Trapped in a Fake Marriage with my Billionaire Ex-Lover
Lily is the picture-perfect wife ng kilalang businessman na si Giovanni Yuchengco. Ngunit ayaw ng pamilya ni Giovanni kay Lily dahil hindi nito kayang mabigyan ng anak ang lalaki. Lingid sa kaalaman ng lahat, nagdadalang-tao na si Lily, ngunit pinili niyang ilihim ito matapos niyang matuklasan ang pagtataksil at panlilinlang ni Giovanni. Kaya ang nais na lamang ni Lily ay makakuha ng compensation sa limang taong sinayang niya para sa lalaki at magpokus sa kanyang anak at career.
Ngunit tila may ibang plano ang tadhana para sa kanya. Madalas magtagpo ang landas ni Lily at ng apo ng matandang kanyang niligtas, na pursigidong pilitin siyang pakasalan ito. Dagdag pa rito, tila ayaw ng tadhana na tuluyan siyang maglaho sa buhay ni Giovanni, na lalo pang nagpapalala sa masasamang plano ng ‘mistress’ at lihim na asawa nito laban sa kanya.
In the end, what will happen to Lily? Sino ang magwawagi, at sino ang uuwing luhaan?