Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Owned by His name

Owned by His name

Isang pirma. Isang apelyido. Isang kasunduang tuluyang babago sa buhay ni Celestine Ramirez. Walang kaalam-alam sa galaw ng mga makapangyarihang tao, napilitang pumayag si Celestine sa isang kasal na hindi niya ginusto—isang papel na dapat sanang gampanan ng kapatid niyang tumakas sa responsibilidad. Ang lalaking pinakasalan niya? Si Lucas Arguelles Sevllia. CEO ng Arguelles Holdings. Kilalang malamig, walang puso, at kayang pabagsakin ang sinumang hindi sumunod sa kanya. Akala ni Celestine, tatlong buwan lang ang lahat—hanggang makansela ang kontrata. Pero paano kung ang lalaking walang pakialam ay unti-unting nagiging protektibo, mapagmasid, at... mapagmahal? At paano kung sa likod ng tahimik nitong pagkilos, ay ang matagal nang lihim—na hindi aksidente ang pagkakapili sa kanya? "Hangga’t dala mo ang apelyido ko, akin ka," bulong ni Locas sa kanyang tainga. "At hindi ko hayaan na maagaw ka ninuman." Pero sa mundong puno ng lihim, kasinungalingan, at makakalaya pa ba siya sa isang pangalang hindi niya pinili… ngunit minahal na niya?
Romance
633 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Let Me Be The One

Let Me Be The One

Si Kassandra Celestine Gomez o mas kilala bilang Cassie ay isang dalagang puno ng pangarap. Hindi man nila natitikman ang karangyaan ng buhay, busog na busog naman siya sa pagmamahal at magandang asal na itinuturo palagi sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Walang ibang ginawa si Andra kundi ang mag-aral at magtrabaho upang makatulong sa kaniyang pamilya. Hanggang sa dumating ang araw na ha hindi inaasahan ni Cassie na magbabago sa buhay niya. Nakilala niya ang masungit na engineering student na si Jeremiah Nite Sanchez. Sa unang pagkakataon ay naranasan niyang umibig. Tila kampi pa sa kaniya ang tadhana at hinayaan nitong maranasan kung paano mahalin ng kaniyang minamahal. Ang kanilang mga araw ay napupuno ng mga bahaghari at mga paro-paru ngunit lahat ng ito’y natuldukan dahil sa isang pagkakamali. Ano nga ba ang sukatan ng totoong pagmahahal? Ano ang gagawin kung hindi pa nga nag-uumpisa ang laban ay talo ka na? Paano mo masasabing siya’y mahal mo talaga? Itatama pa ba o tama na?
YA/TEEN
2.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Trapped by a Dangerous Billionaire's Love

Trapped by a Dangerous Billionaire's Love

"Isang pirma sa kontrata… Isang kasunduan sa demonyo… Isang pag-ibig na parang bitag." Para kay Ava Castillo, ang kasal sa isang kontrata kay Dominic Velasco—isang bilyonaryong kilala sa pagiging malupit at walang puso—ay isang hakbang papunta sa gantimpala… o kapahamakan. Wala siyang ibang choice kundi tanggapin ang alok niya, pero hindi lang si Dominic ang may lihim—Ava has her own revenge to take. Pero hindi niya inaasahan kung gaano kalalim ang obsession ng lalaki sa kanya. Hindi lang kasal ang gusto nito. Gusto siyang ariin isip, katawan, at kaluluwa. Habang unti-unting lumalantad ang mga madidilim na sikreto, hindi na alam ni Ava kung sino ang tunay na biktima. Siya ba ang nagtratraydor o siya ang naloloko? Sa larong ito kung saan pag-ibig ang armas, tiwala ang pinakamapanganib, at ang pagnanasa ay lason, sino ang tuluyang mabibitag? Isang intense na billionaire romance na puno ng mind games, revenge, at isang obsessive na pagmamahal na maaaring sumira o magligtas sa kanila.
Romance
10910 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Bastard Billionaire

The Bastard Billionaire

Anne_belle
Aira Jen Villanueva, Mula sa angkan ng mga Villanueva na kilala sa mga iba't ibang businesses. Matalino, maganda at madiskarteng babae. Nagkaroon ng sariling business sa murang edad ngunit kahit kailangan ay hindi naging proud ang kaniyang mga magulang sa kaniya. Ano kaya ang mangyayari kung magtatagpo ang landas nila Ni Miguel Ice? Miguel Ice Ferrer-Santiago ang isang mapagmahal na Anak, matalino at masunuring bata. Lahat gagawin para sa kaniyang Ina dahil magisa lamang siya nitong tinaguyod sa buhay. Puno siya ng pagmamahal mula sa kaniyang Ina. Anong mangyayari kung dumating ang kaniyang Ama para paglayuin sila ng kaniyang ina ngunit mapapalapit naman sa taong minahal niya kahit sa sandaling panahon. He's First Love. First in everything. Paano nila ipaglalaban ang kanilang pagibig kung mayroon gigitna sa kanila at handang gawin ang lahat malimutan lamang nila ang isa't isa. Paano aayon ang mundo sa kanilang dalawa? Paano nila ipaglalaban ang taong kanilang minamahal ? Ano kaya nilang isakripisyo sa pagibig at pamilya? A bastard man is always a bastard ? Or a bastard but not consider as one. This is Bastad Billionaire written by Anne_belle
Romance
103.7K DibacaTamat
Tampilkan Ulasan (7)
Baca
Tambahkan
Anne_belle
Dear Readers, This is my First complete story. Medyo flop ito pero i promise next time i am going to write a good one. Madaming error, typo at mga unapprociate words. Sana nabigyan ko ng Justice ang Lovestory ni Miguel Ice Javier and Aira Jane Villanueva. Thankyou so Much gn and readers...
itsmeaze
Na hooked talaga ako sa prologue and first 2 chapters ng story. Parang pocket book ang datingan haha. Siguro po ay kailangan lang iimprove ang pag gamit ng punctuation marks. But all in all, goods po s'ya—kaya nga rin inadd ko sa library ko hehe. Keep it up Ms. A. Keep on writing!
Baca Semua Ulasan
Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy

Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy

Nakakulong sa isang kasal na puno ng takot at kontrol, alam ni Calista "Cali" Montenegro na hindi siya basta-basta makakatakas kay Devin Vasquez—isang lalaking sabik sa kapangyarihan at hinding-hindi siya pakakawalan. Matagal na niyang tinitiis ang kalupitan nito, iniisip na wala na siyang ibang pagpipilian. Pero nang magdesisyon siyang maghain ng diborsyo, natuklasan niya ang isang masakit na katotohanan—hindi siya basta-basta palalayain ni Devin nang walang laban. Doon dumating si Lewis Alcaraz. Mapanlinlang, makapangyarihan, at ang taong pinaka-kinaiinisan ni Devin. Inalok niya si Cali ng proteksyong matagal na niyang hinahanap. Pero ang tulong na ito ay may kapalit—isang kasunduang magdudugtong sa kanilang dalawa sa paraang hindi niya inaasahan. Habang ang takot at galit ni Cali ay tuluyang nagtulak sa kanya na lumaban, natagpuan niya ang sarili sa mas kumplikadong sitwasyon kasama si Lewis. Ngunit sa kabila ng panganib, ang pag-aalaga at kapanatagang ibinibigay nito ang muling nagbigay sa kanya ng pag-asa sa pag-ibig. Sa laban ng kapangyarihan, pagnanasa, at pagtataksil—sino ang pipiliin ni Cali? Ang asawang gagawin ang lahat para maangkin siyang muli, o ang lalaking gumugulo sa kanyang isipan at puso?
Romance
2.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The President's Duty Bride

The President's Duty Bride

Isang gabi ng kasalanan. Isang lihim na pagbubuntis. At isang lalaking hindi niya kailanman inaakalang kailangang harapin muli. Wala sa plano ni Evelyn Ramirez ang mahulog sa tukso habang nasa isang Mediterranean resort. Isang gabi lang ‘yon—isang gabing puno ng init, paglimos ng kalayaan, at pagkalimot sa mundo. Walang pormal na pagkakakilala. Walang pangako. Isang lihim na dapat kalimutan. Pero pagbalik niya sa Maynila, isang dalawang linya sa pregnancy test ang gumising sa bangungot. At ang lalaking responsable? Si Cassian Alcott—isang half-British, half-Filipino heir ng isang makapangyarihang pamilya at, sa hindi niya alam na kapalaran, ang may-ari ng studio kung saan siya nagtatrabaho. Evelyn wants to run. Pero sa piling ni Cassian, walang ligtas na taguan. Hindi siya ang tipong pinapaalis ng isang lalaki tulad nito—lalong hindi kapag may nakataya na. “Marry me,” bulong ni Cassian. “Not because I have to… but because I won’t let you go through this alone.” Sa mundo ng yaman, intriga, at mapanirang bulung-bulungan, paano pipiliin ni Evelyn ang sarili… kung ang puso niya ay unti-unting nahuhulog sa lalaking dapat sana’y isang gabi lang sa kan’yang buhay?
Romance
10532 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Mayor's Contract Wife

The Mayor's Contract Wife

Isang matapang na dalagang negosyante si Ysabella Cruz na handang gawin ang lahat para mailigtas ang pamilya nila sa pagkakautang—kahit pa ang kapalit ay isang kasunduang kasal. Ang catch? Ang lalaking papakasalan niya ay si Mayor Alaric Dela Vega—bata, makapangyarihan, at misteryosong lider ng kanilang bayan. Hindi inaasahan ni Ysabella na ang lalaking minsang tumulong sa kanya noong kabataan pa sila ay siya ring magiging "asawa" niya ngayon—ngunit sa papel lamang. May sariling dahilan si Mayor Alaric kung bakit pumayag siya sa kasunduan: kailangan niyang mapanatili ang imahe niyang "settled" upang matuloy ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa pulitika. Ngunit habang lumilipas ang mga buwan sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nabubura ang hangganan ng kasunduan. Sa pagitan ng mga scripted na halik sa harap ng kamera at mga gabing puno ng katahimikan, may damdaming unti-unting nagigising. Hanggang kailan sila magtatago sa likod ng kontrata? At kapag dumating ang oras ng pag-pirma ng annulment papers, sino ang unang aatras—ang pusong natutong magmahal o ang pusong takot masaktan muli?
Romance
10588 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Bogus Billionare

Bogus Billionare

Dahil pinagtaksilan ng kanyang fiance, napagpasyahan ni Caroline Evans na magpakasal sa iba ng biglaan. Tinatawanan siya ng lahat dahil sa kanyang desisyon na talikuran ang pagiging tagapagmana ng pamilya Morrison at sa halip ay pumili ng isang mahirap na binata. Pero ang hindi alam ng lahat, ang binatang iyon ay isa pala sa pinakamayamang tao sa sa buong mundo, at nasa bansa lang siya para mag invest sa pag unlad nito. Siya rin ang uncle ng kanyang dating fiance! Sobrang nasaktan si Caroline Evans dahil sa pakiramdam niyang niloko siya at dahil dun ay nagpumilit siyang makipag divorce. Pero kinorner siya ng kanyang asawa at puno ng lambing na sinabi, “Hindi ako ang bilyonaryong iyon. Nagpa-retoke lang yun para maging kamukha ko..” Tinitigan ni Caroline ang gwapong mukha nito at naniwala siya. “Anong sumpa ito na magkaroon ng mukhang kagaya ng isa sa pamilya Morrison!” Kinabukasan, nagulat ang buong mundo sa balitang itinakwil na sa pamilya ang tagapagmana ng pamilya Morrison at ni sinco ay wala ng natira rito. Sa kabilang banda, ang bagong kinoronahang top billionaire, ay nakasuot maskara para takpan ang kanyang kagwapuhan.
Romance
9.837.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Divorced My Cheating Husband, Married His Uncle

Divorced My Cheating Husband, Married His Uncle

Walang idinulot na maganda ang pagsasama nina Mallory at Simon. Puro pasakit at paghihirap lang ang lahat. Mallory lost everything... Her marriage, her baby, and a home to stay in. Sa kabila ng mga ginawa at sinakripsiyo ni Mallory para kay Simon ay itinapon lang iyon ng parang basura ni Simon at pinili ang kabit nito. Puno ng galit at hinanakit ang puso, umalis Mallory ng mansyon na hindi alam kung saan pupunta. Ang magulong buhay niya ay mas lalo pang gumulo nang pumara sa harapan niya ang itim na van at lumabas si Thomas Lopez, ang Uncle ng asawa niya, para alukin siya nito ng kasal.
Romance
10993 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Trapped with My Ex's Brother-in-Law

Trapped with My Ex's Brother-in-Law

Gumuho ang mundo ni Kristine Montero nang malaman niyang nag-propose ang dating kasintahan niyang si Leo sa babaeng minsan niyang tinuring na kaibigan. Sa gitna ng sakit, galit, at pagkadurog ng tiwala, pinili niyang lunurin sa alak ang lahat ng alaala nila. Ngunit sa isang gabing puno ng kalasingan at luha, nagkamali siya ng nilapitan—at isang halik ang nag-ugnay sa kaniya sa lalaking hindi niya kailanman dapat pinatulan—Attorney Harvey Hilton, ang kilalang malamig, makapangyarihang abogado… at future brother-in-law ni Leo. Ang isang gabing akala niya’y panandaliang pagkalimot ay nauwi sa mas malalim na gulo. Kinaumagahan, bumagsak ang mundo ni Kristine nang malaman niyang ipinakulong ni Leo ang sariling ama sa kasong gawa-gawa. Sa desperasyon, napilitan siyang lumapit kay Harvey—ang tanging taong may kapangyarihang iligtas ang pamilya niya. Ngunit paano kung ang abogadong hiningan niya ng tulong ay siya ring lalaking minsan niyang hinalikan? Paano kung sa bawat pagkikita nila, mas lalo siyang nahuhulog kahit alam niyang sa pagitan nila, nakatali ang lihim, galit, at isang maselang ugnayang maaaring magwasak ng lahat?
Romance
10186 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
1819202122
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status