Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Instant Mommy

Instant Mommy

Danixxie_
Elle Gutierrez, isang babae na bigla na lamang naging Nanay simula nang makilala n'ya ang isang lalaki na balak s'yang ipakulong dahil napagkamalan n'ya 'tong nagnakaw.Bilang kapalit sa ninakaw ni Elle ay kailangan n'ya daw sundin ang gusto ng misteryosong lalaking ito, at ito ang maging Ina ng kan'yang anak.Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Elle, papayag ka bang maging Instant Mommy ng ganun ganun na lang?? Instant Mommy Written by: Danixxie_
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Divorce Me Now, Chase Me Later

Divorce Me Now, Chase Me Later

Isang sorpresa na puting envelope ang sumalubong kay Harper, hindi galing sa kanyang asawang tatlong taon nang walang paramdam sa Japan, kundi isang brutal na request for annulment. Sa gitna ng pait at insulto, napilitan siyang umuwi ng Pilipinas. Ngunit sa halip na bumigay at magpakita ng kahinaan, isang makeover ang nagbigay-daan sa kanya para harapin ang asawang nag-iwan sa kanya nang may bagong dignidad at tapang. Pero bakit tila ngayon lang napansin ni Oliver ang kagandahan ng babaeng pinakawalan niya? At bakit ngayon pa siya humahabol, kung kailan napirmahan na ang annulment?
Romance
110 viewsOngoing
Read
Add to library
CEO's DARKEST SECRET Series

CEO's DARKEST SECRET Series

Book 1: BRIX DELA FUENTE RAPE VICTIM — Iyan si Sofia Santiago! Kahit na kailan ay hinding-hindi niya makakalimutan ang mapait na sinapit sa mga kamay ng lalaking walang awang humalay sa kaniya. Lalaking ni hindi man lamang niya nakilala. Lalaking sumira sa mga pangarap niya. Lalaking isinusumpa niya at kahit na kailan ay hinding-hindi mapapatawad. Until she fell in love with a man who accepted her together with her dark and bitter past. Until she fell in love with Brix dela Fuente. Ngunit paano kung dumating ang panahong matuklasan niyang ang lalaking iniibig ay may pinakatatago-tagong lihim na kahit na kailan ay hindi niya kayang tanggapin? *** Book 2: DWIGHT MARCUS SOLIVAN DWIGHT got into a car accident after his stag party. Nang dahil doon, nagkaroon ng problema ang pagkalalaki niya. He suffered from erectile dysfunction. Hindi rin natuloy ang nakatakda sana nilang kasal ni Maitha—ang babaeng mahal niya. Isinisi niya ang lahat ng iyon sa bayarang babae sa bachelor party niya. Kung hindi dahil dito, hindi sana sila mag-aaway ng fiancee niya na hahantong sa pagka-aksidente niya. Makalipas ang ilang taon, pinagtagpong muli sila. He got shocked when he realized one thing, he felt aroused just by staring at the woman. He lusted after her! She was his medicine. Ito ang gamot niya para tuluyan na siyang gumaling. He wanted to take her in bed. He wanted to own every party of her. Pero paano naman niya gagawin iyon kung ang babaeng nagsisilbing gamot sa pagkabuhay ng pagkalalaki niya'y pag-aari na ng iba? Syrellie was his medicine. She was his cure. But at the same time, she was also his twin brother's future wife...his future sister-in-law! *** CONTENT WARNING: Contains graphic sex scenes, adult language and situation intended for mature readers only.
Romance
1014.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Redemption

Love Redemption

Isang gabi ng pagkakamali ang nag-ugnay sa dalawang magkaibang mundo. Si Jade, isang simpleng babae ay biktima ng paninira at kasinungalingan. Si Luther, isang makapangyarihang tagapagmana, napilitan sa isang kasalang walang pagmamahal para iligtas ang dangal ng kanilang pamilya. Dalawang estranghero, na pinagbuklod ng tadhana ngunit hindi ng pag-ibig. Sa kabila ng galit at lihim na bumabalot sa kanilang pagsasama, unti-unting lumitaw ang damdaming hindi nila inaasahan. Mananatili kaya ang kanilang kasal bilang isang malamig na kasunduan o magbabago ito tungo sa isang mas malalim na ugnayan? Mapagtatagumpayan kaya nila ang mga kasinungalingan, galit, at pride na humahadlang sa kanila? O nakatakda na silang manatiling bilanggo ng isang buhay na hindi nila pinili?
Romance
10423 viewsOngoing
Read
Add to library
The Ruthless Mayor

The Ruthless Mayor

Hope
Caleb Raixon Montemayor ay Mayor ng Sta Rosa at nasa ikalawang termino na siya nito. Kilala siya bilang isang suplado at masungit na Mayor ng bayan nila. Sa kabila ng ugaling pinapakita nito ay kinagigiliwan at minamahal pa rin siya ng mamamayan na sakop niya dahil kahit kailan ay hindi niya pinabayaan ang kanilang bayan. Mas pinagtibay pa ni Caleb ang bayan ng Sta Rosa, bukod pa roon ay marunong siyang makinig sa hinaing ng taong bayan sa kabila ng pag-uugali niya. Sa kabila nito ay napapatanong ang nasasakupan niya kung may babaeng magpapaamo sa suplado nilang Mayor? Hanggang dumating ang isang babaeng magpapabago sa ugali nito. Sierra Solaire Madrigal, ang sekretarya nito.
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos

Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos

Patuloy parin umaasa at naghihintay si Melisa na balang araw ay magkikita muli sila ng kanyang kaibigan na si Albert. Simula kasing nag aral si Albert ng kolehiyo ay Manila ay wala na itong balita pa. Pero alam niyang babalikan siya ni Albert upang ipagpatuloy ang kanilang pangarap na makapag patayo ng Dream House sa lugar na kanilanh tagpuan. Ngunit isang araw ay nabalitaan niyang magpapakasal na si Albert kay Devina. Gumuho ang mundo ni Melisa ng malaman niyang ang pinagawa ni Albert na Dream House ay magiging bahay na pala nila ni Devina. Ngunit lingid sa kaalaman ni Melisa na ito ay para talaga sa kanya at hindi para kay Devina. Gustong kausapin ni Albert ang dalaga upang maintindihan niya kung paano at ano ang nangyari sa kanya noong siya ay nag tatrabaho sa America. Ngunit hindi ito nagpapakita sa kanya. Nagpakalayo muna si Melisa upang makalimutan ang bangungot na kanyang naranaaan. Lumipas ang taon ng malaman ni Melisa na hanggang ngayon ay hindi pa kasal si Albert at Devina. Nabalitaan din niya sa kanyang ina na araw-araw siyang hinahanap ni Albert upang magpaliwanag at muling mag balik ang kanilang pagkakaibigan at (Pagmamahalan). Bumalik si Melisa. At ibang Melisa na iyon hindi na mahina hindi na iyakin at hindi na kailan pa matatalo at masasaktan. Nagkita sila ni Albert sa hindi inaasahang lugar. Dahil sa pananabik ni Albert kay Melisa ay bigla niya itong hinalikan sa mga labi. Kapwa sila nagulat sa nangyari. Isang malakas na palad ang dumapo sa pisngi ni Albert. Magiging huli naba ang lahat para kay Melisa? Maipaglalaban pa kaya niya ang kanyang tunay na nararamdaman para sa kaibigan? Lalo na at magpapakasal na ito kay Devina.
Romance
9.817.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ruby: Ang Pagdating Sa Edad

Ruby: Ang Pagdating Sa Edad

Walang mga lalaki sa aming nayon. Kapag umabot ng 18 taong gulang ang isang babae, sumasailalim sila sa isang seremonya ng pagdating ng edad sa ancestral hall. Suot ang mga damit pang-seremonya, pumila sila para pumasok, at paglabas nila, ang mga mukha nila ay may halong sakit at saya. Noong ang panganay na kapatid na babae ko ay naging 18, pinagbawalan siya ni Lola na dumalo. Gayunpaman, isang gabi, lumusot siya papunta sa bulwagan. Paglabas niya, hirap siyang maglakad, at may dugo sa pagitan ng mga binti niya.
Short Story · Kilig
1.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Sweet Seduction (Tagalog)

Sweet Seduction (Tagalog)

Gumuho ang mundo ni Margaux nang hindi siputin ng kanyang boyfriend sa kanilang kasal. Lester was her first love-her first boyfriend, first kiss, and first heartbreak. Kung kailan handa na niyang ibigay rito ang lahat ay saka pa siya iniwan sa ere. Samantala, handa namang lumuhod ang lahat ng babae kay Lawrence kung gugustuhin niya. Isang antipatiko, mayabang, at womanizer na tinaguriang "Destroyer Casanova." Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, makaya kayang buoin ni Lawrence ang nawasak na puso ng babae? Kaya pa ba ni Margaux ang magtiwalang muli? Will they find the true meaning of trust? Will they take risk for what they call love?
Romance
10439.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Obsession (Tagalog)

The Billionaire's Obsession (Tagalog)

Mayaman. Maganda. Tinitingala ng lahat. Iyan ang kadalasan na maririnig sa tuwing binabanggit ang pangalan ng sikat na artistang si Rasheeqa Laurent. Perpekto na ang buhay niya kung tutuusin at hindi maipagkakailang hinahangaan siya ng karamihan dahil sa taglay niyang husay sa pag-arte. Sa kabila ng mala-perpekto niyang buhay, ano ang mangyayari kapag malaman ng publiko na may sekreto siyang anak? Paano niya mapapanatili ang kanyang reputasyon at kredibilidad gayong hindi niya kontrolado ang sasabihin ng iba? At higit sa lahat, paano niya ipapaliwanag sa ama ng kanyang anak na siya ang ama nito gayong simula't sapol, ang lalaki na mismo ang nagputol sa ugnayang meron sila?
Romance
9.6650.8K viewsCompleted
Show Reviews (68)
Read
Add to library
Mercy Santiago
Very interesting at mas nakain love ang bawat episodes. Hanggang sa huling episode nakakatrill. Thank you very much kahit medyo matagal basahin o mabagal ang mga free episodes nakaka thrill ang bawat episodes. May halong thrill at very loving ang mga bida sa sa bawat episodes. More power and tnx.
?abby??
i like this novel very much!!..it was a very very nice,good,lovely!!i don't know what to but i love this very much!!mahal kuta author ipagpatuloy mo ito author😊😊🌺🌺❤❤!!i can't believe na kahit sa mga bonus lang na u-unlock ko pa din ang mga chapters😊🌺❤mahal kita author😊😊❤🌺🌺❤❤
Read All Reviews
One Night With My Ex-Husband

One Night With My Ex-Husband

Sa loob ng dalawang taon, hindi akalain ni Jessy Flores na lokohin siya ng asawang si Philip Montana sa araw pa mismo ng wedding anniversary nila.  Simula rin ng araw na iyon ay nakipaghiwalay siya sa asawa at nagpasyang pumunta ng Baguio kung saan, muling nagkrus ang landas nila ng kaibigang si Niko Alonzo na siyang handang bumuo sa nawasak niyang pagkatao.   Paano kung bawiin siya ni Philip mula kay Niko? Manunumbalik pa ba ang naglahong pag-ibig para sa dating asawa? O haharapin si Niko at kakalimutan si Philip na unti-unting nagising sa katotohanang mahal pa siya nito?
Romance
1016.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2829303132
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status