Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
SEDUCING THE MAFIA BOSS

SEDUCING THE MAFIA BOSS

Nagkaroon ng kaguluhan sa coffee shop na pinagtratrabahuhan ni Sabina, isang guwapong customer ang tinamaan ng baril. Duguan itong gumapang sa pinagtataguan niya at hiniling na itago niya at pakaingatan ang maliit na box. Ngunit parang nanadya ang tadhana ng araw na iyon. Pagkatapos ng pangyayari ay tumawag naman ang step-mother niya para sabihing naaksidente ang Papa niya. Hindi na natapos pa ang kanyang kamalasan simula ng araw na iyon. Pagkatapos maratay ng Papa niya sa ospital ng ilang linggo ay binawian na rin ito ng buhay. Pagkatapos ay pinalayas siya ng kanyang madrasta sa kanilang bahay at ibenenta nito ang bahay na pag-aari ng kanyang mga magulang. Hindi pa duon natapos ang kasamaan nito. Nadiskubre niyang hindi aksidente ang nangyari sa Papa niya. Ipinapatay ito ng madrasta niya para makuha nito ang insurance ng Papa niya. Sa sobrang galit at naisipan niyang maghiganti. Aakitin niya ang bilyonaryong fiance ng step-sister niya. Laking gulat niya nang mapagtantong ang fiance nito ay ang guwapong cutomer niya sa coffee shop! At hinahanap nito sa kanya ang ipinatago nitong box. Ang problema, hindi na niya maalala kung saan niya nailagay iyon! Nanganganib ang buhay ng guwapong lalaki kapag hindi niya nahanap ang box. Ngunit mas nanganganib ang puso niya dahil napagtanto niyang umiibig na pala siya sa guwapong lalaki na nadiskubre niyang isa palang Mafia Boss.
Romance
1046.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Wedding Scammer

Ang Wedding Scammer

Nagscroll ako sa reddit ng napadaan ako sa post na naghahanap ng payo. Sabi ng poster na meron siyang HIV pero tinatago ito mula sa kanyang fiancee. Ang post ay merong libong mga like. Naintriga, pinindot ko ito para magbasa pa. Ng dumadaan ako sa mga detalye, napagtanto ko—bakit ang paglalarawan ng fiancee ay pareho ko?
Short Story · Romance
924 viewsCompleted
Read
Add to library
A Billionaire's Confession

A Billionaire's Confession

Janvir Neo Dela Fuente- isang multi-billionaire businessman at isang mafia. Suplado pagdating sa mga babae at mainitin ang ulo. Shin Madeleine Andrada- isang mahirap na single mom na mamasukan bilang maid ng mga Dela Fuente. Laging pinag-iinitan ng ulo ni Janvir si Shin dahil sa kagagawan ng kasamahan nyang maid at sya ang laging pinagmumukhang may kasalanan na umabot pa sa puntong sinuspende sya ng kanyang amo. Kasabay ng kanyang suspension may hindi inaasahan na mangyayari na sya mismo ang makakakita. Malalaman ni Janvir ang tungkol sa sitwasyon ni Shin kaya mas lalo itong nagalit nang malaman nyang may anak si Shin at iisipin nyang gagamitin lang sya ni Shin para buhayin silang mag-ina. Umalis si Janvir ng bansa para kalimutan ang mga nangyari. Habang wala si Janvir sa bansa, mababago ang takbo ng buhay ni Shin. Hindi nagtagal bumalik si Janvir ng Pilipinas. Magkikita ang dalawa nang hindi inaasahan . Marerealize ni Janvir na mahal pa nya ang dalaga kung kailan hindi na sya kilala ng puso at isip nito. Bibigyan kaya ng tadhana ang dalawang puso na nawalay ng matagal na panahon ? May pag-asa pa kayang mabuksan ni Janvir ang puso ng dalaga at maamin ang tunay nyang nararamdaman?
Romance
1012.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ex-Husband's Revenge

The Ex-Husband's Revenge

Kapag ang asawa ng isang lalaki ay nabuntis ng iba, karaniwan na pinapalayas ng lalaki ang asawa niya mula sa bahay nila o siya ang makikipag-divorce. Gayunpaman, baliktad ito para sa 26-taong gulang na si Leon Wolf. Trinato na nga siya na parang isang alipin ng mga biyenan niya, pinalayas siya ng bahay ng asawa niya at ng pamilya nito pagkatapos nitong ipagmalaki sa kanya na nabuntis ito sa iba! Naguluhan at puno ng sama ng loob si Leon, naglakbay siya patungo sa sementeryo, kung saan nagkataon na nasaksihan niya ang pagbabalak ng iba na patayin ang isang magandang babae. Habang niligtas ang babae, nakatanggap ng nakakamatay na saksak si Leon sa kanyang dibdib at hinila niya papunta sa ilog ang sumaksak sa kanya para malunod silang dalawa… Ang lahat ay senyales na mamamatay si Leon, dahil hindi na siya umahon mula sa tubig kahit na ilang minutong naghintay ang babae. Nang maniwala ang babae na pumunta na sa kabilang buhay si Leon, umalis siya habang nagsalita siya sa ilog, “Ang pangalan ko ay Iris Young. Puntahan mo ako minsan…” May malay si Leon sa ilalim ng tubig… ‘Iris… Isang magandang pangalan…’
Urban
9.1130.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing Love A Second Chance At Forever

Chasing Love A Second Chance At Forever

Nilisan ni Arwena ang Pilipinas, limang taon na ang nakaraan matapos ang masakit na paghihiwalay ng long-time boyfriend niya na muntik nang maging dahilan ng pagkasira ng buhay niya. Akala niya ay hindi na siya muling aapak sa lugar na nagdulot sa kanya ng sakit at masamang karanasan, pero talagang gumawa ng paraan ang tadhana. Kailangan niyang tulungan ang mga magulang na maibangon ang paluging negsyo. Sa kanyang pagbabalik, mga magulang at negosyo nga lang ba niya ang matutulungan niyang makabangon o magkakaroon din siya ng second chance na magmahal at mahalin ng tunay?
Romance
1016.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Bully is a Mafia King

My Bully is a Mafia King

claudellaire
Napilitan magpakasal si Harmony Rio sa lalaking alam niyang may lihim na pagtingin sa kanyang nakatatandang kapatid na babae---dahil lamang sa isang gabing pagkakamali na nagbunga ng isang supling. Ang tanging nais lamang niya ay makatakas mula sa pressure ng negosyo ng kanyang pamilya at pati na rin ang magtago mula kay Logan Silva na nagbigay sa kanya ng malaking problema. Mula nang mawala ito ng isang buong buwan matapos siyang mabuntis ay bigla nalamang itong lumitaw na parang kabute para guluhin ang pangarap niyang maging isang sikat na manhwa artist at gumawa ng sariling pangalan na hindi ginagamit ang yaman ng kanyang pamilya. Ngunit kahit anong pilit ay hindi magkasundo ang dalawa dahil sa mga hindi pagkakaunawaan na nagbigay sa kanila ng mga komplikadong sitwasyon na hindi matakasan ng dalaga. Ngunit dahil mahal niya ang binata ay nakipag kasundo siya na magpakasal dito dahil sa pakiusap nito na maging isang Silva ang kanilang magiging anak na lingid sa pagkaka-alam ni Harmony ay pamilya pala ng isang malaking Mafia na matagal nang pumuprotekta sa negosyo ng kanyang ama. Hanggang saan aabot ang hindi pagkakaunawaan nina Logan at Harmony? Hahayaan ba ng dalaga na ang pride at takot niya ang mangibabaw kahit na alam niyang si Logan lamang ang sinisigaw ng puso niya?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The  Billionaire Surrogate's Secret: A Love Betrayed

The Billionaire Surrogate's Secret: A Love Betrayed

Si Cassandra "Cassie" Saavedra, isang dalagang puno ng pag-asa para sa kanyang kinabukasan, ay nagiba ang mundo nang marinig niya ang isang nakakasakit na sikreto tungkol sa kanyang kasal. Habang naghihintay para sa kanyang prenatal checkup, hindi sinasadyang nakasaksi siya sa isang pag-uusap sa pagitan ng kanyang asawang si Tristan Troy Olivares at ng kanyang kapatid na si Chloe Ava Saavedra, na magbabago sa kanyang buhay magpakailanman. Ang kanyang asawa, na kanyang akala ay malamig at walang amor, ay naging malalim na kasangkot sa kanyang kapatid sa isang lihim na plano na kinasasangkutan ng kanilang hindi pa isinisilang na anak. Nalaman ni Cassie na siya ay isang surrogate lamang, nagdadala ng isang bata na naisip nina Troy at Chloe. Niloko at nasaktan, napilitang harapin ni Cassie ang isang masakit na katotohanan. Habang nakikipaglaban siya sa mga komplikasyon ng pag-ibig, pamilya, at panloloko, kailangan niyang pumili sa pagitan ng kanyang sariling kaligayahan at ang kabutihan ng anak ng kanyang kapatid. Ang kwento ay tumatalakay sa pangloloko, sakripisyo, at ang mga hangganan ng pag-ibig habang sinusubok ni Cassie ang kanyang mga paniniwala sa harap ng isang malaking pagsisinungaling. Habang si Cassie ay nagpupumilit na bumangon mula sa mga labi ng kanyang dating buhay, kailangan niyang pumili sa pagitan ng paghihiganti at pagpapatawad.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing The Mafia Boss

Seducing The Mafia Boss

MissBangs001
Hindi inaasahan ni Marikit Dela Torre na siya ang ipapadala ng kanilang boss na si Apollo para makakuha ng impormasyon, tungkol sa illegal na ginagawa ni Isla Maveer. Isa siyang secret agent at dahil gusto niyang makaiwas sa dating kasintahan na nagtra-trabaho din doon ay tinanggap niya ang offer. Nagpanggap siya bilang isang katulong sa mansyon ng mga Singh, habang naghahanap siya ng impormasyon sa kwarto ng amo ay di niya inaasahan na makatulog sa ilalim ng kama nito. Pagmulat niya ng mata ay ang nakangiting mukha ni Isla ang kanyang nabungaran. Halos panawan siya ng ulirat nang alokin siya nito na makipagtalik sa kanya kapalit ng impormasyon na hinahanap niya, at nang matapos na niya ang misyon ay kinuha niya ang bagahe para makabalik na sa HQ. Di niya inaasahan pagkabukas niya ng pinto ng kanyang kwarto ay may mga lalaking nakaitim na naghihintay sa kanya, may mga baril itong dala na mas ikinatakot niya. Doon naman lumabas ang lalaking inalayan niya ng kanyang pagkababae si Isla Maveer Singh, ang Capo Crimini ng Sxented Mafia. Nakangisi itong lumapit sa kanya, bago pa niya maiwas ang pisngi ay nahawakan na siya nito roon. "You're mine Marikit, you'll stay with me forever baby girl."
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
ISANG GABI SA PILING MO

ISANG GABI SA PILING MO

WARNING/ R-18+ Bata pa lang si Belyn Kho, sabik na siya sa atensyon ng kanyang magulang. Palagi kasing pabor ang Mommy at Daddy niya sa ate niya. Ika nga lagi siyang second choice kapag wala ng pagpilian.Kaya naman pala ganun kay Belyn ang Mommy at Daddy niya, at ni minsan ‘di niya nararamdaman na minahal siya ng kinagisnang magulang dahil natuklasan ni Belyn, sa mismong debut party niya na ampon lang siya ng pamilya Kho.Okay naman sana kay Belyn dahil wala ng bago. Ano nga naman ang pagkakaiba sa nalaman niyang ampon siya at malamig na turing ng ama at ina. Ni malasakit simula't sapul wala siyang nakuha.Kaya lang, nilayuan siya ng mga kaibigan, lalo na ang kasintahan ng malaman na hindi siya anak ng pamilyang Kho.Pakiramdam ni Belyn siya na ang pinakamalas na nilalang sa balat ng lupa. Walang may gusto sa kaniya. Kaysa magmukmok siya sa bugok niyang nobyo na walang balls, nag-focus na lang si Belyn sa pag-aaral.Paglipas ng dalawang taon, bumagsak ang negosyo ng magulang niya at sa loob ng dalawang buwan ay nakatakda siyang ikasal upang makabangon daw muli ang negosyo na minana pa raw ng Daddy niya sa mga magulang nito.Tumutol si Belyn. This time umalma siya. Gusto ni Belyn sa lalaking mamahalin lang siya magpapakasal, hindi dahil pambayad utang lang.Sa gabi ng kaniyang paglalayas, humingi siya ng tulong sa kaibigan niya. Kaya lang, iba ang dumating — ang bestfriend nito na nagngangalang Aaron Chong, na umaapaw tlsa kisig at hotness. Tuluyan nga kayang makakatakas sa kasal si Belyn?Abangan ang love story ni Belyn Kho at Aaron Chong, Isang gabi sa piling mo.
Romance
1045.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Tipo kong lalaki

Ang Tipo kong lalaki

Lady Moon
Mula sa pag papanggap ng bilang isang nobya dala ng pagmamayabang, napahamak ang dalaga, ngunit na iligtas ng hindi kilalang tao. Buwan ang lumipas muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ano kaya ang istorya sa pagitan nilang dalawa.
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3031323334
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status