THE WIDOWER'S FIRST LOVE
Bb.Taklesa
Sa edad na 35 ay nabiyudo na si Ambrose at naiwan sa kanyang pangangalaga ang limang taong gulang na lalaki at bagong silang na kambal na babae. Mag-isa niyang pinasan ang responsibilidad na palakihin sila.
Pagkalipas ng limang taon, lalo niyang nakita ang pangangailangan ng kalinga at pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Sinubukan niyang lihim na makipag-date ngunit walang tumanggap sa kanyang tatlong anak. Hindi nila kayang panindigan ang pagiging instant mommy para sa kanila.
Hinanap ng kanyang mga anak sa kung kani-kaninong babae ang pagkukulang na iyon. Hanggang sa malaman niyang nakikipagkita sa isang may edad na babae si Ambrox na halos kamukha ng kanyang ina. Muli niyang nakita si Rose Anne. Nagbalik ang sakit ng nakaraan dulot ng panlilinlang na ginawa ni Roxanne.
Hanggang isang gabi, hila-hila ng kambal ang babae papasok ng kanilang gate.
"Daddy, I got you a wife. Meet our Mommy!” Kinindatan pa ng mga bata ang kanilang ama.
At nagbago ang lahat sa pagdating ni Rose Anne sa kanilang buhay.
Magkaroon kaya ng puwang ang pagpapatawad sa pagitan ni Rose Anne at Ambrose?
Maging maligaya kaya sila sa pagkakataon ito upang ituloy ang kanilang naudlot na pagmamahalan o maghihiwalay na silang tuluyan sa piling ng kani-kanilang bagong minamahal?