Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Contract and Marriage

Contract and Marriage

Si Sarina ay isang probinsyanang nurse na mas pinili ang maging private nurse dahil na rin sa laki ng sahod kay Maximus Lardizabal. Isang kilalang negosyante sa bansa at playboy na rin. Mayroon siyang kasintahan ngunit mahilig pa rin siya sa babae. Nang maaksidente ito sa ibang bansa at bumalik ng Pilipinas ay bulag na ito at nakatali na sa wheelchair na naging dahilan upang tuluyan na siyang iwan ng kasintahan. Samantalang bigla na lang nag-offer ang binata sa dalaga na hindi mapaniwalaan ni Sarina at mabilis niyang tinanggihan. Ngunit dahil na rin sa pangangailangan ng pamilya niya ay nagbago din ang kanyang isip at pumayag na maging parausan ni Maximus sa loob ng isang taon sa halagang 10 milyon. Ang hindi alam ng dalaga ay may mga iba pang kasunduang kalakip ang kontrata nila at sa pagsasama nila ay malalaman niya ang lihim na itinatago ng binata.
Romance
9.91.6M viewsOngoing
Show Reviews (116)
Read
Add to library
Gracie Ollagan
This story is somewhat very realistic and true to life. The character's role were very intense. You will feel mix emotions while reading as if you are just part of the story looking at these characters right here. I recommend this story as it is full of life and a bit of comedy. Not for young adults
MysterRyght
Marami pong salamat sa inyong patuloy na pagsuporta. Sana po ay makasama ko po kayo sa aking writing journey. Sa mga likes, comment, gem votes, ratings at lalo po sa gift-share. Sobrang thank you po sa inyo. I will pray na lagi po kayong pagpalain at samahan ng Panginoon sa bawat araw. God bless us!
Read All Reviews
BURNING MIDNIGHT WITH UNCLE (SPG)

BURNING MIDNIGHT WITH UNCLE (SPG)

Walang ibang taong naging sandigan si Sapphire mula pagkabata kundi ang kanyang Uncle Ares—ang lalaking kinupkop ng kanyang mga lolo’t lola bilang sariling anak. Tahimik, responsable, at palaging nariyan tuwing kailangan niya ng karamay. Sa tagal ng pagkakasama nila, hindi niya namalayang unti-unti na pala siyang naaakit sa misteryosong tikas nito. Kaya nang mawalan siya ng magulang sa London, agad siyang umuwi sa Pilipinas at nanirahan sa piling ng tanging taong pinaniniwalaan niyang tunay na ligtas siya... kahit pa ang puso niya ay nalilito. Bago pa man siya umalis ng London, pinangako niya sa sarili na ililibing na niya ang damdaming iyon. Hindi sila magkadugo, pero si Ares na lang ang natitirang pamilya niya. Pero paano kung malaman niyang matagal na rin pala siyang pinagnanasaan ng lalaking tinitingala niya? Can she hold on to her morals, or will she give in to the fire—and cross the line she swore never to touch?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S LUCKIEST WIFE

THE BILLIONAIRE'S LUCKIEST WIFE

Sa araw ng kanilang blind date. Lucky Jeanne Harry got  married to a stranger. Ang buong akala niya na magkakaroon sila na magkasama na may respeto at simpleng buhay pagkatapos ng kasal, pero hindi niya inakala that her husband was a sticky person. Ang ikinagulat pa niya nang husto, kapag may problema si Lucky na kinakaharap, siya ay lalapit at lahat ng problema niya ay malulutas. Kapag tinanong siya niya kung bakit, he always said that he was lucky.  Hanggang isang araw, nanonood si Lucky  ng interview tungkol sa pinakamayamang tao sa Pilipinas na kung saan famous for spoiling his wife. Nagulat si Lucky na makita  niya that the richest man ay kamukha mismo ng kanyang asawa. He spoiled his wife like crazy, and the one he spoiled, walang iba kundi si Lucky. Ma swerte nga ba si Lucky o may kapalit ang lahat?  
Romance
1036.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
Romance
10356 viewsOngoing
Read
Add to library
Wanted Not Perfect Daddy

Wanted Not Perfect Daddy

Queenregina1994
Pinauwi sa pilipinas si Cassandra Monteverde ng kaniyang lolo dahil sa isang masamang balita, hindi siya nakapaghanda sa magiging buhay niya doon. Nag-iisa siyang apo nito kaya halos ikulong siya nito sa mansiyon, idagdag pa ang bodyguard niyang si Alejandro na grabe makabantay sa kaniya. Hindi niya alam ang gagawin lalo pa't istrikto din ito. Pero sa pagdaan ng panahon, hindi na niya namalayan na nagkakagusto na pala siya sa bodyguard niya, it's impossible! Pero paano nga ba niya pipigilan ang pagtingin niya kay Alejandro kung nasa iisang bahay lang sila?
Romance
103.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Newspaper Magnet

Newspaper Magnet

Aileen NaragGoodgirl
Kilala bilang isa sa pinakasikat na Modelo si Averi Gonzales sa maraming panig ng mundo. At umuwi sya ng Pilipinas para magbakasyon, lumayo saglit sa stress sa trabaho. Maayos na sana ang lahat at tahimik ang pagbabakasyon nya pero nasira ito nang may mabasang artikulo sa Newspaper na nakakasira sa kanyang imahe bilang Modelo. Kaya walang pagdadalawang isip nyang pinuntahan ang Newspaper Company at sinugod ang CEO nito na si Color Benitez. Will they survive a love and hate relationship? Is Averi going to give up especially hee modelling career for a woman like Color? Will she regret it after? Is Color will change and become a good person for Aver?
LGBTQ+
1013.8K viewsOngoing
Read
Add to library
TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!

TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!

Limang taon. Ang akala ni Agatha ay makakaya ng panahon para umibig din sa kanya si Noah, pero sa paglipas ng limang taon na kasal siya dito ay hindi nagbago ang pagtingin nito sa kanya. Naghintay siya, ngunit dumating na sa puntong hindi na niya kaya, napagod na siya sa paghihintay kay Noah. Sumuko na siya lalo na at bumalik na rin ang babaeng una nitong minahal bago siya nito pinakasalan. Ngunit kung kailang handa na siyang ibigay ang kalayaan nito, kung kailan gusto na niyang makalaya sa kasal nila ay ayaw naman nitong ipawalang bisa ang kanilan kasal. At ang lagi nitong dahilan kung bakit ayaw siya nitong palayain; Isa lang siyang tagapagligtas sa paningin nito at ang kabayaran ng pagliligtas niya sa buhay nito ay ang manatili silang kasal kahit na pareho na silang nasasakal.
Romance
10108 viewsOngoing
Read
Add to library
MY EX-UNCLE OWN ME

MY EX-UNCLE OWN ME

"From now on, you're mine, Zamara." Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ni Zamara Lopez ang mga salitang ito, mula pagkabata hanggang sa siya ay maging ganap na dalaga. Anak siya ng isang simpleng magsasaka, namuhay nang payak, ngunit isang lalaki ang nagpabago sa takbo ng kanyang kapalaran—si Davis Santillian. Dating itinuring niyang tiyuhin, ngayon ay tinatawag niyang "ex-uncle." Ngunit bakit? Ano ang nangyari sa pagitan nila na nagpabago sa kanilang relasyon? Sa edad na 30, si Davis ay isang makapangyarihang negosyante na may madilim na nakaraan, at si Zamara, na ngayo’y 22, ay isang babaeng pilit iniiwasan ang anino ng kanyang nakaraan. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo, hindi na siya bibitawan ni Davis. Isang kwento ng pag-ibig, pag-aari, at mga lihim na pilit itinatago ng nakaraan. Totoo bang may kalayaan si Zamara, o sadyang hindi niya matatakasan ang lalaking minsan niyang itinuring na pamilya?
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion

Castillion Brothers Series 6: Sixth Castillion

She's willing to sacrifice everything for her father's freedom and safety. Kaya niyang suungin ang kahit na anong pagsubok upang maging masaya ang ama kahit ang kapalit niyon ay pagbaba ng kanyang pagkababae. Funny, but she's willing to be a whore para maging malaya ang ama. Ibenta man ang sarili sa kahit na sinong lalaki ay kaya niyang gawin. Her father committed a crime, it was self-defense, pero sa tulad nilang mahirap ay walang maniniwala sa bagay na iyon. Kaya naman ibeninta niya ang sarili sa isang abogadong nangakong tutulungan siya sa kaso ng ama. Handa siyang sikmurain na ipagamit ang katawan para sa kapalit nitong tulong, ngunit dahil sa sariling katangahan ay namali siya ng taong pinagbigyan ng sarili. Nakipagnaig siya sa estranghero na akala niya ay ang attorney. Ang tanging baraha niya para sa kalayaan ng ama ay naglaho na parang bula. Paano na niya maililigtas ang ama gayong ang kanyang kaberhinan ay wala na? And damn her for the second time, Six Castillion is the name of the guy na siya ring pinsan ng amo niya.
Romance
5.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Double Identity Husband

My Double Identity Husband

shesprettyvillain
Izaria Mauve is a sheltered woman and an only daughter of Asuncion family. She is the last heiress so she has to meet her clans expectations. Lumaki siya sa puder ng kanyang lolo na namamalagi sa Japan upang ilayo siya sa mga mata ng mga tao hanggat hindi pa dumadating ang tamang panahon upang siya naman ang mamahala sa malaki nilang kompanya. Bata pa lang kasi ay sakitin na ito. Everyone thought she was kept in a private hospital where no one is allowed to visit. But her grandfather raised her to be a warrior rather than a weak and clueless princess. She spent most of her time in a temple where she learned different types of martial arts and weapons, she was also taught everything about business. Ang inakala nilang musmos at mahina na dalaga ay hindi pala totoong mahina. Pero hindi roon magtatapos ang lahat dahil mababago ang kapalaran ni Izaria nang ipahayag ng kanyang lolo na kinakailangan niyang pakasalan ang isang makapangyarihang tao sa lipunan na nasa Pilipinas upang isalba ang kompanya nilang nasa bingit na ng pagbagsak. Izaria had a second thought but she was convinced to accept it after his grandfather died and was told that that is his last will. Anong klaseng buhay kaya ang naghihintay kay Izaria sa Pilipinas? Maging matagumpay kaya ang mga plano niya upang mabawi ang kompanya nila? Paano kung hindi lang ang pakikipagsapalaran na magpakasal sa taong hindi niya kilala ang problemang dumating sa buhay niya? Paano kung may matuklasan siya na hindi niya dapat malaman?
Romance
106.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1516171819
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status