Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Sweet Disposition

Sweet Disposition

risingservant
Hanggang kailan ba dapat manalig sa ngalan pag-ibig? Paano pagniningasin ang apoy kung ito’y aandap-andap na? Kakapit ka pa rin ba kahit alam mong wala nang pag-asa? O palalayain na lang nang puso’y ‘di na magdugo pa? Maagang namulat si Juness sa reyalidad ng buhay. Matapos masawi sa unang pag-ibig, akala niya’y hindi na siya makababangon pa. Ngunit hindi ito ang naging dahilan para siya’y sumuko. Natuto siyang maghintay hanggang sa muli niyang makamtan ang tamis ng pag-ibig. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang tamis ay unti-unting nahahaluan ng pait. Akala niya, siya na ang magwawakas sa pagiging playboy ni Amos Zerudo ngunit isa lang pala siya sa mga naging laruan nito. Makakaya niya kayang maituwid ang landas ng binata? Paano niya susugpuin ang mga kumakapit na linta? Sadyang mapaglaro ang tadhana, madalas… ito’y nakababahala. Pakiramdam ay pilit na pinaiigting hanggang sa ika’y dumaing. Mapaghilom pa kaya ni Juness ang natamong sugat? O hahayaan niya na ang kirot ay dahan-dahang kumalat?
Romance
104.6K viewsCompleted
Read
Add to library
TEMPTATION WITH MY NINONG

TEMPTATION WITH MY NINONG

“Wala ka bang balak magpakasal?" Ang tanong na paulit-ulit na sinusundan si Abraham Consunji, isang kilalang negosyante na sa dami ng ari-arian, wala pa ring sariling tahanan pagdating sa pag-ibig. Hindi dahil bitter siya, kundi dahil masyado siyang abala sa pagpapatakbo ng imperyo ng pamilya. At kung tutuusin, ayaw niya talaga sa istorbo. Malapit na siyang tumuntong ng kwarenta, pero ni minsan, hindi niya naramdamang may kulang. Para sa kanya, sapat na ang katahimikan at kontrol sa buhay—dalawang bagay na sa tingin niya ay mawawala kapag may babae sa paligid. Pero isang pabor ang babaligtad sa takbo ng lahat... ang pag-aalaga sa inaanak niyang si Yvonne, na ngayon ay isa nang makulit at maganda nang dalaga. At sa bawat araw na magkasama sila, hindi lang ang pasensya niya ang sinusubok, pati ang pagpipigil sa sariling naaakit sa isang bagay na hindi dapat. Makakaiwas ba siya? O tuluyan na siyang matatalo sa tukso ng isang bawal na damdamin?
Romance
1033.3K viewsOngoing
Read
Add to library
MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER

MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER

Isang gabi, nahuli ni Roxanne Guevarra ang kanyang asawa na si Jameson Delgado na nakikipagtalik sa kanyang sekretarya. Hindi siya nagdalawang isip na hiwalayan ito ngunit papaano kung ayaw siya nitong bitawan? Nakahanap naman siya ng kakampi at iyon ay ang nakakatandang kapatid ng asawa, si Devon Delgado na tutulungan siyang makatakas ngunit hindi iyon magiging madali. *** "Bakit mo ba tinutulungan ang asawa ko? Balak mo bang agawin siya sa akin ngayong nagkakalabuan na kami?" Napangisi si Devon sa kabilang linya, "Hmm...hindi ako mahilig mang-agaw pero binibigyan mo ako ng rason na agawin siya sayo." Kumuyom ang mga kamao ni Jameson na marinig ang sinabi nito. "Subukan mo lang." "Why not? Kasi kung hindi ka magbabago, at patuloy mong sinasaktan si Roxanne, then prepare yourself. Mawawala siya sayo sa isang iglap." Babala ni Devon. "You can't do that to me. Maraming babae sa paligid na pwede mong pulutin pero si Roxanne, pag-aari ko 'yan. So don't you dare!"
Romance
9.668.1K viewsOngoing
Read
Add to library
LET'S GET MARRIED, BESTIE

LET'S GET MARRIED, BESTIE

QueenBiankky
Roxan Viex Balbacal, isang sikat na model na may napakastriktong magulang. Ian Cassandro Velasco, isang masipag naman na Architect na hindi tanggap ng magulang sa piniling kasarian. Simula nga nung matagpuan ang isa't isa, sila ay naging matalik na magkaibigan na kinakapitan ng isa't isa sa bawat problema. At sa hindi nga inaasahan pagkatapos ng isang gabing wala silang dalwa sa sarili nangyare ang hindi dapat mangyare, imposibleng mangyare at di ka pa I-paniwalang mangyayare. Saan nga kaya hahantong ng lahat? Mananatili kayang matatag ang pinagsamahan sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan? Paninindigan ba nila ang lahat ng nangyare? O tuluyan na lang mawawala ang lahat? May happy ending nga ba sa kanila o tatakluban lang ang mga bagay na nangyare upang masagip ang isa't isa? Kaya kayang mahalin ng isang bakla ang isang babae? Matanggap kaya nila ng buo ang isa't isa? Humantong nga kaya sa kasalan ang dalwa? O magiging kasalanan ang lahat?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Married To A Billionaire Beast

Married To A Billionaire Beast

“What did you do to me?!” Galit na galit ang boses ng lalake, mababa at matalim. Nag-panic si Katrice. Hindi niya alam ang nangyayari. Hawak pa rin ang kanyang leeg, napailing siya at pilit nagsalita, “A-Ako, wa-wala po akong ginawa... H-hindi ko alam…” Bigla siyang binitiwan. Pero hindi pa siya nakakahinga nang maayos, naramdaman na lang niyang hinawakan siya sa bewang at idinikit sa katawan ng lalake. Mainit ang balat nito, parang may lagnat, at sobrang lapit nila sa isa’t isa. Nang magsalita ang lalake, halos dumikit sa balat niya ang mainit na hininga, “Binibigyan kita ng pagkakataon. Itulak mo ako. Lumabas ka dito.” Napamulagat si Katrice. Pinalalabas niya ako? Hindi ba siya kuntento? Iniisip ba niyang hindi ako interesado? Pero hindi siya puwedeng umalis. Hindi para sa sarili niya—kundi para sa kapatid niya. Wala na siyang karapatang mag-inarte pa. Nandito na siya. Wala nang atrasan. “Hindi ako lalabas. Tonight… I’m yours,” mahinang bulong niya.
Romance
8.4K viewsOngoing
Read
Add to library
FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART

FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART

Diosa Mei
“Pinili kong umalis para hindi ka mahirapang pumili at magdesisyon.” Lumuluhang sabi ni Via sa binata. Mapaklang ngumisi si Russell at nakakainsultong tumitig sa mga mata niya. “Do I need to thank you for that? Do you fucking want to hear me say, Oh, thank you for fucking ruin my life!” Napapitlag siya nang sigawan siya nito ngunit hindi siya nagpatinag. Alam niyang kasalanan niya kung bakit nito sinasayang ang buhay nito. “I don’t have any choice—” “Goddamn it, Via! Don’t fucking tell me that you don’t have a damned choice! Pinili mong iwan ako sa kabila nang labis kong pagmamahal sa’yo! You choose to hurt me, so stop telling me your bullshits and get lost!” Nakagat niya ang kanyang labi at pinigilang huwag mapahagulhol. Nasasaktan siya sa sinapit nito, ramdam niya ang matinding galit nito sa kanya. Magagawa niya pa rin bang gamutin ang sugat na tinamo nito nang iwan niya ito? Could she really have a chance to fix the bad boy’s, broken heart?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

"Gustuhin ko man ipaubaya sa'yo ang asawa ko, ngunit hindi p'wede.... Hindi p'wede dahil..." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita muli upang pigilan ang pagkamuhi sa babaeng kaharap ko! "Marahil ay hindi mo pa maiintindihan ang salitang hindi p'wede dahil wala ka pang anak. Anak na handa kang magsakripisyo maibigay lang ang nararapat para sakanya! Kaya kong tiisin na marami akong kahati sa asawa ko at isa kana ron! Ngunit wag lang ang anak ko...ibang usapan 'yon! Dahil ilalagay ko kayo sa tamang paglalagyan nyo." -Dina Sedest Sa isang relasyon, may isang haligi at may isang ilaw. Paano kung ang haligi ay bumigay at hindi na nakayanan pang tumayo ng matatag. Hanggang saan kaya kayang ilawan ng ating ilaw ng tahanan ang isang madilim na parte ng buhay nila? Ngunit makakaya kaya n'yang harap harapan na syang ginagago ng kaniyang asawa? Ito na ba ang senyales na hinihingi n'ya mula sa itaas upang sumuko na..
Romance
9.98.1K viewsCompleted
Read
Add to library
 No Longer His Submissive Wife

No Longer His Submissive Wife

“Mommy, love mo ba si daddy?” Napangiti si Zylah Almendras sa tanong na iyon ng pitong taong gulang na anak—si Jaxon. Sa isang dekadang pagsasama nila ni Bryce ay masaya sila lalo na at may isang anak silang bumubuo sa kanila. Kontento siya sa buhay bilang hands-on mom sa anak at mabuting may bahay sa asawa. “Oo naman, s’yempre,” tugon niya sa tanong ng anak at masuyong nginitian ito. “Pero si daddy love ka rin ba?” “Oo naman. Love din s’yempre ni daddy si mommy.” “Eh, bakit mas masaya si daddy kapag kasama—” Tunog mula sa tablet ni Jaxon ang pumutol sa sasabihin pa sana nito. Binalewala na nito kasunod ang ina at nakangiti na sa kung anong tinitingnan sa tablet. “Mommy?” Balik atensyon nito sa ina. “Hmm?” "Kailan kayo maghihiwalay ni daddy?” *************** Iyon ang simula ng lahat. Pagdududa. Pagtataksil. Pagkukunwari. Pagtitiis. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ni Zylah? Hanggang saan kung hindi lang ang asawa ang inaagaw sa kaniya kung hindi pati ang anak?
Romance
1042.6K viewsOngoing
Read
Add to library
HIS POSSESSIVE WAYS (TAGLISH)

HIS POSSESSIVE WAYS (TAGLISH)

Pseudonym
"S-Stop..." Nauutal kong saad. Kasabay ng pagpasok ng kamay niya sa aking skirt ang pagkapit ko ng mahigpit sa table ko. "You want this, don't you?" Mainit na bulong nito sa aking tainga. Sobrang kinakabahan ako, nasa school kami at walanghiya niyang ginagawa ito ngayon sa akin. Umiling ako sa tanong niya, nagpipigil ng ungol at baka may makarinig dahil lunch palang at mamaya kaunti ay darating na ang mga studyante ko. "P-Please, t-tumigil ka na!" "Are you going to wear this skimpy skirt and sleeves again?" Malamig nitong tanong sakin. "H-hindi na." Umiling-iling ako para tigilan na niya ang ginagawa niya. Ngayon lang siya nakialam sa suot ko at hindi ko maintindihan kung bakit. Pencil skirt lang naman iyon at puting long sleeves. "Good. Don't make me mad again Mrs. Buenavista kung ayaw mong gawin ko sayo to sa sarap ng estudyante mo." Kung makapag salita siya para namang hindi ko siya estudyante ah?! Siya lang naman si Zachariah Buenavista asawa ko at estudyante ko rin.
Romance
4.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)

Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)

"Akin ka lang, Ninang Ruth! Walang ibang magmamay-ari sa’yo kundi ako!" Ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay habang hinawakan ko ito. Nanlilisik ang mga mata ko, puno ng pagnanasa at pag-angkin. Pero sa halip na matakot, marahan lang siyang ngumiti—isang ngiting may halong pangamba… at pagnanasa rin. "Wag ako, Ace," mahinahon niyang tugon, pilit tinatago ang emosyon sa kanyang tinig. "I’m older than you. I’m thirty… habang ikaw, twenty-five pa lang." Ngunit sino bang makakapigil sa puso? Ako si Ace Pattern, dalawampu’t limang taong gulang, isang business tycoon na sanay makuha ang gusto. Lahat ng gusto ko… maliban sa kanya. Si Ninang Ruth. Ang babaeng pinagbabawal mahalin. Ang babaeng dapat kong irespeto, pero mas gusto kong angkinin. Masama bang magmahal sa isang Ninang? Sabi nila, mas masarap daw ang bawal. At ngayong naranasan ko na siya… handa akong sirain ang lahat — kahit ang sarili kong pagkatao —mapasaakin lang siya.
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status