Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Unwanted Heiress

The Unwanted Heiress

Si Felicia ay isang batang ulila na may pambihirang talino at diskarte. At isang utak kriminal kung tutuusin, pero hindi kailanman ginamit sa kasamaan.  Sa murang edad, naging banta na siya sa kapulisan at naging pakay ng mga pinuno ng kriminal na sindikato. Hangad nilang gamitin ang galing ni Felicia para sa pansariling kapangyarihan. Ngunit isang gabing puno ng panganib ang tuluyang nagbago sa kanyang kapalaran. Iniligtas ni Felicia ang mga anak ng mayaman na biktima ng kidnapping, at hindi niya alam na doon na magbabago ang tadhana ng buhay niya. Tinulungan siya ng isang binatilyo at pinapanggap na apo ng pinakamaimpluwensyang businessman sa boung mundo at nakuha niya ang pansin nang matandang businessman na iyon na matagal nang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na apo. Inampon siya ng matanda at ginawa bilang huwad na tagapagmana. Kahit batid ng matanda ang buong katotohanan, buong puso niya itong tinanggap bilang apo, sa hangaring makaramdam muli ng init ng pamilya bago siya tuluyang mamaalam. Pero hindi ganoon kadali ang buhay sa loob ng mansyon. Ang mga magulang ng nawawalang bata ay malamig at mapanakit. Ang kanyang stepsister, parang ahas na laging handang manira.  Hindi niya ginusto ang lugar na ito, pero pinili niyang manatili, para tuparin ang hiling ng tanging taong naniwala sa kanya. Hangad lang ni Felicia na maging mabuting apo. Pero kailanman ay hindi naging sapat ang kabutihan sa mundong puno ng kasinungalingan at inggit. At sa likod ng bawat ngiti sa mansyon, may mas malalim palang lihim… Isa siyang pamalit.... Pero baka siya rin ang susi sa pagkawasak o pagsalba ng pamilyang ito. At kung aapakan siya ng mga taong dapat ay pamilya niya... Pasensya na lang sila. Hindi siya ang tipo'ng basta na lang magpapatalo. Dahil siya ay si Felicia o nagtatago sa pangalan ni Lucia Moretti. *****
Mafia
1012.1K viewsOngoing
Read
Add to library
SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED

SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED

Aura
Tumibok ang inosenteng puso ni Annabelle sa murang edad na disi-nuebe sa sundalong nadestino sa probinsiya nila—si Lt. Luis Miguel Saavedra. “You look perfect tonight, sweetheart.” Nakangiti ang malamlam na mga mata ng binata na nakatitig kay Annabelle. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakalaylay sa pisngi niya at inipit iyon sa likod ng tainga. “Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo.” Sa kabila ng siyam na taong agwat ng kanilang edad ay naiparamdam nila sa isa’t isa ang kanilang tunay na pagmamahalan. Nanumpa ng pag-ibig na walang hanggan. Ngunit isang hindi inaasahang dagok ang dumating, bunga nito ay ang masaklap na paghihiwalayan. Ngayong nagtagpo silang muli, makakaya kayang harapin ng dalaga ang bagong Miguel? Makakaya niya kayang harapin ang mga titig nitong puno ng pagkasuklam at mapagparusang pakikitungo sa kaniya?  
1013.1K viewsOngoing
Read
Add to library
His Dangerous Desire

His Dangerous Desire

Anim na taon nang tapat sekretarya si Samantha Hernandez ng CEO – pinagkakatiwalaan, iginagalang at itinuturing na rin na parang isang pamilya. Ngunit isang gabing puno ng kapusukan ang siyang nagbago ng lahat. Sa kanyang paglalasing matapos ang hiwalayan sa pagitan ng kanyang nobyo, natagpuan niya ang sarili sa bisig ni Theo Buendia – ang arogante, mapusok at black sheep na kapatid ng CEO. Ang isang pagkakamaling gustong kalimutan ni Samantha ay naging simula ng pagkahumaling ni Theo sa dalaga. Ngayon ay nagbalik na siya…hindi lamang sa buhay ni Samantha kundi pati na rin sa opisinang pinagtatrabahuhan niya, bilang kanyang temporary boss. Gusto niyang kalimutan ang binata ngunit lubos naman ang paghahangad nito sa kanya. At sa kagustuhan niyang takasan ito ay mas lalong nagiging malinaw na ayaw siya nitong pakawalan pa.
Romance
1011.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Love

The Billionaire's Love

EVS
Isang baligtad na mundo, Isang mundong mahirap, walang batas at walang moralidad. Kabilang na rito sa mundong ito si Alice Armani, wala siyang ibang iniisip kundi ang magkapera at maka alis sa kaniyang kahirapan na dinaranas. Sa kabilang mundo naman, ay puno ito ng kasaganaan sa pamumuhay, kahalagahan sa isang bansa, mayroong batas at pinuno. Namumuhay dito si Mark Liam Reed, isang binatang ipinanganak na Bilyonaryo, gwapo at maluho sa buhay. Hanggang sa ipinagtagpo sila ng tadhana, sa taglay na kagandahan at alindog ng katawan ni Alice ay nabihag nito ang puso ni Liam. Paano kung malaman ni Liam ang lihim ng dalaga o intensyon? Tatanggapin ba siya ng binata o kamumuhian? Paano kung may mga pusong biglang tumibok sa pagmamahal at naiba ang pananaw sa buhay? Kaya bang kalimutan ni Alice si Liam o pipiliin na lamang niya ang buhay na kinagisnan?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Si Léa ay namumuhay ng mapayapa kasama si Thomas, isang mahinahon at predictable na lalaki na kanyang pakakasalan. Ngunit ang hindi inaasahang pagbabalik ni Nathan, ang kanyang kambal na kapatid na may nakakamanghang alindog at malayang kaluluwa, ay nagpapabagsak sa kanyang maayos na mundo. Sa isang salu-salo na inihanda para sa kanya, si Nathan ay pumasok nang may kapansin-pansin na presensya at sa puso ni Léa, isang bitak ang nagbukas. Ang kanyang nag-aapoy na tingin, ang kanyang mga salitang puno ng pagnanasa, ang kanyang paraan ng pamumuhay na walang hangganan… lahat sa kanya ay naguguluhan at hindi maiiwasang humahatak sa kanya. Sa pagitan ng rasyonalidad at pagnanasa, katapatan at tukso, si Léa ay naguguluhan. At kung ang tunay na pag-ibig ay hindi matatagpuan sa lugar na palagi niyang inisip? Kapag ang dalawang puso ay tumitibok sa hindi pagkakasabay… aling dapat pakinggan?
Romance
505 viewsOngoing
Read
Add to library
The World of A Marriage Life

The World of A Marriage Life

Walang mapagsidlan ng saya ang puso ni Nieves Solanna o mas kilala sa pangalan na Snow nang maikasal siya sa pinakamamahal niyang lalaki na si Dalton Travis Donavan. Simula pagkabata ay wala na siyang ibang hiniling at pinangarap pa kundi ang maikasal kay Dalton. Anak ito ng Tito Gilbert niya, isa sa mga matalik na kaibigan ng Papa niya at nang marinig niya na hinihingi nito ang kanyang kamay para sa isang kasal ay walang pag-aalinlangan siyang pumayag. Kahit na alam niyang ang tanging dahilan lamang nito ay para sa family business nila. Forced into a marriage to merge their family business, Dalton Travis Donavan found himself falling in love with his wife. Mabait, mapagmahal at maalaga ang kanyang naging asawa kaya naging madali para sa kanya na masuklian ang pagmamahal na ibinibigay ni Snow sa kanya. Pero kakasimula pa lang nilang dalawang mag-asawa nang muling bumalik ng bansa ang isang babaeng minsan na rin niyang minahal. Walang iba kundi si Samantha Perez. Tinukso at inakit nang dating kasintahan kaya nagawa niyang pagtaksilan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin at tanggapin siya. "NILOKO MO AKO! AKO NA WALANG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAHALIN KA! IKAW ANG UNANG SUMIRA SA PAGSASAMA NATING DALAWA! ANG SAKIT NA IBINIGAY MO SA AKIN ANG SIYANG NAGING DAHILAN PARA KAMUHIAN AT GANTIHAN KITA!" malakas na sigaw ni Snow sa asawang si Dalton habang puno ng mga luha ang kanyang buong mukha. "Oo, inaamin kong nagkamali ako. Pero hindi sapat 'yon para gantihan mo ako, Snow! Nag-iba ka na, at alam kong ako ang may kasalanan sa lahat nang ito," puno ng pait na sagot ni Dalton. Kaya pa kayang ibalik muli ang dating matamis na pagmamahalan? Kung nakaukit na sa buong puso at utak nila ang sakit at pagtataksil sa isa't isa.
Romance
10824 viewsOngoing
Read
Add to library
His Circus

His Circus

Remnis Luz
Maagang namulat si Luke Delval sa makamundong pamumuhay, natutunan niyang gamitin ang kaalamang ito upang makuha ang lahat ng kanyang ninanais at makaganti sa mga ginawa ng kanyang ama sa kanilang pamilya. Sapat na sa kanya ang lahat ng iyon hanggang makasisiguro siyang masaya. Isang madilim na nakaraang ang pilit tinatakasan ni Fryeja Abigail Salazar, dulot na rin ng kawalang hiyaan ng kanyang ama. Dumating sa puntong tinaguan niya na ito para lang wag ng madamay pa, ngunit tila para bang nanadya ang tadhana dahil ang sekretong pinaka iingatan niya ay sumusunod pa rin sa kanya. Kaya ng magtagpo ang landas ni Luke Delval at Freyja Abigail Salazar, tila naging puno ng kaguluhan ang ginagalawan nilang mundo dulot na rin ng mga kanya kanyang pagkakamali.
Romance
1.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Maddening Desires

Maddening Desires

VANILLARIOT
Jorge Czar Desjardin, isang Mafia Don ng isa sa pinaka matayog na organisasyon sa Pilipinas. Cold, Serious and Deadly. Ngunit sa kabila ng lahat ng katanyagan nito sa larangan ay iisa ang tanging hinahangad niya at iyon ay ang malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng kanyang Ina. Jacintha Yza Desjardin, ampon ng mga Desjardin, isang matapang na babae, na hindi maalala ang kanyang nakaraan na kusang binura ng kanyang isipan. Feisty, Brave and Driven. Walang ibang nais kundi ang makawala sa mundo na puno ng p*tayan at bumuo ng pamilyang maituturing niyang kanya. Kaya ng mangyari ang mga di inaasahan at nagulo ang kanilang nakasanayan; ay wala na silang takas sa tensyong kanilang nararamdaman, kahit pa tingin nila ito ay kabaliwan. MEN OF POWER SERIES [ 1/5 ]
Romance
1.1K viewsCompleted
Read
Add to library
WHITE SCORPION'S SECRET

WHITE SCORPION'S SECRET

Yohann Z
Isang malaking sekreto ang natuklasan ng kilalang Agent Agency ng Pilipinas, na Secret Files Office. They are after someone, who keeps the universal disk. Ang huli ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa nuclear weapons ng iba't-ibang bansa. At para maprotektahan ang taong may hawak nito, kailangan nila ng magagaling na Agent na magbabantay nito. Subalit isang civilian, na si Arsenia Ruiz, ang madadawit sa pangalan ng taong nakakaalam ng sekreto ng Universal Disk. Na siya din ang dahilan para mahimasukan ng isang pulis na si Drix Adams. Sa mundo na puno ng sekreto at katanungan, matutuklasan kaya ni Arsenia, at Drix, ang sekretong pilit tinatago?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
REVENGE OF AN ANGEL

REVENGE OF AN ANGEL

Si Angelyca Eunice Monteverde ay isang old fashion lady, may makapal na salamin sa mga mata at palaging nakapusod ang mahabang buhok. Solong anak siya at lumaking halos ang yaya lamang nito ang kasa-kasama sa bahay dahil palaging abala ang mga magulang sa kanilang negosyo. Nakilala si Harry Clyde Romualdez. Anak ng business partner ng kaniyang mga magulang. Noong una ay puno lamang ng pagtataka ang kaniyang nasa isip dahil may mga tanong ang mga magulang nila tungkol sa kani-kanilang estado pagdating Habang tumatagal ay naging magkaibigan sina Clyde at Angel. Nakilala ng dalaga ang lalaki na noon ay mayroon pa lang nobya—si Kyla. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nakipaghiwalay si Clyde rito. Nang ganap na maging malaya ay kaagad na pinormahan at niligawan nito si Angel na noon ay may lihim nang pagkakagusto rito. Ayaw pa nga nito aminin nung una pero dahil sa napansin ng kaniyang bestfriend na si Trisha ang bawat reaksyon ni Angel, na sa tuwing magkikita at magkakausap ang dalawa ay napagtanto nilang nahuhulog na nga ito rito. Naging sila pero maraming hadlang. Isa roon ang katotohanang dati pa lang magkasintahan sina Clyde at Trisha na piniling ilihim na lang ito kay Angel. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Si Loisha ay hindi sinasadyang narinig ang pinag-uusapan ng dalawa kaya nakahanap ito ng ibubutas para magkahiwalay sina Angel at Clyde. Nagtagumpay ito dahil labis na nasaktan ang dalaga lalo na nang malaman nitong naghalikan sina Clyde at Loisha noong araw na makipaghiwalay ito rito. Mapapatawaba ito ni Angel? Ano ang mangyayari sa kanilang dalawa gayong puno ng galit ang puso ng dalaga para sa Clyde?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1415161718
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status