Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)
Matinding galit ang naramdaman ni Detective Marga Castro nang mahuli ang sariling ina na may relasyon sa boyfriend niyang si Dominic Mendoza. Para sa kanya, iyon ang pinakamalaking kataksilan na hindi niya kailanman mapapatawad. Sa isang iglap, gumuho ang mundo niya—ang ina niyang pinagkatiwalaan at ang lalaking minahal niya, parehong nagtraydor sa kanya.
Umalis siya sa bahay nang walang direksyon, puno ng poot at hinanakit, hanggang sa isang aksidenteng kinasangkutan niya ang nagbago ng lahat. Nasagasaan siya ng isang lalaking kalaunan ay malalaman niyang si Dr. Oliver Mendoza—ang ama ng ex niya. Isang sikat ngunit kilalang malupit na surgeon.
Habang nagpapagaling sa bahay ng doktor, naisip ni Marga ang isang mapanganib na plano. Gagantihan niya si Dominic sa pinakamasakit na paraan—sa pamamagitan ng pag-akit sa sariling ama nito. Alam niyang delikado, alam niyang mali, pero sa isip niya, ito ang hustisyang karapat-dapat sa kaniya.
Ngunit habang isinasagawa niya ang plano, natuklasan ni Marga ang panig ni Dr. Mendoza na hindi niya inaasahan. Sa likod ng malamig na anyo at mapait na nakaraan, nakita niya ang isang lalaking marunong magmahal at marunong umintindi—isang lalaking unti-unti niyang minahal sa kabila ng lahat ng kasinungalingan.
Paghihiganti ang plano, pag-ibig ang naging kapalit.
Ipagpatuloy ba ni Marga ang paghihiganti o ipaglalaban ang pag-ibig na hindi kailanman dapat umusbong?
Dahil kapag lumabas ang katotohanan, hindi lang puso niya ang mawawasak—pati ang tanging taong natutunan niyang mahalin.