Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Cold Secret CEO

My Cold Secret CEO

Noong mga araw ng dalisay na pag-ibig, sila ang perpektong pares. Magkaklase at laging magkasama, nagbahagi sila ng mga pangarap at pangako sa ilalim ng matandang puno—nanata na hinding-hindi maghihiwalay. Siya ay puno ng ningning at init noon, habang si Elara ang kanyang liwanag: simple, tapat, at mabuti. Payapa ang kanilang samahan, hanggang sa isang mabigat na dahilan ang nagpilit sa kanilang maghiwalay. Walang paalam o paliwanag; nawala ang ugnayan, at ang lahat ay naiwan lamang bilang alaala sa kanilang mga puso. Lumipas ang maraming taon at nagbago ang lahat. Ang lalaking kilala niya noon ay bumalik na ibang-iba—si Kaelian na ngayon, isa sa pinakamakapangyarihan, mayaman, at pinakamalamig na CEO sa industriya. Tinitingala at kinatatakutan, itinayo niya ang matibay na pader sa paligid ng sarili upang itago ang nakaraan at mga lihim. Ang pusong minsang mainit ay nagyelo na, sarado na sa sinuman, at determinado siyang panatilihing lihim ang kanyang tunay na pagkatao. Sa kabilang dako, nanatiling simple at payapa si Elara, namumuhay nang karaniwan at malayo sa ingay ng kanyang mundo. Masaya siya sa buhay, walang kaalam-alam na ang lalaking akala niya ay bahagi na lamang ng nakaraan ay isa na sa pinakakilalang tao sa bansa. Para sa kanya, si Kaelian ay alaala na lamang na tahimik niyang iniingatan. Hanggang sa pagtagpuin sila muli ng tadhana nang hindi inaasahan. Sa unang pagkikita matapos ang mahabang panahon, nababalot ng pagdududa ang kanilang mga mata. Makikilala pa kaya ng malamig na CEO ang babaeng minsang nagbigay kulay sa kanyang mundo? O mananatili siyang nakatago sa likod ng matigas na anyo, itinatago pa rin ang mga lihim na naghiwalay sa kanila noon? Ang muling pagtatagpo ay simula ng pagbukas ng nakaraan at pagsubok kung ang dating pag-ibig ay sapat pa upang gibain ang mga pader na itinayo ng panahon.
61 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as karen puno
Read
+Library
OWNED BY MR. STANDFORD

OWNED BY MR. STANDFORD

Nang mawala kay Joan Tan ang scholarship niya dahil sa isang lalaking makapangyarihan na binasted niya sa publiko, wala siyang choice kundi tanggapin ang isang delikadong kontrata- Maging girlfriend... at pag-aari ni Aaron Standford. Isang ruthless billionaire heir. CEO. Doctor. Lalaking kayang kontrolin ang lahat. Except her. Habang pilit inililigtas ni Joan ang kapatid niyang may sakit, unti-unti naman siyang nilulunod ni Aaron sa isang mundong puno ng luho, obsession, at bawal na pag-ibig. Pero paano kung ang relasyong nagsimula sa blackmail at kontrata... ay maging totoo? At paano kung dumating ang araw na kailangan nilang piliin- Pagmamahalan nila... o ang mundong sisira sa kanilang dalawa? A dark billionaire romance full of obsession, sacrifice, betrayal, power, and heartbreaking love. Because sometimes... the person who saves you is also the one who destroys you.
102 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as karen puno
Read
+Library
LOVE BEYOND TRADE

LOVE BEYOND TRADE

Baon sa utang at lulong sa casino, ang desisyon ng kanyang ama ay ipagpalit ang kanyang nakababatang kapatid na babae para sa isang contract marriage sa anak ng pinuno ng kanyang pinag-utangan. At upang mailigtas ang kanyang nakababatang kapatid na babae, napilitan si Claire Mariano na palitan ang posisyon ng kanyang kapatid at pakasalan ang susunod na lider ng pamilya ng mga Navarro, si Javier Zen Navarro. Ngunit paano kung higit sa malaking halaga ng pera ang puno’t dulo ng kontrata na ito? Paano kung sa likod nito ay isang sikreto ang nag-uugnay sa mga Mariano at Navarro? Magagawa kaya ng kontrata na pag-ugnayin ang dalawang pusong sangkot sa madilim na katotohanan? O’ ito ang magsisilbing mitsa sa isang malaking gulo sa pagitan ng kanilang pamilya?
9.97.2K viewsOngoingAdded to Library 194 Times as karen puno
Read
+Library
One Night, Forever Mine

One Night, Forever Mine

Si Luna Reyes ay isang simpleng babae na handa nang magpakasal—hanggang sa mahuli niyang may ibang babae ang fiancé niya sa mismong kama nila. Wasak, sugatan, at pagod na sa pagiging “tama,” napadpad siya sa isang bar para takasan ang sakit kahit isang gabi lang. Doon niya nakilala si Adrian Vale—isang makapangyarihang CEO na sanay makuha ang lahat ng gusto niya. Isang gabi. Walang pangalan. Walang bukas. Ngunit ang gabing iyon ang magbubuklod sa kanila sa paraang hindi nila inaasahan. Sa muling pagtatagpo nila, hindi na maiiwasan ang tensyon, pagnanasa, at emosyon na pilit nilang tinatakasan. Pero sa mundong puno ng kapangyarihan, lihim, at kontrol—hanggang saan kayang ipaglaban ni Luna ang sarili niya? At handa ba siyang mahalin ang lalaking maaaring sumira… o bumuo muli sa kanya?
101.9K viewsOngoingAdded to Library 46 Times as karen puno
Read
+Library
Ang Dalawang Mukha [Tagalog]

Ang Dalawang Mukha [Tagalog]

S.B.S
Nang magising si Amella mula sa matagal na pagkahimlay, natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na walang alaala sa kanyang nakaraan. Ni-mukha niya ay bago sa kanyang mga mata. Maging ang sariling pangalan ay hindi siya pamilyar. Maging ang sarili niya hindi niya kilala. Hindi niya alam kung saan siya magsisimulang hanapin ang sarili, lalo na nang malaman niyang ikinasal na siya sa isang lalaking nagngangalang Christian. At lalong gumulo ang mundo niya nang lumitaw si Hade sa buhay niya. Ang kanyang buhay ay naging magulo at puno ng mga katanungan. Sino si Hade? Bahagi nga ba siya ng nakaraan niya? Ginugulo ng lalaki ang kanyang diwa pati na rin ang kanyang puso. "Ang Dalawang Mukha sa loob ng iisang katauhan"
103.1K viewsOngoingAdded to Library 125 Times as karen puno
Read
+Library
Maddening Desires

Maddening Desires

VANILLARIOT
Jorge Czar Desjardin, isang Mafia Don ng isa sa pinaka matayog na organisasyon sa Pilipinas. Cold, Serious and Deadly. Ngunit sa kabila ng lahat ng katanyagan nito sa larangan ay iisa ang tanging hinahangad niya at iyon ay ang malaman ang tunay na nangyari sa pagkamatay ng kanyang Ina. Jacintha Yza Desjardin, ampon ng mga Desjardin, isang matapang na babae, na hindi maalala ang kanyang nakaraan na kusang binura ng kanyang isipan. Feisty, Brave and Driven. Walang ibang nais kundi ang makawala sa mundo na puno ng p*tayan at bumuo ng pamilyang maituturing niyang kanya. Kaya ng mangyari ang mga di inaasahan at nagulo ang kanilang nakasanayan; ay wala na silang takas sa tensyong kanilang nararamdaman, kahit pa tingin nila ito ay kabaliwan. MEN OF POWER SERIES [ 1/5 ]
1.4K viewsCompletedAdded to Library 41 Times as karen puno
Read
+Library
The Billionaire Mafia is my  Enemy

The Billionaire Mafia is my Enemy

El Maris
Punong puno ng puot si Melanie Vergara. Kung akala ng pamilya ni Blake Ortega na naubos ng mga ito ang lahi niya, malaking pagkakamali nila ito dahil nagbabalik siya para singilin ang mga ito. Nag-antay lang siya ng tamang tiyempo para umiksena. At nakakita na nga siya. Nilaslas niya ang mga gulong ng sasakyan ni Blake bago siya sumugod dito to the rescue. Iisa lang ang kanyang mithiin- si sirain niya ang lahat ng operation ni Blake pero ililigtas niya rin ito kunwari. Two birds in one stone kumbaga. Ang di lang niya pinaghandaan ay ang karisma ni Blake. Makalaglag panty pala ang kaguwapuhan nito. Paano na lang ang paghihiganti niya kung bawat lapit ni Blake sa kanya ay nanginginig ang kanyang laman sa excitement?
2.0K viewsOngoingAdded to Library 61 Times as karen puno
Read
+Library
Scars From The Past

Scars From The Past

Eliza Janice Montebon  Simpleng babae, matalino, masipag, madiskarte at malambing na anak. Lahat ay gagawin matupad lang ang inaasam na pangarap at mithiin.Ngunit may lihim na hinagpis sa kanyang nakaraang pagkatao. Ito ang nagsisilbing hugot niya upang magtagumpay sa buhay at makamtan ang inaasam na katarungan sa kanyang yumaong magulang.  Lorenzo Aragon Multi-billionaire and super hunk na business tycoon at a young age. Natotong tumayo sa sariling sikap dahil na rin sa walang makuhang suporta mula sa magulang dahil sa komplikadong pamilya niya. Walang babae ang hindi nahuhumaling sa kanya, lahat ay kanya lamang pinagbibigyan dahil sa tawag ng laman at pangungulila sa iisang prinsesa ng kanyang buhay na kanyang kababata. Isang krimen at trahedya ang nagpawasak sa malaprinsesang buhay ni Eliza. Musmos pa lamang siya nang walang-awang pinatay ang kanyang mga magulang sa loob pa mismo ng kanilang bagong biling lupain na niregalo ng kanyang ama sa kanya sa kanyang kaarawan. Ang mas masakit pa ay nasaksihan niya mismo ang pagpaslang sa mga ito at ang salarin ay walang iba kundi ang ama ng kanyang kababata at minamahal ng kanyang pusong paslit na si Enzo Aragon. Dahil sa takot at pangamba sa kanyang buhay naggawang magtago ni Eliza at mamuhay ng malayo sa kanyang nakasanayan. Sa paglipas ng panahon, nabuo sa kanyang puso't isipan ang galit at pagkapoot sa pamilyang sumira sa kanyang magandang kinabukasan. Isa na riyan ang paghihigante kay Enzo dahil wala man lang siya hinanap nito. Paano pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang puso kung ang isa ay may masamang binabalak? Matatagumpayan kaya ni Enzo ang ibalik ang tiwala sa kanya ni Eliza kung ang kanyang puso ay puno ng hinagpis at mantsa ng nakaraan? Mapapatawad kaya ng pusong nasaktan at puno ng hinagpis ng pilat ng nakara.Mananaig kaya ang pag-ibig at pagpapatawad kaysa paghihiganti?
2.2K viewsCompletedAdded to Library 62 Times as karen puno
Read
+Library
CEO'S MAFIA HEIRESS

CEO'S MAFIA HEIRESS

Isang mafia heiress. Isang batang CEO. Isang lihim na misyon. Si Margarette “Blue Rose” Zobel ay bihasa sa lahat ng paraan ng laban—mula sa martial arts hanggang sa diskarte sa mundo ng krimen—pero ang pinakahuling utos ng kanyang ama ay magbantay sa anak ng isang batang CEO na pinaghihinalaan nilang may kinalaman sa pagkawala ng mahalagang shipment. Sa bawat galaw at desisyon, unti-unti niyang natutuklasan ang katapatan, tapang, at puso ng taong dati niyang kinamumuhian. Ngunit sa mundong puno ng intriga, pagtataksil, at lihim, ang kanilang galit at pagdududa ay unti-unting napapalitan ng pagnanasa at pagmamahal. Sa pagitan ng aksyon at pag-ibig, sino ang mananaig—ang tungkulin o ang pusong hindi inaasahan? Sa bawat hakbang na kanilang tatahakin, matutuklasan nilang minsan, ang pinakamalaking panganib ay ang mahalin ang taong dapat sanang labanan.
387 viewsOngoingAdded to Library 10 Times as karen puno
Read
+Library
SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED

SCARRED SOLDIER (Filipino) COMPLETED

Aura
Tumibok ang inosenteng puso ni Annabelle sa murang edad na disi-nuebe sa sundalong nadestino sa probinsiya nila—si Lt. Luis Miguel Saavedra. “You look perfect tonight, sweetheart.” Nakangiti ang malamlam na mga mata ng binata na nakatitig kay Annabelle. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nakalaylay sa pisngi niya at inipit iyon sa likod ng tainga. “Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo.” Sa kabila ng siyam na taong agwat ng kanilang edad ay naiparamdam nila sa isa’t isa ang kanilang tunay na pagmamahalan. Nanumpa ng pag-ibig na walang hanggan. Ngunit isang hindi inaasahang dagok ang dumating, bunga nito ay ang masaklap na paghihiwalayan. Ngayong nagtagpo silang muli, makakaya kayang harapin ng dalaga ang bagong Miguel? Makakaya niya kayang harapin ang mga titig nitong puno ng pagkasuklam at mapagparusang pakikitungo sa kaniya?  
1013.7K viewsOngoingAdded to Library 301 Times as karen puno
Read
+Library
PREV
1
...
910111213
...
32
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status