Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
AKIN ANG HULING KONTRATA

AKIN ANG HULING KONTRATA

   Si Sabrina ay isang anak isang napakayamang ankan ng mga Isidro. Ngunit sa kasawiang palad nalulong ang kanyang ama sa sugal,at ibininta nito ang lahat ng  kanilang ari-arian hanngang sa wala ng natira sa kanila ng kanyang ina kundi ang nag-iisang bahay nalang nila. Dahil wala na nga silang pwede pa'g ibenta ay siya ang naisipang ibenta nito sa isang bilyonaryong pinagkakautangan nila. Walang magawa si Sabrina kundi ang pumayag dahil naawa sya sa sitwasyon ng kanyang ina kung hindi sya papayag sa gusto ng kanyang ama ay sasaktan niya ito ng sasaktan. Si Sabrina Isidro ang may pinakamagandang mukha sa kanilang lugar ,at halos lahat ng lalake ay nagkakandarapang mangligaw sa kanya pero napunta lang ito sa isang matangdang mayaman na si Don Arturo Agman, sa edad na dalawang pu't anim na taon ay kailangan nitong ibenta ang sarili para lang mabayaran ang malaking pagkakautang ng kanyang ama. Pumerma ito ng kontrata na sa loob ng dalawang taon na hindi mabayaran ng kanyang ama ang lahat ng kanyang utang ay peperma ito ng kahulihulihang kontrata ang maikasal sila ni Don Arturo Agman. Makikilala ni Sabrina ang ampon nitong anak na si Samuel iibig silang pareho ng patago dahil alam ni Samuel ang ugali ng kanyang kinikilalang Ama. Magdurusa si Sabrina sa isang matandang hindi niya mahal at matatali sya dahil sa kanilang pagkakautang subalit makakaranas naman sya ng sarap pag kasama nito si Samuel  hahanap ng paraan si Samuel na makabayad sila ng utang dahil gusto niya na sa kanya mapunta ang huling kontrata yon ang makasal kay Sabrina. Kaya masasabi nito ang katagang akin ang huling kontrata. Sa kabila ng ginawa ni Samuel sa kanya parin ipinamana ang ari-arian ni Don Arturo. At namuhay na sila ng malaya ni Sabrina.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

May magandang mukha, makurbadang katawan, malaporselanang kutis, simple lang mag ayos, at higit sa lahat may busilak na puso ang dalagang lumaki sa malayong probinsya na si Berry Marasigan. Sa angking kagandahan ni Berry ay marami sa kanya ang nagkakagusto o nahuhumaling. Sa edad niyang bente dos ay simpleng inosente pa rin siya dahil hindi pa siya nakaranas magkaroon ng kasintahan. Nang maulila si Berry sa mga nag ampon sa kanya ay nangarap na siyang makarating ng Maynila upang hanapin ang kanyang tunay na ina, kaya mabilis na nahikayat si Berry ng bagong kakilala ng alukin siyang makapagtrabaho sa Maynila at agad niyang sinunggaban ang oportunidad na iyon ng hindi na nagdalawang isip pa. Pagkarating sa Maynila ay ibinenta naman siya ng recruiter niya sa may ari ng isang sikat na night club na ang mga costumer ay mga mayayaman. Sa angking kagandahan at kaseksihan ng dalaga ay maraming lalaki ang gusto siyang maangkin at isa na sa kanila si Jayden Curtis, ang binatang CEO ng GC Construction Company na pagmamay-ari ng pamilya nila. Na love at first sight ang binata sa dalaga kaya nais niyang tulungan si Berry na makaalis agad sa club. Ngunit hindi iyon naging madali para kay Jayden, dahil sa pinagkaguluhan ang kagandahan ng dalaga ay ipina-auction si Berry ng may ari ng club at na bid ang dalaga sa napakalaking halaga. 20 Million pesos ang naging last bid ng bidder mapasakanya lang ang kaakit-kaakit na si Berry Marasigan.
Romance
1018.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Dangerous Seannah

Dangerous Seannah

COFFEREIMXTR
Lumaki sa mayaman na pamilya. Kilala bilang isang Royal Family. Kilala si Seannah, bilang isang Royal Princess dahil sa pagiging mafia ng kaniyang mga magulang. Ang inaakala ng lahat na magandang buhay na mayroon si, Seannah ay malaking kabaliktaran pala sa totoong buhay. Inakala rin ng lahat na isang mahina at isang walang kwenta si, Seannah. Ngunit ang hindi nila alam ay may malaki pala itong sikreto na tinatago at kaunti pa lamang ang nakakaalam. Isang sikreto na magpapagulat sa lahat at kahit sa sarili niyang angkan.
Mystery/Thriller
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Desired by the Billionaire Heir

Desired by the Billionaire Heir

Nagimbal si Farah Jimenez nang masaksihan niya kung paano patayin ang isang ‘di kilalang babae. Ang lalaking nagpapatay dito ay walang iba kung hindi si Lance Dominguez, isang napakayaman at maimpluwensiyang businessman hindi lang sa bansa kung ‘di maging sa buong Asya. Pinagbantaan siya nitong papa
Romance
1056.8K viewsCompleted
Show Reviews (12)
Read
Add to library
Pamela Santos
Bihira aq magbasa ng mga malulupit na stories kasi I hate violence. Pero itong story na ito ang ganda ng pagkakagawa. Ramdam mo yung pinagdadaanan ng mga karakter kaya sila naging ganon. Highly recommended ko po ito!!!
Teressa Calibos
Dito na lang aq magcomment. Sa sobrang pagka-absorb q magbasa nakalimutan ko na magcomment sa mga chapters. Lalo doon sa nags*x sila sa sasakyan. Inulit ko pa basahin kasi ang intense. Tawang-tawa talaga aq hahahha
Read All Reviews
I Love you, Bodyguard

I Love you, Bodyguard

Si Mark San Andres. Seryosong tao, workaholic at tila hindi alam ang salitang pahinga. Isang magaling na Bodyguard si Mark, magaling sa lahat nang bagay pero walang oras sa pakikipag-relasyon Ngunit nang dahil sa isang text message, Nagbago ang lahat. pati ang kanyang puso. matatanggap ka
Romance
9.831.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Marrying My Twin's Fiancé

Marrying My Twin's Fiancé

Magkasundo sa lahat ng bagay ang kambal na sina Celestine at Seraphina. Magkamukha sila, pero laging si Celestine ang paborito ng lahat—matalino, mabait, at higit sa lahat, minamahal ng fiancé niyang si Lukas. Samantalang si Seraphina, tila pinagpala sa lahat maliban sa isang bagay… ang puso ng lalaking matagal na niyang minahal ngunit hindi kailanman maaaring angkinin. Mula pa noon, mahal na ni Seraphina si Lukas. Pero dahil kay Celestine, pinili niyang itago ito. Dalawang linggo bago ang kasal, isang masakit na katotohanan ang lumabas. Celestine is dying. Matagal na pala niyang itinatago ang sakit, at ngayon, isang huling kahilingan ang iniwan niya—nais niyang si Seraphina ang magpakasal kay Lukas. Para kay Seraphina, ito na ang pinaka-masakit na desisyon sa buhay niya. Pero paano niya matatanggihan ang huling hiling ng kakambal? Pumayag siya. Kinasal sila ni Lukas. Pero sa bawat araw na lumilipas, ipinaramdam nito na kailanman, walang makakapalit kay Celestine sa puso niya. Kahit pa ang sariling kakambal nito.
Romance
10320 viewsOngoing
Read
Add to library
I shared my Husband

I shared my Husband

Azeuri
Paano kung ang tinuturing ni Solen Alejo na kanyang asawa ay may fiancé na pala na dapat ay ipapakasal kay Erwin Tovias? Ang lalaking taga pagmana ng lupang kanilang tinitirahan at ang ama ng kanyang anak, bunga ng Isang mainit na gabi. Nagkatagpo muli ang kanilang landas ng lalaki matapos itong masangkot sa isang disgrasya resulta ng pagkawala ng ala-ala nito. Kung kaya naman nag sinungaling si Solen upang hindi kunin sa kanila ang lupa at mag papanggap bilang mag asawa. Hindi nag tagal ay nahulog si Solen sa sarili nyang bitag at unti-unting minamahal si Erwin. Paano kung bumalik ang memorya ng lalaki? Magagawa nya kayang mahalin si Solen matapos sya nitong itago sa kanyang Mundo? Magagawa kaya nilang ituloy ang kanilang pag mamahalang nag simula sa pagkakamali? At paano kapag nalaman nyang muling nag bubuntis si Solen sa kanilang ikalawang anak? “Minahal mo ba ako? — hindi. Ginamit mo lang ako at natutong mahalin” –Erwin Tovias.
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Deal With A Divorced Wife

Billionaire's Deal With A Divorced Wife

Anning
Tuwang-tuwa si Cassandra nang ipagkasundo siya ng kanyang ama sa anak ng kaibigan nito, si Vincent. Mga bata pa lang kasi sila ay may lihim nang pagtingin si Cassandra kay Vincent at ang buong akala niya ay kapag nakasal sila, magugustuhan din siya pabalik ng binata. Pero doon nagkamali si Cassandra. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, ni minsan ay hindi ipinaramdam ni Vincent na mahal siya nito. Pero nang malaman ni Cassandra na nagdadalang-tao siya at mabibigyan na niya ng anak si Vincent, muli na naman siyang umasa na masusuklian na ni Vincent ang nararamdaman niya. Pero ganoon na lamang ang gulat ni Cassandra nang malaman niyang nabuntis ni Vincent ang dating kasintahan, at sa halip na magpaliwanag ay humingi ito ng diborsyo. Wasak at sawi sa pag-ibig, gulong-gulo ang isip ni Cassandra—hindi niya alam kung saan pupunta at kung ano ang gagawin, not until a mysterious billionaire showed up in front of her and offered her marriage.
Romance
459 viewsOngoing
Read
Add to library
CONCHA SERIES 1: SET-UP LOVE STORY

CONCHA SERIES 1: SET-UP LOVE STORY

Isa si Earl Miguel Avelino Concha sa hinahangaang bachelor sa bansa. Nasa kanya na ang lahat kaya naman maraming mga babae ang naghahangad na mapansin niya. Ngunit ang binata ay may mahal na at walang iba kundi si Caroline Velasco Abad, isang sikat na modelo. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay niloloko lamang siya ni Caroline sapagkat mayroon talaga itong totoong minamahal. Natuklasan ito ng kanyang kapatid na si Claire kaya naman agad niya itong sinumbong sa kanyang kuya Earl. Hindi naman naniwala ang binata sa kanyang nakababatang kapatid sapagkat alam nito na hindi talagang gusto ni Claire si Caroline para sa kanya. Alam ni Claire na wala nang magagawa ang pagsasabi niya ng katotohanan sa kuya Earl niya dahil head over heels ito sa nobyang si Claire at saka magaling ding magpaikot ang huli. Kaya naman umisip na lang siya ng paraan kung paanong hindi matutuloy ang kasal ng kanyang kuya at ng nobya nito.
Romance
1017.5K viewsOngoing
Read
Add to library
My Nerd Wife Felicie

My Nerd Wife Felicie

Si Calex Saavedra ay isang binatang mula sa kilalang angkan—mayaman, makapangyarihan, at ubod ng guwapo. Ngunit higit sa lahat, siya ay kilala sa pagiging loko-loko at babaero. Wala siyang siniseryosong babae; para sa kanya, ang babae ay parang damit—isuot kapag gusto, palitan kapag nagsawa. Ngunit isang kasunduan ang biglang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Dahil sa kagipitan, napilitang tanggapin ng isang simpleng probinsyana ang alok na magpakasal kay Calex. Si Felicie Garcia—tahimik, nerd, at walang muwang sa magulong mundo ng lipunan ay naging asawa ng lalaking ni sa panaginip ay hindi niya naisipang mapapalapit sa kanya. Isang kasal na may hangganan. Isang kasunduang magwawakas sa diborsyo makalipas ang dalawang taon. Ngunit habang magkasama sa iisang bubong, unti-unting nagbabago si Calex. At si Felicie, na sa simula’y galit at takot lang ang nararamdaman, ay hindi inaasahang matutong umibig. Mabubura kaya ng pag-ibig ang dating pagkatao ni Calex? O isa lamang si Felicie sa mga babaeng masasaktan sa kamay ng isang tulad niyang sanay sa laro?
Romance
1010.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status