Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Her Indecent Love

Her Indecent Love

KheiceeBlueWrites
Lovely Girl Series 1: Her Indecent Love Isang modelo si Patrisha Cruz na siyang lumipad patungo sa ibang bansa, upang tahimik na iluwal at mag-isang palakihin doon ang kanyang anak. Utos iyon ng kanyang mga magulang upang hindi na mapag-usapan pa ang nangyaring disgrasya sa kanya, sapagkat nabuntis siya ng hindi naman niya nobyo. Pagkalipas ng limang taon ay pinauwi na siya ng kanyang mga magulang upang tahimik na manirahan sa isang probinsya kasama si Don Carlo, ang kanyang lolo. Mula doon ay makikilala niya ang driver slash bodyguard ng kanyang lolo na si Archer Sebastian Tuazon, na kanyang pagkakainteresan. Halos lahat kasi ng lalaki sa lugar na iyon ay sinasamba ang kagandahan niya, maliban lamang kay Archer na kahit tingnan siya ay hindi nito ginagawa. Maganda naman siya at maganda din ang katawan niya kahit pa may anak na siya, siguradong-sigurado siya doon sapagkat lahat ng lalaking nagdaan sa buhay niya ay iyon lang naman ang gusto sa kanya. Kaya nga matagal na siyang hindi naniniwala sa tunay na pag-ibig. Dahil para sa kanya ay pare-pareho lamang ang lahat ng lalaki. Ngunit tila kakaiba si Archer sa mga lalaking nakilala niya. At dahil doon ay gagawin niya ang lahat upang makuha ang atensyon ng tahimik at supladong binata na si Archer Sebastian. Magtagumpay naman kaya siya? Paano kung sa bawat pang-aakit na gawin niya ay mas lalo lamang mahulog nang tuluyan ang loob niya sa binata? Paano kung hindi niya namamalayan na unti-unti na palang nagmamahal ng totoo ang puso niya? Mapapaibig niya nga kaya ang lalaking nagturo sa puso niyang magmahal muli?
101.7K viewsOngoingAdded to Library 66 Times as iyon
Read
+Library
THE BLIND HITMAN: RAMIRO CASTILLEJO

THE BLIND HITMAN: RAMIRO CASTILLEJO

WARNING: THIS STORY MAY CONTAIN SEXUAL AND STEAMY ACTIONS, FRAUDULENT AND CRIMINAL ACTS, FOUL WORDS AND OTHER ILLEGAL DOINGS. VIEWER DISCRETION IS ADVISED. Dahil sa isang engkwentrong naganap sa kanilang delikadong misyon ay nabulag si Ramiro Castillejo at siya’y inalis sa Black Underground Organization. He worked alone, he became an outcast. Sa kanyang galing sa pagiging assassin ay nabansagan siyang “The Blind Hitman” ng mga taong nakakakilala sa kanya ngunit meron siyang isang napakalaking problema, iyon ay ang organization na binalikan siya at ngayon ay nakikita siya bilang isang kaaway at isang malaking banta na dapat ng patahimikin at iligpit. Dahil sa pagbabanta ng organization sa kanyang buhay ay natagpuan niya ang sarili sa isa sa mga malalaki at maiimpluwensyang crime family sa Pilipinas, iyon ay ang Casa Clemente at ang tumatayong Don ay ang matalik niyang kaibigan na si Aarav Clemente. Pinangakuan siya nito ang kayamanan at proteksyon sa isang kundisyon, iyon ay ang patayin ang kalabang crime family ng mga Clemente, ang mga Fortez at ang main target nito si Don Octavio Fortez. Handa na sana siyang patayin ito at gawin ang pinapatrabaho ni Aarav ngunit isang babae ang sisira ng mga plano niya. Si Eleizha Fortez na nag iisang anak ni Don Octavio. Eleizha is smart, fun, sweet and a cheerful lady at hindi niya akalaing anak ito ng mafia boss dahil mabait ito at mapagmahal. Nagustuhan at tinanggap siya ni Eleizha sa kabila ng kanyang kapansanan at ngayon lamang siya nakaramdam ng ganon sa tanang buhay niya. Magawa niya pa kayang patayin ang tatay nito kung may espesyal na puwang na sa puso niya ang dalaga?
1013.4K viewsOngoingAdded to Library 361 Times as iyon
Read
+Library
HIS PLEASURE FULFILLER

HIS PLEASURE FULFILLER

MATURE CONTENT| READ AT YOUR OWN RISK Dahil sa kasalanan ng kaniyang ama ay napilitan siyang makipagkasundo sa may ari ng rancho sa kanilang bayan. Upang mabayaran ang kasalanan, siya ay namasukan bilang isang personal na tagasilbi. Ngunit hindi lang basta isang normal na tagasilbi, alipin, iyon ang pinakamarapat na tawag sa kaniya. Alipin nito sa KAMA...
1051.8K viewsCompletedAdded to Library 2.0K Times as iyon
Read
+Library
Grace - A Mother's Cry

Grace - A Mother's Cry

Nakilala ni Grace si Wilfred sa isang club at pinaibig siya nito. Ang hindi alam ni Grace ay kasal na si Wilfred. Naging sila at di kalaunan ay nabuntis siya, pero noong sasabihin na niya iyon kay Wilfred ay doon niya nalaman na may asawa pala ito at hindi siya nito paninindigan. Paano na ang pangarap niya para magkaroon ng buong pamilya?
10822 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as iyon
Read
+Library
U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)

U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)

Nil Jorge
Maging isang mahusay at magaling na seafarer! Yan ang pangarap ni Ice. At para maabot iyon, kelangan niyang makapasok sa MUP ang pinaka-popular na Maritime School ng bansa. Kasabay sa pagpasok n'ya dito ay makikilala nya ang sporty at cute na si Richard at ang strict but caring na senior niyang si Kirby. Dahil dito, Ice's university life will be more fun and exciting!
107.4K viewsOngoingAdded to Library 264 Times as iyon
Read
+Library
The Billionaires Love Beyond Boundaries

The Billionaires Love Beyond Boundaries

Sa dalawang taon na nagpakalayo si Althea kasama ang kaniyang pamilya ay hindi niya inaasahan na muli na naman siya tatapak sa lugar kung saan nawasak ang kaniyang puso. Ang Maynila. Muli namumbalik ang sakit ng kaniyang Ina at mas lalo pa iyong lumala kung kaya't mararanasan na naman niya ang halos tumira na sila sa ospital maging ang paghahanap ng bagong trabaho pangtustos sa pagpapagamot ng kaniyang Ina. Papasok siya bilang isang Personal assistant sa tulong ng isang bagong kaibigan kung kaya 't agad na niya iyong sinunggaban. Ang hindi niya alam ay iyon na pala ang pagtatapo nilang muli ng lalaking rason kung bakit siya nasaktan at lumayo. Si Calvin. Guguluhin na naman ng lalaki ang mundo niya gayong ito naman may gustong makipag-hiwalay at tandang-tanda niya kung gaano kasakit sa kan'ya habang pinipimahan ang annulment papers nila no'n. Subalit tliwas naman iyon sa ikinagagalit ni Calvin dahil ang alam naman nito ay ipinagpalit siya ni Althea at mas piniling sumama sa ibang lalaki.
101.7K viewsOngoingAdded to Library 41 Times as iyon
Read
+Library
BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

Isang gabi. Isang kasunduan. Isang halimaw na may mukha ng diyos. Desperada si Sierra Ramirez na mabayaran ang utang ng amang may sakit, kaya’t kahit labag sa loob, pumayag siyang ibenta ang sarili—sa halagang tinakda ng lalaking may pinaka-mabangis na reputasyon sa buong siyudad. Si Leonardo Dela Vega, kilala bilang “The Devil Billionaire,” ay hindi lang mayaman. Siya ang lalaking kinatatakutan at kinahuhumalingan ng lahat. Malamig. Mapanganib. At walang puso. “Isang gabi lang,” aniya. Pero hindi iyon ang naging kapalaran ni Sierra. Dahil matapos ang gabing iyon, isinara ni Leonardo ang lahat ng pinto ng kalayaan ni Sierra. Ginawa niya itong alipin ng kanyang kagustuhan—hindi lang sa katawan, kundi maging sa puso. Ngunit may mas malalim na dahilan ang pagkakabili niya sa dalaga. At kapag nalaman ni Sierra ang tunay na rason… ito ba'y magiging wakas ng kanyang pagkatao—o simula ng impyerno sa piling ng lalaking hindi niya kailanman kayang takasan?
1.1K viewsOngoingAdded to Library 21 Times as iyon
Read
+Library
THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

Musika
Si Rebecca Jacinto ay ikinasal sa kaniyang matagal na kasintahan na si Roland Estrella. Matagumpay nilang naisagawa ang kanilang kasal subalit isang hindi inaasahang trahedya ang nangyari sa mismong araw na iyon. Nagkaroon ng amnesia ang kaniyang asawa dahil sa isang aksidente na tumagal ng ilang taon. Ang pangyayari na iyon ang naging dahilan upang magkaroon ng pagkakataon na pumasok sa buhay nila ang kaniyang biyenan na si Zenaida Estrella para pahirapan siya. Sa kabila ng masamang pagtrato ng kaniyang sariling biyenan ay nanatili siya at hindi sumuko. Patuloy pa rin niyang pinagsisilbihan ang asawa. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iyon ang magiging mitsa para mas lalong umapaw ang galit ng kaniyang biyenan para paghiwalayin silang mag-asawa. Dinala pa nito ang ex-girlfriend ng kaniyang asawa na si Cynthia Sebastian na tanging nakikilala ng kaniyang asawa. Hanggang saan tatagal ang pagiging martyr na asawa ni Rebecca? Handa ba siyang ipaglaban ang kaniyang pagmamahal sa asawang hindi siya maalala o susuko na lang at ipauubaya sa iba ito?
10983 viewsOngoingAdded to Library 33 Times as iyon
Read
+Library
ISANG GABI PARA SA MANA, HABAMBUHAY NA PAG-AARI NG MAFIA

ISANG GABI PARA SA MANA, HABAMBUHAY NA PAG-AARI NG MAFIA

Para makuha ang kanyang mana at maupo bilang CEO, isang bagay lang ang hinihingi kay Eirah Salvatore— magbuntis sa loob ng dalawang buwan. Isang kondisyon na sumira sa lahat ng prinsipyo niya bilang isang babae at bilang tagapagmana ng kanilang pangalan. Sa gitna ng desperasyon, gumawa siya ng isang desisyong hindi na niya mababawi— isang gabi kasama ang isang lalaking hindi niya kilala. Isang gabing puno ng init, pagnanasa, at pagkakamaling akala niya ay mananatiling lihim habambuhay. Ngunit ang lalaking iyon ay hindi basta estranghero. Siya si Black Zevian Del Fierro—isang makapangyarihan, mapanganib, at kinatatakutang Mafia King… at ang mismong lalaking papasok sa buhay niya bilang business partner. Sa muling pagtatagpo ng kanilang mundo—sa loob ng boardroom at sa likod ng saradong pinto— hindi lang kapangyarihan ang magbabanggaan… kundi pati damdamin at mga lihim na pilit nilang tinatago. Dahil sa isang gabing iyon, hindi lang katawan niya ang maaaring nakatali… kundi ang buong buhay niya—sa lalaking hindi niya kayang takasan.
10394 viewsOngoingAdded to Library 8 Times as iyon
Read
+Library
Betrayed by the Billionaire, Wedded to the Tycoon

Betrayed by the Billionaire, Wedded to the Tycoon

Ethan was the perfect man-sweet, gentle, at mahal ni Alyanna. O iyon ang akala niya. Sa likod ng lahat ng iyon ay isang matinding pagtataksil na tuluyang sumira sa paniniwala niya sa pag-ibig. Ang babaeng inakala ni Ethan na mahina ay nawala na. Ngayon, siya na si Arabella Selene Madrigal Dela Vega-malamig, matapang, at hindi na kailanman magpapagamit muli. Isang arranged marriage ang nagbuklod sa kanya kay Giovanni Octavian Russo, isang makapangyarihang business tycoon na sanay makuha ang lahat ng gusto niya. At ang gusto niya ngayon-si Arabella. Dalawang beses nang nauwi sa wala ang kanilang kasal dahil sa pagtutol niya. Pero sa pangatlong pagkakataon, hindi na siya pakakawalan ni Giovanni. Sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting mabubuo ang damdaming hindi nila inaasahan. Mga lihim ang mabubunyag. Ngunit nang bumalik ang unang lalaking minahal ni Arabella-ang lalaking sumira sa kanya-napilitan siyang mamili. Between the past that broke her and the tycoon who refuses to let her go, will Arabella surrender to love... or lose herself again?
1011.7K viewsOngoingAdded to Library 257 Times as iyon
Read
+Library
PREV
1
...
1516171819
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status