Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Temporary Wife

The Billionaire's Temporary Wife

Everelle Ponferrada, lumaki sa isang mahirap na bayan, mag isang itinataguyod ang kanyang magulang na hindi na makapag trabaho at ang pamangkin nito. Ang papa niya ay na disgrasya sa trabaho habang nanay niya ay hirap na gumalaw dahil sa katandaan. Pinag aaral niya ang pamangkin habang siya ay tumigil at mas tinutukan nalang ang pagtatrabaho para maka kayod sa buhay. Isaac Kezair Kavanaugh, ang nangungunang bilyonarnayo sa bansa. Ayaw niyang maipagkasundo sa babaeng inireto sakanya ng kanyang ama kaya gumawa siya ng paraan para hindi ito matuloy. Inalok ni Isaac si Everell na magpanggap bilang kanyang asawa kapalit non ang malaking halagang pera. Pumayag si Everelle at tinanggap ito. Ngunit paano kung habang nagpapanggap silang mag asawa ay unti-unti ring nagkakaroon ng nararamdaman sa isa't isa?
Romance
10437 viewsOngoing
Read
Add to library
Project Fall

Project Fall

Glonkie
Ang tanging hiling lamang ni Rassia Webber ay tuluyang gumaling ang anak niya na si Rhiannon mula sa malubhang sakit. Upang tustusan ang pangangailangan sa pera, pinasok niya ang isang kasunduang hindi niya inaasahang magtuturo sa kanya ng napakaraming aral. Ang kasunduan na iyon ay ang paibigin si Hunter del Riontes. Kinakailangan niyang magawang pakasalan siya nito at sa araw nang kasal nila ay huwag niyang siputin. Lahat ay nakaayon na sa plano pero paano kung hadlangan ito ng iisang dahilan? Paano kung sa gitna ng misyon ay may mabuong hindi inaasahan? At paano kung ang kasunduang inaasahan niyang tutulong sa kanya ay ang mismong wawasak pa pala sa kanya?
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Chosen Wife Of The Billionaire

The Chosen Wife Of The Billionaire

WARNING: MATURED CONTENT: RATED SPG Contract marriage? Iyong ang pinasok ni Ellise dahil kailangan niya ng malaking halaga para maipaopera ang kanyang mama. Si Nathan Francisco. Ang boss ni Ellise. Pinapirma siya nito ng kasunduan. Magpapakasal siya dito kapalit ng malaking halaga na kailangan niya. Nagdadalawang isip man siya dahil sa mga katanungan sa kanyang isipan kung bakit siya nadamay sa will ng lolo ng kanyang boss ay wala siyang magawa. Siya ang pinili ng lolo ni Nathan na pakasalan nito at kung hindi siya pakasalan ni Nathan ay mawawala dito ang mga negosyong pinaghirapan nito. Galit! Iyon ang naramdaman ni Nathan sa kanyang lolo dahil sa pagmamanipula nito. At higit sa lahat ay galit para kay Ellise. At nabuo sa kanya ang katanungan. Ano ang ipinakain ni Ellise sa kanyang lolo at bakit siya ang napili nito. Dahil sa ayaw mawala ni Nathan ang mga pinaghirapan ay nakapagdesisyon siya. Gumawa siya ng kasulatan para mapilitang magpakasal sa kanya si Ellise At ang kasulatang iyon... Kasunduan para sa kanilang kasal.
Romance
9.836.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Under Legal Terms

Love Under Legal Terms

Nagising si Amber na hubad at walang maalala sa isang prestihiyosong hotel sa Milchester. Pero isa lang ang alam niya, hindi simpleng tao ang nakasiping niya kagabi. Si West Lancaster o King of Hell, kung siya'y tawagin ng kanyang mga trabaho. Ito ay dahil wala ito ni isang kaso na hindi naipanalo. At kung sino man ang nakakaharap nito sa korte ay siguradong magdudusa pagkatapos. Wala itong kinatatakutan. At ngayon ay nagising itong may iilang piraso ng isang libo pagkatapos ng mainit nilang pinagsaluhan. Ano nga ba ang naghihintay kay Amber matapos niyang tratuhin bilang isang bayaran ang batikan at kilala sa kanyang ginagawa? Mauuwi ba ang isa sa hindi inaasahang kasunduan na maglalapit sa kanila o sa walang katapusang bangayan na sisira sa kanilang dalawa?
Romance
872 viewsOngoing
Read
Add to library
Marreid to the secret Billionaire

Marreid to the secret Billionaire

Lumaki si Celestine Navarro sa bahay na kailanman ay hindi naging tahanan. Sa ilalim ng pang-aapi ng kanyang madrasta na si Margarita at ng maldita niyang stepsister na si Veronica, natutunan niyang maging matatag, tahimik, pero palaban. Isang araw, bigla siyang pinapirma sa isang arranged marriage contract—isang kasal na hindi niya maintindihan. Wala siyang ideya kung sino ang lalaki sa papel, at tanging sinabi lang ng abogado ay: “Mas gusto niyang manatiling pribado. Pero simula ngayon, nasa ilalim ka ng kanyang proteksyon.” Ang lalaking iyon ay si Adrian Cruz—isang malamig, makapangyarihang Bilyonaryo at CEO sa isang malaking kumpanya na sanay makuha ang gusto niya. Sa harap ng mundo, isa siyang taong walang emosyon at walang kahinaan. Ngunit sa likod ng kanyang katahimikan, may lihim siyang dahilan: minsan niyang nasaksihan kung paanong hinamak si Celestine ng sarili nitong pamilya. At mula noon, hindi na siya mapalagay. Tahimik niyang inayos ang kasunduan ng kasal—isang paraan para masiguro na walang sinumang makakasakit kay Celestine muli. Habang patuloy siyang binabastos at minamaliit ng mga Navarro, patago namang nakamasid sa kanya ang lalaking handang ipaglaban siya… kahit hindi pa niya kilala. Hanggang isang gabi, nakatanggap siya ng mensahe mula sa hindi kilalang numero: “Hindi mo na kailangang harapin sila mag-isa.” —A.C. Hindi niya alam, ang lalaking iyon ay ang mismong asawa niyang hindi pa niya nakikita—ang lalaking tahimik pero mapanganib magmahal. At kapag dumating ang araw na mabunyag ang katotohanan, malalaman ng lahat… na ang babaeng minamaliit nila ay asawa ng pinakamakapangyarihang lalaki sa lungsod.
Romance
10306 viewsOngoing
Read
Add to library
THE LAWYER'S GUILTY PLEASURE

THE LAWYER'S GUILTY PLEASURE

"Limang taon na tayong kasal, pero kahit kailan hindi mo ako minahal! " “Wala sa kontrata ‘yon, Sofia.” Malamig na sagot ni Eduardo Nang ipagtanggol ng sikat na abogado na si Eduardo Almira ang kaso ng ina ni Sofia, kapalit nito ay kasal, isang kasunduan na tatagal lamang ng limang taon. Pero paano kung sa limang taong iyon, natutunan niyang mahalin ang lalaking hindi kailanman tumingin sa kanya bilang asawa? Hanggang sa isang umaga, natuklasan niyang hindi lang puso niya ang nakatali sa kasinungalingan—pati ang batang tinatawag niyang anak ay anak pala ng babaeng tunay na minamahal ng asawa niya. Ngayon, habang papalapit ang pagtatapos ng kontrata, kailangan niyang pumili: manatili sa lalaking hindi kanya, o bitawan ang tanging lalaking minahal niya. Pero paano kung sa oras na handa na siyang umalis… doon naman siya gustong habulin ni Eduardo?
Romance
132 viewsOngoing
Read
Add to library
I'm in Love with that Girl

I'm in Love with that Girl

Z.R Cruz
Inalok ng kasal ni Francine sa kanyang nobyong si Leonard. Ngunit hindi pa handa si Leonard na pumasok sa buhay may asawa. Hindi niya tinanggap ang alok ni Francine at iniwan ang kasintahan. Labis na nawasak ang damdamin ni Francine. Si Ethan Fajardo, makisig at kilabot ng kababaihan, namamahala din siya ng isang automotive company kasama ang kanyang matalik na kaibigan, si Aaron. Isang playboy na hindi naniniwala sa totoong pag-ibig. Ngunit ang kanyang lola, si Elizabeth ay ipinagkasundo ang binata sa anak ng kanyang kaibigan. Tumutol si Ethan sa kasunduan at nagsabing may mahal s'yang iba. Kung kaya't hinamon s'ya ng kanyang lola na iharap sa kanya ang tinutukoy nitong kasintahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon nagkrus ang landas ng dalawa. Papayag ba si Francine na maging kasintahan ni Ethan? Maniniwala ba si Elizabeth sa pagpapanggap ng dalawa?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Nang dahil sa hirap ng buhay walang nagawa si Elyze kundi humingi ng tulong pinansyal sa kaniyang long time boyfriend na si Renz nang lumala ang sakit ng kaniyang ate Hope na asthma at nagkaroon pa ito ng komplikasyon sa puso. Kaya lang nagalit si Renz nang mag usap sila sa labas ng Hospital. Nag away silang dalawa at nauwi sa sumbatan. Naghiwalay sila dahil hindi matanggap ni Elyze na pagsasalitaan siya ng hindi maganda ni Renz. Narinig naman ni Oliverio ang pag uusap nang dalawa at nang tumakbo palayo si Elyze bumangga siya sa nakapaguwapong Bilyonaryo walang iba kundi si Oliverio, na siya ring CEO ng kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga. Nakilala naman ni Elyze ang Boss kaya mas lalo siyang nahiya dahil naiyak siya nang mga oras na iyon. Hindi naman pinalampas ni Oliverio ang pagkakataon at inalok ng Kontrata tungkol sa kasal ang dalaga kapalit ng pagtulong nito sa problema niya. Dahil walang ibang pagpipilian pumayag si Elyze para maisalba ang kapatid. Ikinasal sila at napagamot ang kaniyang ate. Habang tumatagal nahulog sila sa isa't isa at nanatili silang in denial sa nararamdaman. Hahamakin kaya nila ang lahat para sa pag ibig?
Romance
1020.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Rival's Mistress

The Rival's Mistress

Dati niyang asawa, hindi lang siya tinalikuran—pinapatay pa. Sa isang gabi ng pagtataksil, muntik nang mamatay si Alina sa kamay ng mga tauhan ng lalaking minsan niyang minahal. Pero sa isang iglap, isang maling liko, at isang desperadong hakbang, napadpad siya sa sasakyan ng pinaka-ayaw ng ex niyang lalaki... si Damian Velasco, ang pinakamalupit na karibal sa negosyo. "Hirap ka bang magpasalamat, Mrs. Montenegro?" malademonyong bulong ng lalaki. "O gusto mong ipakita na lang sa ibang paraan?" Isang kasunduan ang binuo sa init ng gabi: ililigtas siya ni Damian, pero kapalit nito… magiging kanya siya. Sa kama. Sa piling niya. Hanggang sa tuluyan niyang makuha ang kanyang paghihiganti. Pero paano kung sa gitna ng pagkukunwari, may ibang apoy na mamagitan sa kanila? Isa bang laban ito… o isang bagong simula?
Romance
347 viewsOngoing
Read
Add to library
Her Sweetest Revenge

Her Sweetest Revenge

Si Miguel Delgado ay isang lalaking mayaman at makapangyarihan, ngunit sa kabila ng kanyang marangyang buhay, isang simpleng dalaga ang bumihag sa kanyang puso—si Celeste Arevalo. Sa kanilang bawat pagkikita, ipinakita ni Miguel ang kanyang kabaitan at wagas na pagmamahal kay Celeste. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Celeste na siya ay mahalaga, na siya ay minamahal nang totoo. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay hindi ipinagkaloob ng tadhana nang matuklasan ni Celeste ang lihim na itinago ni Miguel—may kasunduan ang pamilya nito na ipakasal siya sa anak ng isang mayamang pamilya. Para kay Miguel, wala itong halaga dahil ang tanging mahal niya ay si Celeste, ngunit para kay Celeste, ang balitang ito ay isang taksil na sugat sa kanyang puso. Durog at naguguluhan, umalis si Celeste, iniwan si Miguel at ang mga alaala ng kanilang pagmamahalan. Sa kanyang paglayo, ipinangako niya sa sarili: babalik siya bilang isang taong hindi na mahina at hindi na muling masasaktan. Ang dating mahinhin at maamo niyang puso ay napalitan ng galit at paghihiganti. Ngunit kapag muli silang nagkrus ng landas, matutupad kaya ni Celeste ang kanyang pangakong ipaghiganti ang sarili? O muling aapaw ang tunay niyang damdamin para kay Miguel? Sa pagitan ng pag-ibig at galit, sino ang tunay na mananalo?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1011121314
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status