Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I REFUSE ONE OF HIS COMMANDS [R18+]

I REFUSE ONE OF HIS COMMANDS [R18+]

"Staying is the Key... Fragile Blood is the Freedom..." Mahirap lahat sa umpisa, pero lahat ay nakatakda sa paraang kakaiba. Matagal na panahong pagmamatiyag ang ginawa, makilalang lubos lamang ang babaeng napili niya upang maging katuwang sa lahing pinamumunuan niya. Sa bawat ngiti't tawa ng dalaga ay nakamasid siya, sa bawat pagtulog at paggising nito ay nakikita niya. Matagal na panahong pagbabantay ang nilaan niya, maraming nagtangka ng masama sa taong mahal niya, lahat ng 'yon ay tinapos niya. Lahat ng magtangka ay pagbabanta ang pinapalit niya, ang lumabag ay matatapos ang paghinga. Sa maling pagsagot sa mga tanong niya ay may matinding parusa. Sa gabing ito, nakatakda ang pag-iisa. Dapat na siyang makilala ng babaeng matagal na niyang ninanais at sinisinta. Ngunit kahit ganun ay may takot pa rin siyang nadarama. Alam niyang hindi ito gugustuhin ng babaeng mahal niya. Marami mang babae ang umiibig sakaniya. Ngunit isa lamang ang gusto niya. Ang babaeng nagligtas sa kaniya sa kapahamakan ng sila'y mga bata pa. Mula ng araw na 'yon, binantayan na niya ang babaeng iniibig niya ngayon. Gusto niya man muling makipagkilala rito pagkatapos ng pagliligtas nito sakaniya noon ay hindi maari. Muli lamang niya itong makakausap kapag nangyayare na ang pag-iisa ng kanilang mga lahi sa madilim na Gabi. At ito ay mangyayare ngayong Gabi. Na kung saan lahat ng mangyayare ay doon mag-uumpisa. Sa lahat ng utos na nilikha niya ay may isang mabigat na utos na kinatatakutan niya. Dahil ang babaeng napili niya ang maglalarawan sa nag-iisang mabigat na utos na binaba niya.
Romance
1011.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Forsaken Wife

The Billionaire's Forsaken Wife

Labing-walong taon mula nang makabalik si Andrea sa piling ng kanyang tunay na mga magulang. Sa loob ng labing-walong taon na iyon ay wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang makabuo ng masayang pamilya. Kaya nang ikinasal siya kay Alejandro at nabiyayaan ng kambal na anak ay pinangako niya sa kanyang sarili na mamahalin at aalagaan niya ito. Kahit na ang kapalit ay ang masakit na katotohanang hindi siya mahal ng kanyang asawa. Para sa mga anak ay handa siyang magtiis, ngunit gumuho nang tuluyan ang mundo ni Andrea nang hilingin ng kanyang anak, sa mismong araw ng kaarawan nito na si Clarisse na ang ituturing nitong ina at hindi siya. Si Clarisse, ang kababata ni Alejandro. Ang babaeng tanging minamahal nito.
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Rebelde at Ang Sundalo

Ang Rebelde at Ang Sundalo

Minahal ni Aya si Dindo ngunit may sikreto ang binatang hindi niya kayang sabihin. Napatay ng sundalong Daddy ni Ava ang mga magulang ng rebeldeng si Dindo. May balak si Dindo na maghiganti ngunit hindi na niya naisakatuparan dahil mahal na niya si Ava. Ang hindi magawa ni Dindo na misyon ay ginawa ng kapatid niya mismo. Napatay ang Daddy ni Ava sa araw ng kanyang graduation at doon niya nalaman ang tunay na pagkatao ng lalaking minahal at pinagkatiwaan niya. Dahilsa galit, naging sundalo si Ava at naging kalaban niya si Dindo na siyang lider na ng mga rebelde. Mabubuo pa kaya silang muli ngayong mortal na silang magkalaban?
Romance
107.2K viewsCompleted
Read
Add to library
A Wife For Revenge

A Wife For Revenge

Daylan
Mga bata pa lamang sila ay mahal na ni Ann ang CEO ng Luxury Hotel and Resort na si Collin, kaya nang ligawan siya nito at yayaing magpakasal agad ay hindi siya nagdalawang-isip at pumayag agad. Akala niya ay magiging masaya ang buhay niya dahil sa lalaking mahal niya siya nagpakasal ngunit nagkamali siya. Dahil kinasangkapan lang pala siya ni Collin para paghigantihan ang daddy nito na siyang pangalawang asawa ng mommy niya. Dahil sa sobrang pagmamahal niya sa asawa ay tiniis niya ang mga pasakit na ginagawa nito sa kanya. Ngunit hanggang saan ang gagawin niyang pagpapaka-martir dahil sa pag-ibig? Kung sobrang durog na durog na ang kanyang puso? Kung pati sa kanyang sarili ay tuluyan na siyang mawalan ng respeto at hindi na niya kaya pang bumangon pa? Bago pa mangyari iyon ay lumayo na siya habang dala sa sinapupunan niya ang bunga ng pagmamahal niya sa asawa. Pagkalipas ng limang taon ay muling nag-krus ang mga landas nila. Lahat gagawin ni Collin makuha lamang sa kanya ang anak nila. Ngunit hindi siya papayag sa plano nito dahil may sarili siyang plano. At ang planong iyon ay uumpisahan niya sa pamamagitan ng kanyang anak. Subaybayan ang kuwento ng isang babaeng sobrang nagmahal kaya sobrang nasaktan. Kung paano niya binuo ang pira-pirasong puso at kung paano niya pinalambot ang tila bakal na puso ng kanyang dating asawa sa pamamagitan ng kanilang nag-iisang anak na siyang muling magbubuklod sa kanilang dalawa.
Romance
105.1K viewsOngoing
Read
Add to library
BILLIONAIRE'S JUDGE VERDICT ( CARSON ELITE SERIES 3)

BILLIONAIRE'S JUDGE VERDICT ( CARSON ELITE SERIES 3)

WARNING ⚠️ MATURED CONTENT ⚠️ READ AT YOUR OWN RISK..!! Paano mo sasabihin sa isang tao na mahal mo s'ya kung alam mo sa sarili mo na may malaki kang kasalanan na nagawa sa kan'ya sa nakaraan? Saan hahantong ang pag-ibig na nararamdaman sa taong manhid na ang puso dahil sa labis na sakit na naranasan at nararamdaman dulot ng ng masaklap na nakaraan? Magtatagumpay kaya ang tadhana na pagtagpuin sila?
Romance
10219.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Savage and Ruthless Ex-Boyfriend

My Savage and Ruthless Ex-Boyfriend

KittyCatty26
What if one day your ex showed his handsome face in front of your door steps? Pero kung noon, mabait at mahal na mahal siya nitong Ex niyang ‘to. Ngayon galit na galit ito sa kaniya, na halos isumpa siya nito. Kung nakakamatay nga ang pagtitig lang, baka bumulagta na siya ngayon dahil sa matalim na pagtitig nito. Pero mga mare, nawindang ang kagandahang lupa ni Janice nang sabihin nito kabit siya ng tatay nito. At kaya ito nagpakita sa kaniya ay para ilayo sa ama nito nang tuluyan, kasama na rin ang paghigantihan siya sa pang-iiwan niya rito five years ago. Tapos itong Ex na ito ay tinaguan mo ng anak, for five years. Na ngayon ang buong akala ay kapatid nito ang sarili nitong anak, dahil nga sa iniisip na kabit siya ng ama nito. Magkaayos pa kaya silang dalawa, matutuloy kaya ang naudlot na romance o forever na lang na bokya sa love life silang dalawa.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
BE WITH YOU (TAGALOG VERSION)

BE WITH YOU (TAGALOG VERSION)

BE WITH YOU (TAGALOG) Lumaki si Adeline Pendleton sa isang mayamang pamilya. Nasa kanya ang lahat ng gusto ng isang tao sa buhay. Kayamanan, katanyagan, kagandahan, pera, mga damit na taga-disenyo, at mga masasarap na pagkain. Lahat, maliban sa lalaking mahal niya- si Drake Wright. Si Drake Wright ay ang tagapagmana ng Wright's Corporation. Sa kanyang murang edad, bumuo ang kanyang mga magulang ng isang imperyo na mamanahin niya balang araw. Okay ang lahat para sa kanya, hanggang sa nasangkot ang kanyang ama sa isang seryosong sitwasyon na nakaapekto sa kanilang kumpanya. Sinabihan siya ng kanyang mga magulang na malulugi ang kanilang kumpanya at ang tanging makakalutas sa kanilang problema ay dapat niyang pakasalan ang anak ng kanilang kaibigan- si Adeline Pendleton. Hindi niya gusto ang babae dahil ito ay masyadong walang muwang para sa kanya; naiinis siya sa presensya nito, at may mahal na siyang iba. Sa kasamaang palad, may malubhang karamdaman din ang kanyang ama at wala siyang magawa sa kanilang kumpanya kaya't humingi ito sa kanya ng pabor na ayusin ang problema para sa kanya. "Marry her, son. That's the only way. If you won't, maglalaho lahat ng sinakripisyo at ginawa namin ng ina mo para sa kumpanya natin." Sabi ng ama ni Drake habang nakahiga sa kanyang kama, hindi maigalaw ang kanyang mga kamay. Ano kaya ang mangyayari sa one-sided at broken marriage nina Drake at Adeline? Kakayanin kaya ni Adeline ang malupit na pagtrato at kayabangan ni Drake? Mabubuhay ba silang magkasama bilang mag-asawa nang walang pagmamahal at pagkakaintindihan? O mamumulaklak ang pag-ibig sa gitna ng bawat poot at hindi pagkakaunawaan?
Romance
1055.7K viewsOngoing
Read
Add to library
THE MISTREATED WIFE: MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIA

THE MISTREATED WIFE: MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIA

Paninumula: Pagkatapos ng limang taon na patago nilang kasal, hindi kailanman malapit sa kanya ang kanyang asawa sa harap ng iba. Hanggang sa isinama nito ang kanyang dalawang anak na lalaki at maging si Trixie Domingo para mag candle light dinner at makatanggap ng papuri mula sa pamilya ni Shania mula sa internet bago ito tuloyang mamaalam. Nang marinig niya ang kanyang anak na tinawag itong "Auntie Trixie" dahilan ng pagkaguho niya at pagkawalang interest nito sa asawa niya na kailanman ay hindi ito mahal maging ang kaniyang mga anak ay kinamumuhian siya. Naisipan na lamang ng Thessa na magpaka layo-layo at tanging paraan niya lamang ay mahalin ang sarili matapos ang pakikipag diborsyo sa asawa nito, at balikan ang dating maliit na negosyo sa Baranggay Payapa, doon ay nakakapag experimento siya ng mga halamang para sa mga may sakit , at mga halamang pang paganda. Matapos malaman na gusto niyang maghanap ng Tatay para sa anak niyang Babae , isang sayantipikong boss, isang financial tycoon , at isang nangungunang idolo sa isang aktibadong teleserye at lahat ng mga ito ay nag rekomenda at nagpakilala sa kanilang sarili. Para humingi lamang ng pabor. Kalaunan ang kanyang dating asawa ay biglang lumuhod at punong puno ito ng pagsisi sa mukha, "Thessa" mahal kita pwede ba tayong magpakasal muli? Ang tila bosses na puno ng pagsisi ng kanyang asawa. "Carlo" para alam lang alam mo sariwa pa saakin ang lahat ng nagyari mula ng ikaw ay nagloko! Maging ang mga anak nito ay nagmakaawa na rin na balikan sila: "Nay" ikaw ang kailangan namin. At si Thessa ay iwinagayway na lamang ang mga kamay, " Hindi!" Hindi ko na kaya pa.
Romance
106.5K viewsOngoing
Read
Add to library
MY TWIN SISTER SURROGATE HERSELF

MY TWIN SISTER SURROGATE HERSELF

Si Jessa Dawson–Montevial ay isang butihing may bahay na desperadang mabigyan ng anak ang kanyang mahal na asawang si Damsel Montevial. Ngunit tila kay pait sa kanya ng kapalaran dahil hindi niya magawang makapagdalang tao dulot ng paliwanag ng siyensya na siyang bumibigo sa kanyang asawa at sa kanilang araw-araw na pagsasama. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagbigay pag-asa kay Jessa kakambal niyang si Jessy Dawson nang i-alok nito ang sarili bilang maging surrogate mother. Maging tama kaya ang desisyon ni Jessa na tanggapin ang alok ng kakambal gayong alam niyang minsan na itong nagkaroon ng labis na pagtingin sa kanyang asawa? O pagsisisihan niya na lamang ito kung kailan huli na ang lahat?
Romance
1014.8K viewsCompleted
Read
Add to library
THE MAFIA'S MISTAKEN WIFE

THE MAFIA'S MISTAKEN WIFE

MATECA
Tumakas si Florence sa kasal niya sa lalaking hindi niya mahal ngunit para lamang maging bride ng isang estrangherong lalaki sa araw ng kasal nito. No choice si Florence kundi ang magpakasal sa lalaking Joaquin El Greeco ang pangalan dahil nasa harapan na siya ng pari at ng guwapong groom. Ngunit paano kung malaman niya na ang lalaking pinakasalan niya ay isa palang pinuno ng mafia at kaya siya pinakasalan ay para paghigantihan dahil iniisip nitong anak siya ng taong kinamumuhian nito? Ano ang gagawin niya sakaling bumalik ang totoong bride nito gayong nararamdaman niyang umiibig na siya rito sa kabila ng paiba-ibang ugaling ipinapakita nito sa kanya? At bakit kamukha niya ang babaeng dapat sana ay bride ni Joaquin El Greeco?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status