Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Revenge Of The Hieress Ex-Wife

Revenge Of The Hieress Ex-Wife

Blurb Labis na pinagsisisihan ni Sandy nang magkrus ang kanilang landas ni Dimitri Vinocencio. Ang lalaking inibig at nagpatibok ng kaniyang puso at maging ang lahat sa kaniya ay nagawa niyang isuko. Lihim silang nagpakasal. Subalit ang inakala 't masaya nilang simulan bilang mag-asawa na aabot hanggang sa dulo ng walang hanggan katulad sa kanilang simumpaang PAG-IBIG NA WAGAS, makalipas lamang pala ng tatlong taon ay MAGWAWAKAS. Siya na mismo ang sumuko. Matapos ipinamukha ni Dimitri sa kan'ya kung gaano pa nito ka-mahal ang ex-girlfriend at first love nitong si Lindsay na ngayo'y nagbabalik ay nakapag-desisiyon siya hiwalayan na ang asawa. Sa kaniyang pagbangon muli mula sa lusak matapos ang diborsyo. Sino ang mag-aakala? Na ang sikat na Jewelry designer na hindi nagpakilala sa publiko at ang matagal nang hinahanap ni Dimitri dahil sa natatatangi nitong mga obra ay walang iba kun 'di ay siya. Si Sandy Ariela ang nag-iisang Unica Hija ng nag-uumapaw sa karangyaan mula pamilya ng mga Delavin. Siya rin ang unknown magic fortune teller sa investment bank na ngayon ay hinabol ng halos lahat ng Business Tycoons mapansin lamang ang mga ito. Isa na roon si Dimitri na matagal nang naghihintay na muli silang magkita ng dating asawa na nawala noon na parang bula. Ngayon ay nakita na nito si Sandy ay hindi na niya ito pakakawalan pa na noon hay halos mabaliw siya kahahanap sa bawat araw na lumipas ay kabiguan lamang ang nakukuha. Magawa pa kaya ni Dimitri na mahuli ang sa nagyo 'y mailap na puso ng dating asawa na minsan ay naging kaniyang pagmamay-ari?
Romance
1028.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Mr. Billionaire's First Love

Mr. Billionaire's First Love

sᴇʀᴀᴘʜɪɴᴇ
After the big downfall of The Cervantes Group Of Companies, Daniella Vianna ‘Davina’ Cervantes was forced to marry the richest bachelor in Asia, the ruthless Roscoe Davidson. Walang choice si Davina kundi sundin ang utos ng magulang niya. Kahit na ayaw niyang ipakasal— hindi lang ipakasal, kundi’y binenta siya ng sariling magulang para masalba ang kanilang kompanya. Kapatid niya dapat ang ipapakasal kay Roscoe, ngunit dahil mahal ng magulang niya ang nakakatandang kapatid at ayaw nitong masaktan ang kapatid sa kamay ng isang Roscoe Davidson. The ruthless and heartless billionaire that no woman can tame. Siya ang pinakasal sa binata. She wanted to cry during her wedding day because she knew her life would become more miserable with Roscoe. Ngunit hindi. Dahil sa araw ng kasal nila’y hindi niya aakalain na si Roscoe Davidson ay ang lalaking hindi niya makalimutan. Hindi siya makapaniwala. Magulo ang utak at puso ni Davina sa muling pagkikita nila ng lalaking minsan na niyang minahal, ngunit nasira lang. Pero ito siya ngayon, ikakasal na dito. Gusto ba nitong maghiganti sa kanya dahil sa pang-iiwan niya sa binata noon? Lalo na’t sobrang yaman na ito ngayon? Mas lalo siyang natakot lalo na sa mga binitawang salita nito nang makasal na sila. “Finally… you’re mine again, Davina.”
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding The CEO's Quintuplets

Hiding The CEO's Quintuplets

Nagsilang si March ng quintuplets. Mag-isa niyang pinalaki ang mga ito habang nagtatago sa kaniyang boss no'ng siya ay isang intern pa lamang. Ang ama ng quintuplet ay si Rod. Ito'y kasal na sa iba dahilan kung bakit ayaw ni March ipakilala kay Rod ang mga anak niya. Makalipas ang pitong taon, nakita ng ina ni Rod si March. May hiningi itong pabor dahilan para magkita muli si March at Rod. Sa kanilang pagkikita, matatago pa ba kaya ni March ang mga anak nila? O siya ang itatago ni Rod sa mundo kung saan tanging siya lang ang makakapiling nito?
Romance
10229.2K viewsCompleted
Show Reviews (32)
Read
Add to library
MeteorComets
List of my completed stories you can read. The Lust Love Hiding The CEO's Quintuplets Binili Ako ng CEO Pag-aari Ako ng CEO Asawa Ako ng CEO Binihag Ako ng CEO His Personal Affair Love In Mistake Shade Of Lusr I Put A Leash On My Boss
Dinalynn
grabe eto yung author na lahat ng libro niya hindi nawala excitement ko kada update niya lahat ng chapter maganda talaga ramdam mo yung puso , dedication at emosyon bawal chapter more power po sana madami pa kame mga story mo mabasa ......
Read All Reviews
Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back

Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back

Tuluyan nang nagising si Mayumi Romero sa katotohanang hindi siya kayang mahalin ng mabagsik at walang pusong business conglomerate na si Miguel Lopez. Ang kasal nilang dalawa ay nasa ilalim lang ng isang marriage contract at walang ibang gusto ang lalaki kung hindi ang serbisyo niya—ang magpanggap na mabuting asawa sa harap ng ina nito at ibigay ang pisikal na pangangailangan nito kapalit ng salapi. Ang pantasya niyang mamahalin din siya ng lalaki ay nawasak nang makulong siya sa malas na relasyon. Sa una’y kayang-kaya niya pang tiisin ang panlalamig at trato sa kaniya ng lalaki. Subalit nang pinilit siya nitong ipalaglag ang kanilang anak, kinain na ng poot at pagkamuhi ang pagmamahal niya. Nilisan niya ang Pilipinas at hinayaang pagalingin ang sarili matapos ang matinding sakit. Sa pagbabalik niya, napag-alaman niyang kay tagal siyang hinintay ni Miguel. Umaasang mapapatawad at babalikan niya ito ngunit huli na ang lahat para sa kanilang dalawa simula nang pinapatay nito ang kanilang anak.
Romance
1018.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Runaway Wife And Her Triplets

Billionaire's Runaway Wife And Her Triplets

Habang nakaupo si Thalia Briones sa burol ng kanyang ina, nakaitim at tahimik lang siyang umiiyak. Wala siyang ibang kasama kundi ang lungkot at mga alaala. Samantalang ang asawa niya ay nasa isang birthday celebration. Hindi sa kanya kundi para sa first love nito. Gabi ng halakhak, ilaw, at mamahaling alak habang siya'y nagluluksa mag-isa. Pag-uwi niya ay hindi na siya nagsalita. Iniwan lang niya sa mesa ang divorce papers. Saka siya nagdesisyong ipalaglag ang batang nasa sinapupunan at lumayo nang tuluyan. Lumipas ang limang taon. Sa isang exclusive na auction event, isang babae ang lumitaw bilang punong auctioneer. Nakasuot siya ng backless na modern Filipiniana, may slit sa hita, at nakatakip ang mukha ng manipis na puting belo. Tumahimik ang buong hall. Lahat ng mata ay sa kanya lang nakatingin. Sa isang sulok ng silid naman ay nanigas si Isagani Castillo. Matagal na niyang hinahanap ang babaeng iniwan siyang walang paliwanag. Ngayon, nakaharap niya ulit ang isang anino ng nakaraan.
Romance
440 viewsOngoing
Read
Add to library
Mr. Wright Beside Me

Mr. Wright Beside Me

Isang malaking iskandalo ang yumanig sa buhay ni Gracie sa mismong birthday celebration ng step-father niyang si Armand Luistro. Sa kalagitnaan ng magarbong party ay biglang ipinalabas sa led screen ang isang scandalous video kung saan siya ang naroon at may kasama siya na isang lalaki. Nasa aktong pagtatalik ang tagpong napanood ng maraming bisita. At ang lalaking kasiping niya ay ang boyfriend ng kanyang wicked half-sister na si Tatiana. Hindi niya akalain na ganoon pala ang planong paghihiganti ni Narita sa kapatid niya kung saan nakipagtulungan siya sa una. Dahil sa malaking kahihiyan ay itinakwil siya ng sariling ina at pinalayas siya ni Armand sa buhay at pamamahay ng mga ito. Nakasumpong siya sa ng bagong yugto ng buhay sa may kalayuang bayan ng Lopez Quezon. Nagkaroon siya ng trabaho sa isang event center at part-time emcee rin siya. Nang matanggap siyang site manager sa bagong dini-develop na subdivision sa nasabing bayan, nakilala niya ang boss niya na si Oliver Wright. Isang cold hearted na lalaki na na nagpapadagdag appeal sa kagwapuhang taglay nito. Hindi mapigilang humanga ni Gracie sa binatang boss. Ngunit ito pala ay isa sa mga anino ng kahapong nagtakwil sa kanya noon. Susubukin n’on ang pagkakalapit nila sa isa’t isa at lumalambot na puso sa kanya ni Oliver.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My Beloved Corazon

My Beloved Corazon

Imyham
Dahil sa hindi inaasahang aksidente nawalan ng paningin ang binatang si Benny, ang mundo niya ay binalot ng kadiliman kasabay noon ay ang pagnanais n'yang muling babalik ang kaniyang minamahal. Sapagkat gusto niya na kahit hindi na bumalik ang kaniyang paningin ayos na sa kaniya basta makasama niya lang si Corazon. Bulag ang kanyang mga mata ngunit hindi nawawalan ng pagasa ang kaniyang puso na hintayin ang dalaga sa muli nitong pagbabalik kahit batid niya na suntok sa buwan ang pangarapin na muli pa niyang makikita ang babaeng unang nagpatibok ng kaniyang puso.
Romance
103.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love

Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love

P.P. Jing
“Mommy, hindi mo ba kami naaalala?” - Triplets “She’s not your mother.” - Billionaire Namulat ang mga mata ni Yasmien sa isang mapang-abuso at probeng asawa na si Carding habang dinaranas ang pagkawala ng kanyang alaala. Isang gabi ay bigla na lamang may geniuses triplets na nanggulo sa kubo niya at nagtatalo-talo ang mga ito kung siya nga ba ang “Mommy” nila. Maya-maya pa'y sumulpot ang isang bilyonaryo na ito ring yumanig sa buhay niya. Ngayon ay komplikado na siya kung siya nga ba ang ina ng geniuses triplets gayong sinasabi ng bilyonaryong ama ng mga ito na hindi siya ang ina!
Romance
103.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Seductress Unforgotten

Seductress Unforgotten

Sa mundo ng marangya at makapangyarihan, si Apple Imperial ang babae na pinapangarap ng lahat ngunit kinatatakutan ng iilan. Sa kanyang mala-anghel na mukha at maalindog na katawan, nagagawa niyang paikutin ang puso ng kahit sinong lalaki. Ngunit sa likod ng kanyang mapanlinlang na ngiti, nakatago ang isang madilim na lihim—si Apple ay isang mapanganib na gold digger. Dati siyang prinsesa ng kayamanan, lumaki sa karangyaan ng pamilyang Imperial. Ngunit nang bumagsak ang kanilang negosyo, nawala ang lahat—ang yaman, at ang dangal. Ang bawat halik niya ay may presyo, ang bawat yakap ay may layunin. Sa bawat lalaking nahuhulog sa kanyang bitag, isang hakbang siya papalapit sa pagbabalik ng yaman na nawala sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Lance Martin—ang guwapo, makapangyarihan, at sobrang yaman na CEO ng Emerald Malls—nagbago ang pananaw niya sa buhay at pag-ibig. Si Lance ang perpektong target, ngunit siya rin ang tanging lalaking nagpaalala kay Apple kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal. Sa kabila ng kanyang mapanlinlang na paraan, si Lance ang nagdala ng liwanag sa madilim niyang mundo. Subalit ang lihim ni Apple ay hindi kayang itago habang-buhay. Nang magdesisyon si Lance na ipagkatiwala ang kanyang buong puso at yaman kay Apple at nagbabalak na pakasalan ito,ngunit nalaman niya ang masakit na katotohanan—ang babaeng kanyang minahal ay naglalaro sa apoy. Sa gitna ng kanyang pagtataksil, iniwan siya ni Lance, at tuluyang nawala sa kanyang buhay. Pero hindi pa tapos ang kanyang kabiguan. Nang malaman ni Apple na siya’y nagdadalang-tao, biglang nagbago ang lahat. Ang anak na nasa kanyang sinapupunan ang maaaring maging dahilan ng kanilang pagbabalikan—o ang maghahatid sa kanya sa mas malalim na pagdurusa. Magagawa kaya ni Apple na itama ang kanyang mga kasalanan? O magbabayad siya ng pinakamabigat na presyo para sa lahat ng kanyang kasinungalingan?
Romance
102.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Doctor Calyx: Touch Me Gently

Doctor Calyx: Touch Me Gently

Mataba. Nerd. Walang kaibigan. Ganito noon si Calyx Monteverde—isang binatang pinangarap lamang mahalin ng babaeng tinitibok ng puso niya, si Sahara Villareal. Maganda. Seksi. Perpekto. Ngunit sa halip na matamis na ngiti, kahihiyan ang isinukli ni Sahara sa kanyang lihim na damdamin—sa harap ng lahat. Lumipas ang mga taon. Si Calyx, ngayo’y isang kilalang, mayaman, at magaling na doktor. Si Sahara? Bagsak ang negosyo, naghihirap, at desperado. Malubha ang sakit ng ama niya—at tanging si Dr. Calyx ang makapagliligtas. Ngunit paano kung ang lalaking minsang pinahiya mo ay siya ring tanging pag-asa ng ama mo ngayon? At paano kung wala kang sapat na pera para bayaran ang kanyang serbisyo? May isang kondisyon si Calyx—ang katawan ni Sahara ang magiging kabayaran. Ngayon, sa harap ng muling pagtatagpo, ano ang nanaig sa puso ni Calyx—ang matagal na pagmamahal o matinding paghihiganti?
Romance
10554 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status