Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
She Only Live Twice

She Only Live Twice

yourlin
Ang conyo at kikay na si Lemon Concepcion, magpapanggap bilang isang lalaki para lamang makaligtas sa mga hindi niya kilalang kaaway? Si Lemon Concepcion ay isang anak na nasasanay na sa gulo ng buhay ng kanyang Ina. Kung kaya't kahit kailan ay hindi niya pinangarap na magkaroon din ng sariling pamilya upang hindi magaya sa kanya ang magiging anak. Ngunit nang mamatay at makabalik sa kanyang 'past life', sa panahong malayo sa kanyang nakasanayang buhay, kinailangan niyang magbalat-kayo bilang isang lalaki upang makaligtas sa panganib na maaaring nakaamba sa kanya sa buhay na iyon. Magiging mapayapa ba ang kanyang pamumuhay gamit ang ibang katauhan o lalo lamang siyang maguguluhimnan?
History
107.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia Kings Melody

The Mafia Kings Melody

Thunder Bird
NAGING tagapagmana si Nikolai sa Under ground organization ng kaniyang pamilya nang namatay ang mga magulang nito sa isang ambush sa bahagi ng Palawan. Ang layunin ni Nikolai ay ang mabigyan ng hustisya at maipaghiganti ang mga magulang. Sa kabila ng kaniyang pagiging mahilig sa musika at pagsusulat ng kanta, wala na siyang nagawa kun 'di tuluyang yakapin ang mundo ng kanilang organisasyon. Pero paano kung anak pala ng mga taong hinahanap niya si Melody Enriquez, ang babaeng bumihag sa puso niya't dahilan ng inspirasyon sa bawat kantang nabubuo niya? Makakaya niya bang maging kasangkapan sa paghihiganti niya ang dalaga? O titiwalag sa organisasyon at layunin ng pamilya?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire and his Maid

The Billionaire and his Maid

ladyaugust
Si Alexis ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay. Pero paano niya matutupad ang pangarap kung puro naman kamalasan ang nangyayari sa kanya? Nawalan na ng magulang, at ngayon namang binubuhay ng mag-isa ang sarili ay natanggal pa siya sa trabaho? Hanggang panaginip nalang ba ang kanyang mga pangarap? Paano kung isang araw ay makatagpo at makilala niya si Colt isa sa mga top billionaires sa bansa.Subalit sa kabila ng pagiging bilyonaryo nito ay marami ang naghahangad sa kanyang kayamanan at kapangyarihan na naging mitsa ng buhay nito. Ang binata na kaya ang makakapagpabago ng kanyang kapalaran o isa rin ito sa magdadala ng kamalasan sa kanyang buhay?
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Owning Her (tagalog)

Owning Her (tagalog)

"Pakakasalan Kita," walang emosyong mababakas sa boses nito. Sa tono nito ay hindi nagtatanong kundi nagsasabi lang na para bang utang na loob niya pa at dapat siyang matuwa. Napatigil siya sa pag-iyak. Marahas na nag-angat siya ng tingin dito. Nababaliw na ito kung iniisip nitong papayag siya sa gusto nitong mangyari. Hindi sa lalaking bumaboy sa kanya. Mapait siyang natawa "Hinding hindi ako magpapakasal sa demonyong katulad mo!" Puno ng pagkamuhi na sigaw niya dito. Ngunit wala siyang nagawa ng kaladkarin siya nito papunta sa isang judge para magpakasal. At mas lalong wala siyang nagawa ng unti-unting nahulog ang loob niya dito at matutunan itong mahalin sa kabila ng mga nangyari.
Romance
9.880.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Billionaire's Affair

Billionaire's Affair

Gossip Girl
Si Steve Montano ay kilala bilang isang istrikto, arogante, at palaban ngunit mayroong itinatagong lihim sa kanyang pagkatao. Sa edad na trentay singko ay wala pang nagiging stable na kasintahan dahil sa pagiging casanova ngunit walang nakakaalam maliban sa kanyang personal lawyer at maasahang sekretarya. Tanging ang alam ng mga tao sa kanyang paligid ay isa siyang matino, malinis at kapuripuring gwapong lalaki. Siya rin ay pantasya ng mga kababaihan at mga sikat na personalidad. Masaya na siya sakanyang freestyle life ngunit mayayanig ang kanyang tahimik at malayang pamumuhay sa pagdating ng isang Jaya Salas a 28-year-old woman at magiging bago niyang sekretarya. Paano nila ipaglalaban ang kanilang namumuong pagtingin sa bawat isa? Mayroon bang pagmamahalan na mamagitan sakanila sa likod ng kanilang mga daladalang sekreto sa buhay. Tunghayan kung paano gugulong ang buhay pag-ibig sa kanilang kwento dito sa Billionaire's Affair! Yours, Gossip Girl
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ruthless Mafia

My Ruthless Mafia

Si Agent Eighteen ay isa sa mga kilala at tinitingalang agent ng isang pribadong organisasyon na kung saan ang layunin ay mahuli ang mga malalaking kriminal na naninirahan sa Pilipinas. Dahil sa husay nito ay naatasan siyang hulihin ang isa sa pinakamalaki at pinaka delikadong Mafia Group sa Pilipinas, ang Black Spades. Sa pamamagitan ng kanyang undercover at pagpasok nito sa buhay ng mafia boss na si Death, matutuklasan ni Eighteen ang iba't-ibang gawain ng isang mafia at kung paano unti-unting mahuhulog ang kanilang damdamin sa isa't-isa.
Romance
960 viewsOngoing
Read
Add to library
Stealing Elliot [Owning the Billionaire's Heart 1]

Stealing Elliot [Owning the Billionaire's Heart 1]

"Just steal my fiancé. Seduce him. Make him love you. And then... break his heart." Halos umigtad si Rosette Valentino sa sinabi ni Juliette Mortez sa kanya. Para sa pera at sa kompanya niya, pinasya niyang magpanggap bilang secretary ng fiancé nito. Ito lang naman ang sikat na bilyonaryong si Elliot Jon Mallary. Misyon niyang nakawain ang puso nito at saktan sa huli ayon sa kasunduan nila ni Juliette. Gusto kasi nitong maghiganti sa pamamagitan niya at makasama ang lalaking gusto nito. Ngunit habang unti-unting nalalapit siya kay Elliot, napagtanto niyang nahulog na siya rito. Hanggang pareho silang nagkagusto sa isa't isa. At nakalimutan niyang nagpapanggap lang siya. Hanggang dumating ang araw na natuklasan nito ang totoo tungkol sa kanya. Matindi ang galit nito sa kanya at napagdesisyonan nitong alisin siya sa buhay nito. Makakahanap ba ng paraan si Rosette upang ipakita ang kanyang tunay na pagmamahal o tuluyan na bang mawawala ang kanilang pagkakataon sa pag-ibig?
Romance
109.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Runaway from My Jerk Husband

Runaway from My Jerk Husband

Sa mata ng buong mundo, si Catherine Adams ang pinakamapalad na babae—minahal, pinrotektahan, at pinangakuan ng habang-buhay ng lalaking pinapangarap ng lahat: si Nolan Martinez. Mula pagkabata hanggang sa proposal na isinahimpapawid sa buong mundo, saksi ang lahat sa tila perpektong pag-iibigan nila. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti at engrandeng singsing, may lihim na pilit niyang nilulunok—ang pagkakanulo ng lalaking minahal niya ng buong puso. Sa bawat "overtime", sa bawat palusot, unti-unting nalaman ni Catherine ang sakit ng katotohanang may ibang babae sa buhay ni Nolan. Kaya’t isang desisyon ang binuo niya: maglaho. Sa mismong araw ng kasal, ang bride na inaasahang pupuno ng altar ay isang “patay” na katauhan. “Wala na kaming kinabukasan.” Ito ang paniniwala ni Catherine, kahit pa sa bawat sulyap ni Nolan ay tila may lambing na totoo. Pero sa isang mundong puno ng kasinungalingan, may lugar pa ba para sa tunay na pagmamahal? Isang kwento ng pagkakanulo, paglimos ng katotohanan, at ang masakit na pagpili—pag-ibig o paghilom?
Romance
8.5K viewsOngoing
Read
Add to library
HIS SECRET BLUEPRINT

HIS SECRET BLUEPRINT

SYNOPSIS: ​Matapos mahuli ang masakit na pagtataksil ng kanyang asawang si Mark, gumuho ang mundo ng simpleng guro na si Liza. Sa gitna ng kanyang paghihinagpis, isang lalaki ang dumarating para saluhin siya—si Julian Valderama. ​Si Julian ang kagalang-galang na arkitekto na tumayong Ninong sa kasal nina Liza at Mark. Ngunit sa likod ng kanyang mga blueprint at malawak na koneksyon, may itinatago siyang madilim na sikreto: siya ay isang bilyonaryong kumikilos sa anino, at matagal na niyang pinaplano ang pag-angkin kay Liza. ​Habang dahan-dahang sinisira ni Julian ang pamilya Reyes bilang ganti sa pananakit nila kay Liza, pilit namang kumakapit si Mark sa kapangyarihan. Sa desperasyon, nakipag-alyansa si Mark sa underground kingpin na si Hector—ang tiyuhin ng kanyang ambisyosang kabit na si Cindy. ​Sa gitna ng digmaan ng legal na kapangyarihan at madilim na operasyon, kailangang mamili ni Liza: mananatili ba siya sa wasak na pundasyon ng kanyang nakaraan, o susuko siya sa mapanganib at mapang-angking proteksyon ng lalaking matagal nang bumuo ng blueprint para sa kanyang puso?
Romance
69 viewsOngoing
Read
Add to library
Chaotic Switch

Chaotic Switch

Ellanne Jaeger
Si Rain Mikhail Aragones ay isang eighteen-year-old high school student at halos nasa kanya na ang lahat ng katangian ng isang ideal guy dahil bukod sa kaguwapuhan nitong taglay, gentleman din siya, matalino, at mayaman. Sa katunayan, siya rin ang Vice President ng kanilang Student Council. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit kaliwa't kanan ang mga babaeng nahuhumaling sa kanya. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, si Mikhail ay itinatago ang tunay niyang katangian sa kabila ng 'almost perfect' image na pinapakita niya sa school. Siya talaga ay isang playboy na mahilig sa "sexcapade". Mahilig siyang mag-explore sa sex at ginagawa niya ito sa iba't ibang babae, kaya't marami siyang "FUBU" na tinatawag. Ngunit isang araw, biglang nagbago ang lahat matapos siyang malunod sa pool at paggising niya mula sa isang comatose, nasa katawan na siya ng isang babae! Alamin kung paano kakayanin ni Mikhail na mabuhay bilang isang ganap na babae habang tinutuklas niya ang paraan para makabalik siya sa orihinal niyang katawan.
Fantasy
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status