Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Betraying the Heiress: TAGALOG

Betraying the Heiress: TAGALOG

Pagkatapos nang panloloko ni Stefan kay Eli dahilan nang pagkamatay ng anak niya, nagsumikap siya upang maging isang magaling na Doctor. Makalipas ang limang taon, pagtatagpuin silang muli sa pinaka-komplikadong sitwasyon. Gagawin kaya ni Eli na sagipin ang buhay ng asawa ng taong nanakit sa kaniya noon?
Romance
105.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Art of Destiny

Art of Destiny

Juanmarcuz Padilla
Dahil sa labis na pagkagahaman sa yaman, ang lihim pala ng pagpapakasal ni Rose Mary Gaile De La Luna Villadencio kay Kent Jino Zeke Domingo ay isang plano ng paghihiganti. Walang alam ang binata na matagal na itong pinagplanuhan ng ama ni Rose Mary na si Jonathan Villadencio at maging ang lihim na relasyon nina Rose Mary at Drax Steve Del Valle. Ang kasal ang magiging katuparan ng masamang tangka ng pamilya kay Jino at sa mga taong mahal niya. Hanggang sa nagising na lamang si Jino sa isang Isla sa Palawan na taglay ang pangalan ni Jino Favila, ang yumaong nobyo ni Naikkah Mae Miraflores. Kung sining ng tadhana ang naganap para magkita sina Jino at Naikkah, sapat na ba ang pagkikita nila para sabihin na sila talaga ang para sa isa't isa? Paano ang pagiging legal na asawa ni Jino sa kay Rose Mary? Sino kaya ang pipiliin niya? Ang dating pag-ibig na nagdala sa kaniya sa kapahamakan? O ang isang buhay na nasa sinapupunan ng babaeng hindi niya kilala pero natutunan na niyang mahalin?
Romance
102.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita

PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita

Sa edad na labinwalong taong gulang, na-in-love si Senyorita Valeria Fuentes sa isa sa mga tauhan ng kanyang ama na si Carlos Guerrero Hindi niya alintana ang malaking agwat ng kanilang pamumuhay. Langit si Valeria, lupa si Carlos at kahit kailan hindi pwedeng magtagpo ang dalawa lalo na at alam nilang tututol dito ang ama ni Valeria na mata-pobre. Ngunit, walang sekreto na hindi mabubunyag. Pagkatapos kasing malaman ni Don Juanico na nakipagrelasyon ang anak niyang si Valeria sa isang patay gutom na si Carlos, isang pasya ang nabuo sa kanyang isipan Pinapatay niya si Carlos kasama ang mga magulang nito! Paano tatangapin ni Valeria ang lahat kung ang sarili niyan Ama ang naging dahilan ng pagkadurog ng puso niya? Paano siya babangon kung isang araw, bigla na lang magpakita ulit sa kanya si Carlos, buhay at handang maghiganti sa kanyang ama pati na din sa kanya? Mananaig pa ba ang pag-ibig or galit ang mangingibabaw sa mga pusong nasaktan? Hangang saan at kailan kakayanin ni Valeria ang hagupit ng paghihiganti ni Carlos Guerrero?
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
MY BOSS, MY SECRET HUSBAND

MY BOSS, MY SECRET HUSBAND

Ang maganda at masayang relasyon ni Amaya at ng nobyo niyang si Anthony ay biglang nagbago dahil sa isang gabing muntik na siyang mapagsamantalahan ng mga lalaking tila sabog sa ipinagbabawal na gamot. Lumaban si Anthony para sa kaniya, ngunit sa kasamaang-palad, may isang nagbuwis ng buhay ng gabing 'yon. Nakapatay si Anthony at nakulong dahil sa pagtatanggol sa kaniya. At bilang pagbawi, ginawa ni Amaya ang lahat para makausap si Atty. Nicholas San Martin --ang magaling na abogadong kilala niya. Hiningi niya ang tulong nito para matulungan ang nobyo na makalaya. Ngunit nabigo si Amaya, tinanggihan siya ng lalaki at umalis pabalik ng Maynila. Walang balak sumuko si Amaya para sa nobyo. Ngunit hanggang saan niya kayang lumaban para dito kung ang hinihinging kapalit ni Atty. Nicholas para sa pagtulong na gagawin ay siya mismo. "You want me to help him? Then, marry me." Nawindang si Amaya sa alok ng boss niya. Pagpapakasal dito kapalit ng tulong para sa kaniyang nobyo? Dalawa lang ang pagpipilian niya, magpapakasal kay Atty. Nicholas kapalit ng kalayaan ni Anthony o tatanggi siya kapalit ng habambuhay na pagkakabilanggo ni Anthony.
Romance
103.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Me Harder, Mr. Billionaire

Love Me Harder, Mr. Billionaire

"Hindi ito isang laro lang, Vanilla. Simula noong pumayag kang maging girlfriend ko, hindi ka na makakatakas pa sa akin." salitang namutawi sa labi ni Zakari habang nakatitig sa magandang mukha ni Vanilla na nasa harap niya. Nag-umpisa ang lahat sa isang pagkukunwari at laro-laruang pag-ibig. Nag-umpisa ang lahat sa panluluko ng kasintahan ni Vanilla na so Darren. Isang pagkukunwari lang naman sana ang lahat pero bakit parang gusto yata ni Zakari na totoohanin ang lahat at tuluyang agawin sa mismong kaibigan ang sarili nitong nobya? "Bro, ipinagkatiwala ko lang siya sa iyo pero hindi akalain na totoohanin mo pala ang lahat. Vanilla is my girlfriend. I love her at pwede bang ibalik mo na siya sa akin?" si Darren na walang ibang hangad kundi ang makuha ulit ang babaeng kanyang iniibig. Oo, nagkamali siya pero sana hindi iyun maging mitsa para agawin ng sarili niyang kaibigan ang kanyang nobya. Sino ang pipiliin ni Vanilla? Ang boyfriend niyang si Darren na nagawa siyang lokohin or si Zakari na walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa kanya na pag-aari siya nito?
Romance
9.488.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing the Mafia Boss Lover

Chasing the Mafia Boss Lover

Thale01
Si Antoniette Ramos ay isang dalagang mag-isa na lamang sa buhay. Nag-iisang anak lamang siya nina Criselda at Antonio. Subalit ang buhay ni Antoniette o mas kilala sa nickname na Toni ay hindi normal gaya ng sa ibang tao. Halos kasi kalahati ng buhay niya ay panay na lamang siya tumatakas o tumatakbo sa mga taong ginawan ng kanyang ama ng atraso. Upang tuluyang makalayo sa mula sa mga humahabol sa kanya ay nagdesisyon siyang manirahan sa isla ng Siquijor kung saan ni isa man ay walang nakakakilala sa kanya. Ngunit hindi niya inaasahan na makikitang muli roon si Elton, ang lalaking sumagip sa kanya mula sa kapahamakan. Ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Elton ay nauwi rin kalaunan sa pag-iibigan ngunit sabi nga nila, walang sekreto ang hindi nabubunyag. Isang araw ay biglang nagpakita ang ama ni Toni sa kanyang pinapasukang restaurant. Hindi na nag-aksaya pa ang kanyang ama ng oras. Kaagad nitong sinabi sa kanya ang totoong pagkatao ni Elton. Bagay na hindi agad pinaniwalaan ni Toni. Siya mismo ang humanap ng ibendensyang makapagpapatunay. Sa kanyang paghahanap ay natagpuan niya ang kanyang litrato sa wallet nito. Hindi rin niya sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ni Elton at ng boss nito na si Franco. Doon ay tila siya binuhusan ng malamig na tubig. Ngunit, muli siyang nalagay sa alanganin at muli ay nailigtas siya ni Elton. Subalit, pagkatapos niyon, lumayo si Toni mula kay Elton dahil para sa dalaga ay hindi sila nababagay sa isa’t isa. Pinili niya ang mabuhay nang malayo kay Elton kahit sa paglipas ng mga araw ay lalong humirap para sa kanya ang hindi makasama si Elton. Sa huli ay hindi rin niya natiis ang desisyong layuan si Elton. Muli silang nagtagpo, sa pagkakataong iyon ay nagsama sila kasama ang magiging anak nila.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Alipin Ng Tukso

Alipin Ng Tukso

Tumakas si Khaliyah Dadonza sa mansyon nila nang madinig niya sa papa niya na ipapakasal siya sa pangit na anak ng isang Mafia boss bilang bayad sa malaking utang niya rito. Kaya naman, agad-agad ay pumunta si Khaliyah sa probinsya, sa bahay ng kaibigang niyang si Moreya. Pero imbis na ang kaibigan niya ang madatnaan doon ay ang hot tito ni Moreya ang nakita niya. Ito na pala ang nakatira doon dahil nasa ibang bansa na ang kaibigan niya. Wala na siyang ibang mapupuntahan dahil nag-iisa lang si Moreya sa totoong kaibigan niya, kaya naman nakiusap siya sa Tito Larkin ni Moreya na doon muna siya magtatago at mag-stay, pero kapalit nito ay isang kasunduang magiging alipin siya sa bahay ni Tito Larkin Colmenares. Alipin ng isang hot tito na type na type niya ang katawan at mukha. Dahil sa sobra-sobrang pagmamakaawa ni Khaliyah, nagkaroon sila ng contract na ginawa ni Tito Larkin. Magiging mag-asawa sila habang doon nagtatago si Khaliyah. Pinakasalan siya ni Tito Larkin para hindi siya makasuhan ng kidnapping. Magiging mag-asawa lang sila dahil sa papel, pero sa loob ng bahay, alipin lang talaga siya ni Tito Arkin. Ayos lang kay Khaliyah ang maging alipin, lalo na’t isang Hot Tito ang paglilingkuran niya. Kaysa magbuhay princessa at magpakasal siya sa isang mayamang anak na mafia boss pero sobrang sama naman ng itsura ng mukha. Akala niya’y madali lang ang lahat ng ginagawa niya roon, magluto, maglinis, maglaba at sumunod sa mga utos nito Tito Larkin. Pero paano kung mas mahirap palang labanan ang tukso? Sa bawat araw na kasama niya si Tito Larkin ay lalo siyang nauuhaw sa isang bagay na hindi niya dapat pagnasaan. Magtatagal kaya si Khaliyah bilang alipin ni Tito Larkin, o tuluyan na siyang magpapasakop sa tukso?
Romance
1023.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Orphan Wife

My Orphan Wife

Noong birthday ng single mother na si Grace Saavedra ay hinayaan ng anak nito na si Dexter na matupad ang hiling ng ina. Ang magkaroon pa ng isang anak. Anak na babae. Sa isang ampunan, nakita ni Grace ang sampung-taong gulang na si Heather. Dinala sa bahay, at doon nakilala ni Dexter ang bagong kapatid niya. Si Heather na madalas niyang kaaway pero naging malapit sa kanya. Hanggang lumipas ang taon, ang batang si Heather ay isa ng dalaga, magandang dalaga. At iba na ang nararamdaman sa kanyang kuya na sampung taon ang agwat sa kaniya? Paano ba masasabi ni Heather ang nararamdaman para sa kapatid niya na hindi man niya tunay na kadugo ay para na niyang tunay na pamilya? Matatanggap ba kaya ni Dexter ang pag-ibig ng ampon niyang kapatid?
Romance
575 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's First Love Has a Secret Child

The Billionaire's First Love Has a Secret Child

Kapwa may inililihim ang magkasintahang Diana at Ryan sa isa't-isa. Si Diana, ang napipintong arranged marriage nito sa isang mayamang binata sa kanilang bayan. Si Ryan, ang pagtatago nito ng kanyang pagkatao bilang unico hijo ng bilyonaryong angkan. Isang taon ng pagmamahalan at kinailangan na ni Diana na umuwi upang tuparin ang pangako sa pamilya. Sa gabi ng kanilang hiwalayan, nagpakalasing ang binata at inakalang may nangyari sa kanila ni Jade, ang kaibigang matalik ni Diana. Punong-puno ito ng pagsisisi sa nangyari. Pitong taon ang lumipas at nagkrus muli ang kanilang landas. Paano na lang kung malaman ni Ryan na hindi pala si Jade ang kanyang nakasama nang gabing iyon kundi si Diana? Ano kaya ang mangyayari kapag napagtanto nito na ang isang gabi ng kalasingan at kahinaan ay nagbunga pala ng isang bibo at matalinong bata?
Romance
105.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Tender Bargain

The Billionaire's Tender Bargain

Si Dolores Roman, 22, ay pasan ang bigat ng mundo. Siya ang nag-aalaga sa nakababatang kapatid na may malubhang sakit, at dahil sa hospital bills at utang, halos hindi na siya makahinga. Pagod ‘man siya, pero hindi sumagi sa isip ang pagsuko. Gagawin niya ang lahat para sa kapatid—kahit pa napakahirap. Devon Valderama—mayaman, tahimik, at matagal nang may lihim na pagtingin kay Dolores. Lihim niyang sinusuportahan ang pag-aaral ni Dolores, at nang humiling ang kanyang lola na makita siyang masaya at may asawa bago ito mamaalam, naisip niyang ito na ang pagkakataong mapalapit kay Dolores. Inalok niya si Dolores ng isang contract marriage: isang taon silang magpapanggap bilang mag-asawa para mapasaya ang kanyang lola. Kapalit nito, sasagutin niya ang lahat ng utang ni Dolores at gastusin sa gamutan ng kapatid. Nag-alinlangan si Dolores, pero pumayag para sa kapatid. Ang usapan: walang feelings, walang komplikasyon. Pero habang magkasama sila, unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Si Dolores, naantig sa kabutihan ni Devon. Si Devon, lalong minahal si Dolores. Hanggang sa bumalik ang ex-fiancée ni Devon, gustong bawiin siya. At si Dolores, nalaman ang totoo—na matagal na pala siyang mahal ni Devon, at ang kasal ay paraan para mailapit siya rito. Nasaktan si Dolores sa katotohanang itinago ni Devon, kaya siya ay lumayo. Pero inamin ni Devon ang lahat—na totoo ang lahat ng ginawa niya dahil mahal niya si Dolores. Sa huli, si Dolores ang bumalik—hindi dahil kailangan niya ng tagapagligtas, kundi dahil natutunan niyang tanggapin ang pagmamahal ng taong handang lumaban kasama niya. No contract and secrets - just love.
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status