Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Dark Boss 2: Hiding the Mafia Billionaire's Heirs

Dark Boss 2: Hiding the Mafia Billionaire's Heirs

Hindi aakalain na muling magkukrus ang landas nila Seraphim Anastasia Arandia at Philip Kahili Callari ngayong tinatago ng babae ang tatlong anak ng bilyonaryong lider ng isang malaking ilegal na organisayon. Alam ni Seraphim na isang malaking pagkakamali na itago ang mga anak nito ngunit anong magagawa niya kung mas masaya ito sa piling ng unang pag-ibig nito? Pero parang pinaglalaruan talaga sila ng tadhana ngayong nagkita ulit sila, mabigyan kaya ng hustisya ang naudlot niyang seksuwal— este pag-ibig sa lalaki? O mas lalo lamang ipapamukha sa kaniya ng tadhana na hindi talaga sila para sa isa’t-isa?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Don't Fall in Love

Don't Fall in Love

Yuki Yceej
Sa gabi ng tinatawag nilang Bluemoon night, ang gabi ng mga single, ay magtatagpo ang landas nina Hunter Ace, isang sikat na modelo at artista at Jolie Vargas na isa lamang ordinaryong babae. Hinahangaan ang binata dahil sa kanyang gwapong mukha, magaling na actor at ganda ng pangangatawan habang si Jolie ay simpleng babae pero palaban. Isang gabi, dahil sa kabiguan sa pag-ibig ay pumayag si Hunter na sumama sa kaibigang si Tom na dumalo sa once a year event na tinatawag nilang Bluemoon night. Ito ang gabi na mapagkakamalan ni Hunter ang No Boyfriend since birth (NBSB) na si Jolie na siya si Danica, ang girlfriend niya. Walang pag-aalinlangan, dinampi ng binata ang labi niya sa labi ng lasing na si Jolie. Dahil sa wala sa tamang katinuan ang dalaga, tumugon naman siya sa halik. Pinagsaluhan nila ang maiinit na halik sa ilalim ng liwanag ng buwan. Hindi lang halik ang kanilang pinagsaluhan, pati ang init ng katawan ay kanilang pinadama. Isang bangongot ang maituturing ni Jolie ang nangyari sa kanya sa gabing iyon nang magising siyang katabi ang mayabang at supladong modelo sa kama at pareho silang walang saplot. Hindi na niya ito ginising bagkos ay umalis na agad sa silid. Magtatagpo pa kaya ang landas nila kung ang akala ni Hunter ay si Danica ang babaeng nakasama niya sa kama? May mabubuo kayang pagtitinginan kina Hunter at Jolie kung ang dalawang babae ay may mukhang pinagbiyak na bunga?
Romance
861 viewsOngoing
Read
Add to library
BILLIONAIRE'S LEGAL LOVER

BILLIONAIRE'S LEGAL LOVER

Sa mundo, hindi natin alam ang mangyayari. Hindi natin alam kung sino ang taong itinadhana para sa 'tin. Ang tamang taong mamahalin at makakasama natin hanggang pagtanda. Si Aviana Francia ay isang babae na may pangarap para sa kanyang pamilya. Bilang panganay, she's working hard to support her family. Lalo na para sa kanyang mga kapatid na nag-aaral. Doon niya nakilala si Gabriel Vergara, ang suplado niyang boss. Pero kahit suplado ito, palagi itong nandyan para sa kanya. Minsan nakakalimutan niyang boss niya ito dahil bagay itong maging boyfriend niya. Pareho kaya ng nararamdaman niya ang nararamdaman nito para sa kanya? Kahit alam niyang malabo maging silang dalawa. Siya ba ang pipiliin nito o may ibang babae na sa puso ng binata?
Romance
1025.0K viewsCompleted
Read
Add to library
My Pervert husband is a boss

My Pervert husband is a boss

Para kay Xian Leem, ang salitang patawad ay higit pa sa simpleng pagbibigay-laya at isa itong pangako na hinihintay niyang marinig mula sa babaeng matagal na niyang hinahanap. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang landas nila ni Katharine Orteza. Isang matapang at pursigidong babae na walang takot humarap sa kahit anong pagsubok sa buhay. Ngunit ang kanilang unang pagkikita ay hindi naging maganda. Isang hindi inaasahang insidente ang naganap. Isang kilos na hindi napigilan, na nagbago ng takbo ng kanilang buhay. Sa gitna ng inis, hiya, at mga lihim na damdamin, sisimulan nila ang isang kwento ng pagkamuhi... na maaaring magtapos sa pag-ibig.
Romance
10270 viewsOngoing
Read
Add to library
CEO's Missing Heir  ( Diary of a Prostitute)

CEO's Missing Heir ( Diary of a Prostitute)

Hindi matatanggap ni Tyler ang biglaang pagkamatay ng kapatid niya habang nasa malayo siya, ang guilt at bigat ng kalooban dahil sa isang pagkakamali sa kapatid noon, ay labis na nagpahirap pa sa kanya. Ngunit ang lalong labis na nagpabigat ng saloobin ni Tyler ay ang huling kahilingan ng kapatid bago ito lagutan ng hininga, halos hindi makapaniwala si Tyler na ang ipapakiusap ng kapatid ay ang pakasalan niya at alagaan ang babaeng kalaguyo nito. Paano matatanggap ni Tyler na ang nais ng kapatid niyang pakasalan niya ay bukod sa kabit na nito, ay babaeng bayaran pa. Pero ang kasalanan sa kapatid na halos naging bangongot sa gabi-gabi ni Tyler ang nagtulak sa kanya para mangako sa kapatid. Ipinahanap ni Tyler ang babae para bigyan ng offer ng malaking halaga upang pakasalan pero hihiwalan din matapos lamang ang isang taon. Ngunit sa kanyang pagiimbestiga ay nalaman ni Tyler na ang lahat ng ari- arian ni Theona kanyang kapatid ay isinalin nito sa babaeng kalaguyo, kaya pinagisipan ng hindi maganda ni Tyler ang babae at pinagbintangan na may kinalaman sa pagpapakamatay ng kapatid niya. Samantala, Si Erika ay naman handang gawin ang lahat mabuhay lamang si "Dos" lahat ay gagawin niya kahit pa ang ibenta ang kaluluwa.Tahimik na silang namumuhay mag ina. Isang beses man silang kumain sa isang araw ay ayos lang basta ang mahalaga ay magkasama sila at maayos ang anak. Pero hindi akalain ni Erika na guguho ang mundo niya isang araw nang sumulpot ang isang lalaki at nagpakilalang kapatid ng ama ng kanyang anak. "Kung balak nitong kunin ang anak niya ay maghahalo ang balat sa tinalupan. Hindi siya papayag na ilayo sa kanya si "Dos"
Romance
105.0K viewsCompleted
Read
Add to library
One Night With My Wife's Bestfriend

One Night With My Wife's Bestfriend

Habang inaayos ang sarili, inilabas niya ang kanyang pitaka at kumuha ng isang libo, balak niya itong iwan sa kama bilang isang uri ng "paliwanag." Ngunit bago pa niya mailapag ang pera, biglang nagsalita ang babae. “Ano'ng ibig sabihin niyan?” Napatingin siya sa babae—gising na ito at nakatingin sa kanya habang nakapatong ang baba sa kamay nito, may bahagyang iritasyon sa kanyang mga mata. Lalo siyang natulala nang makilala ang babae. Hindi niya inaasahang siya ang makakasama niya kagabi—si Lucille Largon, matalik na kaibigan ng kanyang asawang si Mariane.
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
THE HEIRESS: MARRYING THE ZILLIONAIRE

THE HEIRESS: MARRYING THE ZILLIONAIRE

Nakipagpustahan si Devin sa kaniyang ina na hangga't si Renz Dylan Hidalgo ang tinitibok ng kaniyang puso, mapapaibig niya rin ito. Nalaman niya na ang tipo ni Renz sa babae ay masunurin at mahinhing babae, kaya’t nagpanggap siya bilang isang mahirap na dalaga upang mapalapit dito. Ngunit, sa tatlong taon na magkasama sila mas pinili pa rin ni Renz ang una nitong pag-ibig na si Xylarie Ruiz, at sa pagkakataong ‘yon ay nabigo si Devin, hindi lamang sa pag-ibig pati na rin sa pustahan nila ng kaniyang ina. “Devinyza Kaleigh Hermosa, natalo ka. Pagkatapos ng tatlong taon, hindi pa rin nagkakagusto si Renz Dylan Hidalgo sa iyo. Ayon sa mga patakaran, dapat kang bumalik sa ating pamilya at gampanan ang iyong mga responsibilidad.” —Madame Editha. Subalit, bago pa man siya makauwi sa kaniyang pamilya na papasan ng mabigat na resposibilidad bilang tagapag-mana, isang mainit na gabi ang pinagsalohan nila ng isang estranghero, na maituturing niya na huling pagpapakasasa bilang malaya. Bilang tagapag-mana, kailangan niyang magpakasal. Paano kung ang lalaking nakatalik niya ay ang binatang pinakamayaman na si Alexius Lander “Aslan” Montellano? Tatangapin ba ni Alexius Lander Montellano ang alok ni Devinyza Kaleigh Hermosa na kasal?
Romance
8.91.3K viewsOngoing
Read
Add to library
My Daddy's Best Friend

My Daddy's Best Friend

Si Rosie ay maganda, mabait at may pagka palaban na nag iisang anak ng milyonaryong nakasal sa isang murang edad na babae at pagkatapos nilang ikasal ay lumipat sila sa US at ayaw sumama ng kanyang anak kaya iniwan niya ang kanyang anak sa best friend niya na si Lowen Dela Cruz. ‎ ‎Si Lowen Dela Cruz ay ang may ari ng isa sa kilalang Company sa bansa. Mala big boy ang katawan, gwapo at siyempre mayaman kaya halos lahat ng babaeng gugustuhin niya ay nakukuha niya. ‎ ‎Ano kaya ang mangyayari sa dalalwang tao na di inaasahang magsasama sa iisang bubong? ‎
Romance
331 viewsOngoing
Read
Add to library
SLEEPING BEAUTY (Tagalog)

SLEEPING BEAUTY (Tagalog)

Mican
Isang lihim ang nabuksan nilang magkakaibigan. Lugar na nasa ilalim pa ng basement na matagal ng nakakandado. Isang napakagandang babae ang natagpuan nila doon, na natutulog lang at dahil sa kapangahasan nila, nagising nila ito at napakawalan nila ang sumpa na lumulukob sa dalagang naandoon. Sa pag-gising ng dalaga sunod-sunod na kababalaghan ang nangyari sa bakasyon nilang iyon at sinisisi ng dalagang si Cassandra, na natagpuan nila sa ilalim ng basement, ang mga kababalaghang iyon sa mangkukulam na nagkulong sa kaniya sa sumpang pagtulog sa mahabang panahon. Paano nila matatakasan ang kababalaghang kalakip ng dalagang nagising nila? At sino nga kaya ang mangkukulam na gumugulo sa kanila at pati buhay nila, ay nasa bingit na ng kamatayan? Makakatakas pa nga ba sila kapahamakang iyon? O kamatayan din nila ang kahihinatnan ng kapangahasan nila? Dark Fantasy CollectionSLEEPING BEAUTY@KamijoMican
9.655.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Memory Forest

Memory Forest

Si Kyle Joseph Alonzo ay isang pet lover at isang manlalakbay kasama ang kanyang mga kaibigan ngunit sa kanyang paglalakad, naligaw siya sa gitna ng kagubatan at napahiwalay sa kanyang mga kasama. Sa kalagitnaan ng kanyang pangamba dahil siya ay nag-iisa na lang ay nakasalubong niya ang isang babae na nababalot ng kulay puting damit. Sila ay nagkagulatan kaya napatulog siya nito at nang muli siyang magising ay iba na ang kanyang kapaligiran at tila siya ay napunta sa isang lugar na hindi pa niya nakikita sa buong buhay niya.
Fantasy
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status