Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I am your Legal Wife

I am your Legal Wife

Dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama at pagkakalubog sa utang, napilitang magtrabaho si Nathalie sa bahay ng kanyang Tiyo Antonio bilang isang kasambahay, at ang kanyang ama naman bilang isang hardinero upang mabayaran ang lahat ng ginastos ng mga ito sa hospital. Sa ikalawang pagkakataon na inatake sa puso ang kanyang ama ay kinailangan na nito ng heart bypass surgery, kaya nama nanghiram ulit siya sa mayaman na asawa ng kanyang tiyuhin ng pera na si Daphne, ngunit iba na ang hiniling na bayad nito. Iyon ay ang pagpapalit niya ng mukha at gayahin ang mukha ng kanyang pinsan. Ito ay sa kadahilanang nais nang mapapangasawa ni Andrea na si Caleb Lopez na masiguradong malinis ito bago sila ikasal. Hiniling ng bilyonaryo na may mangyari muna sa kanila bago ang kasal. At dahil marami nang nagdaang lalake sa buhay ni Andrea, siguradong tatanggi si Caleb na pakasalan siya kapag nalaman na Hindi na ito malinis. Wala nang nagawa si Nathalie nang isang gabi ay bigla na lamang may sumira sa kanyang mukha kaya naman napilitan siyang sumailalim sa plastic surgery upang maging kamukha ng kanyang pinsan na si Andrea. Papayag ba siyang makipagniig sa lalakeng nakatakdang pakasalan ng kanyang pinsan? Paano kung siya ang alukin nito ng kasal at hindi ang tunay nitong kasintahan? Bilang paghihiganti sa mga nanakit sa kanila ng kanyang ama, pumayag siyang magpakasal sa bilyonaryong si Caleb Lopez.
Romance
1011.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Maid in Love

Maid in Love

dser
Nang makatakas si Ella sa pagmamalupit at pangmomolestya ng kanyang amain ay napagdesisyunan niyang pumunta ng Maynila at iwanan maging ang ina niyang parang wala na ring pakialam sa kanya. Nakatapos man ng pag-aaral ay inilihim niya ito at namasukan bilang isang kasambahay sa mansion ng isang mayamang businessman na amo ng kanyang tiyahin. Ang pagtatagpo kayang ito ay magiging simula ng isang wagas na pag iibigan o mananatili lamang siyang isang kasambahay sa paningin nito?
Romance
7.83.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Fine Print of Falling in Love

The Fine Print of Falling in Love

“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
Romance
9.97.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Ex-Wife Bad Revenge

Ex-Wife Bad Revenge

Conan Akatsuki
Laura, ang babaeng inapi ng lahat. Inagawan ng asawa at lahat-lahat. Babalik upang maghiganti at agawin ang lahat ng higit pa sa ninakaw sa kanya.
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Eternally

Eternally

Isang car accident ang kinasangkutan ng sikat na nobelista na si Jia Molejon. Ang beinte-singko anyos na dalaga, nakatakda na sanang ikasal sa anak ng Gobernador ng kanilang probinsiya. Sikat at maimpluwensya ang kasintahan nitong si William Cervantes. Ang kanilang kasal na tila hinadlangan ng trahedya. Nagising si Jia mula sa mahabang panahon na pagka-comatose. Ngunit nang magising ito, tila nagbago na ang mundo niya. Bagong kapaligiran, bagong kabanata. Nagising siya sa katauhan ng isang nagngangalang Matilda. Tila nagkatotoo ang mga kwentong-pantasya na dati ay isinusulat lamang niya. TIME TRAVEL. At sa lumang mundo, tila kaya niyang baguhin ang tadhana sa hinaharap. Ngunit paano kung mas nagugustuhan niya na ang lumang panahon, ang panahong kaedad niya ang kaniyang Abuela? O, dahil sa lumang panahon niya rin nakilala ang lalakeng bahagi na ng mga libro ng kasaysayan, si Macario Manlapaz Apolinario na nagpakulo ng kaniyang dugo ngunit palihim na nagpatibok ng kaniyang puso. Sa mundo ng kahapon at kasalukuyan. Paano pipigilan ang itinakda ng tadhana?
Romance
10564 viewsOngoing
Read
Add to library
Drifted to you

Drifted to you

MnémosynceDramaSweet Love
Dahil sa isang dahon ng papel nagkakilala sina Sierra at Quirou, dalawang nilalang na hinubog ng magkaibang mundo. Isang nilalang na halos sumpain na ang pagkabuhay, at isa na iniibig ng lahat. Nagtagpo ang kanilang mga sulat isang umaga sa kabundukan, hanggang sa ang una ay nasundan pa, at nagtuloy tuloy pa. Hanggang saan sila kayang dalhin ng mga dahon ng papel? Hanggang saan ang kayang abutin ng mga salitang pinasayaw nila gamit ang tinta? Hanggang saan ang kayang ilaban ng mga pusong musmos pa sa walang kasiguraduhang bukas?
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Secretly In-Love with my Estranged Husband

Secretly In-Love with my Estranged Husband

Nagpakasal si Julliane sa edad na dalawang pu't taong gulang dahil sa isang sirkumtansya na nangyari sa kanyang pamilya. Hindi siya gusto ng lalaki na pinakasalan niya. At sa ikalawang araw ng kanilang kasal ay pinadala siya nito sa Amerika para doon magpatuloy ng pag-aaral. Pero muli siyang nagbalik sa Pilipinas makalipas ng tatlong taon dahil malubha na ang sakit ng kanyang ina. At may isa pa siyang gustong gawin, ito ay ang pirmahan ang annulment paper na nakahanda na agad sa unang pagkikita pa pa lang nila ng kanyang asawa. Pero nagtaka si Julliane, dahil hindi agad pinirmahan ng lalaki ang papeles, dahil dito ay naisip niya na baka may kaunting pag-asa sa kanya na sana ay matutunan rin siyang mahalin ng kanyang asawa.
Romance
9.414.8K viewsOngoing
Read
Add to library
His Bodyguard Wife

His Bodyguard Wife

BOOK 1: HIS BODYGUARD WIFE Maayos na ginagampanan ni West ang mga normal na gawain niya bilang isang mafia queen subalit nagkaroon ng malaking pagbabago sa takbo ng kan'yang buhay matapos sabihin ng ama na siya ay kasal na. *** Nang ibigay kay West ng ama ang misyon na protektahan ang kan'yang asawa na walang kaide-ideya na sila ay kasal na at mula sa pamilya ng mga mafia ay nagpas'ya siyang maging bodyguard nito subalit habang nakakasama niya ito ay unti-unti niyang nararamdaman ang mga emosyon na matagal niya ng kinalimutan lalo na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Paano pro-protektahan ng isang mafia queen ang kan'yang hot tempered na asawa kung maraming pangyayari ang magaganap na malayo sa inaasahan niya?
Romance
1011.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Dalawang Nakanselang Kasal

Dalawang Nakanselang Kasal

Sa gabi ng aking kasal, nasagasaan ako ng kababata ng aking fiancé. Nilagay nito sa panganib ang aking buhay. Sinubukan ng aking best friend na tawagan ang aking fiancé, pero agad niyang ibinaba ang tawag. Pinadalhan niya rin ito ng isang text message. “May sakit si Ruth. Wala akong oras para riyan.” Tinawagan ng aking best friend ang kaniyang boyfriend na isang artista na may malawak na koneksyon. Pero sinabi nito na, “May sakit si Ruth. Kailangan niya ako sa tabi niya ngayon.” Pagkatapos ng isang gabi ng resuscitation, tiningnan namin ang isa’t isa sa ward bago kami sabay na magsalita. “Ayaw kong magpakasal.” Pero nasurpresa kami nang mawala sa sarili ang aming mga fiancé nang ikansela namin ang aming mga kasal.
Short Story · Romance
826 viewsCompleted
Read
Add to library
Desiring the Nanny

Desiring the Nanny

TAGALOG STORY She is an Education graduate, pero ayaw niyang magturo dahil maiksi lang ang pasensya niya. Ngunit kailangan niya ng stable job para maging proud sa kaniya ang mga magulang niya at hindi isipin ng mga ito na grumadwayt lang siya para tumambay. Pero paano kung alukin siya ng malaking halaga para maging yaya ng anak ng crush niya? Pagiging yaya lang ang pinasok niya pero bakit wife at mommy na agad ang tawag sa kaniya ng mag-ama?
Romance
1036.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status