Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)

Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)

Secrets, seduction, and the darkness within. Sa likod ng bawat halik at yakap, may mga kwentong hindi sinasabi—mga lihim na naglalantad ng tunay na kahulugan ng pagnanasa at kapangyarihan. Ang Lustful Series ay koleksyon ng iba’t ibang kwento ng pag-ibig, kasakiman, at panganib—mga kwentong magpaparamdam ng init, gigil, at kilabot sa bawat pahina. Mula sa mga relasyong bawal, hanggang sa mga damdaming hindi maamin, at sa mga lihim na kayang sumira o magligtas ng buhay—ihanda ang sarili sa seryeng puno ng tensyon, tukso, at misteryo. Sa mundo ng Lustful Series, walang kasiguraduhan kung saan hahantong ang bawat uhaw na puso.
Romance
1015.1K viewsOngoing
Read
Add to library
A Deal with the Devil: My Mafia Husband

A Deal with the Devil: My Mafia Husband

Coleen Santos had it all—successful career, luxury lifestyle, and a dream wedding. Pero isang iglap, gumuho ang mundo niya. Nahuli niya ang fiancé niyang si James Martinez sa pagtataksil, kaya tinakasan niya ang sakit sa bisig ng isang estranghero—si Gregory Alvarez. Isang misteryoso, dominante, at may madilim na lihim, si Gregory ay higit pa sa isang mapusok na distraction. He’s dangerous, powerful, and out for revenge—at ang target? Ang pamilya ni Coleen. Pero paano kung sa gitna ng kasinungalingan at paghihiganti, isang hindi inaasahang koneksyon ang magtali sa kanila? Love or vengeance? Sa isang larong puno ng panlilinlang, kailan nagiging sapat ang pag-ibig para kalimutan ang lahat?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Principal's Affair

The Principal's Affair

"Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay kay Isabella Zamora at Rafael Luis D. Grafton isang estranghero na hindi niya inakalang muling makakatagpo. Dapat ay isang lihim lang iyon, isang pagkakamaling dapat kalimutan. Ngunit sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas—hindi bilang magkaibigan, kundi bilang guro at prinsipal—mabubunyag ang isang lihim na matagal nang itinago. Sa gitna ng pag-iwas at pagkakaila, magagawa ba nilang talikuran ang nakaraan? O ang tadhana mismo ang pipilit sa kanilang harapin ito?"
Romance
109.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Noong Gumuho Ang Lahat

Noong Gumuho Ang Lahat

Anibersaryo ng kasal namin nang mag-post ang high school sweetheart ng asawa ko ng sonogram picture sa kanyang social media, na may caption na public thank-you sa asawa ko: [Salamat sa lalaking nandiyan para sa akin sa loob ng sampung taon, at sa pagbibigay sa akin ng anak.] Umikot ang kwarto, at namuo ang galit sa akin habang mabilis akong nagkomento: [So, proud ka sa pagiging homewrecker?] Halos kaagad, tumawag ang asawa ko, puno ng galit ang boses. "Paano mo nagawa na mag isip ng nakakasuklam na bagay? Ang ginawa ko lang ay tulungan siya sa IVF, natupad ang pangarap niyang maging single mom.” "At oo nga pala, kailangan lang ni Ruby ng isang subok para mabuntis, habang ikaw ay may tatlong round ng walang resulta. Walang kwenta ang katawan mo!" Tatlong araw lang ang nakalipas, sinabi niya sa akin na pupunta siya sa ibang bansa para sa negosyo—hindi pinapansin ang aking mga tawag at mensahe sa buong panahon. Akala ko busy lang siya. Gayunpaman, sa huli ay kasama niya pala si Ruby, dumadalo sa prenatal checkup nito. Makalipas ang kalahating oras, muling nag-post si Ruby, na ipinakita ang isang mesa na puno ng masasarap na pagkain. [Nagsawa ako sa French food, kaya ginawa ni Ash ang lahat ng paborito kong pagkain. The best talaga siya!] Napatitig ako sa pregnancy test sa kamay ko, ang saya na naramdaman ko kanina, ngayon ay tuluyan ng nawala. Matapos ang walong taong pag-ibig at anim na taon ng paglunok ng aking pride para lang manatiling buhay ang kasal, sa wakas ay handa na akong bumitaw.
Short Story · Romance
1.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Marry Him At The Age Of Eighteen

Marry Him At The Age Of Eighteen

Hindi naisip ni Charlotte na sa edad na labing-walo ay magkakaroon agad siya ng asawa— lalo na sa kaibigan ng kanyang kapatid, ang seryoso at mapalinlang na si Elijah. Sa isang gabi na puno ng tensyon at luha, nauwi ang lahat sa kasal. Matatali si Charlotte sa lalaking hindi pa niya lubos na kilala kahit pa kaibigan ito ng kanyang kuya. Sa pagsasama ng dalawa maraming lihim si Elijah na mabubunyag, at maging si Charlotte dahil may nabuo sa kanyang sinapupunan. Ngunit ang lahat ay hindi matatahimik dahil sa isang babae na handang gawin ang lahat para lang sa pagmamahal ni Elijah. Magkaroon kaya ng pagbabago habang nagsasama sila, o mauuwi ang lahat sa trahedyang hindi inaasahan ng lahat?
Romance
1035.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Consultant Turned Contracted Wife

Consultant Turned Contracted Wife

Matapos madiskubre ang pagtataksil ng nobyo, si Selena Payne ay nagpakalunod sa alak, isang gabing puno ng pait, galit, at isang hindi inaasahang pagkakamali. Sa ilalim ng impluwensiya ng alak, hindi niya naisip na mauuwi ito sa isang isang-gabing pagnanasa kasama ang isang estranghero. Nagising siyang walang saplot, puno ng marka ng gabing hindi niya matandaan, at may isang pangyayaring hinding-hindi na mababawi. Ang akala niya, madali na lang kalimutan ang lahat at magpatuloy sa buhay. Pero hindi ganoon kadali ang tadhana. Dahil sa isang napakapait na biro ng pagkakataon, ang bagong kliyente niya ay walang iba kundi ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon, Axelius Strathmore, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa. Bilang isang dating consultant, tungkulin ni Selena na tulungan si Axel makahanap ng babaeng pakakasalan. Pero sa isang hindi inaasahang twist, siya mismo ang inalok nito ng kasal. Isang taong kontrata. Isang kasal na walang emosyon, walang pag-ibig, isang pormalidad para sa parehong interes nila. Pagkatapos ng isang taon, pwede na silang maghiwalay, bumalik sa kani-kaniyang buhay na parang walang nangyari. Pero isang lihim ang hindi alam ni Selena. Binago ni Axel ang kontrata. Dahil natuklasan nitong nagdadalang-tao siya. Buo na ang desisyon ni Axel na sa kabila ng walang pag-ibig sa pagitan nila, gagawin niya ang kanyang responsibilidad at aakuin ito. Ang kasinungalingan na sinabi ni Axel ay unti-unting nabago nang mas makilala nila ang isa't isa. May namumuo sa pagitan nila sa paglipas ng araw.
Romance
1031.5K viewsOngoing
Read
Add to library
BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)

BEAUTIFUL BASTARD (EL FRIO QUADRO)

Kapayapaan ang hinahangad ng lahat ng tao sa mundo kabilang na s'ya. Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang mawala sa kan'ya ang inaasam na kalayaan dahil sa isang babae na nagnakaw nito sa kan'ya. Paano n'ya ito iiwasan kung may isang anghel ang nag-uugnay sa kanila? Paano n'ya tatalikuran ang kanilang anak na kahit saang anggulo tingnan ay kamukhang-kamukha n'ya? Paano n'ya haharapin ang bukas ng maayos at masaya kung puno ng poot at galit ang kan'yang puso? Matutunan n'ya kayang mahalin ang babaeng ipinakasal sa kan'ya ng mga magulang?
Romance
10155.3K viewsCompleted
Show Reviews (30)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
sobra!!! grabeh!! ung naranasan ni Audrey...at wla ako iba masisisi Dito kundi Ikaw tres ..sna nagpaalam ka Kay Audrey para di Siya lumuwas Ng manila para hanapin ka..hmp Hindi mo deserve maging ama Kay fifth at Lalo dimo deserve Ng second chance tres hmp..wag ka marupok Ms Author panindigan mo Yan
Oliva Villaverde Marquez
sobrang naawa ako kay Audrey pagluwas ng Manila tapos makikita nya si Tres na may nilalanding ibang babae. deserve mo yan tres na mag suffer ka sa ginawa mo kay Audrey. nadala mo ako miss author umiiyak ako habang nagbabasa.
Read All Reviews
Our Forbidden Desires [FILIPINO VERSION]

Our Forbidden Desires [FILIPINO VERSION]

celestialhope
Sinubukan ni Samantha Hudson na kalimutan ang lalaking nakasama niya sa isang gabing pakikipagtalik noong gabi na ginugol niya sa pagpapalasing sa isang club upang makalimutan kung gaano siya nagagalit na malaman na ikakasal ang kanyang ina sa ibang lalaki. Ngunit nagsimulang maging komplikado ang lahat simula nang malaman niya na ang kanyang step-brother ay walang iba kundi ang lalaking kumuha ng kanyang pagka-birhen, si Tristan Hilton, isang bilyonaryo na kilala rin sa pagiging playboy sa kanilang lungsod. Paano nila mapipigilan ang bugso ng damdamin na puno ng pagnanasa na kanilang itinatago para sa isa't isa, lalo na at ito'y magiging isang malaking kasalanan?
Romance
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
HOMBRES CALIENTES 3: ELIAS - THE OLD MAID'S DESIRE (SPG)

HOMBRES CALIENTES 3: ELIAS - THE OLD MAID'S DESIRE (SPG)

BLURB: Judge Elias Reid Perez Salviejo; virgin wrecker, innocent hooker. Walang humihindi sa kaniya. He could easily capture every woman's heart regardless of their age because of his cool personality. Pero wala siyang sineseryoso. Para sa kaniya, tama na ang isang gabing puno ng aliw at pantasya. Vhanessa Anne Dizon; old maid at palaging kinakantyawang malapit na sa expiration. Ang masaklap pa, isa siya sa mga babaeng tinaguriang NBSB, o no boyfriend since birth. Hindi sa takot siyang magmahal, ayaw niya lang na maiwan sa bandang huli. Ngunit, nang pagkatuwaan si Vhanessa ng dalawang kaibigan, hindi niya akalaing mahuhulog siya sa kamay ni Elias. Ang lalaking ni sa hinagap ay hindi niya pingarap.
Romance
108.0K viewsCompleted
Read
Add to library
ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

Sa loob ng dalawang taong pagsasama ay puno ng pag-asa si Annie na matututunan rin siyang mahalin ni Lucas ngunit laking pagkakamali niya dahil sa araw mismo ng second anniversary nila ay inabot nito sa kaniya ang divorce agreement. Puno ng sakit at pagkadismaya ay pumayag siya kahit na noong araw sana na iyon ay gusto na niyang sabihin rito na buntis siya, ngunit bigla na lamang namatay ang lolo ni Lucas at hiniling nito na kung pwede ay huwag na lamang silang maghiwalay at ayusin nila ang kanilang pagsasama kaya sinabi niya na susugal siya muli at aasa na baka isang araw ay matutunan na siyang mahalin ni Lucas. Hanggang sa isang araw ay nasangkot siya sa aksidente kung saan ay ang una niyang tinawagan ay si Lucas para magpasaklolo, gusto niyang mabuhay, gusto niyang mabuhay ang mga anak niya. "Iligtas mo ako, iligtas mo ang mga anak natin... " "Tumigil ka! Palagi tayong gumagamit ng proteksiyon! Kaya napakaimposible ng sinasabi mo!" Doon siya nagising sa katotohanan na hanggang sa mga oras na iyon ay walang ibang mahalaga rito kundi ang unang minamahal nito, mas inuna nitong puntahan ito kaysa ang iligtas siya at ang anak nila. Patatawarin niya ba ito sa kabila ng pagkawala ng mga anak niya sa ngalan ng kanilang pagsasama kahit na labis ang pagsisisi nito sa nangyari? O tuluyan na niya na itong palalayain at hahayaang maging masaya sa piling ng pinakamamahal nitong babae?
Romance
9.8604.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1213141516
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status