Paano kung ang Supremong hinahangaan at iniibig ng lahat ay may itim na lihim na kailan man ay hindi pa nabubunyag? Tapos aksidente mo itong nalaman at natuklasan? Ito ngayon ang nangyari kay Acey Marie Fuentes. Ang babaeng nakatulaklas sa sekreto ni Damon Louis Grando, o kilala bilang “Sumpremo” sa kilalang Unibersidad. Maraming tanong ang pumapasok sa isipan ni Acey ngunit walang sagot— walang sumasagot. Marahil hindi niya alam ang gagawin niya sa araw na madamay ang buong angkan niya. Ngunit, sa alang-alang ng pag-ibig at pagmamahal ay gagawin niya ang lahat na alam niyang tama. Will Acey shout it loud? Or keep it self? Then, what's next? What's the secret? Come and join, and be part of their story titled THE SUPREME DARK SECRET, reveal the hidden truth.
Lihat lebih banyakCHAPTER 1: First Encounter
« Acey Point Of View »
Habol hininga kong tinatahak ngayon ang hallway ng dorm habang bitbit ang itim na bagahi na nakasabit sa kaliwang balikat ko at isang maleta na hila-hila naman sa kanang kamay ko.
Nasa Juedon High Dormetory ako ngayon, at masasabi kong ang swerte ko dahil out of 275 students na nag take ng scholarship ay isa ako sa nakapasa at nakuha nila.
Kumatok ako sa pinto na may numerong naka-ukit na 021. Kung saan ang magiging dorm ko.
Bumukas ang pinto at niluwa nito ang pigura ng babae. She smiled at me and wave her hand. “Hi! New student ka?” tanong nito at nilakihan ang pagbukas ng pinto.
I smiled at her too. “Yes! Isa ako sa mga scholar,” I replied.
Nagulat ako ng kinuha niya ang bit-bit kong bagahi at ngumiti ulit sa akin. “I'm Tianna, you can call me Tin or Tina, and you are?”
“A-Acey. Ako si Acey Marie Fuentes.” naiilang na banggit ko sa pangalan ko.
“Nice to meet you, Acey! Sige pasok ka,”
Nahihiyang ngumiti ako at tumango sa kaniya at pumasok, nilibot ko ang paningin ko, at masasabi kong sakto lang naman ang silid, maganda 'tsaka malinis.
“Basta roon ako matutulog huh, tapos ikaw doon!” aniya nito at tinuro ang magiging kama ko na malapit sa may bintana.
“Takot kasi ako sa halinghing ng dahon, lalo na pagmalakas ang hangin.”
I just nodded at her at lumapit sa higaan ko. Mag katabi lang kami pero may harang na kurtina. Tig-iisa rin kami ng cabinet at ng drawer. Bali 'yung sala, kusina, cr ay nasa kabilang side.
Akmang magsasalita na sana ako nang biglang may tumunog sa bulsa ng kaniyang pantalon. Muli itong tumunog kaya dali-dali niyang nilapag ang bit-bit na bagahi ko at kinuha ang tumutunog na bagay.
Nanlaki ang mata niyang pinakita sa akin ang cellphone niya. Sobrang liwanag nito kaya hindi ko mabasa.
“Gosh! Larson Day pala ngayon! Dali Acey magbihis kana!” tarantang sabi niya at dali-daling tumakbo papunta sa cabinet niya at hinawi ang kurtina upang masarado ito.
At ano raw? Larson Day? Sa pagkakatanda ko ay walang Larson Day sa kalendaryo?
“Tina—” naputol ang sasabihin ko sa gulat nang makita siya.
She's now wearing a pale yellow top dress that below her knees na talaga namang bumagay sa kutis niya. Ang buhok niyang naka pony tail lang kanina ay ngayo'y nakalugay na.
“Ay, kaloka ka! Halika na nga!” Sabi nito at hinila ako.
Habang ako? Nakasuot lang naman ako ng isang white t-shirt na tinack-in ko sa mahaba at itim kong palda at isang pares ng puting sapatos at lahat ng ito ay bigay ni ate.
Tinakbo namin hallway ng dorm hanggang sa makarating kami sa gymnasium. Habol hinanga kaming tumigil at pumasok paloob doon.
“Sinabi ko naman sa 'yo na magbihis ka 'di ba?” Tumingin ako kay Tin na tudo tulak sa mga sa taong humaharang sa dinadaanan namin.
Nakakahiya. Sobrang nakakahiya. Lahat sila ay naka dress at tuxedo, may iba pa nga na naka gown. Kaya pala no'ng dumaan ako rito kanina ay may nag dedecorate. Akala ko welcoming para sa aming mga scholar, Larson day pala.
“Malay ko ba sa larson-larson day na 'yan. Wala namang ganyan sa kalendaryo namin,” busangot kong aniya.
Bigla siyang tumigil at hinarap ako. “Acey, imposibleng hindi mo sila kilala. Isa siya sa mga myiembro ng savage4”
“Savage4?” nagtataka kong tanong. Alam kong narinig ko na 'yun dati e, pero ewan, baka magkatunog lang.
“Yes sila nga! Look sino 'yang naka printed sa t-shirt mo? Diba sila 'yan?”
Nagtatakang tinignan ko naman ang t-shirt ko nang ituro niya ito.
Then boom! Naalala ko na! Sila nga! 'yung banda na kinababaliwan ni ate. Ang savage4! At si Gabriel na crush na crush niya!
Napakamot ako sa batok ko at nahihiyang ngumiti. “Oo nga pala. Nakalimutan ko, Larson day pala ngayon. Ha, Ha, Larson day…” peke akong tumawa ngunit inirapan lang ako nito at naunang naglakad.
“Hoy, ano ba! Sandali lang!” sigaw ko. Jusko ang babaeng ito, ang dali niyang mainis ha.
Nakita ko siyang tumigil sa isang standy style table at tinawag ang dumaan na wine waiter. Kumuha siya ng dalawang strawberry wine at diretsahang nilagok ang isa.
Mahinang sinampal ko ang balakang niya nang makalapit ako sa pwesto niya. “Iniwan mo 'ko do'n without knowing na isa akong anak ng mafia boss!” pang-gagaya ko sa isang TV show na napanood ko kagabi.
“Pake ko. Asawa ako ng isang sikat na billionaire na may six pack abs.” aniya naman nito at saka ako inirapan.
Maya-maya pa ay humalakhak ito ng tawa na s'yang ikinatawa ko narin. Dude. Baliw na itong kasama ko.
“Alam mo rin 'yun?” Tanong nito sa gitna ng pagtawa.
“Ano? 'yung TV show ba?” Tanong ko naman na ikinatango niya.
“Sympre naman!” tugon ko dahilan para mas lalo siyang matawa. Mabubuang ako sa babaeng 'to. Jusko.
“KYAAAAA AYAN NA SILA!!”
“GO! GO! LARSON!”
“UMUWI KANA GUSTAV 'DI NA 'KO GALIT”
“GAB, ANG GWAPO MO PALAGI!”
“MAS GWAPO KA PA DAMON 'WAG KANG PAKABOG!”
Sabay na napatigil kami ni Tin at tumingin sa may unahan kung nasaan ang stage.
Napaikot ako ng mata. For real? Sila na 'yan? Ang kinababaliwan ni Ate? Ang kinababaliwan nila? Si Gabriel? Ang Savage4?
“KYAAHHH! AYAN NA SILA ACEY!” Nagtatalon sa tuwa si Tin habang ako naman ay namimilit sa sakit dahil sa paghampas niya sa balikat ko.
“Okay! Okay! Kalama lang, nakasakit ka na e,” pagpapahinahon ko rito. Nahihiyang nag peace sign lang ito at nag sorry.
I suddenly shifted my gaze to guy who's wearing a demin jacket, bagsak ang itim nitong buhok dahilan para hindi ko makita ang mukha niya. His right hand was holding a mic and the other one was taping his legs. Tila ba nag hu-humming ito at naghihintay ng syempo.
Unang nagpakitang gilas ang electric guitar. Sa pagkakatanda ko ay siya si Gustav Dela Cerna. Badminton player, bookworkmer, naka-eyeglasses at sympre matalino.
Pagkatapos ng electric guitar ay ang drum naman. Si Larson Agustin. Bata palang ay mahilig na sa musika, magaling sa lahat ng instrumenta, kilala rin sa larangan ng basketballista, dakilang playboy, corny, at papogi-pogi lang.
Sumunod ang piano. Si Gabriel Fuesida. Ang kinababaliwan ni ate. Half Pinoy and Half Japanese. Runner, a big fan of anime, tulog is life, at ang pinakamatanda sa kanila.
Panghuli ay 'yung lalaking bagsakan ang itim na buhok. Si Damon, ang main vocalist sa gruopo. Swimmer, masungit, suplado, paper works dito paper works doon, at ang tinagurian nilang supremo.
At sila ang savage4! Ang kinakabaliwan, hinahangaan at iniibig ng karamihan, kinakatakutan at kinaiinisin naman ng iba. Nang dahil sa magulang nila ay nabuo ang kanilang samahan, mula bata hanggang ngayon ay matalik na mag kaibigan.
And how on earth did I knew all this things? Simple lang, dahil kay Ate. Paulit-ulit niyang binabanggit ang savage4 kahit na wala naman akong pake, tanging pagtango lang ang ginagawa ko no'n para lang masabi ko na naiintindihan ko siya.
Nagsimula na ang kanta at lahat ng tao ay nag che-cheer sa kanila, well, maliban nga lang sa 'kin. Kung 'andito lang sana si ate ay paniguradong sisigaw din 'yun kagaya ng ginagawa ni Tin ngayon.
Naputol ang pag-iisip ko nang aksidenteng ma-apakan ni Tin ang paa ko sa kakatalon niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero agad din itong nag peace at nag sorry ulit.
Tinanguan ko lang siya bago tumingin sa unahan— pero laking gulat ko nang nadatnan kong nakatingin na sa 'kin si Damon. His swarthy eyes was stunning to mine, straight and glamour. Nagkatitigan kami ng ilang mga sigundo ngunit ako na ang pumutol at nag iwas ng tingin.
I just wonder kung napansin ba iyon ni Tin? Feeling ko kasi makasalanan ang pagtitig sa kanila lalong-lalo na kay Damon. Ngunit sadyang taksil ang mga mata ko, muli nitong sinulyapan si Damon na nakapikit na habang dinadama ang bawat lyriko na kinakanta.
Hindi ko ipagkailang gwapo nga siya, matangkad, maputi, at may talent pero hindi ko siya type noh! Ayaw ko sa tipo niya, ayaw ko sa mga lalaking kagaya niya, nakakasakit lamang iyon sa ulo at sa damdamin.
Habang nakatitig ako rito ay saktong dumilat ito. The song is finally perfectly ended.
Tinaasan ko siya ng kilay nang sandali siyang mapatingin sa direksyon namin. A little smile appeared on his lips.
My body suddenly froze. He smiled. He smiled at me. No! Kay Tina siya ngumiti. Kay Tina nga ba?
“OMEGHAD! Nakita niyo 'yun? Ningitian ako ni Damon kyahhhh!” rinig kong tili ng babae sa likod namin.
“Asumera ka! Hindi ikaw 'yun! Si ateng new student ang ningitian niya,” pambabara naman ng isa pa.
At ano raw? New student?
Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng pamumula ng pisnge ko. Upon hearing those words it seems like a plethora of butterflies migrated to my stomach.
Ngunit nang matauhan ay mabilis akong umiling. Hindi! Hindi pwede! Baka si Tin iyon. Tumingin muli ako sa direksyon ni Damon ngunit wala na ito sa pwesto niya.
I sighed. Baka dahil sa t-shirt. Napagkamalan tuloy akong fans nila. Kadiri.
CHAPTER 15: FRIENDSHIP OVER?« Acey Point Of View »Naalingpungatan ako dahil sa liwanag na nag mula sa binta ko. Hindi ko pala nahawi ang kurtina sa binta kagabi. Bagot akong tumayo at sumilip-silip, baka kasi nandyan lang sa tabi-tabi si Tin. Oo nga't nagtatampo ako, pero very very lite lang naman, noh. Gusto ko lang e-test si Tin, ano kayang gagawin niya? Bibilhan niya kaya ako ng ice cream? Or itre-treat niya kaya ako ng samgyeopsal? Napailing nalang ako, maloko talaga ako minsan. Tumayo nako at tumungo sa kusina, pero wala roon si Tin, wala rin ang pares ng sapatos niya ng tinignan ko sa lalagyanan ng mga sapatos namin. I looked around at tangin isang sticky note na kulay plink lang ang nadikit sa mesa.Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat. “Alam kong wala akong kasalanan sa 'yo, pero if mayro'n man akong nagawang mali, e 'di sorry, peace na po, hehe…” basa ko sa nakasulat, natawa ako dahil ang cute lang, may pa notes pa si madam, eh.Hindi ko nireply-an ang sulat niya kunwari n
CHAPTER 14: HE'S INTO HER TRIGGERED WARNING: this chapter may contains matured theme that not suitable for young audience. Expect vulgar words such as cuss, profanity, and curses. Please, READ AT YOUR OWN RISK. « Tin Point Of View » “Love? What's wrong? Is there something bothering you?” lumingon ako kay Larson nang magtanong ito tungkol sa 'kin. Tipid na ngumiti ako. “Just thinking about something, love. Don't mind me, I'm okay.” tugon ko at ibinaling ang tingin sa unahan. “No. You looks sad, you're not okay.” ani niya at may kung anong pinindot sa kotse niya. Pinakiramdaman ko lang ang susunod niyang gagawin, kowing Larson, alam kong may gagawin at gagawin 'to, and I know Larson is now reading my mind. “Alexa, please, kindly play a song Dati by Sam Conception.” utos ni Larson kay Alexa. Soyal, may pa Alexa mayor niyo. Ilang sigundo ang lumipas at tumugtog na agad ang pina-request ni Larson na kanta kay Alexa. Isinandal ko ang ulo't katawan ko sa katawan ng passenger seat at d
CHAPTER 13.1: Continuation Naalingpungatan ako dahil sa pagsakit ng kalamnan ko, tumayo ako mula sa pagkahiga ko sa kama nang bigla kong naalala si Damon.Ano kayang nangyari sa kaniya? Bakit gano'n nalang ang reaksiyon niya ng makakita siya ng dugo? Si Gabriel? Bakit siya tumakbo at umakto ng gano'n? Pati si Larson at Gustav? Bakit gano'n? Ano ba sila?“Alam kong iniisip mo sila, pero sana huwag kanang mangialam pa. Madadamay lamang pati buong angkan mo.”Napabaling ako sa pinto ng dorm namin at do'n nakita ko si Darwin. Inilipag nito ang dala nitong basket na puno ng mga prutas at ngiting tumingin sa akin. “Benz wants to see you, but something happened kaya ako nalang ang pinapunta niya,” aniya.“Bakit?” alam kong nagtataka siya sa sinabi ko kaya nagpatuloy ako. “Bakit sila umaakto ng gano'n? Anong mayro'n sa dugo at gano'n nalang ang reaksiyon nila?” “Ewan, pero kung ako sa 'yo, hindi nalang ako makikialam pa,” tugon nito at binigay sa akin ang binalatan niyang orange.Tininggap
CHAPTER 13: THE TROUBLE« Acey Point Of View » PRESENT“Hoy!”Napatalon ako sa gulat nang gulatin ako ng nakangising si Gustav.“H-Ha? B-Bakit maykailangan ka?” medyo nauutal kong tanong.Kung ide-describe ko si Gustav ay gwapo siya sa malipitan, lalo na ngayon na ilang dangkal nalang ay magdidikit na kami.“Yes! If you don't mind?”“H-Ha? O-Oo naman, ano ba 'y-yon?”“Actually, we want to help Larson and Tin but how? We don't know how to cut veggies, can you teach us? Nanalo ka sa cooking contest no'ng grade six ka 'di ba? Kaya I'm sure na magaling ka!” mahabang sabi nito.Medyo kinilig naman ako. Bakit niya alam? I didn't tell any of them, lalong-lalo na kay Tin. Gosh nakakahiya!“T-Tungkol do'n, naka-chamba lang ako 'nun, but yeah, I can teach you naman,” ngumiti ako ng bahagya upang mahibsan ang pagkailang. Napatalon naman si Gabriel na nasa gilid at napa-suntok sa hangin.“Yes! Yes! Yes!” sigaw pa nito. Gustav just chuckled.Gwapo't mabait naman palang 'tong si Gustav ah, t
CHAPTER 12: TRUTH OR DARE« Acey Point Of View »Pasado alas-kwatro na nang hapon ng napag-desisyonang bumalik na nina Kamber at Wendy sa dorm nila. The savage4 was still here. Ipinagluluto pa kasi ni Larson ang pinakamamahal niyang si Tin, for the dinner daw.Nakita ko naman sa perhaps version ko si Gabriel at si Gustav na naglalaro ng kung ano sa mga cellphone nila, habang si Damon ay nanatili lamang nakapikit simula pa kanina.Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maalala ko ang eksina kanina.« FLASHBACK »Pina-ikot na ulit ni Gutav ang bote at tumapat naman ito sa akin. At ang katawan naman nito ay tumapat kay Damon.Kamalasan nga naman oh. Bakit ako pa?“T or D?” maikli nitong tanong. Palihim akong napa-irap. Kahit kaylan talaga oh, kunti nalang talaga at masasapak ko na 'to.“Truth!”“Tsk! Weak, mag dare ka.”Aba't!Hindi ko alam kung ano ang balak niya pero sige, mag da-dare ako!“D-Dare. Sige dare ako!” matapang kong sagot.Ang ayaw ko sa lahat ay sinasabihan akong weak. Baki
CHAPTER 11: NEW FRIENDS « Acey Point Of View » Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang pangyayaring iyon sa mansion, at masasabi kong matiwasay na ang pamumuhay ko bilang isang istudyante. At iyong sinabi ni Damon na mag di-discuss kami? Wala 'yun, sinabi niya lang sa akin na lumayo ako kina Benz at sa groupo nito, at anong kapalit? Tinanggalan niya ako ng punishment na meron ako, saya 'di ba? At least makakapag focus na ako sa pag-aaral ko at iiwasan ko lang sila Benz. And between Tina and Larson? They officially girlfriend and boyfriend now. I'm so happy for the both of them. Anyway, today I'm here at the coffee shop, inutusan kasi ako ni Tina na bumili rito sa paborito niyang coffee shop at dahil linggo ngayon ay okay lang na lumabas-masok kami sa Campus. She also said that she craves some strawberry mochi kaya bumili na rin ako. Ngayon ay naglalakad na ako sa hallway papunta sa dorm namin pero habang papalapit ako nang papalapit ay may mga naririnig akong mga tawanan a
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen