Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The billionaire's agent

The billionaire's agent

Isang anak ng magaling na agent si Wilson marasigan, na kinilala noon bilang isang magaling na agent noon. Samantalang si Elijah ay lumaki naman sa bahay ampunan , dahil sa pag kamatay ng kanyang mga magulang. Nang siya ay lumaki ay nag tungo siya sa ahensya kung saan nag trabaho ang mga magulang niya at nag trabaho siya doon bilang isang magaling na agent. At dahil sa isang mission ay nag kakilala si Wilson marasigan at Elijah . Na naging dahilan para lumabas ang totoo pag katao ni Wilson. At dahil doon ay inutusan siya gawing isang tunay na lalaki si wilson, magampanan kaya niya ang kanyang tungkulin o tunay na niya ibigin si Wilson?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Married to a Heartless Ugly Billionaire

Married to a Heartless Ugly Billionaire

Sa madilim na sulok ng kanyang silid, isinumpa ng isang lalaki ang kanyang kapalaran. Ipinanganak na may birthmark na halos sakop ang kalahati ng kanyang mukha, lumaki siyang iniiwasan ng mga tao—at sa huli, siya na mismo ang lumayo. Ang tanging nagmahal sa kanya ay ang kanyang mga magulang, ngunit kahit ang sariling kapatid ay hindi pa siya nasisilayan. Dahil sa mga pangungutya at pag-iwas ng iba, isinara na niya ang kanyang puso—lalo na pagdating sa mga babae. Hindi na niya hinangad na mahalin o mahalin pa ng iba. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang isang babaeng katulong sa kanilang bahay. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, naagaw nito ang kanyang atensyon. May kakaiba rito, at hindi niya mapigilan ang sariling mahulog. Ngunit isang araw, isang lihim na usapan ng kanyang mga magulang at ng babaeng iyon ang kanyang narinig—isang kasunduang pag-aasawa kapalit ng malaking halaga. Isang pagtataksil. Isang panloloko. Sa galit at pagkasuklam, isinumpa niya ang babae. "Gold digger!" Wala itong pinagkaiba sa lahat ng iba pang tao. Mula noon, nagbago ang kanyang pagtingin dito. Hindi na pagmamahal ang nais niyang ipadama—kundi paghihiganti. Pero hanggang kailan niya maitatanggi ang tunay niyang nararamdaman? At totoo nga bang panloloko lang ang naging dahilan ng babae sa paglapit sa kanya? Abangan ang kanilang kwento—isang kasunduang puno ng sakit, galit, at isang pag-ibig na pilit na itinatanggi.
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Chaotic Switch

Chaotic Switch

Ellanne Jaeger
Si Rain Mikhail Aragones ay isang eighteen-year-old high school student at halos nasa kanya na ang lahat ng katangian ng isang ideal guy dahil bukod sa kaguwapuhan nitong taglay, gentleman din siya, matalino, at mayaman. Sa katunayan, siya rin ang Vice President ng kanilang Student Council. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit kaliwa't kanan ang mga babaeng nahuhumaling sa kanya. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, si Mikhail ay itinatago ang tunay niyang katangian sa kabila ng 'almost perfect' image na pinapakita niya sa school. Siya talaga ay isang playboy na mahilig sa "sexcapade". Mahilig siyang mag-explore sa sex at ginagawa niya ito sa iba't ibang babae, kaya't marami siyang "FUBU" na tinatawag. Ngunit isang araw, biglang nagbago ang lahat matapos siyang malunod sa pool at paggising niya mula sa isang comatose, nasa katawan na siya ng isang babae! Alamin kung paano kakayanin ni Mikhail na mabuhay bilang isang ganap na babae habang tinutuklas niya ang paraan para makabalik siya sa orihinal niyang katawan.
Fantasy
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Young and Wild Boss.

My Young and Wild Boss.

"Love should not be all about saying, 'I LOVE YOU' but also about showing and proving that it's true" Ang akdang ito ay tumutukoy sa isang Lalaking masyadong mataas ang tingin sa kanyang sarili kaya't kung pahirapan at ituring niya ang mga taong nasa paligid nya ay parang isang basura lang at basta na lang niya binabalewa. Makikilala niya si Irene Min, Isang Babaeng natutong tumayo sa sarili niyang mga paa para sa isang pagtakas na kanyang ginawa.
Romance
103.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Rival's Mistress

The Rival's Mistress

Dati niyang asawa, hindi lang siya tinalikuran—pinapatay pa. Sa isang gabi ng pagtataksil, muntik nang mamatay si Alina sa kamay ng mga tauhan ng lalaking minsan niyang minahal. Pero sa isang iglap, isang maling liko, at isang desperadong hakbang, napadpad siya sa sasakyan ng pinaka-ayaw ng ex niyang lalaki... si Damian Velasco, ang pinakamalupit na karibal sa negosyo. "Hirap ka bang magpasalamat, Mrs. Montenegro?" malademonyong bulong ng lalaki. "O gusto mong ipakita na lang sa ibang paraan?" Isang kasunduan ang binuo sa init ng gabi: ililigtas siya ni Damian, pero kapalit nito… magiging kanya siya. Sa kama. Sa piling niya. Hanggang sa tuluyan niyang makuha ang kanyang paghihiganti. Pero paano kung sa gitna ng pagkukunwari, may ibang apoy na mamagitan sa kanila? Isa bang laban ito… o isang bagong simula?
Romance
395 viewsOngoing
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
His Executive Obsession

His Executive Obsession

Matapos ang isang gabing pagkakamali, sinubukan ni Elara Vance na kalimutan ang nangyari at umusad na lamang sa kanyang buhay ngunit hindi ganun kadali nang magkrus muli ang landas nila ni Felip Saavedra, isang motocross racer at CEO ng kompanya kung saan nagtatrabaho si Elara. Paano niya ngayon makakalimutan ang isang gabi ng pagkakamali kung may bata sa loob ng sinapupunan niya? May pagmamahal nga bang mabubuo o isa lamang itong tawag ng laman sa isang gabing pareho silang nakalimot?
Romance
10650 viewsOngoing
Read
Add to library
Soldier's First Love (Sanchez Series #4)

Soldier's First Love (Sanchez Series #4)

LauVeaRMD
Isang rebelde si Marcus at hindi iyon alam ni Amara. Habang si Amara naman ay alagad ng batas, isang sundalo. Naging magkasintahan si Marcus at Amara. Nagpakasal, pilit na lumalayo si Marcus sa kanyang pinagmulan ang isang lihim na di dapat mabunyag. Isang gabi, habang nasa biyahe si Marcus, pauwi sa bahay nila Amara ay tinambangan ito ng mga di kilalang armadong kalalakihan. Isang operasyon ang nangyari at kasama si Amara doon, nalaman ni Amara na buhay pala si Marcus at isa itong rebelde. Naging bihag ng kupunan nina Marcus, si Amara. Ano ang pipiliin ni Amara ang mahalin ang kanyang kalaban o iwan ito ay ipagpatuloy ang laban?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Basorerong Bilyonaryo

Ang Basorerong Bilyonaryo

si Winston Lawrence ay ipinanganak ng kaniyang Ina sa tabi ng bundok na mga Basura at dito na lumaki at nagka isip si Winston Lawrence isang araw, habang pumapasok ito sa School, lagi itong binubully ng kaniyang mga kaklase dahil na rin sa Mabaho ang kaniyang mga damit at halos tatlong notebook lang ang dalaga nito araw araw at ang mga pinag tirahan lang ng mga kaklase at kapit bahay lang nito ang mga Notebook na ginagamit niya at minsan napupulot lang nito sa bundok ng basurahan kinuha niya ito ang mga walang sulat, at kaniyang pinag sama sama upang maging isang notebook. sa tindi ng hirap nang kaniyang, nag sikap si Winston Lawrence na mag aral ng mabuti, at lagi nitong sinasabi sa kaniyang magulang at mga kapatid pag ako naging mayaman, aalis tayo sa lugar na ito, at ititira ko kayo sa isang malaking bahay si Winston ay panganay sa Tatlong mag kakapatid, at tanging siya lang ang nag iisang lalake sa magkakapatid. isang araw, nasa 406,549,000 Million Pesos na ang Jockpot Price ng Lotto, at may isang lalake ang nanalo nito, ayon sa Balita ngunit pagkalipas ng isang Linggo, nabalitaan ng Lahat na patay na ang Lalake ayon sa Balita, pinatay ito dahil sa Ticket Lotto na kaniyang napanalunan ngunit ang lalakeng tumama sa Lotto ay nagawa nitong ilagay sa isang Sobre ang ticket at ito ay naka singit sa isang Notebook. dahil wala na ang kanilang Anak, kaya tinapon na lamang ng kaniyang Pamilya ang lahat ng gamit nito sa basura, at ang lahat ng gamit ng lalake ay itinabi sa isang maliit na bodega, isang araw nangangalakal si Winston ng Basura sa at napansin nito ang isang Notebook, ung una ito ay gagamitin niya lamang sa School ngunit dito pala magbabago ang buhay ni Winston Lawrence...
Urban
1012.2K viewsOngoing
Read
Add to library
A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO

Si Maria Lagdameo ay naglalakbay sa masalimuot na mundo ng pag-ibig,pagtataksil, at pagkakanulo. Bilang matagal nang kasintahan ni Roland Espedilla, ibinuhos ni Maria ang kanyang puso at kaluluwa para sa kanyang nobyo naniniwalang ang kanilang pagmamahalan ay totoo . Ngunit sa likod ng ngiti at pangako, nagtatago ang madilim na katotohanan: ginagamit lamang siya ni Roland para sa kanyang bisyo at mga kapritso. Noong naharap si Roland sa matinding problema sa pera at nagiit sa malaking pagkakautang, nagdesisyon siyang ipagbili si Maria sa isang may-ari ng bar, na tila isang masamang bangungot na walang katapusang pagsubok. Inaasahan ni Maria ang isang romantikong date at pagpakilala sa mga kaibigan ni Roland, ngunit ang tunay na layunin ng gabing iyon ay magpapabagsak sa kanyang mundo at kasabwat pa ang matalik na kaibigan na si Rowena at kalaguyo ni Roland na 'di niya inaasahang magagawa ito sa kanya. Nang biglang magbago ng takbo ng mga pangyayari, natagpuan ni Maria ang sarili sa isang sitwasyon ng panganib at pagsisisi, na nagdudulot ng isang gabing tutukuyin ang kanyang kapalaran at pagkakaroon ng isang One-night-stand sa isang napakagwapong estranghero na 'di niya inaakala ay isang CEO ng naglalakihang RTW Chain ng bansa at inaakala siyang isang bayarang babae. Sa kanyang pagbabalik sa Cebu, upang makalimot sa madilim na nakaraan at bagong panimula ay natuklasan niyang buntis siya at bunga ng isang gabi ng isang estranghero-isang bagong simula sa gitna ng pagkawasak. Ngunit ang kanyang kwento ay hindi dito nagtatapos. Sa muling pagkikita nila Kean Ambrosio, ang makapangyarihang CEO ng Klean RTW at ama ng kanyang dinadala, nag-uumpisa ang paglalakbay sa pangalawang pagkakataon ng pag-ibig ni Maria. Paano niya haharapin ang kanyang nakaraan at ang mga alaala ng sakit na dulot ni Roland at Rowena? Makakaya bang magmahal at magtiwala ulit ni Maria sa katauhan ni Kean?
Romance
104.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status