya. Pero sapat nga bang kabayaran ang pera para sa sakit ng pagtataksil ng asawa na noon ay labis niyang minahal?
Romance
9.788.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Tres Marias: Ada

Tres Marias: Ada

Hindi naging hadlang ang yaman at pribilehiyo upang tuparin ni Atty. Ada Esquivel--- isang matapang at ma-prinsipyong babae--- ang kanyang misyon sa buhay. Bagaman lumaki siyang laki sa yaman at karangyaan, pinili niyang i-alay ang kanyang buhay upang tulungan ang mga mas higit na nangangailangan. Ang kanyang pangalan ay isang malaking tinik sa lalamunan ng mga mayayamang mapang-abuso, sapagkat kilala siya sa pagpanalo ng ng mga kasong isinasampa laban sa ilan sa kanila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo siya sa isang kaso. Kasunod nito ay ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang dating Propesor. Dahil dito ay mapapadpad siya sa isang malayo at maliit ngunit tahimik na bayan ng Bagong Silang. Sa patuloy na pakikibaka para sa karapatan ng mga taong naninirahan dito, unti-unti ring mabibigyan ng linaw ang sinapit ng kanyang propesor, maging ang misteryo sa likod ng kauna-unahang kasong hindi niya naipanalo ay mabubunyag din. Lingid sa kaalaman ni Ada ang bawat sikretong matutuklasan niya ay magiging mitsa ng kanyang buhay. Makakaligtas kaya siya sa tiyak na kapahamakang nakaabang sa kanya? Posible kayang makatagpo siya ng pag-ibig sa gitna ng digmaan? How much will it take to win against the fight outside the courtroom?
Mystery/Thriller
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Ex-Wife Bad Revenge

Ex-Wife Bad Revenge

Conan Akatsuki
Laura, ang babaeng inapi ng lahat. Inagawan ng asawa at lahat-lahat. Babalik upang maghiganti at agawin ang lahat ng higit pa sa ninakaw sa kanya.
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Taming The Arrogant Boss (SPG)

Taming The Arrogant Boss (SPG)

Isang alipin ang turing kay Bea ng kaniyang tiyahin at pinsan. Ang sinasahod niya sa pinapasukan niyang karinderya ay sa kanila lang napupunta. Hindi na niya kinaya pa ang pang-aalipin ng mga ito sa kanya kaya humanap siya ng trabaho at natanggap siya bilang isang caregiver ng isang aroganteng binata. Magagawa niya kayang habaan ang pasensya niya sa binatang ito na magiging sakit ng kanyang ulo? Paano kung malaman niyang sinasadyang inisin siya ng binata para makuha ang kanyang loob?
Romance
3.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Huling Alpana

Ang Huling Alpana

Ryan Rayl Samoray
Lingid sa kaalaman ni Apolo na nakatakdang mapasa-kaniya ang karugtong ng buhay sa kaniyang musika, kung kaya't naging dahilan ang kaniyang galit sa labis na kalbaryo nang mawala ang kaniyang Alpa. Manunumbalik ang kagandahan ng musika sa sandaling kalabitin na niya ang mga kwerdas niyon. Ngunit paano kung ang kaniyang hinahanap na Alpa at pana ay isang mortal na tao? At malaman niya na ito ay may taglay na kapangyarihan para pagyamanin ang musika sa sanlibutan? Kapalit nang hindi inaasahang pag-ibig ng nakatataas ng diyos ng araw at musika sa mortal na si Phana, piliin kaya nito na gawin siyang Alpa ng musika at pag-ibig? O ang gawin siyang pana ng katarungan? Mabibigyan kaya ng pag-asa ni Phana ang sarili para mahalin ang isang kagaya ni Apolo o ang harapin ang kaniyang napipintong kamatayan? Huli na ba para kay Apolo na umiibig na siya sa isang mortal? Kaya ba nilang manindigan gayung magkaiba ang kanilang mundong ginagalawan o ang maulit ang pagkakamali na noon ay kinasusuklaman ng diyos ng araw?
Fantasy
2.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status