Isang gabi ng kasalanan. Isang lihim na pagbubuntis. At isang lalaking hindi niya kailanman inaakalang kailangang harapin muli. Wala sa plano ni Evelyn Ramirez ang mahulog sa tukso habang nasa isang Mediterranean resort. Isang gabi lang ‘yon—isang gabing puno ng init, paglimos ng kalayaan, at pagkalimot sa mundo. Walang pormal na pagkakakilala. Walang pangako. Isang lihim na dapat kalimutan. Pero pagbalik niya sa Maynila, isang dalawang linya sa pregnancy test ang gumising sa bangungot. At ang lalaking responsable? Si Cassian Alcott—isang half-British, half-Filipino heir ng isang makapangyarihang pamilya at, sa hindi niya alam na kapalaran, ang may-ari ng studio kung saan siya nagtatrabaho. Evelyn wants to run. Pero sa piling ni Cassian, walang ligtas na taguan. Hindi siya ang tipong pinapaalis ng isang lalaki tulad nito—lalong hindi kapag may nakataya na. “Marry me,” bulong ni Cassian. “Not because I have to… but because I won’t let you go through this alone.” Sa mundo ng yaman, intriga, at mapanirang bulung-bulungan, paano pipiliin ni Evelyn ang sarili… kung ang puso niya ay unti-unting nahuhulog sa lalaking dapat sana’y isang gabi lang sa kan’yang buhay?
View MoreBumubuhos ang malakas na ulan sa windshield habang nakaupo si Evelyn sa loob ng kotse, nanginginig ang mga daliri sa mahigpit na pagkakahawak sa manibela.
Ilang minuto na siyang naroon, hindi makagalaw, habang pinagmamasdan ang malamlam na ilaw sa ikaapat na palapag ng condominium. Alam niyang hindi siya dapat narito. Alam niyang ang ganitong mga sandali ay para lamang sa pelikula—'yong tipong tanga ang babae, nagmamasid mula sa dilim, at umaasang mali ang kutob niya.
Pero hindi na siya umaasa.
Hindi na ito kutob.
Kanina lang, habang naghihintay siya sa café kung saan sila dapat magkikita ng boyfriend niyang si Adrian, dumaan sa screen ng phone niya ang isang mensaheng hindi sinasadya—isang screenshot na ipinasa ng kaibigang hindi nakatiis. Nasa larawan si Adrian. Wala siyang suot na shirt. At yakap siya ng isang babaeng pamilyar ang ngiti. Isa sa mga junior consultant sa kompanya nila—si Dana.
Hindi niya alam kung paano siya nakalabas ng café. Hindi niya na rin natandaan kung paano niya naitakbo ang sarili niya sa kotse papunta sa tinitirhan ng lalaki na, sa buong akala niya, ay kasama niyang bumubuo ng kinabukasan. Ang alam lang niya, ngayong nasa harap na siya ng katotohanan, bumabaliktad ang sikmura niya sa sakit.
Nang maramdaman niyang muli ang sakit sa lalamunan, parang sasabog ang dibdib niya, ibinulsa niya ang phone at huminga nang malalim. Tapos ay bumaba ng kotse. Hindi na niya binigyang-pansin ang malakas na buhos ng ulan. Wala na siyang pakialam.
Tahimik ang buong hallway, pero maingay ang dibdib niyang tila sasabog sa pagitan ng galit, takot, at awa sa sarili. Isang halimuyak ng bagong luto at tawa ang sumalubong sa kan’ya habang naglalakad siya sa hallway. At nang marating niya ang pamilyar na pinto ni Adrian—na dati’y pumipintig sa damdamin niya ng saya—hindi na siya kumatok. Binuksan niya ito gamit ang lumang susi na hindi pa pala niya naibabalik.
Sa loob ng silid, hindi niya agad nakita ang kabuuan ng eksena. Ang una niyang napansin ay ang mga boses nito—mababang tawa, pamilyar, at mapang-akit. Tapos ang dalawang basong may alak sa lamesa. Isang platitong kakagamit lang. At mga damit na nakakalat sa sofa.
At sa mismong sala ay naroon sila. Si Adrian na walang pang-itaas. Si Dana na nakasuot ng oversized shirt na hindi kan’ya.
Sumikdo ang sikmura ni Evelyn sa mga nakikita—pinipigilan ang huminga.
"Evelyn?" halos mabulol sa gulat si Adrian. “What—what are you doing here?”
Hindi siya agad sumagot. Hindi dahil wala siyang sasabihin—kundi dahil alam niyang sa oras na bumukas ang bibig niya, wala na siyang mababawi. Kaya tumingin muna siya sa paligid. Sa wine glasses. Sa strawberries na may kagat na. Sa scented candle sa mesa na siya mismo ang nagregalo.
“Wow,” mahinang sabi niya, halos pabulong. “May bago na palang tumira dito.”
“Eve, hindi ‘to—” Sinubukan siyang lapitan ni Adrian, pero umatras siya.
“’Wag kang lalapit,” aniya, mababa ang tono pero matalim. “Sagutin mo muna ‘ko, Adrian. Gaano na katagal ‘to?”
Si Dana na bahagyang nakatago sa likod ng sopa ang nagsalita. “Evelyn, this is really not the way to—”
“Shut up.” Walang sigaw, pero ang bigat ng boses ni Evelyn ay sapat para patigilin ang kahit sinong may konsensya. “You don’t get to talk right now.”
Tumitig siya kay Adrian nang matagal. “I’m asking you. Ilang buwan na?”
Napakamot si Adrian sa ulo, kitang-kita sa mukha niya ang anyo ng isang lalaking nakagawa ng pagkakasala. “I-I don’t know what to say.”
“Say the truth,” sagot niya agad. “At least now. Kahit ngayong wala nang natira.”
Ngunit wala ni isa sa kanila ang nagsalita.
Napailing si Evelyn at bumuga ng hangin. “Akala ko, busy ka sa meetings. Akala ko, sinusubukan mo lang abutin ‘yong promotion mo. Pero habang ako, nilalaban ‘to mag-isa… ikaw pala, nilalabanan ako.”
“Eve, I never meant to hurt you—”
“Pero sinaktan mo ako. Paulit-ulit. At hindi mo lang ako basta ‘sinaktan’—you humiliated me.” Unti-unting tumulo ang luha niya sa kan’yang pisngi. “You made me feel like I was too much. Too emotional. Too needy. ‘Yon pala… may iba ka nang pinupunuan habang ako, binabakante mo.”
Lumabas si Dana mula sa likod ng sofa, nakakrus ang mga braso sa dibdib. “Look, Evelyn, we didn’t plan this. It just… happened.”
“No. No,” sabat niya, natatawa pero nanginginig pa rin ang boses. “Hindi lang basta ‘nangyari.’ Hindi ‘yan aksidente. Hindi kayo nadapa at naghalikan. Hindi kayo sinapian ng multo at sabay natulog.”
“Eve—”
“It took choices. Deliberate ones. T-in-ext mo siya. Sinundo mo siya. Nilutuan mo ng dinner. Pinauwi mo ako ng maaga para magkasama kayo. That’s not something that just happens, Adrian!”
Natahimik ulit si Adrian. Hindi ito makatingin sa kan’ya.
Humakbang papalapit si Evelyn kay Adrian. “Do you love her?”
Lumingon si Adrian kay Dana, pagkatapos ay kay Evelyn. “I… I don’t know.”
"’Wag mo akong gawing tanga, Adrian! Ano’ng hindi mo alam?" bumulwak sa tinig niya ang sakit na pilit niyang nilulunok. "Limang taon. Limang taong ikaw lang ang minahal ko. Tapos ito lang pala ang isusukli mo sa ‘kin?"
Halos mapatawa siya sa kirot na bumabalot sa puso niya. “Five years. Limang taon na akala ko, tayo. At ‘yan lang ang kaya mong isagot?”
“I’m sorry,” bulong ng lalaki.
Pinagmasdan niya ito, unti-unting umiiling na parang hindi makapaniwala. “Alam mo, Adrian? Hindi ako galit dahil may iba ka. Galit ako kasi sinayang mo ako. Sinayang mo lahat ng binigay ko. Lahat ng tiwala. Lahat ng paniniwala.”
Umiling siya. “At ikaw…” Tumingin siya kay Dana. “I trusted you. I welcomed you sa team. Tinuruan kita. Tinulungan kita. At ang sukli mo sa ‘kin? Isang patalim sa likod.”
Bubuka pa lang sana ng bibig si Dana nang biglang sumabat si Evelyn. “Huwag mo akong paandaran ng moral compass mo ngayon. You knew about me. You knew. Pero ginawa mo pa rin. At sa totoo lang? Mas masahol ka kaysa sa kan’ya. Dahil wala kang utang na loob, wala ka pang puso.”
Wala nang ibang nasabi ang dalawa. Pareho itong umiwas ng tingin sa kan’ya.
Mabigat ang katawan ni Evelyn habang pinupulot ang scarf na naiwan niya sa may sofa. Tumigil siya bago tuluyang lumabas.
“Huwag kayong mag-alala. Hindi ko kayo aagawan ng peace of mind. Hindi ako kagaya niyo.”
“Evelyn, please—” Sinubukan pa siyang pigilan ni Adrian.
“I’m done. Tapos na ‘to. Tapos na ako.”
At tulad ng pag-alis ng ilaw sa unit nang isinara niya ang pinto, para bang may humugot sa puso niyang dati’y puno ng pag-ibig.
Hindi siya umiyak sa hallway. Hindi rin sa elevator. Pero pagpasok sa kotse, doon na sumabog ang luha niya. Ang mga hikbing bumabalot sa loob ng kan’yang sasakyan. Ang ingay ng damdaming sinubukang itago habang nasa loob ng impiyerno.
At sa katahimikang iyon, pinindot niya ang search bar ng cellphone niya. Hinanap ang pinakaunang available na flight.
“One-way ticket. Kahit saan. Basta malayo rito.”
At isang araw bago ang kan’yang ika-dalawampu’t walong kaarawan, si Evelyn Ramirez ay lumipad palayo. Palayo sa lahat ng sakit. Palayo sa lahat ng traydor.
Malalim na ang gabi nang makarating sila sa bahay ni Cassian. Tahimik lang si Evelyn sa buong biyahe, pinapanood ang mga ilaw sa labas ng kotse habang dumaraan sila sa mga main road. Malamig ang hangin sa loob ng sasakyan, pero mas malamig pa rin ang bigat na bumabalot sa dibdib niya. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil hindi pa rin niya alam kung paano haharapin ang lahat.Nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang modernong two-storey house na gawa sa glass at dark stone, sandaling hindi naka-imik si Evelyn. Hindi niya inakalang ganito kaganda ang bahay ni Cassian. Akala niya'y isang condo lang sa business district. Well, bilyonaryo nga pala ito. Muntik na niyang makalimutan.“I had it renovated a year ago,” sabi ni Cassian habang binubuksan ang passenger door. “Didn’t really think someone else would be living here.”Tumango lang siya at lumabas ng kotse, dala ang maliit na overnight bag na pinilit niyang pagkasyahin ang ilang mga damit at mga gamit niya.Pagpasok nila, agad na tum
Halos mag aalas nuwebe na ng gabi nang makauwi si Evelyn. Mabigat ang bawat hakbang niya habang binabaybay ang malamlam na hallway. Tumutunog ang takong ng flats niya sa tiles, pero mas maingay pa rin sa isip niya ang mga tanong na hindi niya masagot-sagot.Pagkapasok sa unit, agad niyang hinubad ang suot na flats at isinabit ang cardigan sa hook sa tabi ng pinto. Gusto lang sana niyang mahiga, magpahinga, at kalimutan kahit sandali ang mga pangyayaring bumalot sa kan’yang araw.Pero bago pa man siya makalakad papunta sa k’warto, may biglang kumatok. Tatlong sunod-sunod na katok.Napatigil si Evelyn at sandaling nagduda kung may narinig ba talaga siyang katok o kung guni-guni lang niya iyon dahil sa pagod. Pero nang may kumatok ulit nang mas malakas, nilapitan na niya ang pinto.Pagbukas niya ng pinto, halos mapaatras siya sa gulat dahil sa taong bumungad sa kan’ya.Nakatayo sa harap ng pinto si Cassian. Suot ang charcoal gray suit na bahagyang nakabukas ang kwelyo. May makikitang pag
Kinaumagahan, habang abala ang buong studio sa paghahanda para sa isang editorial shoot, tahimik lamang si Evelyn sa kan’yang workstation. Nakaupo siya sa editing corner, pa-check na sana ng mga raw shots mula sa isang bridal session kahapon, pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin niya magawang tumutok.Ang kamay niya, nakapatong sa mouse, pero hindi gumagalaw. Sa screen, naka-freeze ang larawan ng bride na nakangiti habang hawak ang bouquet—isang kuhang sana’y magaan lang i-edit. Pero ngayon, para bang ang bawat larawan ay isang tanong: kaya ko pa ba ’to? Kaya ko bang magpatuloy, habang may buhay na umuusbong sa tiyan ko?Sa paligid, abala ang lahat. Si Mark, ang videographer, ay nasa kabilang dulo ng studio, kausap ang isang kliyente tungkol sa prenup shoot nila sa Tagaytay. Si Lorie, ang production assistant, ay abalang tinatahi ang veil ng bride para sa styling board. At si Ava na palaging pulido at palaging composed ay pabalik-balik habang kinukumpirma ang wardrobe pieces
Kung puwede lang tumakas, matagal na sanang wala si Evelyn doon.Nakatayo siya ngayon sa harap ng isang antigong pintuan na gawa sa dark wood, ukit-ukit ang disenyo at mukhang mas mahal pa sa buong apartment na inuupahan niya sa Makati. Mula pa lang sa gate ng Alcott Family Estate, alam na niyang ibang mundo ito—tahimik, malawak, at nakababalot ng uri ng karangyaan na hindi mo basta-basta makikita. Lalo na kung galing ka sa pamilya na mas sanay sa palengke kaysa sa private dining rooms.The estate stood like a fortress in the heart of Forbes Park—modern in architecture but cold in atmosphere, as if every tile and sculpture was there to remind her she didn’t belong. Malalaki ang bintana, pero walang liwanag ang pumapasok. Kahit hapon pa lang, pakiramdam niya gabi na sa loob.Nag-alok si Cassian na sunduin siya gamit ang sasakyan nito, pero tumanggi siya. Gusto niyang dumating bilang sarili niya. Hindi bilang babae ng kung sino. Hindi bilang alaga. Hindi tagasunod. Gusto niyang patunaya
Nakatayo si Evelyn sa harap ng maliit na gate ng lumang bahay nila sa Quezon City, hawak ang overnight bag sa balikat—pero mas mabigat pa roon ang pinapasan niya sa dibdib.Ilang linggo na siyang hindi umuuwi. Wala siyang padalang text. Walang tawag. Wala ni isang “kumusta.” At ngayong nasa harap na siya ng gate, isang lumang bakal na may kalawang sa mga sulok at bahagyang umaangat kapag hinawakan, biglang sumiksik sa dibdib niya ang tanong na kanina pa niya tinatakasan.Handa na ba talaga ako?Pero ang totoo, walang sinuman ang talagang handa sa ganitong klaseng balita.Umaga pa lang, pero may init na sa hangin. Naamoy niya ang luma at tuyong damo sa paligid ng bahay—pamilyar, pero ngayon ay parang may ibang bigat. Tumigil siya sandali, pinilit huminga nang malalim, at pinigilan ang panginginig ng mga daliri habang pilit inaayos ang pagkakabit ng strap ng kanyang bag sa balikat.Biglang bumukas ang screen door sa terrace.Lumabas ang nanay niya, suot ang lumang duster na kulay faded
Tatlong linggo na ang lumipas mula nang opisyal na ipakilala si Cassian Alcott bilang bagong President at CEO ng creative studio. At sa bawat araw na lumilipas, para itong isang patibong na hindi niya matakasan.Sinusubukan din niyang iwasan ang mga tanong ng mga katrabaho, kung bakit daw siya nilapitan ng boss nila at paano sila nagkakilala. Sinabi na lamang niya'y nagkilala sila noong nagbakasyon siya sa Santorini at wala nang iba pa. Humupa rin naman ang mga tanong na siyang kinatuwa niya.Evelyn kept her head down. Sa meetings, pinipilit niyang manatiling propesyonal. Isang maikling pagtango, matipid ang mga sagot, at halos walang eye contact. Sa emails, halos kasinglamig ng kape sa pantry ang tono niya. Pero kahit anong effort ang gawin niyang iwasan ito, nararamdaman pa rin niya ang presensya ni Cassian. Kahit hindi siya nakatingin, kahit nasa kabilang sulok ito ng silid, alam niya.May isang uri ng bigat sa paligid kapag naroon siya. Isang tensyon na hindi maipaliwanag pero ram
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments