Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Strange Proposal

Strange Proposal

Tahimik ang buhay ni Alexandra Cruz—isang working student na mas piniling magbanat ng buto, magtinda ng balut, at alagaan ang ama kaysa umasa sa kahit kanino. Para sa kanya, malinaw ang direksyon ng buhay: magsikap, magtiis, at huwag umasa sa mga pangakong madaling mabasag. Samantala, si Diego ay kabaligtaran niya—isang lalaking mayaman, sanay sa luho, at handa nang mag-settle down para sa babaeng mahal niya. Isang proposal ang dapat magtatatak ng bagong yugto ng kanyang buhay… hanggang sa hindi sumipot ang babaeng pinili niyang pakasalan. Sa gitna ng galit, lungkot, at pagkalasing ng damdamin, isang impulsive na desisyon ang ginawa ni Diego—isang publikong proposal sa isang estranghera na hindi niya kilala. Isang alok na hindi dapat tinanggap, at isang kasunduang nagsimula sa maling dahilan.. Isang lalaki na desperadong ayusin ang wasak niyang mundo. Isang babaeng ayaw madamay sa problemang hindi kanya. Ngunit paano kung ang isang maling simula ay humantong sa isang relasyong pilit na pinaninindigan? Hanggang saan ang kaya nilang tiisin sa isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan? At sa gitna ng isang kakaibang proposal, matutunan kaya nilang piliin kung alin ang mas mahalaga—ang planadong buhay, o ang pag-ibig na hindi nila inaasahan?
104.1K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 144 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
The Congressman's Hidden Son

The Congressman's Hidden Son

Isang babaeng nagmula sa isang prominenteng pamilya mula sa Ilocos Norte ang mai-inlove sa isang guwapong binata na siyang pinuno ng lalawigan ng nasabing probinsiya. Isang abogadong babae at isang Congressman na lalaki. Saan sila dadal’hin ng kanilang kapalaran pagdating sa pag-ibig?
10108.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.7K Beses bilang isang anghel
Read
+Library
Our White Little Secrets

Our White Little Secrets

Synopsis: Sherry Francelia ay isang babaeng tumatakbo mula sa isang impyernong hindi niya pinili—isang mundo ng dugo, kasinungalingan, at kapangyarihan. Sa desperasyon, gumawa siya ng isang mapanganib na desisyon: ang lokohin ang isang lalaking mas mapanganib kaysa sa sinumang humahabol sa kanya. Si Levim Devereux ay isang kilalang mafia boss—malamig, walang puso, at walang sinasanto. Ngunit sa kabila ng kanyang bangis, may isang bagay siyang hindi inasahan: isang babae na walang takot na pumapasok sa kanyang mundo at ginugulo ang kanyang plano. Ang kanilang ugnayan ay nagsimula sa isang kasinungalingan—isang delikadong laro ng panlilinlang at kapangyarihan. Ngunit habang lalong lumalalim ang kanilang koneksyon, nagiging malinaw na may mas malaking pwersang gumagalaw sa kanilang paligid. Nang bumalik ang multo ng nakaraan, napagtanto ni Sherry na walang makatakas sa mundong pilit niyang tinatakasan—lalo na kung ang lalaking dati niyang niloko ay siya na ring kinatatakutan niyang mawala. Sa pagitan ng pagnanasa at panganib, pagtataksil at katotohanan—sino ang unang bibigay? At sa isang mundo kung saan ang tiwala ay isang bagay na maaaring pumatay, paano mo malalaman kung sino ang tunay mong kakampi?
627 viewsOngoingIdinagdag sa Library 14 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
SPIN THE BOTTLE

SPIN THE BOTTLE

Elo Arm
Masayang magkaroon ng mga kaibigan, may kadamay ka sa lahat ng bagay, may kakampi ka sa lahat ng pagkakataon, may kaagapay sa oras ng problema at higit sa lahat may kasama kang harapin ang laro ng buhay. Pero paano kung magkakasama kayong masangkot sa isang laro? Isang larong nakasalalay ang inyog buhay. Isang larong hindi niyo alam kung sino ang taya. Isang larong babago sa orasan ng buhay. Isang bote! Isang boteng magsisilbing orasan, Isang boteng magdidikta nang inyong katapusan, Kung sinong matapatan at matigilan siyang mawawalan ng tuluyan. Ngunit isang paraan! Isang paraang magpapatigil sa pag-ikot nito, ang hahanap sa taya ng katakot-takot na laro, at ito ay ang sundin ang kaisa-isaang patakaran, ...at ang Ultimate Rule: "Trust No One" Ikaw sinong pingkakatiwalaan mo???
106.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 193 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT

PREGNANT AFTER THE MIDNIGHT

Isang gabing hindi inaasahan. Isang pagkakamali na hindi na mababawi. Akala ni Brielle, matapos ang gabing ‘yon ay wala nang balikan, walang magiging komplikasyon. Pero nagkamali siya. Ngayon, may isang buhay sa sinapupunan niya. At ang ama? Si Matthias Castillejo—isang lalaking mayaman, makapangyarihan, at walang balak akuin ang responsibilidad. Para sa kanya, isang gabi lang ‘yon. Pero para kay Brielle, isang panghabambuhay na pagbabago.
627 viewsOngoingIdinagdag sa Library 19 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
A Night With Stevenson

A Night With Stevenson

Andrea VillaRuiz, isang hotel manager na nasangkot sa isang alegasyon na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang trabaho at dahil sa sama ng loob, nag punta siya ng bar para maglasing at makalimot, ngunit ang problemang dapat niyang malimutan ay nadagdagan pa ng isang problema na nag dulot ng isang gabing pakikiniig sa isang estranghero. Paano kong magising ka na lang isang araw sa hindi pamilyar na lugar at malaman mo na ang matagal mo ng pinagkakaingatan ay mawala ng isang iglap lamang. At ang isang gabing pagkakamali ay nag bunga. 5 years later, nag trabaho siya bilang isang manager ng hotel. Nagulat siya ng malaman na ang may-ari ng hotel na pinagtatrabahuhan niya ay ang lalaking tinakasan niya- her one night stand with Stevenson..
1046.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 1.8K Beses bilang isang anghel
Read
+Library
THE WEIGHT OF THE VEIL

THE WEIGHT OF THE VEIL

Sa mundo ng mga makapangyarihan, ang pag-ibig ay hindi isang pagpipilian—ito'y isang kasunduan. Para kay Klarise Olive, isang mailap at napakagandang ballerina sa Paris, at kay Louie Ray, isang mapagmataas at aroganteng billionaire cosmetic surgeon, ang kasal ay isang tanikalang pilit isinuklob sa kanila. Isang kulungang hindi nila ginusto. Isang sumpaang hindi nila pinili. Isang umaga, dinala sila ng kanilang mga magulang sa isang seremonyang inakala nilang isang simpleng pagtitipon—hindi nila alam, sila pala ang mga bida sa isang kasalang hindi nila alam na kanila. Sa puting bestida at tuxedo, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa harap ng altar, walang ibang pagpipilian kundi ang lumakad at bumigkas ng panatang hindi nagmula sa kanilang puso. At sa simula pa lamang, ang kanilang pagsasama ay puno ng tensyon at pangamba. Si Klarise, na buong buhay niyang inalay sa sining at kalayaan, ay ngayon nakagapos sa isang relasyong hindi niya ginusto. Si Louie, isang lalaking hindi kailanman naniwala sa kasal, ay napilitang pakasalan ang babaeng hindi niya hinangad. Ang digmaan ng mga titig, sagutan, at matitinding emosyon ay namayani sa kanilang pagsasama. Ngunit sa bawat pagtatalo, sa bawat sulyap na puno ng galit at pangungutya, isang pagnanais ng pag-unawa at pagmamahal ang unti-unting sumisilip sa kanilang mga puso. Galit nga ba talaga ang namamagitan sa kanila? O mayroon bang alon ng pagmamahal na higit pa sa lahat ng kasunduan ? O may isang damdaming mas malalim, mas totoo, at mas mahirap ipagkaila? Sa gitna ng kanilang magkaibang mundo at personalidad, magsisimula silang hanapin ang kabuluhan ng kanilang piniling kasunduan.
103.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 113 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
The President's Duty Bride

The President's Duty Bride

Isang gabi ng kasalanan. Isang lihim na pagbubuntis. At isang lalaking hindi niya kailanman inaakalang kailangang harapin muli. Wala sa plano ni Evelyn Ramirez ang mahulog sa tukso habang nasa isang Mediterranean resort. Isang gabi lang ‘yon—isang gabing puno ng init, paglimos ng kalayaan, at pagkalimot sa mundo. Walang pormal na pagkakakilala. Walang pangako. Isang lihim na dapat kalimutan. Pero pagbalik niya sa Maynila, isang dalawang linya sa pregnancy test ang gumising sa bangungot. At ang lalaking responsable? Si Cassian Alcott—isang half-British, half-Filipino heir ng isang makapangyarihang pamilya at, sa hindi niya alam na kapalaran, ang may-ari ng studio kung saan siya nagtatrabaho. Evelyn wants to run. Pero sa piling ni Cassian, walang ligtas na taguan. Hindi siya ang tipong pinapaalis ng isang lalaki tulad nito—lalong hindi kapag may nakataya na. “Marry me,” bulong ni Cassian. “Not because I have to… but because I won’t let you go through this alone.” Sa mundo ng yaman, intriga, at mapanirang bulung-bulungan, paano pipiliin ni Evelyn ang sarili… kung ang puso niya ay unti-unting nahuhulog sa lalaking dapat sana’y isang gabi lang sa kan’yang buhay?
10804 viewsOngoingIdinagdag sa Library 16 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
Accidentally Married To A Billionaire’s Son

Accidentally Married To A Billionaire’s Son

Sa isang marangyang party kung saan alak ang hari at kasiyahan ang batas, nagtagpo sina Megan Anastasia Davis at Primo Rafael Giovanni—isang simpleng babae at isang bilyonaryong sanay sa luho. Sa kalasingan at kapusukan, nadala sila ng laro ng tadhana—isang “pekeng” kasal na tinawanan lang nila noon. Pero paggising nila kinaumagahan, isang legal at totoong marriage certificate ang bumungad sa kanila. Kasado. Pirmado. Walang atrasan. Gulat. Panic. Hindi makapaniwala si Megan. Paano siya napasok sa isang kasal na hindi niya ginusto? Ngunit hindi doon nagtatapos ang gulo. Habang pilit niyang hinahanap ang paraan para makawala, isang mas malalim na sikreto ang kanyang nadiskubre—si Primo ay engaged na pala sa iba! Isang arranged marriage na matagal nang planado, pero hindi niya kailanman ginusto. Ngayon, may isang babaeng lumalaban para sa lugar niya bilang legal na asawa. May isang pamilyang nagdidikta ng kapalaran ni Primo. At may isang pusong unti-unting nahuhulog, kahit na pilit lumalaban. Tatakas ba si Megan mula sa isang pagkakamaling naging totoo? O haharapin niya ang laban para sa lalaking hindi niya inaasahang mamahalin? Samantala, si Primo—mananatili ba siya sa buhay na pinili para sa kanya? O pipiliin niya ang babaeng aksidenteng dumating pero hindi na niya kayang pakawalan?
1011.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 284 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
One Night With The Ruthless CEO

One Night With The Ruthless CEO

Isang pagkakamali. Isang gabi. Isang sikreto. ​Para kay Cassidy Alcasid, si Rafael Monteverde ang kaisa-isang lalaking minahal niya nang patago sa loob ng tatlong taon. Pero para kay Rafael—ang ruthless at cold na CEO—si Cassidy ay isa lamang efficient secretary na pwedeng palitan. ​Ngunit dahil sa isang maling keycard, nagbago ang lahat. Isang gabi ng init ang nauwi sa isang puting sobre at tseke na tila bayad sa isang hamak na "service." Ngayong ikakasal na si Rafael sa isang mayamang heiress, balak na sanang tumakas ni Cassidy bitbit ang kanyang resignation letter... at ang anim na linggong sikreto sa kanyang sinapupunan. Pero paano ka makakatakas kung ayaw kang bitawan ng lalaking hindi marunong tumanggap ng salitang "ayoko"?
153 viewsOngoingIdinagdag sa Library 5 Beses bilang isang anghel
Read
+Library
PREV
1
...
34567
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status