Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND

MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND

Lanie
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang iwan ni Cearina Guzman si Ezekiel Wang. He was her first everything—her first love, her first heartbreak. Sa kabila ng lahat ng alalahanin, nagawa niyang iwan si Ezekiel para sa pangarap nito. Ang sabi ng mga magulang ni Ezekiel, tatanggalan ng mana ang anak at hindi na susuportahan financially kapag ipinagpatuloy pa nila ang relasyon. Hindi ito sinabi ni Cearina kay Ezekiel, kaya hanggang ngayon, galit pa rin ang binata sa kanya sa pag-iwan niya. Akala ni Cearina, nakalimot na siya. Pero boom! Muli silang nagkita nang mag-apply siya sa SummitBridge Global—hindi niya alam na ang kompanyang aaplayan niya ay pag-aari ng ex-boyfriend niyang si Ezekiel! At nang magtagpo ang kanilang mga mata, hindi maitatanggi na nandoon pa rin ang mga damdamin na tinago niya. She still wants him. Pero ang daming hadlang sa relasyon nila. Kailangan niyang harapin ang lahat ng ito, pero hindi niya alam kung paano. Ang mga alaala nila, ang mga pangarap na sabay nilang pinangarap—parang nagbabalik sa kanya sa pinakamasakit na mga sandali. Sa kabila ng mga hadlang, ano ang pipiliin niya—ang kanyang sarili o ang pag-ibig na dati niyang iniwan?
Romance
25.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
HER MISTAKE: THAT ONE NIGHT SHE CAN'T REMEMBER

HER MISTAKE: THAT ONE NIGHT SHE CAN'T REMEMBER

Haneibuns
”Loyalty and cheating. The two cannot be together.” “But is it still called cheating if she and him were not in a relationship?” Si Hexy Avory Ocampo ay tapat na nagmamahal sa kaibigang si Maverick Del Rosario mula pa noong high school sila hanggang sa naging magkatrabaho silang dalawa. Naninigarilyo man si Maverick at may pagkasuplado, hindi pa rin niya ito tinigilan, kahit na hindi ito nagpakita ng interes sa kaniya. Until one day, Hexy wakes up next to Brix Ivane Royale. Pareho silang walang maalala sa nangyari dahil sa kalasingan. Si Brix ay may mayamang pamilya at kilala siya sa kanilang lugar bilang businessman. Magkaiba ang ugali ng dalawang lalaki, ngunit pareho silang bahagi ng buhay ni Hexy. Because of what happened, Hexy’s loyalty to Maverick was tested due to the sudden appearance of Brix in her life. But one day, she found out what happened on a night she can't remember. Ang gabing bumago sa takbo ng kaniyang buhay. Ano kaya ang magiging epekto nito sa kanilang tatlo?
Romance
105.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Mr. Saltzman Rejected Wife

Mr. Saltzman Rejected Wife

Isa sa pinakamasakit para sa isang babae ay halos ibigay mo na ang lahat sa isang lalaki, pero hindi pa pala iyon sapat. Labis-labis ang pagmamahal na ibinigay ni Diana para kay Jeremy. Wala na siyang itinira para sa sarili niya. Kahit alam niya na hindi pa rin nakaka-move on si Jeremy sa ex girlfriend nito ay hindi iyon inisip ni Diana. Kaya naman nang alukin siya ng ama ni Jeremy na magpakasal kay Jeremy ay hindi na nagdalawang-isip pa si Diana. Pumayag siya agad. Akala niya ay makakalimot din si Jeremy, na mahahalin din siya nito katulad ng pagmamahal nito sa ex girlfriend. Pero iyon ang malaking pagkakamali na nagawa ni Diana. Two years being Mrs. Saltzman, pero ni isang beses ay hindi niya naramdaman na naging asawa si Jeremy sa kanya. Mas lalo pang sinampal ng katotohanan si Diana nang biglang bumalik ang ex girlfriend ni Jeremy at mag-file ito ng divorce pagkatapos niyang malaman na buntis siya.
Romance
9.25.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Hidden Mafia Don

Hidden Mafia Don

Docky
"Knowing my real identity means DEATH." - Mafia Don Daven Verrano Costello **** Mahigit pitong taong naging consigliere ng Mafia Don sa bansang Italy si Daven Costello. Siya rin ang misteryosong CEO ng Philippines Bank Corporation (PBC) na may paid-in capital na 20 Billion Pesos. Nang mamatay ang boss ng kanilang mob ay nahirang siya bilang bagong pinuno. He's protective when it comes to his family's safety so he decided to keep it a secret. Ang akala ng marami ay isa lamang siyang hamak na secretary sa sarili niyang kompanya. Elera Luciano - ang nakamaskarang lider ng Asian Assasins at nagtatrabaho bilang General Manager sa PBC. Pinasok niya ang magulong mundo ng mafia para hanapin at pagbayarin ang taong pumaslang sa kaniyang tunay na ina. Dahil sa kalasingan, kalituhan at kapusukan, nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nina Daven at Elera. It was indeed a marriage before love set up dahil kapwa infatuation lang naman ang nararamdaman nila sa isa't isa bago pa may mangyari sa kanila. Nang magpakasal ang dalawa, naranasan ni Daven kung paano maliitin at ituring na parang basura ng kaniyang mga biyenan. Inalipusta, inapak-apakan at inalila. Maging si Elera ay itinuring na isang malaking kahihiyan ng kaniyang mga magulang. Hanggang isang araw, hindi na natiis ni Daven ang lahat. Nagimbal ang mundo ng angkan ng Luciano nang malaman nila ang tunay na katauhan ni Daven.
Romance
105.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
KUNG AKO AY IIBIGIN MO

KUNG AKO AY IIBIGIN MO

Dalagita pa lamang ang maganda at matalinong si Helena Montenegro nang maulila siya sa mga magulang. Ganoon pa man, hindi siya pinabayaan ng abuela niya na si Doña Amanda. Itinaguyod siya nito ng buong pagmamahal. Itinuro nito sa kan'ya ang lahat ng aspeto sa buhay kaya naman naging matagumpay si Helena sa halos lahat ng larangan. Isa lang ang hindi niya nagawang pagtagumpayan. Ang usapin ng kan'yang puso, na nalinlang ng lalaking pinagtiwalaan niya. Iniwan siya nitong nagdadalangtao. Pero hindi papayag si Helena na malugmok siya sa kabiguan lalo at magiging dahilan iyon ng kamatayan ng lola niya. Humanap siya ng lalaking mananagot sa kalagayan niya. Kahit bayaran niya ito ng malaking halaga. At iyon ay si Markus Angeles. Isa sa kan'yang ordinaryong empleyado lamang. Si Markus na tinanggap ang alok ni Helena hindi dahil nasilaw siya sa kaginhawahang inalok nito kun'di dahil sa dahilang matagal niya nang minamahal ang babaeng amo. Nagsama sila sa iisang bubong. Hanggang isang araw, natuklasan ni Helena na umiibig na rin pala siya kay Markus lalo at natuklasan niya na hindi siya nagkamali ng pagpili rito. Ngunit hindi nila iyon mabibigyan ng katuparan. May bumalik at dumating na hadlang. Pilit na hahadlang sa kaligayahan nila ang unang pag-ibig ni Helena. At may nakahanda ring sumilo sa puso ni Markus. Sa huli, mananaig ang pag-ibig nila sa bawat isa. At iyon ang magsisilbi nilang kalasag laban sa mga hadlang na pilit pinaglalayo ang kanilang mga puso.
Romance
106.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Governor's Identity

The Governor's Identity

Sa ilang taon na panunungkulan ni Laxon Ace Montemayor bilang Governor ay malaki na ang naitulong niya sa lalawigan ng Laguna lalo na ang mga tagong lugar at hindi nabibigyang pansin ng ibang nasasakupan. Sa dami ng death threats, kaaway, kalaban niya sa loob ng pulitika ay hindi niya ito pinapansin at binibigyang oras. Para sa kanya ay unti-unti rin itong mawawala at mananawa ang ibang taong gusto siyang mawala. Sa loob ng ilang taon niyang pagtutok para sa bayan at sa tingin niya ay tahimik na uli ang mundo at puso niya pero muli itong naging magulo nang makita niya ulit ang babaeng umalis sa tabi niya limang taon na ang nakalipas. Walang iba kundi ang babaeng minahal niya, si Alira Rain Gonzales. Ang babaeng iniwan siya limang taon ang nakalipas.
Romance
5.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
LOVE AFTER LUST (FILIPINO)

LOVE AFTER LUST (FILIPINO)

Isang call girl si Frances. Hindi niya iyon ikinahiya sa maraming tao dahil alam niyang doon siya kumukuha ng kaniyang pantustos sa kaniyang araw-araw na pangangailangan. Bagaman sa sex at pera lang din naman ang umiikot ang buhay niya. Pero isang araw na may tumawag sa kaniyang Amerikano na nagngangalang Jony. Para sa isang gabi, paparausan siya nito, isang malaking halaga ang ibabayad nito. Hindi na nagpakipot si Frances. Pera at sex lang ang nasa isip niya at iyon ang kagustuhan niya. Bagaman, hindi niya alam na dahil sa kliyente niyang si Jony, unti-unting nagbago ang kaniyang buhay. Jony is a clingy, sweet, annoying, and wild. Ito rin ang dahilan kung bakit nalilito na siya sa kaniyang sarili dahil ang sabi nito, ito ay ang kaniyang asawa. Gayunpaman, hindi siya naniniwala. Lalo pa ay wala naman siyang naalala na naikasal siya sa isang Jony Guevara.
Romance
105.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Attorney's Revenge

The Attorney's Revenge

Dahil sa mapait na nakaraan kaya naging isang ganap na abogado si Ava Dizon. Ito ang susi para sa matagal niya nang minimithi. Ang makuha ang hustisya sa pagkamatay ng Papa niya labing-apat na taon na ang nakakaraan. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay magtatagpo ang landas nila ni Blaze Li para bigyan siya ng magandang alok na tiyak niyang hindi palalampasin nang katulad ni Ava. Paano maisasakatuparan ng isang abogado ang kagustuhan nitong maghiganti kung may bagay na siyang pumipigil sa kanya na gawin iyon? Si Blaze Li pala ay anak ng pamilyang involve sa kaso ng Papa ng dalaga. Ang tulad ba ni Blaze Li ang makakapagpabago sa isip niya o siyang tutulak din sa kanya sa buhay na hindi maganda? “I am a top surgeon in this country. Saan ka man pumunta sa akin ka pa rin nila irerekomenda. Accept my offer and you’ll live longer.” - Axl Blaze Li
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Revenge of the Billionaire

Revenge of the Billionaire

Si Evren Morales, mabait at masipag, ngunit dahil sa kahirapan, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Nagtrabaho siya para kumita ng pera at para na rin sa kaniyang ina. Ngunit pinagbintangan siya sa kasalanang 'di naman niya ginawa. Habang nasa kulungan nakilala niya ang isang matandang lalaki, nalaman nito na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, kaya tinulungan at tinuruan siya nito. Dumating ang araw ng paglaya nito, kaya nangako ito kay Evren na tutulungan nito ang binata na makalaya. Isang buwan ang nakalipas, tulad ng pangako ng matanda tinulungan nito si Evren na makalaya, gamit ang pera at sa tulong ng mga matataas na kakilala nito. Sa tulong ni Don Ronaldo, malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Evren, siya'y naging makisig, guwapo at may pinag-aralan. Upang malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng dating amo, muli itong pina-imbestigahan ng binata. Doon niya nalaman na planado ang kaniyang pagkakakulong at laking gulat niya ng malaman kung sino ang may pakana. Kaya naman nais niyang maghiganti, sa tulong ni Don Ronaldo, ibinigay sa kaniya ang isa sa mga negosyo nito. Pinalitan din niya ang kaniyang pangalan at ipinaiilala sa publiko bilang si Calvin Del Fierro. CEO nang isang sikat na magazine, ang CDF magazines. Ngunit paano niya gagawin ang balak kung ang asawa ng tao na kaniyang paghihigantihan ay asawa na ng dati niyang kasintahan. Magawa ba niyang maghiganti, kung malalaman niya na mahal pa rin siya nito?
Romance
5.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Quest for Love

My Quest for Love

Megan Reyes, M.D., ang doktorang tanga. Tanga dahil nagpabuntis siya! Dapat bilang isang doktora ay alam niya kung paano at kailan ito mabubuntis. Pagkapasa sa Medical Board Examination ay nagkaroon ito ng one night stand with Robert, her first and only boyfriend na nagmula sa isang mayamang angkan. After two months, nalaman niyang buntis siya. Dahil dito nilait-lait siya at pinagbintangang gold-digger ng mga matapobreng magulang ni Robert. Pinalayas naman siya sa bahay ng sarili niyang mga magulang dahil sa kahihiyan sa pagiging isang dalagang-ina. Si Robert? Iniwan siya sa ere. Biglang gumuho ang mundo ni Megan kung kaya't nagpasya siyang magpakalayu-layo. Ang kahihiyang tinamo ni Megan ay nagdulot ng matinding galit sa kanyang puso. Subalit tulad ng isang Phoenix who built a nest and set itself on fire, a new Phoenix would rise from the ashes. Babangon ang bagong Megan. Pain had changed her life. Pagkaraan ng pitong taon nagpasya siyang bumalik sa Pilipinas kasama ang anak. Lingid sa galit, naghahari pa rin ang pagmamahal sa kanyang puso kahit siya ay nasasaktan. Sapat na ba ang magmahal? Di ba dapat mahal ka rin ng minamahal mo? Mahanap pa kaya ni Megan ang minimithi niyang pag-ibig?
Romance
104.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status