TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )
"Ipinapasa ko ang buong karapatan at pagboto nito... sa Vanguard Group, sa ilalim ng pangalan ni Jake."
Isang sama-samang singhap ang narinig mula sa mga board members. Si Jake ay bahagyang ngumiti—isang ngiting tagumpay na may halong lason.
"You bitch," madiin at pabulong na mura ni James. Ang kaniyang mukha ay tuluyan nang nagdilim, ang kaniyang mga kamao ay nakakuyom sa ibabaw ng lamesa na tila ba kung pwede niya lang akong sakalin dito mismo ay ginawa niya na.