Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Nagmakaawa siyang makipagbalikan

Nagmakaawa siyang makipagbalikan

Matapos ang limang taon kasama si Nathaniel Sinclair, inisip ni Sylvia Garner ang kanilang pagmamahal ay aabot sa habang buhay na commitment. Pero ng pinostpone ni Nathaniel ang kanilang kasal, ang kanyang mundo ay nagsimulang gumuho. Sa private club, nakita ni Sylvia ang isang eksena na dumurog sa kanyang puso—Si Nathaniel nakaluhod sa isang tuhod, nagpropose sa ibang bbabae. “Kasama mo si Sylvia ng limang taon, pero ngayon bigla mong papakasalan si Vivian Hayes. Hindi ka ba takot na malulungkot siya” May nagtanong. Nagkibit balikat si Nathaniel. “Si Vivian ay may sakit. Ito ang kanyang dying wish. Sobrang mahal ako ni Sylvia para iwan ako.” Alam ng buong mundo na mahal ni Sylvia si Nathaniel sa punto na obsessed siya, naniniwala na hindi siya mabubuhay ng wala ito. Pero sa oras na ito, mali siya. Sa araw ng kanyang kasal, sinabi niya sa kaibigan niya, “Bantayan mo si Sylvia. Huwag siyang hayaan na malaman na may iba akong papakasalan!” Napahinto ang kaibigan niya. “Ikakasal din si Sylvia ngayon. Hindi mo ba alam?” Sa sandaling iyon, nagbreak down si Nathaniel.
Short Story · Romance
923 viewsCompleted
Read
Add to library
Sold To The Alluring Billionaire

Sold To The Alluring Billionaire

seyulwi
Living alone was hard for Kestrel being a working student. Kailangan niya ng pera upang masustentuhan ang sariling mga pangangailangan. Kahit mahirap at nahihirapan siya. He wants to live independently. He wants to stand alone by his own feet. Ayaw na niyang umasa sa magulang dahil may mga kanya-kanyang pamilya ang mga ito. Ayaw niyang umasa sa mga ito dahil kung ano-ano ang naririnig niya sa mga anak ng magulang niya. Kestrel was a fruit of a forbidden love kaya ganon na lamang siya kamuhian ng dapat ay pamilya niya. That's why he decided to live alone even if it's hard. One night, after his shift, Kestrel decided to walk his way home pero may mga lalaking nakaitim ang humarang at dinakip siya. Sinubukan niyang magpumiglas at humingi ng tulong sa paraan ng pagsigaw ngunit pinatulog lamang siya ng mga ito at ipinasok sa van. Nagising na lamang siya sa isang hindi pamilyar na lugar at suot ang bagong damit. He's in a lady’s gown and heels. Ang hanggang balikat niyang buhok ay nakalugay na. At ang mga paa't kamay na nakagapos at bibig na may tela. Kaba, takot at gutom ang nararamdaman ni Kest. Nang lumiwanag ang paligid, doon niya nalamang nasa isang auction house siya at pinakilala na siya bilang isang rare item hanggang sa nagsimula ang bidding. Habang pataas ng pataas ang bid ay siyang pagtaas ng kanyang kaba at takot. Napalinga-linga siya at biglang tumama ang paningin niya sa lalaking may gintong maskara na nakaupo sa isang sulok. Nagmamakaawa niya itong tiningnan. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon. He's so desperate to get away from that house. Will that guy wearing golden mask help him? Makakaalis kaya siya sa auction? Mababalik pa kaya ang tahimik niyang buhay? Sino ang lalaking may gintong maskara?
LGBTQ+
899 viewsOngoing
Read
Add to library
The Rich Man's Fall

The Rich Man's Fall

A marriage of convenience sa pagitan ni Issa at real-estate billionaire na si Vince Sevilla. She's left with no choice but to come to terms with the devil. Upang isalba ang magulang sa pagkakabaon sa utang sa binata'y pinakasalan niya ito. But the Sevilla was a thorn in the past. Nangakong hindi siya iibig kay Vince, but not until Lucy—ang babaeng susukat sa tunay na kahulugan ng salitang "karibal" sa puso ng kanyang asawa. Nagising siya isang umaga na tila siya estranghero sa paningin ni Vince at si Lucy ang bukod-tanging naaalala nito...
Romance
481 viewsOngoing
Read
Add to library
Contracted Wife of the Billionaire

Contracted Wife of the Billionaire

Cassiane Dela Vega, isang 23-anyos na dalagang lumaki sa kahirapan, ay handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Nang magkasakit ng malubha ang kanyang kapatid na si Caleb, napilitan siyang tanggapin ang isang kasunduang magbabago ng kanyang buhay—isang kasal kay Kane Remy Finnegan, isang 25-anyos na CEO na kilala sa kanyang malamig at walang pusong personalidad. Para kay Kane, ang kasal ay isa lamang transaksyon para masunod ang kagustuhan ng kanyang lolo—walang emosyon, walang koneksyon. Sa simula, malamig at kontrolado si Kane habang pilit namang inaarok ni Cassiane ang bagong mundo na kanyang ginagalawan. Ngunit sa bawat araw na magkasama sila, unti-unting natutukso si Kane sa kabutihan at init ng puso ni Cassiane. Habang nababasag ang mga pader sa puso ni Kane, lumalalim naman ang komplikasyon ng kanilang relasyon. Sa likod ng kasunduang walang puwang ang damdamin, unti-unting namumuo ang emosyon na kanilang parehong pilit itinatanggi. Ngunit hindi naging madali ang lahat. Dumating ang sandaling sinaktan ni Kane si Cassiane, dala ng paniniwalang siya lamang ang may nararamdaman. Nangyari ang isang gabi na nagbago ng lahat, kung saan ipinilit ni Kane ang kanyang damdamin at pag-angkin kay Cassiane. Kalauna’y napagtanto niyang mahal din siya ng dalaga. Sa kabila ng mga pagsubok, sakit, at lihim na kanilang hinarap, natutunan nilang yakapin ang isa’t isa at ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Sa huli, nanaig ang pag-ibig. Napalambot ni Cassiane ang pusong dating tila yelo. Naging masaya silang mag-asawa at nabuo ang kanilang pamilya kasama ang dalawa nilang anak—isang patunay na sa likod ng kasunduan, maaaring umusbong ang tunay na pagmamahalan.
Romance
257 viewsOngoing
Read
Add to library
Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)

Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)

Character: Zarina Czyrine Montereal Sixto Grey Zarkozi (Mayor X Secretary) Synopsis: Simula noong namatay ang mga magulang ko sa 'di malamang dahilan, tanging sumalo sa akin ang lola ko. Bata pa lamang ako tinatak ko na sa kukote ko na lahat ng gusto ko ay hindi ko makukuha, kung makukuha ko 'man ito, kailangang mag banat ng buto, miski nga pag-aaral ay hindi na natupad dahil sa hirap ng buhay na kinagisnan ko. Mas lalong naghirap ang buhay ko ng namatay ang lola sa katandaan, halos bumalik sa umpisa ang buhay ko. Ilang buwan akong nagmukmok sa pagkawala ng lola, kahit gutom ko ay tinutulog ko na lamang para hindi ko maramdaman ito. Isang araw, may silay ng liwanag ng pag-asa ang dumating pero kapalit nito ay walang hanggang pagsisisi, pero wala akong magagawa dahil isang kahig isang tuka ako. Inaya ako ng kaibigan ko sa isang trabaho na tiyak ay kikita ng malaki sa isang gabi lang. Ang mga pulitiko ang magiging customer namin. Pataasan ng presyo, bidding ng mga babae ang mangyayari kung sino ang pinakamalaking offer ay sakaniya na ang babae ng isang gabi. Isang kakaibang lalaki ang nakakuha sa 'kin, kulay luntian ang mga mata at may malapad na balikat at maskuladong mga braso na kitang kita sa polo na yumayakap sa katawan nito. Pagtapos nga ba ng gabi ay tapos na rin sila? O mapapaamo niya ang isang Mayor na mabangis pa sa mga tigre?
Romance
10127 viewsOngoing
Read
Add to library
Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)

Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)

Serena’s POV Matagal kong inakalang hawak lang ako ng kontrata—isang papel na pumirmi sa buhay ko, sa katawan ko, at sa kalayaan ko. Pero ngayong nakahiga ako sa tabi ni Damien, natatakpan ng init ng balat niya ang lahat ng sugat sa puso ko, alam kong mali ako. Hindi na kontrata ang nagbubuklod sa amin. Hindi na utang. Hindi na desperasyon. Ako mismo ang pumili sa kanya. Dahan-dahan niyang hinila ang kumot pababa, inilantad ang bawat bahagi ng katawan kong kanina pa nanginginig, hindi dahil sa takot kundi dahil sa pananabik. Mainit ang hininga niya sa leeg ko, at ang bawat halik na inilapat niya ay parang panata na hindi na niya ako bibitawan. “Wala nang papel na nagdidikta sa’yo, Serena,” bulong niya habang pinapadaanan ng labi ang balikat ko. “Ako na ang pipiliin mo. Ako na ang kailangan mo.” Napapikit ako, hinayaan ang katawan kong lunurin ng bawat haplos niya. Hindi na ito transaksyon. Hindi na ito kasunduan. Ito ay kagustuhan naming pareho. Nagtagpo ang mga labi namin, mas mariin, mas buo—parang wala nang bukas. Ang bawat paghinga niya ay naging akin, ang bawat ungol ko ay naging kanya. Hanggang sa wala nang natira kundi ang mga katawan naming nag-uusap, nagsasanib, nagtatakda ng bagong simula. At sa gitna ng dilim ng kwarto, habang pareho kaming nilalamon ng init at ng pagmamahal, alam kong wala nang atrasan. Ako si Serena Villareal. Hindi na bilang alipin ng kontrata, kundi bilang babaeng kusang nagpa-angkin, kusang nagmahal, at kusang nagpasakop—sa lalaking siya ring nagpalaya sa akin.
Romance
103 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status