Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Isang Magandang Pagkakamali

Isang Magandang Pagkakamali

Sa araw ng kanyang kasal, namatay ang kanyang asawa, na iniwan siya sa isang mahirap na sitwasyon. Pinagbawalan siya ng kanyang mga biyenan na magpakasal muli at pinilit siyang magtrabaho bilang isang sekretarya ng kanyang bayaw, na presidente ng isang kumpanya. Hindi nagtagal ay napagtanto niya na ang pangulo ay ang lalaking nakatagpo niya sa nakamamatay na gabing iyon. Tila nakilala niya siya at tinatrato siya nang may paghamak, pagmamataas, at kabastusan, na nagparamdam sa kanya ng labis na pagkabalisa. Naisipan niyang tumakas, ngunit nahuli siya nito at ibinalik. Ano ang kanyang tunay na intensyon?
Romance
3.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Tempting the Uncle: A Deal of Desire

Tempting the Uncle: A Deal of Desire

Kailanman hindi ninais ni Frank Alva ng isang asawa— ang tanging gusto niya lang ay ang kanyang mana. Pero napilitan siyang magpakasal dahil sa dying wish ng amang si Don Francesco. Nais ng amang ikasal siya kay Jalene Roxton. Pumayag siya sa kasal pero nakipagkasundo siya kay Jalene na panatilihin niya sa tabi niya ang kasintahan at maghihiwalay sila oras na nasa pangalan na niya ang lahat ng ari-arian ng ama. But one drunken mistake shattered his perfect plan. One night. One heated encounter with his wife. One consequence he never saw coming...
Romance
9.648.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ibang Nanay ang Pinili ng Anak Ko

Ibang Nanay ang Pinili ng Anak Ko

Matapos mamatay ng aking asawa sa isang car accident, walang sawa akong nagtrabaho sa pagpapatakbo ng isang maliit na restawran upang palakihin ang aking anak na si Henry. Bago ang kasal ni Henry, nanalo ako ng walong milyon sa lotto. Tuwang-tuwa ako, nagpasya akong ibenta ang restaurant at sa wakas ay tamasahin ang pagreretiro. Kaya naman, tumawag ako upang sabihin kay Henry ang tungkol sa pagbebenta ng restaurant, ang kanyang karaniwang magalang na fiancee ay nagbago ang ugali. "Hindi mo naman inaasahan na susuportahan ka namin, 'di ba? Halos kaka-simula lang natin magtrabaho!" Binantaan niya pa si Henry, "Kung gagastusan mo ang mama mo gamit ang pera natin, hindi na natin itutuloy ang kasal!" Nakipagtalo sa kanya si Henry ngunit pagkatapos ay sinigurado, at nangako siya, "Nagsumikap ka na nang husto, Ma. Aalagaan kita." Gumanda ang pakiramdam ko, Binalak kong bigyan siya ng dalawang milyon para makapagsimula ng negosyo. Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag na nagsasabing si Henry ay nasangkot sa car accident at agad na nangangailangan ng limampung libo para sa operasyon. Agad kong ipinadala ang pera, ngunit pagkatapos, nawala si Henry. Desperado, matapang akong dumaan sa isang bagyo upang hanapin siya sa lungsod niya, ngunit napunta lamang ako sa isang kasalan sa isang mamahaling hotel. Naroon si Henry, nakikipag-toast sa isa pang babae “Ma.” Ah, at ang katabi niya? Ang aking “patay” na asawa mula noong nakaraang sampung taon.
Read
Idagdag sa library
A Contract Marriage With Abe Dela Torre

A Contract Marriage With Abe Dela Torre

Kinakaya ni Isla Aguilar ang mabigat na hamon ng buhay. Nagtatrabaho sa araw, nag-aaral sa gabi para sa pangarap na mas maayos na buhay at makatulong sa gamutan ng bunsong kapatid na may Down Syndrome at butas sa puso. Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, ang kanyang tanging pahinga ay ang lihim na talon malapit sa likod ng kanilang bahay, kung saan isang araw ay iniligtas siya ng isang guwapo at matipunong estranghero sa pag-aakalang siya ay nagpapatiwakal. Hindi niya inakalang ang estrangherong iyon ay si Johan Abraham Dela Torre, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na kilalang istrikto at malupit sa pamamalakad sa kumpanya, at mailap sa mga babae. Kaya’t laking gulat ni Isla nang bigla siyang alukin ng CEO ng kasal kapalit ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid. May kundisyon ang kasunduan: walang pisikal na relasyon, sikreto ang kasal maliban sa pamilya ng lalaki, at isang taon lamang ang bisa. Habang tumatakbo ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob nina Isla at Abe sa isa’t isa. Dahil sa angking galing at talino, si Isla ay naging isang asset ng kumpanya, at si Abe, sa kabila ng pagkukunwaring malamig at matigas, ay palihim na sinusuportahan si Isla sa kanyang pangarap. Ngunit paano kung may ibang babae na nagpupumilit maging parte ng buhay ni Abe at palaging minamaliit ng matapobreng ina ni Abe si Isla? Magagawa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig sa kabila ng takot, sakit, at mga hadlang?
Romance
1014.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Contract Bride

The Billionaire's Contract Bride

Ginawang pambayad utang ng kanyang tiyuhin si Lara Veronica Martinez. Dahil sa desperasyon na matakasan ang lalaking hindi niya gusto, pumayag ang dalaga na magpakasal sa kanyang bilyonaryong boss na si Jason Timothy Lagadameo o Jace na nangangailangan ng contract bride upang matupad ang kahilingan ng abuela nitong may sakit. The marriage will last for only six months. At may dalawang rules na inilatag si Jace kay Lara; mananatiling lihim ang kanilang kasal sa iba at hindi dapat ma-in-love si Lara sa kanya. Wala iyong problema kay Lara. Alam niyang hindi siya mahuhulog sa mga gaya ng kanyang boss. He is the cold billionaire and she is the bubbly ordinary employee. He is the ruthless CEO and she is the poor woman with a heart of gold. Paano kaya nila pakikibagayan ang isa’t-isa gayong tila langit at lupa ang kanilang pagitan? Kaya ba nilang panatilihing lihim ang kanilang kasal sa iba gaya ng kanilang napagkasunduan? Paano kung sa paglipas ng panahon, unti-unting mahulog si Lara kay Jace sa kabila ng katotohanang, nariyan lang ang ex-girlfriend ni Jace, handa ulit paumuin ang binata sa kahit na anong paraan? Ipaglalaban ba ni Lara ang kanyang damdamin para sa asawa? O mas pipiliin niya ang umalis pagkatapos ang anim na buwan gaya ng kanilang napagkasunduan kahit na… dala-dala na niya sa kanyang sinapupunan ang pinakaaasam na tagapagmana ng mga Lagdameo na siyang magiging susi upang mabuksan ang mga lihim ng kanilang nakaraan?
Romance
10201.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Ex-Husband's Regret

Ex-Husband's Regret

Ava: May ginawa akong masama noong nakaraang siyam na taon. Hindi ito maganda, pero nakita at kinuha ko ang pagkakataon na makuha ang lalaking mahal ko simula pa nong bata ako. Fast forward ng maraming taon at pagod na ako sa isang kasal na walang pagmamahal. Gusto kong makalaya kami pareho sa kasal na hindi dapat nangyari. May kasabihan na kapag mahal mo ang isang bagay… palayain mo ito. Alam ko na hindi niya ako mamahalin at na hindi ako ang magiging choice niya. Ang puso niya ay laging nasa babaeng yun at kahit na may mga pagkakasala ako, nararapat akong mahalin. Rowan: Noong nakaraang siyam na taon, sa sobrang in love ko ay hindi ako makakita ng tama. Sinira ko ito noong ginawa ko ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay ko at sa proseso nito ay nawala sa akin ang mahal ko. Alam ko na kailangan kong managot, kaya ginawa ko ito, kasama ang isang asawa na hindi ko gusto. Sa maling babae. Ngayon ay binaliktad niya ulit ang buhay ko sa pag divorce niya sa akin. Ang mas naging komplikado pa dito, ang taong minamahal ko ay bumalik na sa bayan. Ngayon ang tanging katanungan, sino ang tamang babae? Ito ba ang babae na minahal ko noong mga nakaraang taon na? O ito ba ang ex-wife ko, ang babae na hindi ko gusto pero kailangan kong pakasalan?
Romance
9.8234.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Love Reclaimed: Fated To Love You

A Love Reclaimed: Fated To Love You

"Zack, tatlong taon na tayong kasal, at ni minsan ay hindi mo pa ako sinipingan. A-ayoko na, Zack, hindi ko na kaya pa, kaya naman sumusuko na ako sa pagsasama nating ito para maging masaya ka na kasama ang tunay mong minamahal. H-hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang makalaya sa kasal na ito?" Garalgal at may halong pait na tanong ni Rhian. "Pagkatapos ng gabing ito, hanapin mo na siya at puntahan. Ngunit sa ngayon, isipin mo na lang na kabayaran ito sa pagmamahal na inilaan ko sa iyo sa loob ng nakaraang mga taon..." Matapos sabihin iyon ni Rhian, yumuko siya at mapangahas na hinalikan sa labi si Zack na ngayon ay nasa kaniyang ilalim, naghahalo ang kaniyang kasabikan at kawalan ng pag-asa. Parang isang gamu-gamo na siyang dumapo mismo sa apoy na siyang tutupok sa kanya. "Rhian, ang lakas ng loob mong gawin ito!!!" Alam niyang marumi ang kanyang mga paraan. Gusto lang maangkin ni Rhian ang asawa sa una at huling pagkakataon. Pagkatapos ng gabing ito, siya ay lalayo. Ngunit ang una at huling na pinagsaluhan nilang dalawa ay nagbunga at sa kanyang pagbabalik ay muli silang nagkita... “Zack, bitiwan mo ako! Baliw ka ba? Nasa isang pribadong silid tayo! Maaaring may pumasok anumang oras!” Ang kanyang ex-husband na ‘hindi siya minahal ay hinahalikan siya ngayon... ngayon, ito naman ang naghahabol sa kanya!
Romance
9.886.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Sold to Mr. Zackary Devrox

Sold to Mr. Zackary Devrox

figuresofspeech
Zackary Devrox is a famous model and an excellent businessman, who is deeply in love with his singer girlfriend—but always treats him like trash, and he is Celeste Makini's longtime crush. In need to find a wife for convenience, Zackary married Celeste who was sold to them by her mother who’s addicted in gambling. Kasal man, subalit walang puwang ang salitang pag-ibig ang lalaki para sa babae. Until Celeste meets Phoenix, a possessive psychopath. Ang pagtatagpo na magiging dahilan upang kamuhian ni Celeste ang lalaking pinangarap niyang makasama hanggang sa huli. Magsisimula ang pagdanak ng dugo. Mula sa pusong labis na nagmamahal, hanggang sa pusong nahihirapang alalahanin ang nakalimutang pag-ibig.
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Wild Night with My Stepson

Wild Night with My Stepson

Totoy
Isang gabing pagtatagpo, kapwa nahanap ni Chrisia at Errol ang comfort sa isa't isa. Nadala ng init ng gabi at natagpuan ang sarili sa bisig ng isa't isa. Nagbunga ang gabing iyon at pinili niyang itago ang bata. Lumipas ang limang taon, kasal na siya kay Michael, tinanggap nito ang bata ngunit nalaman niyang si Errol ay ang long lost son ng kaniyang asawa. Hanggang kailan niya itatago ang katotohanan? Paano kung magising na lang siyang nahulog na ang loob niya sa kaniyang stepson? May mga sikretong mabubunyag pero hanggang saan tutungo ang maling pagmamahal?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I Am Married To The Ruthless CEO

I Am Married To The Ruthless CEO

Espesyal daw ang araw ng kasal dahil dito nagsisimula ang isang kwento ng walang hanggang pagmamahalan. Pero sa akin, dito natapos ang lahat. Ang araw na pinangarap kong maging pinakamasaya, naging araw ng pinakamalalim kong sugat. Isang lihim ang sumira sa lahat—ang taong dapat kong makasama habangbuhay, may ibang pinili. Hindi ko na nakita ang altar. Hindi ko na narinig ang 'oo.' Ang tanging narinig ko lang ay ang pagkabasag ng pangarap ko. At sa araw na iyon, natutunan kong ang pagmamahal ay hindi laging sapat para tapusin ang isang kwento.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2930313233
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status