Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE

THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE

Hindi lubos maisip ni Althea na matatapos ang noon ay mala-fairy tale love story nila ng kanyang asawa na si Hendrix. Hindi kaagad niya napansin ang naging pagbabago rito, hanggang sa para nalang itong bomba na sumabog sa mukha niya. Her husband is cheating on her, at alam ito halos ng lahat ng mga kaibigan nila maliban sa kanya. Nang kinompronta niya ito ay madiin nitong itinatanggi ang mga paratang niya, kahit pa ba matibay ang mga ebidensyang nakakarating sa kanya. Dahil sa sakit, pumayag si Althea sa prinopose ng mother-in-law niya, ang sikretong papirmahin ng annulment papers si Hendrix at siya na raw ang bahala rito. Kapalit ng pagpayag niya ay ang malaking halaga na ibibigay ng mother-in-law niya. Pero sapat nga bang kabayaran ang pera para sa sakit ng pagtataksil ng asawa na noon ay labis niyang minahal?
Romance
9.784.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contract and Marriage

Contract and Marriage

Si Sarina ay isang probinsyanang nurse na mas pinili ang maging private nurse dahil na rin sa laki ng sahod kay Maximus Lardizabal. Isang kilalang negosyante sa bansa at playboy na rin. Mayroon siyang kasintahan ngunit mahilig pa rin siya sa babae. Nang maaksidente ito sa ibang bansa at bumalik ng Pilipinas ay bulag na ito at nakatali na sa wheelchair na naging dahilan upang tuluyan na siyang iwan ng kasintahan. Samantalang bigla na lang nag-offer ang binata sa dalaga na hindi mapaniwalaan ni Sarina at mabilis niyang tinanggihan. Ngunit dahil na rin sa pangangailangan ng pamilya niya ay nagbago din ang kanyang isip at pumayag na maging parausan ni Maximus sa loob ng isang taon sa halagang 10 milyon. Ang hindi alam ng dalaga ay may mga iba pang kasunduang kalakip ang kontrata nila at sa pagsasama nila ay malalaman niya ang lihim na itinatago ng binata.
Romance
9.91.6M viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (118)
Read
Idagdag sa library
Gracie Ollagan
This story is somewhat very realistic and true to life. The character's role were very intense. You will feel mix emotions while reading as if you are just part of the story looking at these characters right here. I recommend this story as it is full of life and a bit of comedy. Not for young adults
MysterRyght
Marami pong salamat sa inyong patuloy na pagsuporta. Sana po ay makasama ko po kayo sa aking writing journey. Sa mga likes, comment, gem votes, ratings at lalo po sa gift-share. Sobrang thank you po sa inyo. I will pray na lagi po kayong pagpalain at samahan ng Panginoon sa bawat araw. God bless us!
Basahin ang Lahat ng Review
Entrapped To Be His Wife

Entrapped To Be His Wife

Sabi nila mapagbiro raw ang tadhana. At isa si Cassie sa magpapatunay niyon. Nakatakda na siyang ikasal sa long-time boyfriend niya ngunit sa kasawiang-palad bago siya makauwi ng Pilipinas ay nabalitaan niyang nakabuntis ito at nakatakda ng ikasal sa iba. Sa mismong araw ng kasal ng kaniyang nobyo, nagpakalasing siya upang makalimutan ang kabiguan kahit panandalian lamang. Ngunit ang paglalasing na iyon ang tila naglagay sa kaniya sa mas malaking problema. Nagising siyang may katabing lalaki sa kama, marahil dahil sa kalasingan at magulong utak. Nilisan niya ang kuwartong iyon nang walang paalam. Handa na siyang kalimutan ang lahat ng mga nangyari nang biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Sinabi nitong gusto at handa itong panagutan siya sa ayaw at sa gusto niya. Walang nagawa si Cassie nang sapilitan siya nitong isama sa lugar kung saan ito nakatira. Lalo na't hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na madehado siya. Tumira siya sa bahay nito, ang akala ni Cassie ay magiging mahirap para sa kaniya na pakisamahan ito ngunit hindi pala. Mabuting tao si Tristan at naging maalaga sa kaniya dahilan para unti-unting mahulog ang loob niya rito. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang namumuong pagmamahalan nila o tuluyang matutuldukan kapag nalaman ni Cassie na ang lalaking natutunan niyang mahalin ay Tiyuhin ng babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya. Paano matatanggap ni Cassie na ang pagkakakilala nila ay planado ni Tristan upang protektahan ang pamangkin nito?
Romance
1031.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Brother's Best Friend (Filipino)

My Brother's Best Friend (Filipino)

Matagal na si Divine na may gusto sa best friend ng Kuya Ivan niya na si Marcus ngunit nililihim lang niya 'yon. Hindi niya sinasabi 'yon dahil nahihiya siyang umamin na may gusto siya rito. Ulilang lubos na silang dalawa ng kuya niya. Isang araw ay kinailangan ng Kuya Ivan niya na pumunta sa ibang bansa dahil napili itong isama ng boss nila na magtatagal ng isang buwan. Hindi naman puwedeng tumanggi ang kuya niya kaya pumayag ito. Ang problema lang ay wala siyang makakasama sa bahay nilang dalawa. Ayaw pa naman ng kuya niya na mag-isa lang siya. Naisip ng Kuya Ivan niya na doon muna patirahin sa bahay nilang dalawa na magkapatid ang best friend nito na si Marcus para may kasama siya. Mapagkakatiwalaan naman ito at higit sa lahat ay babantayan siya. Imbis na matuwa ay kinabahan si Divine matapos niyang malaman 'yon na ang matagal na niyang gusto na lalaki ay ang makakasama niya sa bahay nila habang wala ang kuya niya. Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa na magkasama sa iisang bubong? Masabi kaya ni Divine ang totoong nararamdaman niya para kay Marcus? May chance kaya na mahalin rin siya ni Marcus pabalik kung umamin siya ng totoong nararamdaman niya para dito?
Romance
1014.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
MY RUTHLESS ZILLIONAIRE IMPREGNATE ME

MY RUTHLESS ZILLIONAIRE IMPREGNATE ME

Jenica Mades
NAGMULA sa mayamang pamilya si Travish Villamor. At sa edad na tatlongpuʼt taon. Ipinamana sa kaniya ang kilalang French Group Company, ng kaniyang ama. Subalit, naging matigas ang puso niya. At ang tanging nasa isip niya ay kapangyarihan na mayroʼn siya. Hanggang sa makilala niya si Alejandra Samonte, ang babaeng walang hangad kundi ang magkaroon ng simpleng buhay. At maitaguyod ang pamilya niyang naiwan sa probinsiya. Sa edad na dalawangpuʼt anim ay pinagkatiwalaan na siya ng kaniyang magulang. Pero, ang lahat nang iyon ay nagbago dahil sa kasunduan na kailangan niyang panindigan. Kaya nga ba niyang panghawakan ang isang bagay na hindi naman niya kagustuhan? At maipagpapatuloy pa ba ni Travish ang kaniyang dating damdamin na sa puso niya ay may iba nang nakalaan?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Night with the Billionaire

A Night with the Billionaire

Nagsimulang gumulo at manganib ang buhay ni Lilliane nang sapilitan siyang i-arrange marriage ng kanyang pamilya sa isang 68 taong gulang na media magnate na si Arnulfo Fuentes upang maisalba lamang ang kanilang kumpanya mula sa nalalapit nitong pagbagsak. Dahil sa desperasyon, at hindi niya maatim na ito ang makikinabang sa kanyang batang katawan, nagdesisyon siyang ibigay ang kanyang puri sa isang mas batang lalaki. Ngunit ang konsekwensya nang gabing iyon ay higit pa sa inaasahan ni Lilliane. Sa takot kay Mr. Fuentes at sa kalalabasan ng lahat, sumira siya sa kasunduan. Tinaguan at tinakbuhan niya ang kanyang malupit na pamilya at maging ang mapangangasawa. At hindi titigil ang mga ito sa paghahanap sa kanya lalo na si Fuentes hangga't hindi nito nakukuha ang 'kanya'. Subalit hindi lamang ang kanyang pamilya at si Mr. Fuentes ang naghahanap sa kanya kundi maging ang guwapong estranghero na pinag-alayan niya ng kanyang pagkababae matapos nitong mabasa ang article tungkol sa pagpapakasal niya sa kilalang media magnate. Mas higit pa itong nagkainteres kay Lilliane dahil sa talino, tapang at husay nitong magtago at tumakbo mula sa mga humahabol dito. Habang patuloy na bumabagsak ang negosyo ng kanyang pamilya ay mas lalong nagiging determinado rin sila Mathilda na mahanap siya upang maituloy ang kasunduan na pilit tinatakasan ni Lilliane. Ngunit hindi makapapayag si Lilliane lalo na at nakataya ang lahat sa kanya—kalayaan, ang kanyang kinabukasan, at ang batang nasa kanyang sinapupunan—kailangan niyang lumaban at protektahan ang mga bagay na mahalaga sa kanya. Sa isang mundo na kung saan ang kapangyarihan, pera, kasakiman, at pagtataksil ang namamayani, makakaya bang lampasan ni Lilliane ang mga taong nais siyang kontrolin para sa mga pansariling interes, o mahuhulog siya sa mga kamay ng mga taong sinusubukan niyang takasan o sa taong ama ng ipinagbubuntis niya?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Beat of My Heart

Beat of My Heart

Heaven Abby
“Pilitin mo mang baguhin ang sarili mo ay mananatiling ikaw pa rin ang babaeng mahal ko…” TEASER High school pa lang si Jane ay crush na niya si Jester. But Jester didn’t notice her. Hindi ang mga katulad niyang konserbatibo at inosente ang tipo nito. Jester preferred a woman that was hot and liberated. In other words, he wanted a woman who could absolutely “rock” his world! Kaya naman nang mabalitaan niya buhat sa childhood best friend niyang si Matt ang planong pagbabakasyon ng lalaki sa Pilipinas ay talaga namang to the highest level ang ginawa niyang paghahanda. She transformed into a woman she never was. She portrayed like a woman-of-every-man. Nagbago ang pananamit niya, ang kanyang pagkilos, at ang dating inosenteng mukha ay napalitan ng aurang kaakit-akit. Subalit isa na lang ang kulang—she doesn’t know how to kiss. That alone was her big problem! Paniguradong madi-disappoint si Jester oras na malaman nitong hindi siya marunong humalik. Isa lang ang alam niyang makapagtuturo sa kanya. That was her best friend—si Matt. Pumayag naman ito. Matt was like a devoted teacher who taught her how to kiss just right. Oh, so right… Ngunit may hindi siya napaghandaan. Bakit tila bigla yatang naglaho ang interes niyang magpa-impress kay Jester? Bakit bigla ay mas interesado na siyang matikmang muli ang napakasarap na halik ni Matt? Now, she was facing a great dilemma of hearts between Jester and Matt…
Romance
101.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
BIDDING FOR HER (She was His to Win)

BIDDING FOR HER (She was His to Win)

Mabait. Inosente. Mapagmahal. Ganyan inilalarawan si Megan Gonzales, isang dalagang lumaki sa pagitan ng liwanag at dilim. Anak ng isang babaeng bar performer na mas mahal pa ang pag susugal kaysa sariling anak, natutunan ni Megan na ang simpleng pamumuhay ay sapat na—makatapos ng pag-aaral, makakain sa tamang oras, at maipaglaban ang mga taong mahal niya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan. Hanggang sa isang gabi, tuluyang naglaho ang natitirang liwanag sa buhay niya. Sa isang underground human auction—isang gabi ng kasinungalingan, kasakiman, at kapangyarihan—ibinenta siya ng kanyang ina kapalit ng pera. Isang murang halaga, isang kahindik-hindik na kataksilan. Ang mga bid ay mabilis na tumataas: lima... sampu... tatlumpung milyon. Hanggang sa isang malamig, mariin, at makapangyarihang tinig ang sumigaw. "Isang daang bilyon. Para sa kanya." Tahimik ang mundo. Tumigil ang lahat. Doon siya unang nasilayan ni Lucien Alcaraz—isang negosyante sa itaas ng mundo, kilala sa yaman, talino, at kawalan ng puso. Ngunit sa gabing iyon, sa ilalim ng mga ilaw ng kasalanan, nakita niya si Megan. Hindi bilang isang produkto... kundi isang bagay na dapat angkinin para sa kaniyang sariling intensyon. Sa pagitan ng kasunduan at lihim na damdamin, matutuklasan ba ni Megan na ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa perang ipinambibili sa kanya? Mararanasan ba niya ang pagmamahal na ipinaglalaban siya? Halina`t subaybayan ang kwento nang ating bida.
Romance
439 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Make Me Your Wife

Make Me Your Wife

aeonia
Akala ni Iyana Lopez ay hindi na siya muling tatapak pa sa mansyon ng mga Gromeo pagkatapos ang divorce na naganap sa kanila ni Bryant Gromeo. Ngunit isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na muling nakatayo sa harap ng mansyon dahil sa aksidenteng naganap sa anak. Baon si Iyana sa utang. Kailangang operahan ang anak niya at kailangan niya ng pera upang mailigtas ang buhay ng anak. Tanging si Bryant na lang, ang ama ng anak niya, ang naisip niyang makatutulong sa kaniya. Ngunit pagkatapos magmakaawa at lumuhod ni Iyana, sa huli ay natagpuan niya ang sarili niyang lumuluha sa labas ng mansyon ng mga Gromeo. Doon siya natagpuan ni Arden Gromeo, ang kapatid ni Bryant. Desperado si Iyana na siyang dahilan ng nangyaring pagtanggap niya sa kasunduan na matagal nang inalok sa kaniya ng lalaki. Papakasalan ni Iyana si Arden kapalit ng pagligtas nito sa anak niya. Ang akala ni Iyana ay natapos na ang problema niya. Ngunit, paano kung 'yon lang pala ang simula?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Nerd Wife Felicie

My Nerd Wife Felicie

Si Calex Saavedra ay isang binatang mula sa kilalang angkan—mayaman, makapangyarihan, at ubod ng guwapo. Ngunit higit sa lahat, siya ay kilala sa pagiging loko-loko at babaero. Wala siyang siniseryosong babae; para sa kanya, ang babae ay parang damit—isuot kapag gusto, palitan kapag nagsawa. Ngunit isang kasunduan ang biglang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Dahil sa kagipitan, napilitang tanggapin ng isang simpleng probinsyana ang alok na magpakasal kay Calex. Si Felicie Garcia—tahimik, nerd, at walang muwang sa magulong mundo ng lipunan ay naging asawa ng lalaking ni sa panaginip ay hindi niya naisipang mapapalapit sa kanya. Isang kasal na may hangganan. Isang kasunduang magwawakas sa diborsyo makalipas ang dalawang taon. Ngunit habang magkasama sa iisang bubong, unti-unting nagbabago si Calex. At si Felicie, na sa simula’y galit at takot lang ang nararamdaman, ay hindi inaasahang matutong umibig. Mabubura kaya ng pag-ibig ang dating pagkatao ni Calex? O isa lamang si Felicie sa mga babaeng masasaktan sa kamay ng isang tulad niyang sanay sa laro?
Romance
109.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1920212223
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status