Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

Isa akong stripper o sa madaling salita, tagabigay ng ligaya sa mga lalaking nagnanais ng mainit na sandali tuwing gabi. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ko ang kliyente kong Zander Almeda. Isang flash lamang ng kamera nang magbago ang buhay ko at naging instant hot issue sa social media. At sa isang iglap, ang stripper na katulad ko ay naging instant girlfriend ng isang bilyonaryong CEO na si Zander Almeda sa bisa ng agreement na magkukunwari ako sa harap ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ngunit paano ko mapipigilan ang puso ko kung mahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya? Paano kung malaman ng lahat ng tao na isa akong dating tapagbigay ng ligaya sa mga lalaki sa isang club? Kaya niya ba akong ipaglaban?
Romance
10234 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Secret of His Wife

Secret of His Wife

Dahil sa lolo ni Alexander, naikasal siya sa isang babae na galing sa ampunan, walang maipagmamalaki, at ang tingin ng lahat sa kanya ay walang silbi, si Ariella. Sa tatlong taon nilang pagsasama, hindi kinilala ni Alexander si Ariella bilang asawa. Magkahiwalay sila ng kwarto, walang nararamdaman na kahit na ano, dahil si Alexander ay may mahal na iba, at si Ariella ay may itinatagong lihim. Paano kung isang araw ay may magpakita kay Ariella na siyang gugulo sa kanyang plano? Paano kung malaman ni Alexander at ng buo niyang pamilya ang totoo niyang pagkatao? Paano kung isang araw, magkaroon ng pagmamahal sa pagitan nilang dalawa, pero biglang bumalik ang babaeng mahal ni Alexander? Lalabanan ba nila ang lahat ng pagsubok na darating sa kanila o masisira ang kanilang kasal?
Romance
108.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE

BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE

WARNING ⚠️ SOME SCENES AND WORDS ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. READ AT YOUR OWN RISK..!! Isang gabing kabiguan na nauwi sa isang pagkakamali. Pinagtagpo ngunit hindi ba tinadhana? Saan hahantong ang nangyari sa kanilang pagkakamali? Would they be continue the mistakes they made o gagawin nila ang tama para maitama ito lalo pa at alam nila na pareho na silang committed sa iba. Ano ang naghihintay sa dalawang nilalang na ang tanging hangad lamang ay makatakas sa parehong kumplikadong sitwasyon ngunit mas naging masalimuot pa ang lahat ng umeksena ang mga taong nakatakda nilang pakakasalan. Mangingibabaw kaya ang parehong nararamdaman sa unang pagkikita pa lamang? Saan sila dadalhin ng pagkakamali na nagawa nila? Kaya ba nilang labanan ang lahat, matagumpayan lamang ang hinahangad na kaligayahan? How can the one night mistake become their favorite and the mistake they treasured the most?
Romance
10123.0K DibacaTamat
Tampilkan Ulasan (36)
Baca
Tambahkan
Josephine dela Merced
ayieee may bago nman akong pang gigilan ibang bakbakan daw dito siguro puro tumbling dito di malungkot si Beshy dito congrats po Miss Siobe another Lozartan ba to or tissue lng itaas at baba God bless po and more power pa
kabetniangkolwade
haist mapapa Sana all ka na lng talaga...️......grabe lahat ng stories mo babe pinipilahan at inaabangan...kaya sa lahat ng stress Jan add to cart nio na ito for sure d lang Kau tatawa kikiligin pa......
Baca Semua Ulasan
CEO & Secret Mafia Wedding Dare

CEO & Secret Mafia Wedding Dare

Si Kiashandra Eal Yie na mas kilala sa tawag na Kiey, ay anak ng dalawang bilyonaryo sa iba't-ibang bansa, subalit isang malaking sindikato ang naging dahilan ng paghihiwalay nilang mag ina, na naging dahilan kaya nabuhay sa mahirap na pamilya si Kiey. Inalagaan siya ng dalawang mag kasintahan hanggang sa magkaroon na ito ng tamang pag iisip, at nag decision na tumira mag isa sa ibang unit, sa murang edad ay binuhay niya ang kaniyang sarili at tinustusan ang kaniyang pag-aaral. Sa ngayun siya ay kasalukuyang 23 y.o at malapit naring matapus ang kaniyang kurso sa kolehiyo, mayroon siyang boyfriend na halos 5 years narin ang relasyon nila kung kaya tiwala na siya dito, nag decision na silang mag pakasal ngunit isang secreto ang natuklasan niya, isang araw sa hindi inaasahan naabutan niya ang isang kababalaghan sa pagitan ng kaniyang boyfriend at ng matalik niyang kaibigan na naging dahilan ng kanilang pag hihiwalay, dahil naintindihan na niyang hindi talaga siya ang mahal ni Jhave at ginagamit lang ang mga disinyo niya para ma promote si Jhave bilang isang derector designer, masakit para kay Kiey ang mga nalaman niya, pero wala siyang pinag sisisihan doon, dahil iyun ang tama. Ngunit sinong mag -aakala na magbabagu ang lahat sa buhay ko dahil lang sa pangyayaring iyon? At dahil lang sa isang laro makikilala ko ang taong totoo akong mahal at kayang gawin lahat para saakin, dahil lang sa isang kasunduan sa laro ay magbabago ng malaki ang takbo ng buhay ko, sino ang mag aakala na ang isang CEO at Secret Mafia ay mahuhulog saakin, dahil lang sa isang aksedenting pag kikita ay mag babagu ang lahat na kahit sa panaginip ay hindi ko inaasahan. Muntik konang isumpa na hindi na ako magmamahal ulit, dahil naniniwala ako na lahat ng lalaki ay pa
Mafia
353 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
His Dark Hidden Secret

His Dark Hidden Secret

May isang malaking organisasyon sa bansang Pilipinas na pasimuno ng lahat ng iligal na gawain kaya buong tapang na tinutugis ng gobyerno pero sa sobrang makapangyarihan ay hindi nila ito magawang mahuli. Ang mga matataas na opisyal ng pulisya ay kusa ng sumuko na hulihin at pakialaman ang sinasabing orginasasyon na kung tawagin ay Tushkin Mafia pero iba ang paninindigan ni Kiara Gallano. Kiara Gallano is a loyal police officer of the Philippines. Sumumpa siya sa bansa at sa sarili niya na gagawin niya ang lahat para sugpuin lahat ng masasama at iligal na gawin dito. And, when she heard about the Tushkin Mafia, she challenges herself to dig deeper even if her higher officials surrendered. As she investigate alone about the huge Mafia organization, she got to know an ordinary and low-key lawyer that she thought could help her upon investigating the Tushkin Mafia. Pinilit niya itong tulungan siya at nagawa niya naman itong kumbisihin. Sa bawat araw na magkasama sila ay napalapit na siya sa lalaki. She wants to protect him with all her heart, but what if she discovers his dark secret? Paano kung ang lalaking palaging nasa tabi niya siya ring lalaki na hinahanap niya upang sugpuin? Patuloy niya bang panghahawakan ang sinumpaang tungkulin o pagbibigyan niya ang puso? Can she accept the fact that she's falling for the Mafia Boss? She's falling for Xavier Jan Tushkin, the man behind those illegal doings in the nation she wants to protect.
Romance
109.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sir Ares, Goodnight!

Sir Ares, Goodnight!

Kahit pagkatapos makaranas ng dalawang buhay, hindi pa rin magawang tunawin ni Rose ang yelong puso ni Jay Ares. Durog ang puso, napagdesisyunan niyang mabuhay nang nagpapanggap bilang isang tanga. Dahil dito ay nagawa niyang lokohin si Ares at nakatakas kasama ang dalawa nilang anak. Ito ay lubos na kinagalit ni Ginoong Ares, at ang lahat ng tao sa paligid nila ay sigurado na ito ay ang magsisilbing sanhi ng kamatayan ni Rose. Gayunpaman, sa sumunod na araw, ang dakilang si Ginoong Ares ay makikitang nakaluhod sa isang tuhok sa gitna ng daan, sinusuyo ang makulit na babae, “Pakiusap ay maging mabuti ka at umuwi kasama ko!” “Sasama ako kapag pumayag ka sa mga kundisyon ko!” “Sabihin mo!” “Hindi ka maaaring kawawain ako, magsinungaling sa akin, at lalong-lalo na ang ipakita ang hindi mo natutuwang mukha sa akin. Dapat ay palagi mo akong tinuturing bilang ang pinakamagandang tao sa mundo, at dapat ay nakangiti ka sa tuwing pumapasok ako sa isip mo…” “Sige!” Natuliro ang mga saksi dahil dito! Ito ba ang sinasabi nilang mayroong panangga sa lahat ng bagay? Si Ginoong Ares ay tila nababaliw na, ang taong kaniyang nilikha ay nautakan siya. Dahil hindi niya ito magawang disiplinahin, ibibigay na lamang niya ang lahat ng kaniyang gusto!
Romance
9.5135.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Divorce That Ruined Him

The Divorce That Ruined Him

Hanggang saan ang kakayanin mong tiisin? Kung paulit-ulit na pinapamukha sayo ng taong mahal mo na isa kang babaing walang dignidad? Na babaing tinikman ng lahat ng lalaki? Kaya mo bang tiisin ang pagmamahal sa taong hindi kana kayang mahalin dahil lang sa isang pagkakamali?
Romance
10608 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
A Stepbrother's Burning Desire

A Stepbrother's Burning Desire

Si Xyza Gabrielle Ignacio, dalawampu 't tatlong taong gulang, ay nag-iisang anak ng isa sa pinakamayayamang pamilya sa mundo ng negosyo. Dahil dito, lumaki siyang spoiled at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto. Mas inuna pa niya ang barkada, gala at luho. Ang pag-aaral? Palaging nasa huli sa kanyang listahan. Ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Dahil sa depresyon, ay napabayaan ng kanyang ina ang kanilang negosyo hanggang sa tuluyang malugi at magsara. Kaya sa isang iglap ay bigla na lamang nawala ang marangyang buhay na kinasanayan niya. At sa isang desisyong hindi inaasahan, muling nagpakasal ang kanyang ina, isang bagay na labis niyang tinutulan. Mas lalo pang gumulo ang lahat nang napag-alamang sa bahay ng bagong asawa nito sila titira. Doon niya nakilala si Flint Atlas Martinez, ang "bagong kapatid" niya sa papel. Tatlumpung taong gulang, strikto, may kayabangan, pero hindi maikakailang mapang-akit. Isa itong CEO ng matagumpay na engineering firm na siyang pagmamay-ari ng pamilya nito. Araw-araw silang nagbabangayan. Hindi sila magkasundo sa kahit maliit na bagay. Si Xyza, palaban at maarte. Si Flint, mayabang at sobrang higpit sa kanya sa hindi malamang dahilan. Pero paano kung sa likod ng kanilang mga pagtatalo, unti-unting umusbong ang isang bawal na damdamin? Bawal na damdamin sa mata ng ibang tao, dahil sa papel ay magkapatid sila. Ngunit, kung kailan unti-unti na nilang nauunawaan ang tunay nilang nararamdaman para sa isa 't isa, saka naman nagsilabasan ang mga hadlang. Una na roon ang ina ni Xyza, dahil naniniwala itong isa na silang pamilya. At ang masaklap pa, umeksena pa ang dating kasintahan ni Flint, isang babaeng handang gawin ang lahat upang maagaw muli ang lalaking minamahal niya. Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang mga damdamin sa dami ng mga humahadlang sa kanilang pag-iibigan?
Romance
1013.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)

My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)

Si Dylan Asher del Valle, isang sikat at mayamang psychiatrist, ay mayroong lahat maliban sa tunay na pag-ibig. Isang hopeless romantic at possessive, patuloy siyang naghahanap ng babaeng mamahalin siya ng buong puso. Samantala, si Xena Celeste, isang simpleng dalaga at anti-romantic, ay kuntento sa kanyang buhay at pamilya. Ngunit ang lahat ay magbabago nang magtrabaho si Xena bilang sekretarya ni Dr. Dylan. Sa loob ng isang buwan, puro pang-aapi ang natanggap ni Xena mula sa kanyang boss. Ngunit dahil sa pangangailangan sa pera, nagtitiis siya. Isang araw, aksidenteng nasaksihan ni Xena ang mapait na hiwalayan ni Dylan sa kanyang kasintahan, na akala niya ay magpapakamatay. Kung kaya sinagip niya ito. Dahil dito, inalok ni Dylan si Xena ng isang kakaibang deal: isang "Dating Experiment" para sa kanyang research, kapalit ng 6 milyon. Ang twist? Si Dylan mismo ang magiging "boyfriend" ni Xena sa experiment. Pagkatapos ng isang buwan, kailangan nilang magpakasal para sa susunod na level, at manirahan sa iisang bubong. Sa gitna ng isang kontrata na puno ng mga clause at kondisyon, haharap si Xena sa isang malaking pagsubok. Mapapanalo kaya ni Dylan, ang isang hopeless romantic, ang puso ng isang anti-romantic na babae? Ano kaya ang mangyayari sa kanilang Dating Experiment? At higit sa lahat, matutuklasan kaya ni Xena ang tunay na kahulugan ng pag-ibig?
Romance
1027.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
Romance
1020.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
2930313233
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status